watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 192065 times)

Msfi

  • Guest
Kusang bigay pero hindi obligasyon, yan ang sinasabi sa atin.  Pero kung ikaw lang ang pwedeng asahan ng magulang mo, makakaya mo ba sila tiisin? 

Siguro kung may mga abusado sa paligid ng magulang, isipan ng way para hindi puro pera ang kailangan ibigay na napupunta naman sa iba.  Pwedeng groceries, or i-supply ang mga meds & vitamins.


jared

  • Guest
NO! Pero bilang nagmamahal na anak (hindi tumatanaw ng utang na loob ha kasi feeling ko kapag utang na loob may sapilitan factor na kasama) sa mga magulang na nag-aruga sa akin, I will also "SHARE" what I have with them.

Tama yung mga sisses natin dito, kasama sa kulturang Pilipino ang kaugalian na to na minsan parang nagiging burden na din ng mga anak. At, nagiging reason naman para sa ibang magulang na umasa na lang sa mga anak nila kahit na nga "able" pa naman silang suportahan mga sarili nila.... parang tatay ko. hahahahaha! may pinagdadaanan din pala ko... hahay ::)

alexsy

  • Guest
Hindi obligasyon pero paminsan minsan magbigay naman tayo sa kanila. Saka matatanda na sila, kung anong makakapagpasaya, ibigay na. ang hindi ko lang ma take ay ang tatay ng kaibigan ko. Mayaman sila pero masyadong sakim!!! Lahat palaging pakabig sa kanya. Hindi nya na nga tinulungan yung anak nya, tapos ngayon na medyo ok na, panay ang hingi. Makapal masyado ang fez. Yes galit ako sa kanya. LOL affected. At nambababae pa. mas bata ha. Alam naman ng lahat na pera lang ang habol nung babae. Which makes me so sad kasi ipinagkait nya ang pera nya samga anak nya tapos mapupunta lang sa babae nya.

lisse

  • Guest
Eto sabi ng parents namin saming mgkakapatid (Mahirap Lang kami): igagapang namin ng daddy niyo pag aaral at mga pangangailangan niyo until kaya niyo na, pero one chance Lang ang ibibigay namin sa inyo sa college kaya pagbutihin niyo. Kung makatapos kayo at may maayos ng trabaho, at Hindi kayo mag-abot samin ng tulong, Salamat na Lang sa Diyos at Hindi na namin aalalahanin kalagayan niyo. Kung magbibigay naman kayo e di doble Salamat sa Diyos.
Kaya ngayon, Lahat kaming magkakapatid nagbibigay. Kundi man direct na cash sa kanila, minsan pinaggo-grocery na namin sila, or kami na may sagot ng bills or gasolina. Mas masarap pag nakakatulong ka ng walang pressure at bukal sa kalooban.

DasmaMama

  • Guest
^sis naalala ko mama ko sa "one shot" thing. Ganun din kame, bawal mag-shift o lumipat ng school para hindi masayang yung mga nakuha ng subjects.

nettai

  • Guest
Depende, kung umaasa talaga sila sa yo -- yung tipong nagbanat talaga sila ng buto just for you to graduate. Pero for me, the word "obligation" is something na walang kusa eh.

But I can say that they aren't good parents if they impose anything on you, especially gratitude. Yun lang.

Purple_Power

  • Guest
^Same mentality here. Kapag kinokonsensya ka nakakawalang gana talaga parang ang laki ng utang mo sa pagkabuhay mo sa mundo kapag ganyan sinasabi sa anak. Okay lang na humingi sila ng tulong huwag naman ganyan.

dashgirl

  • Guest
Yes, but only when super old na sila at hirap na hirap na maglakad or magbihis, you guys know what i mean. Pero pag medyo capable pa, i dont think so. You can help, out of love, but it should not be forced. Cases like this happen because of wrong thinking.

