watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191960 times)

Purple_Power

  • Guest
^Very well said ng Dad mo saka may logic yung sinabi niya na pinaghahandaan bago magdecide na magkaanak. Unlike in my case he keeps on saying wala akong utang na loob?  ??? After all what he did na hindi naman siya nagsumikap magtrabaho saka hindi family oriented. Mama ko lang breadwinner. It was like ang laki ng utang na loob ko dahil binuhay niya ako sa mundo, sa isip isip ko eh di sana hindi na lang ako nag exist para wala siyang problema. Pag humihingi ako ng tulong sa finances from my mom galit na galit siya kasi nahahadlangan mga luho na gusto niya especially for the house.

I really envy for those people na maswerte sa magulang saka logical mag-isip like that.

tannya

  • Guest
di naman obligation.treats lang gawain ko.minsanminsan pag may sobra shineshare ko lang sa kanila - for being thankful narin :)

cyber_princess

  • Guest
Para sa akin hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang nila.
Responsibilidad ng magulang na mapalaki ng maayos at mapag-aral ang anak nila.
Mas lalo ko iyon pinahahalagahan ngayon dahil may-asawa na din ako. Lahat ginagawa ko, pati ang pagkakaroon ng anak pinaghandaan ko at ng mister ko masiguro lang na magiging maganda ang kinabukasan ng anak ko. Never ko din inisip na maging obligasyon din ako ng magiging anak ko balang-araw. Dahil hindi naman nila choice na ipanganak dito sa mundo, ako at asawa ko ang gumawa ng desisyon na yun.

Kung sa pagtulong naman sa mga magulang mo at may sobra ka naman, bakit naman hindi mo sila tutulungan di ba? Kung mayroon at kaya mo, magbigay ka ng kusa sa mga magulang mo, ibigay mo basta't hindi sa punto na ikaw naman ang makukulangan lalo na kung may sarili ka na ring pamilya na dapat mong isaalang-alang.

Sa totoo lang, inis na inis ako sa mga magulang na walang ginawa kungdi mag-anak pero di naman nila kayang buhayin at pag-aralin, pagkatapos oobligahin pa nila yung mga anak nila na bumuhay sa kanila.
« Last Edit: March 02, 2013, 06:24:50 pm by cyber_princess »

sixteen16

  • Guest
para sa akin nasa iyo na yun kung gusto mo suklian ang mga ginawa ng magulang mo para sayo.. hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang nila.. pero nasa sa iyo na iyon kung pano mo itreat ang magulang mo after ka nya palakihin ng mabuti.. para sa akin yun ang paraan ko para pasalamatan sila sa magandang buhay na binigay nila sa akin.


monbla

  • Guest
Maswerte ako kasi handa sa retirement ang nanay ko. May sarili siyang bahay, SSS pension pagdating ng 60yrs old. Tinutulungan ko siya sa pang araw araw, health insurance at hulog sa bahay pero tinutulungan din niya sarili niya sa paside line side line. Mas nakakagaan o nakakawala ng pressure na di lahat naka asa sa akin.

Feeling ko ang ikinasasama naman ng loob ng ibang anak eh yung mga magulang na feeling entitled sa hayahay na buhay na di na rin nila tutulungan sarili nila. Dapat syempre intindihin din na di lahat pwedeng sa kanila lang.. Kung baga, alam nila na sa gipitan di naman sila matitiis, pero wag naman sana lagi gipitan o sinasagad baga. Lalo na dun sa malalakas pa, tulungan din nila sarili nila.

alexii

  • Guest
Here's my issue mga sis. Sorry mahaba ito, need ko lang ng advice.  :'(

Yung mama ko ever since nung bata pa lang ako lagi na sinasabi sakin na magnursing at magabroad daw ako at tulungan ko daw sila lalo siya. Ibili ko daw siya ng mga malalaking jar..etc at sustentuhan ko daw siya. Take note bata pa lang ako yun na sinasabi niya sakin. Si papa naman nagwowork kaya walang prob sakanya at wala ako naririnig na ganon sakanya. So lumaki ako na laging ganon ang sinanasabi sakin ni mama.

