watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 192047 times)

chicgurl

  • Guest
i feel what you sissies are saying all here..

same I am the eldest and I give part of my income to my mother & her family.. take note "her" because she is married with someone who isnt my father.. Hence I am helping my step father & my half brother. It's suppose to be just for my mother but alam mo naman satin ang nanay. Actually it was not my mother who sent me to school or provided for my education it was my father who has another family as well (thanks a lot to him, i was able to finish my education). they actually both abandoned me hahaha (i just laugh at it now, that's past). like most of you i was "obliged" to help my mother, siya mismo ang nagsabi sakin nun, right after my college graduation actually kung ingrata lang akong anaka diko siya tutulungan i have all the reasons why but i chose not to be ingrata.. bad vibes bad karma.. until now I still send her money to support her & her family kahit na diko naman obligasyon yung pamilya nya. what's sad is she only contacts me whenever she needs the money.. :) pero sanay na ako.. :) hehe i dont keep grudge as long as happy siya & healthy siya ok na ako dun :)

this is a filipino thing which is somehow hindi ko gusto, so when i have my own family i wont oblige my kids, instead I would tell them my life experience, up to them if they would give something in return out of their love for me not out of gratitude or utang na loob or obligation.. mas masarap sa feeling pag kusang binigay sayo at di sapilitan :) sa opinion ko lang naman :) sawang sawa na ako sa utang na loob sa totoo lang hahaha
« Last Edit: April 09, 2013, 05:49:33 pm by chicgurl »

Purple_Power

  • Guest
^Same here sawang sawa na ako sa utang na loob na pinamumukha sa akin kahit yung ibang mga kamag anak ko.

Ito lang masasabi ko, hindi naman kasi pagdadamot sa magulang ang pinag uusapan rito to the point na ayaw magbigay ng kinikita nung anak sa mga magulang at lalong hindi ito pagdown sa magulang. The point na karamihan ng frustration ng mga sisses rito as what I've read is binibigyan na nga yung magulang sabay nagrereklamo pa sila tapos hindi lang mabigyan ng kaunti dahil may problema sa finances yung anak eh! reklamo agad na hindi sila nagbigay. Sa iba pa nga rito ikaw na nga tumulong ikaw pa napasama. Tapos yung iba nga rito ayaw pa mag-asawa yung anak dahil siya ang breadwinner sa pamilya sabay magagalit pa yung magulang sa mapapangasawa ng anak. Eh! oras na ng anak niya para magkaroon ng pamilya at magbukod diba? It is a cycle kasi anong tawag rin sa ginawa ng magulang? Siya ba mismo inoobligahan rin ng Lolo at Lola ng anak noon na magbigay ng responsibilidad sa pamilya at huwag muna mag-asawa yung magulang ng anak? In other terms ang nakakainis rito ayaw ng tanggapin minsan ng magulang na mag-aasawa na ang anak nila at meron na silang sariling responsibilidad samantalang obvious na obvious naman na pinagdaanan niya rin ito diba? Ito ang isang bagay kung bakit hirap rin ang anak na makapag-abot ng kinikita sa magulang nila lalo na't sila mismo may responsibilidad nang sarili siempre pagsabayin mo yun it will suffer that much. Minsan may magulang na namimuhasa na nga sa kakahingi sa anak sila pa demanding tapos ang sama sama mo pa kapag hindi mo pa nasunod yung gusto nila whereas may matinding dahilan ka kung bakit nangyari yun. If you are single and well compensated tapos wala ka namang responsibilidad then why not giving your parents of what you have diba?

Another idea is instead of giving monthly, why not give them a source of income? ex patayo ng sari sari store at sila magbantay? start w/ 20k worth of grocery items, then pag may benta sila na bahala mag restock at paikutin ang pera.
Kung gusto laging may paraan, kung ayaw maraming dahilan...


I totally agree with this one na instead of giving them eh! give them source ng income. Mas okay na idea yan kasi kung ang parents mo nakakaintindi lang, what if may mga times na yung anak hindi makapagbigay ng pera because of some emergencies? Masaklap niyan magulang mo pa magagalit sayo.
Although I could expect na may magulang na sobrang mapride na ayaw magtrabaho at gusto umasa lang sa anak ng pera whereas dapat maintindihan nila kung bakit ito ang suggestion to give them source of income para at least may earnings pa sila especially for emergency. Kadalasan kasi kapag mamihasa silang humingi sayo in the end ikaw pa masama paano kung yung anak wala nang maipantulong?