Ngayon, yung lola sa mom's side ko ang nagtthink na dapat we take care of her, which we do, pero inaabuso niya. My mom is an only child so dad ko lang yung gumagasto kasi housewife mom ko. Binibigyan namin ng meds, ayaw uminom, ngayon gusto niyang magpa.admit sa hospital. Ayaw din nyang maglakad para konting exercise kasi natutumba raw sya. Magagalit pag may isusuggest kami. Tapos, hindi maruning mag.save ng kuryente. Ioon nya yung aircon sa room nya at 6pm pero hindi naman mag.sstay sa room nya. During bedtime, naka on pa yung fan kasi mainit pa rin daw. E nasa other side ng room yung bed nya, ayaw naman nya magmove kasi papasukan daw ng hangin tiyan na. Tapos on yung tv eh hindi naman cya nagwawatch, tinutulugan lang nya. Pinapatay nya yung aircon at 9am na. Ilang times na namin sinabihan, sya pa yung magalit at mag.eemo. May time na binigyan ko sya ng 200 sa payday ko, sinabihan pa naman ako '200 lang?' Tapos, every payday ko, hihingi ng pera. Wtf? Wala pala syang savings kasi yung pera binibigay namin tinataya nya sa lotto! Pag sinabihan namin, eto sagot nya 'eto nalang nga kaligayahan ko, kukunin nyo pa?' May time nga na inadmit namin sya due to her insistence, tapos sabi ng doctor na may hangin lang daw tiyan nya. Kainis, parang nagtapon lang ng pera. Hindi talaga nya tinutulungan sarili nya, dadamayin pa kami.

Aaminin ko, may times na magwiwish ako na sana kunin nalang sya ni Lord para hindi na sya maghirap at para hindi na rin kami maghihirap. Tingn ko kasi ang mas naghihirap kami, lalo na yung parents ko. Even though it sounds mean, pero tingin ko pabigat sya sa pamilya. Sensya mga sis, nag.rrant na ako...

carlijn

  • Guest
Ewan nga ba sa mentalidad ng pinoy, nagiging utang na loob na binuhay ka sa mundo ng magulang mo… kung ikaw tingin mo nagging mabuti kang magulang sa anak mo eh hindi mo kelangan paringgan or ipamukha sa mga anak mo it’s their turn to take care of you when you get old because obviously kung napalaki mo ng maayos mga anak mo may kunsensya ang mga yan na huwag pabayaan ang magulang pagtanda.  Kaso kaya nagiging mabigat sa loob yang pagtanaw na utang na loob at pag-aalaga sa parents eh dahil kasi lagi pinapamukha o pinaparinig which is hindi dapat dahil yun ay kusang ibinibigay at hindi hinihingi.

Naging ugali kasi ng karamihan, hindi lang magulang kundi pati mga batugang kapatid  at iba pang kamag-anak yung umasa sa kung sino nakaka-angat sa pamilya kahit malakas pa sila at may capability na mag-work.  Kahit nga yung mga nasa abroad kung hingan nila mga kung ano ano eh kala mo pinipitas ang pera sa puno…. anyway OT na pero baket ba kasi ganito ang kinasanayan ng karamihan kahit yung iba mas malakas pa sa kabayo.  Anyway sorry sa rant, affected lang .

Purple_Power

  • Guest
^Very well said!  ;) Exactly the point

Sa paniniwala ko naman kultura ng mga Pinoy ang kusang tumanaw ng utang na loob pero ang nakakalungkot sa nangyayari ngayon naging kultura na ata na ipamukha sayo na utang na loob mo na binuhay ka ng magulang mo rito sa mundo.

Kaya kita mo maraming nagwawala sa mundo, paano kasi may ibang magulang wala talaga sa hulog ang ugali andyan yung expect ng expect sa anak na dapat mataas grades mo at ganito, at dapat honor ka ganyan tapos hindi motivate ang anak for learning sabay pag lumaki na at nakatapos na parang kailangan mo nang magbayad ng utang mo sa magulang mo dahil nagpakahirap sila. Dito pa man din sa Pinas ang hirap humanap ng work, habang napepressure ka na kakahanap sabay ipressure ka tapos iquestion na bakit wala ka pang trabaho imbis na motivate ka. Ugali pa nila na susumbatan ka.

dashgirl If I am in your situation I would feel the same thing. To tell you the truth noong 9 years old ako habang kausap ko yung dating maid na kinekwento ko sa kanya rants ko grabe wishful thinking ko at sinabi ko rin na sana mamatay na Lola ko. Kasi nga sa sobrang inis ko.  ;D Pinagsabihan nga ako nung maid na yun na "Huy! huwag kang ganyan masama yan" Grabe ha! sa bata kong yun nasabi ko yun sa sobrang galit ko. When she died, honestly speaking hindi ako nalungkot but then I have to admit again natuwa ako dahil feeling ko I am free. Based on your post I could imagine myself too na kapag naabutan ako ng Lola ko until now matindi siguro yung pressure na mararanasan ko saka baka ganyan rin na mangonsensya na kailangan kong tumanaw ng utang na loob.

xtine

  • Guest
Naayon lang na magbigay sa magulang.  My mom gave her first sweldo to lola ng buong buo as sign of respect and thank you.  pero after nun, mom only gave portion nalang.  Pang gastos gastos nila lola since tito and my tita gives also. 