Si mama, hindi marunong humawak ng pera at may bisyo pa, nagsusugal siya at madami utang. Lagi sila nagaaway ni papa dati dahil nga sa pagsusugal. Okay naman siyang nanay kaso pag wala siyang pera at mainit ulo niya sinasaktan niya kami magkakapatid.  :'( As in madaming sampal at sabunot at kung ano-ano pa inabot ko.  :'(

So ito na, nakagraduate na ako at may work ngayon nung una nagbibigay ako every sweldo at half ng sweldo ko napupunta sakanya at naging okay naman na. Pero recently hindi na ako makapagbgay dahil may mga binabayadan din ako sa bahay kahit papaano.

Tapos nagaway kami kasi hindi daw ako nagpaalam na hindi ako uuwi (which is nagpaalam talaga ako) at lagi daw ako nasa bf ko (soon to be my hubby) (nabuntis ako kaso blighted ovum at hindi nabuo). Bigla nalang nanama ako sinaktan ng sobra at kung ano-ano na ang sinumbat sakin at ang pinapalabas eh wala daw ako kwenta, sayang ang pagpapalaki at dapat daw eh tumulong daw ako sakanila.

24 na ako at nahihirapan na ako sakanya at sinasaktan pa din ako.  :'( Inoobliga ako na tulungan ko siya sa mga utang niya at sa mga gusto niya kaso ganito naman ginagawa niya sakin. Ang bigat lang sa loob.  :'(
« Last Edit: March 07, 2013, 04:00:41 am by alexii »

Purple_Power

  • Guest
^Sis nasaan ang Tatay mo? Nakahingi ka na ba ng tulong sa kanya? Lalo na kung anong dapat gawin? Ang masasabi ko dyan you should ask help from anyone to prevent your mom. Kasi ang masama rito is nananakit siya eh.

Ang suggest ko sana is seek help sa mga organizations or sa mga councils, saka alam ko bawal yang nananakit ah! Yung iba nga nagfifile ng case as physical assault eh! Kahit na ba babae sa babae ang laban eh! Ask help from Charity Institutions too kahit yung madre ang nagpapalakad kasi nagbibigay sila ng advices eh! Kung gusto mo naman lumayo muna sa mother mo you can ask help from the Charity Institution and as I could see that is valid reason para tulungan ka nila. Believe me it works, yang sinasabi ko sa Welcome House yan in Paco Manila.

Seems that the objective of your mother is palakihin ka para sustentuhan siya dahil hindi siya responsable in terms of finances at puro nga utang, sugal, luho pa siguro kung meron man, no wonder kung bakit nag-aaway sila ng father mo which is understood naman. You are already in the right age to have relationship and being a mother as well. Hindi niya matanggap kasi natatakot siya na walang mananagot sa finances niya. For sure ang gusto lang niya is nakatali ka sa kanya habang buhay at siya mismo ang buhayin mo, ayaw niyang magkaroon ka na ng sariling pamilya.

Huwag kang papayag na ikaw ang magbayad ng utang niya. Dapat noong bata pa lang kayo o nung wala pa kayo sa mundo ay nagtatrabaho na siya ng maayos na sana naman naging ina siya. Ngayon kung inoobliga ka na nga niya as I've mentioned above seek for the councils na pwedeng tumulong sayo. Nakikita ko pa nga sa tarp kapag dumadaan ako ng MRT may Hopeline. Pwede mo ata sila hingan ng tulong regarding sa emotional problems.

Curious rin ako saan ba at kanino ba siya may utang?

princess jaz

  • Guest
My POV:
Hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang.
Obligasyon ng magulang ang buhayin ang anak.
Once na magkapamilya tayo, at maging magulang, nalilipat na sa atin yung obligasyon na buhayin ang sarili natin pamilya.