chicgurl

  • Guest
sorry to say but meron talagang mga magulang na when they reach a certain age they feel na dapat spoiled sila ng anak nila kasi matanda na sila etc etc.. ewan ko ba! anong klaseng mentalidad ng pilipino ito hahaha nakakainis yung di ka naman pumapalya wala pang sweldo kinukulit kana.. nakakaloka hehe

pinksuman

  • Guest
ang ganda naman nitong question na ito :)

parating sinasabi ng mommy ko na: anak paglaki nyo, ayokong mahirapan kyo sa amin ng papa nyo kaya nag-iipon kame for our retirement and hindi kame sasandal sa inyo coz hindi nyo naman obligasyon na buhayin kame. Paglaki nyo, you will get married and have kids and yun ang obligasyon nyo na buhayin nyo yung family nyo.

the word "obligation" kase is a heavy word. parang whether you like it or not kailangan gawin. Para sa akin kung anong bukal sa kalooban mo eh yun yung gawin mo and besides it doesn't mean our parents are old na eh walang silbi na sila. Give them something to be busy with. Like give them a hobby or give your mom that Europe trip she's been longing for. :)

You will love your parents more if you alone becomes a parent. Ito rin ang ibabahagi ko sa anak ko when she grows old.



brendzy

  • Guest
true sis! we love them syempre they should also think na meron tayong sariling buhay diba? needs and wants...relate ako dun sa "nakakainis yung di ka naman pumapalya wala pang sweldo kinukulit kana.. " kaloka talaga...sabayan pa ng mga kapatid...hayyyy

chicgurl

  • Guest
@Len0523: very sad story.. madami din kasing mga anak na nakakalimot sa magulang.. ang moral dito, iba iba ang lahat ng tao iba iba ang story :) so depende paano mo haharapin. bow! hehe i live abroad pero i make sure I go home once a year to see my mother, she's not getting any younger.

@brendzy: that's what make me upset at times :) pero hindi naman tumatagal :) nakakaloka lang hahaha promise

wowry

  • Guest
Obligasyon? para sa akin hindi pero nasa sa anak na yon kung magbibigay ka o hindi. ako ang breadwinner ng family ko.eversince nag start ako mag work sa akin na sila umasa lahat.napag-aral ko 2 kapatid ko ng college at nakatapos na rin sila.un isa nag-asawa lang so hindi rin nakatulong sa magulang namin.yung isa up to now walang magandang work so ang sweldo kulang pa sa kanya. i tried giving my parents business, one RTW shop.binili ko rin ng kotse pero lahat yon nawala at nabaon sila sa utang.in the end ako pa nagbayad ng utang nila.masakit sa loob pero magulang ko pa rin so in the end,forgive and forget otherwise pahihirapan ko lang sarili ko.kasalanan ko rin kasi pinamihasa ko sila kakahingi at ako naman bigay lang ng bigay kaya naging dependent sila lahat sa akin.ngayon wala na ako sa work ko na pinanggagalingan ng malaking sweldo ko dati, bigla sila nagkilusan lahat.nagaral mama at papa ko sa TESDA at ngayon nagttrabaho na dad ko.mom ko din naghahanap na ng work. ngayon nasa work ako na mas maliit na sweldo as in wala pa sa kalahti ng sweldo ko dati pero mas masaya ako kasi wala ako iniintindi at naging maganda rin sa pamilya ko kasi hindi na lang sila umaasa sa akin, sa wakas natuto na sila.Enough na siguro ang 9 years na non-stop support.Nakakahiya na rin sa asawa ko kasi we need to start saving up na at pamilya naman namin ang intindihin ko baka mag-baby na rin soon.

Purple_Power

  • Guest
I've read the link already at ang masasabi ko sana ganyan ang mentality ng Tatay ko.

gab54

  • Guest
Obligasyon? para sa akin hindi pero nasa sa anak na yon kung magbibigay ka o hindi. ako ang breadwinner ng family ko.eversince nag start ako mag work sa akin na sila umasa lahat.napag-aral ko 2 kapatid ko ng college at nakatapos na rin sila.un isa nag-asawa lang so hindi rin nakatulong sa magulang namin.yung isa up to now walang magandang work so ang sweldo kulang pa sa kanya. i tried giving my parents business, one RTW shop.binili ko rin ng kotse pero lahat yon nawala at nabaon sila sa utang.in the end ako pa nagbayad ng utang nila.masakit sa loob pero magulang ko pa rin so in the end,forgive and forget otherwise pahihirapan ko lang sarili ko.kasalanan ko rin kasi pinamihasa ko sila kakahingi at ako naman bigay lang ng bigay kaya naging dependent sila lahat sa akin.ngayon wala na ako sa work ko na pinanggagalingan ng malaking sweldo ko dati, bigla sila nagkilusan lahat.nagaral mama at papa ko sa TESDA at ngayon nagttrabaho na dad ko.mom ko din naghahanap na ng work. ngayon nasa work ako na mas maliit na sweldo as in wala pa sa kalahti ng sweldo ko dati pero mas masaya ako kasi wala ako iniintindi at naging maganda rin sa pamilya ko kasi hindi na lang sila umaasa sa akin, sa wakas natuto na sila.Enough na siguro ang 9 years na non-stop support.Nakakahiya na rin sa asawa ko kasi we need to start saving up na at pamilya naman namin ang intindihin ko baka mag-baby na rin soon.
Happy ending  :)

aquacharly

  • Guest
NOWADAYS, I will stay say NO

BUT realistically, ma deny mo ba unless you move yourself far away where they cannot reach you, and you cut off communication with them 100%