For me, we need to give back for all their sacrifices and also for sign of respect.  However, it should be only to the extent of what we can afford.  In my case, I am quite blessed kaya sinasagot ko pati pangshopping ng mommy ko ng hindi masama sa loob.  I also pay for majority of household expenses as well as her groceries.  Kaya her SSS, retirement etc, all for her disposal, hindi ko sya pinagbabayad ng mga gastusin sa bahay as much as possible.  Kahit magshopping sha, keber ako dahil its about time that she enjoys her money without any obligation in her mind.  Nangutang at lahat sha para lang mapag aral kami sa private school.  I guess it depends on your financial situation but as a sign of respect, you should at least give back and God will shower you a hundredfold.

« Last Edit: May 22, 2013, 10:06:02 pm by xtine »

heaven_charm

  • Guest
i dont think it is mainly CULTURE. minsan masaya lang talaga sa pakiramdam na nakakatulong sa parents. im happy to help them lalo na pag iloveyou sila sakin and says thank you. i would rather work for my parents kesa naman makita sila na nagpapagod padin kahit malakas pa sila tapos ako gastos lang ng gastos ng luho ko

i am wondering, nakita niyo ba lahat ng hirap ng parents niyo just to raise you? and have you ever thought how you will be when you have your own kids and started working just to raise them? i saw how my mom and dad worked so hard to let me finish college kaya i am more than happy to give back to them.

willing ba kayo na magwork til the last day you die since mukang hindi kayo interesado na i-help kayo ng magiging kids niyo? we never can tell if magiging mayaman kayo ng sobra to the point na hindi niyo need ng kahit sino to pay for your needs

i am also thinking na baka kaya nagra-rant lang kayo kasi you dont have that much money to spare for them. i cant relate that much kasi may sobra naman ako sa income ko so keri lang sakin magbigay sa parents. just not sure pag kapos nadin ako. kesa naman ipang-shopping ko lage eh bigay ko nalang sa kanila. may savings parin naman ako so i dont mind.

based on my experience, mas madame swerte dumating sakin when i started giving to my family. pag kasi madame masama loob sayo mamalasin ka lalo and you end up ranting and being nega all the time

just want to share a quote "IF YOU CANT CHANGE THE SITUATION, CHANGE YOUR ATTITUDE". so kung ganyan na talaga and you have tried to change it and nothings working, rather than rant, just be thankful nalang that you are able to help and think of good karma

tahimik_24

  • Guest
^i agree sis heaven_charm masaya lang talaga makatulong.

My mom went to abroad for my studies. I am the eldest and nag sacrifice sya umalis para sakin at para samin. I am the eldest kasi. Gusto ko sila suklian at kung maari di na sila magtrabaho pag tumanda na sila. Meron kasing mga parents more than 60 na sige kayod pa tas di man lang maabutan ng mga anak.
Honestly ang isa sa wish ko makatulong sa kanila at maibigay ko kung ano kailangan nila pag kailangan nila ng tulong ko (financially and etc). Di naman ako kinukunsenya at pinipilit ng parents ko makatulong ngayong tapos na ko pero syempre may sarili naman akong puso at kunsensya.  ;)

And kung gusto natin mabago ang mentalidad/culture na ito, i think dapat mag start satin na pag tumanda tayo di tayo aasa sa mga magigig anak natin at nakababata dahil meron tayo. In short lets save for our future.  ;D