Kung tumutulong ang anak sa magulang kase mahal ng anak si magulang. 
It's a way of giving back and showing appreciation for all the things that they did.
My father had pension, but i think its not enough.
So kaming magkakapatid, kung kaya namin, nagbibigay kami sa parents namin regularly.


24 na ako at nahihirapan na ako sakanya at sinasaktan pa din ako.  :'( Inoobliga ako na tulungan ko siya sa mga utang niya at sa mga gusto niya kaso ganito naman ginagawa niya sakin. Ang bigat lang sa loob.  :'(

Have you tried talking to your mother?
Dapat malaman nya na nasasaktan ka na sa ginagawa nya sa iyo.  Ipaliwanag mo sa kanya yung situation mo.  Hingi ka ng tulong sa papa mo, sabi mo nga, may work naman sya at wala kang problema sa kanya.

alexii

  • Guest
Curious rin ako saan ba at kanino ba siya may utang?

Sis, salamat ha. Naiiyak naman ako nung nabasa ko yung advice mo. I'll try that. Tama ka sis, sakto lahat ng sinabi mo eh, parang ganon yung nakikita ko kung bakikt ayaw niya ako mg-asawa muna.  :(

Nako sis, madami siya utang talaga like sa bank na nabayaran na ni papa, yung sa province naming parang coop or isang maliit na company na nagpapautang, yung sa kamag-anak, sa life insurance nila ni papa at iba pa.

Kasama naming si papa ditto sa house. Di namin masyado sinasabi yung prob naming dito kasi alam ko madami na siya isipin lalo na un financial. Ayaw ko din ma-stress siya dahil sa mga nangyayari samin kasi highblood siya at baka kung mapaano pa. Pero alam niya lang eh nanakit talaga si mama samin at lagi niya pinagsasabihan si mama. Ito naman si mama, wala lang sakaniya lahat ng sinasabi namin kasi gusto niya siya lang ang tama at ag nasusunod.  :'(

Wala akkong ibang narinig kay mama habang lumalaki ako eh magpayaman daw ako at tulungan ko siya.  :'( Na-pressure tuloy ako. Hirap lang.


alexii

  • Guest
Have you tried talking to your mother?
Dapat malaman nya na nasasaktan ka na sa ginagawa nya sa iyo.  Ipaliwanag mo sa kanya yung situation mo.  Hingi ka ng tulong sa papa mo, sabi mo nga, may work naman sya at wala kang problema sa kanya.

Sis, may sakit kasi si papa at madami din ibang iniisip eh. Kinausap ko na si mama about sa pananakit niya and sabi niya ginagawa niya daw yun para matuto kami. Grabe! 24 na ako para matuto pa din? Nasa right age na ako, tapos ganon pa din. Kaya lalo bumibigat ang loob ko magbigay sa kanya eh.  :'(

pampam2

  • Guest
Hindi naman talaga Obligasyon. Kaya lang part of our culture talaga na kapag nag katrabaho eh nagbibigay sa mga magulang kahit pa nga sa mga kapatid 'di ba. Ako naman since my father left for another girl when I was still in my primary school, si Mama hindi naman kami pinabayaan. Naawa din ako sa Mama ko kahit may kongting financial support pa galing sa Papa ko. I finished college with my father's support then I got easily employed. Then eventually pinatigil ko na si Mama sa work nya, naging bread winner din ako and until now na married na ako for 13 years nasa akin pa din si Mama. I'm second among 3 siblings. As for me hindi ko kayang tiisin Mother ko, she's turning 70 na din.