So, the realistic thing to do is to control the assistance you extend, which they may demand/expect.
Consider it an allowance; feel good you can afford to give -- but do not rub it in their faces.

brendzy

  • Guest
sis wowry -- happy to hear na you have peace of mind now.  ;)

wowry

  • Guest
^Thank you sis ;D

bpa

  • Guest
A BIG, BIG NO for me. i believe that your life is yours to live. live by your principles. we have different opinions about this. i know many are thinking we owe them our lives, but i don't think that way. for me, they wanted to have a child so they had me. i didn't ask for this, so don't ask anything in return (sounds like ingrata) hehe. don't get me wrong, i don't mind giving if they really need it. they need not say another word, but it's not my responsibility to feed/shelter them. it was their responsibility to me when i was younger. my mantra about money - my salary/money is mine to share and mine to spend. if i want to treat them, i do naman. hindi naman ako madamot. basta, ii don't like the feeling na may obligasyon ako. mas masarap kase yun feeling na ginawa mo kase gusto mo, hindi dahil sinabi ng parents mo na ibigay mo or gawin mo.

nakakainis lang dito sa pinas may mga tao nag-aanak para may bumuhay sa kanila. parang wala kang karapatan mabuhay hanggang hindi mo nagagampanan yun obligasyon mo sa mga kapatid/magulang mo.

Purple_Power

  • Guest
^Same mentality here, hindi ko rin decision na mabuhay ako rito sa mundo at bigyan ng responsibilidad so hindi ko talaga utang na loob yun kasi pwede namang wala na lang ako rito sa mundo kung ayaw ng magulang ng responsibilidad eh! Ginusto nilang andito tayo sa mundo so they have to do their responsibility bilang magulang. And yeah nakakainis nga rito yung nag anak ng katutak para obligahan na buhayin sila. Tapos yung panganay designated to be future bread winner para pag-aralin ang mga kapatid.

brendzy

  • Guest
I think for me, yung work in progress sa akin is to set clear to my family in the phils kung magkano lang kaya ko ipadala. then in the future, I will not oblige my children na sila maging breadwinner. Hubby and I will make sure that we can enjoy even on our retirement and kids will enjoy their own earnings.

alice_alice

  • Guest
ang sagot ko dito di naman talaga obligado pero i chose na obligahin ang sarili ko kasi this is my way of thanking them for all the things they've done for me kahit ayaw na nila umasa saken ako nagkukusa. Single naman ako at walang ibang ginagastusan kundi sarili ko ano ba naman yung ibahagi ko ang meron ako katulad ng ginawa nila nung di ko pa kayang buhayin sarili ko.

nessy

  • Guest
To each his own. Kung gusto mo suportahan Parents mo, go! If you don't want, that's okay. IMO lang ha.

DasmaMama

  • Guest
Hi, I think this is a case to case basis. Panganay ako pero hindi naman ako obligado na buhayin ang parents ko or even my siblings. Sigruo kasi may work naman mama ko and nakapag-aral din mga kapatid ko. Pero tumulong ako simula nung nag-work ako.

Sa case naman ni Hubby, na panganay din at walang regular work ang parents (they had a sari-sari store). "Expected" syang tumulong sa kanila, lalo sa pagpapa-aral ng bros nya. Natapos na syang pagaralin ang 2 kapatid nya pero ngayong may sarili na din silang pamilya, madalas pa din "umutang" kay hubby. Sana kasi bago nag-asawa e nag-ipon muna.

bluegintonic

  • Guest
Yung kusang pagbibigay ng makakaya-no problem.Panganay din ako and nakakainis pag nagbibigay ako sa nanay ko, nabibigyan ang kapatid ko na sa edad na 32 nasa bahay pa namin at LALAKE siya.Tapos aawayin pa nanay ko.Pagsusukli na lang sa nanay ko kasi talaga naman solo niya kami pinaaral at pinalaki.

Ang ayoko lang at thankfully hindi nangyayari sa akin, yung demanding na nanay na DAPAT ganitong amount ibibigay mo monthly, tapos kung magpabili ng kung [textspeak!]-ano kala eh pinipitas lang yung bagay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close