Purple_Power

  • Guest
First of all this topic is created for different opinions in which hindi maiiwasan ng ibang nagpopost ang magrant sa kanilang experiences. If we are going to back read from the very start hanggang sa current you would understand why others were ranting dahil masyadong painful yung pinagdadaanan nila lalo na nung kumikita sila tapos hindi naman lahat sapat ang kinikita. Another reason is naranasan mo na ba na IPAMUKHA SAYO lahat ng paghihirap na ginawa ng magulang? In the first place bakit pa nila kailangan gawin yun? Whereas the child herself can witness that on her own at siya mismo makakarealize nun. Nasa sa kanya na yan kung paano niya susuklian yun. I disagree na kaya most sisses here are ranting just because they don't have much spare of money to share whereas if you analyze the posts here others are willing to help, share or even offer, napakasimple lang ng kinalulungkot nila kundi na pressure sila at ipamukha sayo. Not only that may nagpost na nga rito na bukod pa sa sinasaktan pa siya ng Nanay niya dahil hindi siya nakapagbigay minsan tapos sabayan mo pa yung pinaghihirapan niya sa kinikita niya pinangsusugal lang ng Nanay. Don't you ever think that is painful? Paano siya hindi magrarant with that experiences? If you see others are already ranting here then of course we can help them too on how to solve that problem. We have to remember we are all different na may iba iba rin ang tolerance natin sa bagay bagay at yung sensitivity. As I said to my previous post parents can ask help there is nothing wrong with that lalo na kapag tumanda sila at hindi na nila kaya pero huwag na huwag lang silang manumbat. I will clarify it here that there is big difference between asking help and panunumbat. Honestly speaking in general kay magulang o ibang tao, I am willing to help kahit na kakapusin ako gagawin ko basta kaya ko huwag lang akong sumbatan ng kung ano ano dahil nakakawalang gana. I would also agree sa sinabi rin ng iba na dyan magrereflect kung paano ka pinalaki ng magulang mo and I think it was posted twice pa from different sisses. I would believe na kahit yung iba kapus na kapus na halos wala nang matira para sa sarili ay willing pa rin at magaan sa kalooban nila ang tulungan ang magulang nila dahil depende nga kung paano pa rin sila pinalaki at yung environment sa paligid nila. I would agree to the fact if you can't change the situation then change your attitude in which I've read to the post of other sisses here na they don't want to do it sa kanilang anak kung ano yung naranasan nila sa magulang nila. Tama hindi tayo sigurado sa pagtanda natin kaya nga dapat ang magulang tinatrato ng maayos ang anak, dinidisiplina ng maayos at impluwensyahan ng moral values dahil ang anak may nararamdaman rin yan at kapag umabot sa punto na nasaktan na siya nang husto sa mga ginawa mong hindi maganda dyan na tayo dapat mangamba sa magiging resulta niyan kung nakayanan ba nila o mapapatawad pa nila nang husto? Kasi you'll never know baka kapag humingi ng tulong ang magulang eh! hindi na niya mahihingan ng tulong dahil sa resulta ng maling pagtrato niya sa anak.

carlijn

  • Guest
Yes masaya po talaga to give especially to your family lalo kung hindi nila ineexpect at hindi hinihingi sayo ang ibinibigay mo.  I guess kaya lang naman some of us are ranting here in GT because we grew up na lagi pinamumuka sa amin ang pagkabuhay namin sa mundo.  I assure you, it does nothing good for our self esteem and the way we see ourselves.  In fact it makes us question our existence in the world, lalo ako personally dahil pakiramdam ko para akong investment, ano yun binuhay ako sa mundo para singilin lang in the end.  Choice nila buhayin ako sa mundo eh, shempre package deal sa pagkakaron ng anak ang buhayin sila at itaguyod diba.  Otherwise eh bat sila nag-anak. Yun din ba ang ituturo ko sa mga kids ko?

Being a good parent is not limited to providing enough money or sending your kids to the best schools, kasama sa paghulma ng isang bata ang pagtuturo ng tamang attitude at outlook in life… hindi lang naman pera pera ang usapan sa pagtataguyod ng isang masyang pamilya.  Aanuhin mo ang dami ng pera mo pero ang layo ng loob ng mga anak mo. 

Some of you here who are blessed to have good parents and appreciate the things they did for you pati lahat ng sacrifices nila kaya gusto ninyo sila suklian ng pagtanaw ng utang na loob, is dahil never nila sa inyo pinaramdam na nabigatan sila sa pagbuhay sa inyo.  Never pinamukha sa inyo na kailangan ninyo pagbayaran lahat ng paghihirap nila.  Alam nila na obligasyon nila sa inyo yun bilang magulang nyo dahil choice nilang buhayin kayo sa mundo at masaya na sila to see you happy and successful without asking for anything in return.  Kapag ang isang tao ba gumagawa ng mabuti sa kapwa kailangan nakaimbentaryo o nakalista? Hindi diba.  Kasi nga unconditional dapat ang pagmamahal sa anak.