Purple_Power

  • Guest
alexii Iba ang pananakit or physical assault, sa disiplina usually namamalo lang yan sa kamay. Baka naman mamaya bugbog na yan which is different story too. Wala nga siyang dahilan para manakit eh! Sorry to say but she seems that so spoiled na ang gusto lang niya is ibigay lang sa kanya lahat ng gusto niya na hindi niya pinaghihirapan kundi iasa lang sa inyo ng tatay mo. Ang advise ko is huwag talaga magbigay sa kanya, kahit matanda na siya may panahon pa para magtanda siya. May limitasyon rin ang lahat. Iba ang kahulugan ng tulong sa pananagot sa mga utang niya o pananagot sa dapat na naging responsibilidad niya. Kaya niya gustong maging mayaman ka para lahat ikaw managot. Hindi ganun kadali magpayaman. Kahit kasing yaman mo sina Henry Sy, Gokongwei o Bill Gates pero kung ilulustay lang ng Nanay mo ang pera babagsak at babagsak pa rin yan lalo na kung siya mismo ayaw magsave, earn and invest. Wala ba siyang work? seems that yung tatay niyo lang ang nagwowork noon habang nag-aaral pa kayo.

Saka yung pananakit niya is about hatred already and not because she wants you to learn. Duuuhh!!!! wala nga siyang credibility para manakit na claim niya is to discipline you eh kung siya nga itong dapat may matutunan sa pagiging responsableng ina o magulang. It is more pressure lang para kumayod ka at magkaroon ng maraming pera then ikaw ang managot sa lahat.

If you want to help her dapat sa investment not giving her money.

You can search sa net naman on what charity institutions that can help you, ako yun ang ginawa ko eh! kaya I discovered the Welcome House,  ;D nagulat nga yung madre nun na sa net ko nadiscover eh. Pero baka in searching other institutions or organizations may mahanap ka pa na mas reliable.

Huwag ka na sis pumayag na saktan ka pa niya, nandahil lang sa wala kang naiabot na pera? That is abuse na. If I were you talaga kapag hindi na masettle ang ganyang problema punta ka na agad sa nirerefer ko o kung ano man na org na nasearch mo. Tell them the whole problem. Pwede kasi mangyari dyan they will talk to your mom.

alexii

  • Guest
^ Tama ka sis, si papa lang ang nagwowork samin pero nagbubusiness naman si mama kaso nga lang walang nagtatagal talaga. Salamat uh.  :) Try ko mag seek ng help through org or any charities para mabawasan yung stress at trauma ko sa mga nangyayari.  :'(


contented

  • Guest
Our parents did not obligate us to give or ibalik man kung ano ang mga nagawa at nagastos nila for us, pero nagbibigay kami kapag meron... nung employed pa ko, kaming magkakapatid automatic na every pay day magbibigay kami ng tig 1.5k so in 1 month 3k per head (hehe) sa mother namin yun , sa father namin tig 500 in 1 month bale 1k. Mas malaki kay mother kasi siya ang nagbudget... never nila kaming inobliga at wala din naman nagsabi sa amin pero nung nag kawork kami naging ganun na ang siste.. then ngayon married na ko at ibang kapatid ko nagbibigay pa din kami! pero hindi na twice a month.. once a month na lang... automatic kasama na yan sa expenses list namin! Ganyan din hubby ko! Mahal natin mga magulang natin so dapat lang naman kung meron tayong mabibigay e magbigay... gusto ko maging magaan na buhay nila ngayon... ayaw ko na silang mamrublema sa pang gastos nila! Tama sigurong term sinusuklian lang natin yung mga nagawa at naibigay nila sa atin.. love my parents so much!

Purple_Power

  • Guest
^ Tama ka sis, si papa lang ang nagwowork samin pero nagbubusiness naman si mama kaso nga lang walang nagtatagal talaga. Salamat uh.  :) Try ko mag seek ng help through org or any charities para mabawasan yung stress at trauma ko sa mga nangyayari.  :'(

Hindi naman ako magtataka kung bakit walang nagtatagal na business sa kanya, kasi inuna niya yung pagsusugal and other unnecessary things lalo na yung magpapabagsak talaga sa negosyo and finances. Kung naging responsable siya magtatagal ang negosyo niya. Walang mangyayari talaga sa taong hindi marunong humawak ng pera kahit manalo pa ng lotto yan sa pinakamalaking halaga.

Isang bagay na dapat you prevent yourself to give her money kasi bukod sa mamihasa ang nakakatakot dyan kapag umabot sa point na yung Tatay niyo naman nangailangan ng tulong dahil sa sakit niya, baka manakit na naman Nanay niyo dahil wala kayong naibigay sa kanya tapos wala na siyang pakialam sa sakit ng Tatay niyo o kahit sa pangangailangan niyo basta maibigay niyo lang dapat yung gusto niya. I could sense that she can be that selfish.

babythug28

  • Guest
i'm thankful that my parents do not oblige me or my brother na magbigay sa kanila. although minsan nagtatampo lang kapag hindi sila nati-treat or pag kelangan nila ng pera eh hindi napapautang ng bro ko.they ask me for money, pero utang yun and unti unti namang binabayaran nila. i don't mind actually since dito pa din kami nakatira sa bahay ng mga anak ko. but i always see to it that i share with the expenses like sa groceries, kuryente, net, mga ganun.nagwowork pa si father and si mother naman more on investments. so may mga pinagkakagastusan pa din silang bills kaya minsan kami na kusang gumagastos para dito sa bahay. pero that's it. i never handed cash to them as a bigay lang. usually ililibre na lang namin sila ni hubby when dining out and masaya na sila nun :)

alexii

  • Guest
Isang bagay na dapat you prevent yourself to give her money kasi bukod sa mamihasa ang nakakatakot dyan kapag umabot sa point na yung Tatay niyo naman nangailangan ng tulong dahil sa sakit niya, baka manakit na naman Nanay niyo dahil wala kayong naibigay sa kanya tapos wala na siyang pakialam sa sakit ng Tatay niyo o kahit sa pangangailangan niyo basta maibigay niyo lang dapat yung gusto niya. I could sense that she can be that selfish.

Wag naman sana sis mangyari yun.  :'(

Purple_Power

  • Guest
^Of course we don't want that to happen and we are not supposed to expect that pero siempre we must be ready for the other possibilities lang para hindi ka na magulat or madisappoint nang husto. Kasi remember as you've mentioned na-preggy ka right? pero hindi nabuo. Bakit nakuha pa niyang saktan ka instead of being a mother, damayan ka sa problema mo lalo na sa condition mo during that time, I mean ang sakit nun ah! lalo na physically. I am afraid lang na umabot sa point na wala na siyang pakialam sa health conditions niyo tapos worst case manakit na naman siya. I am saying this for you to be ready and you will know how to prevent her kesa naman sa gawin niya ulit ang hindi dapat.

jameica025

  • Guest
mga sis share ko lang din no ako din ay suport ko din mom ko even i have not much enough money can give dahil nga din kulang padin para amin may family nadin ako pero mahirap padin talaga walang magawa hindi naman puwedeng pabayaan ang magulang. at isa pa sa magkakapatid hindi pare pareho ng ugali na tutulungan ka sa pag suport sa magulang may matitira talaga na mas concern sa magulang. isipin nalang natin na kung hindi dahil sa kanila hindi tayo nabubuhay ngayon at wala tayo sa kinalalagyan natin ngayon diba?

harlet

  • Guest
^ i agree sis na me mga kapatid na iniaasa na lang sa isang kapatid nila ang pag-me-maintain sa mga magulang nila.   parang hinayang na hinayang sa nilalabas na pera....ayoko na ring i-question yung bakit malaki ang contribution ko or parang mas nasa akin ang responsibility....in my case, malaki sana ang matitipid ko kung kasama ko si madir, kasi ngayon nakabukod siya at sagot ko rental ng unit niya at lahat ng maintenance nya....i have no choice kung hindi ibukod na lang siya kasi ang trip  nya laging sumimangot, nagsusungit.....ang lakas maka-stress.....eh naniniwala ako na pag laging me nakasimangot sa bahay, di pinapasok ng swerte :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close