I read somewhere before ... ALL CHILDREN DESERVE PARENTS BUT NOT ALL PARENTS DESERVE TO HAVE CHILDREN.  Hindi naman natin kinukwestion ang hirap ng isang magulang sa pagpapalaki ng anak eh, pero they cannot compare their life to yours because iba ang buhay nila sa buhay mo.  Iba ang naging choices nila at iba rin ang magiging choices mo.  Pero each of us will surely face some hardship in rasing our children.  Kahit naman tayo pagpinili natin magkaanak dadaan at daan din tayo sa hirap one way or another.  Pero isusumbat mo ba yun sa magiging anak mo.  Would you be able to say  to your child “wala kang utang na loob na anak pagkatapos kitang paghirapan buhayin”…. What would your answer be kapag sinagot ka nilang “eh hindi ko naman pinili sa mundo na buhayin mo ko sana pinalaglag o pinamigay mo na lang ako para wala kang sinusumbatan”.  Oo inherent sa culture natin ang utang na loob na yan at walang masama tumanaw ng utang na loob, ang masama is kapag pwersahan itong hinihingi.  Dahil ang nagiging labas eh kaya ka gumagawa ng maganda dahil naghihintay ka ng kapalit.  At mas masakit kasi pamilya mo sila.

Ang magiging attitude at treatment sa atin ng mga anak natin is a reflection of how we raised them and the values and morals we inculcated in them.  Tulad ng sabi ko in my previous post, if you are confident you raised your children well at mahal na mahal ka nila, why worry na pababayaan ka nila pagtanda mo .  At ikaw bilang anak, sobrang na-appreciate mo magulang mo kaya ba ng kunsensya mo pabayaan sila, shempre hindi diba.  Pero paano kung simula’t simula pa lang magkaisip ka eh pinamumuka na nila na kailangan mo sila bayaran sa hirap nila.  Would you also do the same to your own children?  Yung iba hindi talaga makakarelate sa nararamdaman naming mga nagrarant because you never felt this from your parents. Like what purple_power said , the issue is not the amount of money we are able to give pero yung panunumbat ang pinakamasakit. Choice ang pagiging magulang, choice magpalaki ng anak, pero kung hindi mo kaya choice mo din ipaampon para wala kang hirap.



Scubadoobidoo

  • Guest
This one is fairly easy to answer....yes you should. Partly because they are your parents and you love them and partly yes because its your OBLIGATION. After all the crap you gave them when you were growing up its now time for you to return the favor. Look back on your whole life and ask yourself this question: "Did your parents have to make all those sacrifices for you right up to the point when you got married? Did they have spare money to spend on their wants raising you up or did they spend it to give you a better life?" I think most parents want their kids to have a better life than what they have (except those child molesters)...deep inside we all know that as adults and with that knowledge we all know they had to make lots of sacrifices for us. Should you help them financially? It all boils down to who you are as a person, daughter or son.  ;)

ohcmon

  • Guest
Not really an obligation, but more like pagtanaw ng utang na loob. :)

My parents never obliged me to give back, to think that I grew up so spoiled at masasabi ko talaga na they went out of their way to give me everything I wanted and needed, pero ako 'yung nagkusa to give them 20% of my monthly salary. Nahihiya pa nga ako at first kasi I still live at home and my parents pay for my schooling (postgrad), so ano lang ba naman 'yung 20% na binibigay ko sa kanila, hindi naman kalakihan sweldo ko.

'Yun nga lang, I can see how happy they are 'pag inaabutan ko sila. Kahit magkano lang 'yan, lagi sinasabi ng mom ko na sobrang nakakatouch daw to share with them what I have even if it's not much.

Purple_Power

  • Guest
carlijn Very well said  ;) I agree all children deserve to have parents pero hindi lahat ng magulang deserve to have children. I don't need to explain kasi nawiwitness na rin natin yan not just in our own pero kahit sa ibang tao. Sa kamag anak mo pa nga lang meron na eh! And yeah not to mention pala now most of the kids nowadays are smarter than us. Kasi feeling ko nung kapanahunan natin parang we are pleasing our parents. Nakarinig na nga ako ng kwento eh! 9 years old she is questioning agad na bakit siya binuhay rito sa mundo, samantalang ako sinasarili ko lang yang tanong na yan and yet ang tanda ko na nung maisip ko yan as in matagal na akong nakapag graduate ng college nung maisip ko yan. You said it right about utang na loob and additional to what you have said eh di sana hindi na sila nahihirapan kung hindi nila naging choice na mabuhay ka sa mundo. Minsan nga naisip ko sana nag single na lang sila tapos tulungan nila ibang tao kung saan sila masaya kasi parang napakasakit sa kalooban nila na mismong pamilya nila ang tinutulungan nila. Kahit ikaw pa pinakamayaman hindi talaga maiiwasan sa isang magulang na mahirapan sila while raising their kids. Ginusto nila yan.

If you are a kind of person who values ang mga pinaghirapan nila and one of them is education then I don't think that is crap you are doing. Meaning kung nag-aral ka naman mabuti diba? Kung ikaw yung klaseng anak na nilustay mo ang pinaghirapan ng magulang mo then that is what you call a crap. Ang magulang ang dapat unang mag-isip if deserve ba niyang magsacrifice para palakihin ang anak niya.  And if you ask me part talaga sa pagiging magulang ang sacrifices, kung sa palagay niya hindi niya deserve eh di wag mag anak, ganun lang naman kasimple diba? Bakit pa nila kailangan pahirapan sarili nila tapos mandamay ka pa ng iba? Kung hindi nila nagawa yung mga gusto nila o nagasta yung pera nandahil sa mga gusto nila then it is not the children's fault anymore. Sino ba may gusto in the first place? Eh di paampon mo anak mo kung ayaw mo gumasta at kung gusto mong magfocus na lang sa luho mo. Kaligayahan dapat nila ang pagsilang mo rito sa mundo at dahil run magulang mo dapat ang tutulong sayo para magkaroon ka ng magandang buhay at kinabukasan. The problem with other parents is parating magseset ng expectation tapos mag aabang ng kapalit. Hindi mo ba naisip minsan na kapag nag expect ka eh meant to be na madidisappoint ka lang in the end? Kaya nga sabi ng iba kung ayaw mong madisappoint then huwag kang mag expect. Kung sa tingin mo gusto mo na magbigay tanaw ang anak mo sayo then as I said all over again PALAKIHIN MO NG MAAYOS AT TRATUHIN MO SIYANG MAAYOS bilang anak mo at tao. Huwag kang gagawa ng paraan na masasakripisyo niya dignidad niya bilang tao dahil hindi mo namamalayan na maiiba ang balik sayo niyan bilang magulang. I am hearing other cases na sasabihin binigay lahat pero ganyan pa rin ang anak in which I've also witness kung ano ang kulang sa pagiging magulang nila. Wala sa dami ng pera o pagbibigay ng pangangailangan ang pagiging magulang mo. Dyan masusubukan ang pagiging magulang mo.

mhy_pie03

  • Guest
^Reminded me of my dad. Binigay na raw lahat sa amin. Heller halos wala pa sa 1/4 ng sahod niya ang ibinibigay niya sa nanay ko. Sobrang tipid at husay lang din talaga maginvest ang nanay ko. Well off kami pero mas sinuportahan niya ng husto ang extended family niya. Lahat ng sinabi niya kinain din niya. Well other side of the story naman na ito.

Ang stand ko naman sa ganyan eh case to case. Sa case ng parents ko since kukulangin talaga sila in the future dahil sa subdivision kami at ang mahal ng property tax, daming supplements na kailangang bilin buwan buwan etc. I decided to make their remaining years a better one. Hindi kasi sila nakapagtayo ng business since close-minded nanay ko noon. Siguro dahil nga sa tatay ko na tinitipid kami. Hindi naman din maaatim na makita silang walang makain o makapagpagamot man lang lalo na kung kaya naman ng sahod ko. Yung tatay ng SIL ko ang kakaiba ang katwiran. Wala kasing trabaho SIL ko. Nakapagwork siya sa BDO pero 3months lang, since then, hindi niya naranasan kumita on her own. Laging nanghihingi ng pera tatay niya eh pinangbibisyo lang naman. Tapos itong nagkasakit (lifetime dialysis pa!), mga nagaalburoto kasi hindi raw marunong tumulong SIL ko. Heller may sariling pamilya sila ng kuya ko at hindi naman milyones kita nun! Sabi ko nga sa nanay ko, may mga taong pinanganak na wala man lang kontribusyon sa lipunan. Mga parasito! Tsk3x.

littlemisskikay

  • Guest
Sa tingin ko, hindi obligasyon ng anak pero pwede naman tumulong kahit paano especially kung matanda na yung magulang, e.g. retired na at nabubuhay sa pension. Since pinaaral naman din tayo ng magulang natin, at kaya tayo may trabaho ay dahil pinag-aral tayo (hindi lahat ay kayang papagtapusin ng magulang) bilang pagtanaw ng utang na loob, magbigay din para makatikim naman ng kaunting ginhawa yung magulang after all the years na nagpakahirap sila na palakihin tayo. I always believe na kung ano ang ginawa/ginagawa mo sa magulang mo, ganun din ang gagawin sayo ng anak mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close