watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191981 times)

Girltalker2

  • Guest
^ sis, it is a vicious cycle.  so tendency ng ilang kabataan, to escape this pathetic situation of being burdened to raise the whole family at a young age, she/he will just marry since he/she can see some "happiness" or refuge in being in love early on in life.  kaso mo, since he/she may not know any better, ganun din ang kahihinatnan ng mga anak nila.

as for family planning, the more nga daw the merrier.  iyan ang isip ng karamihan.  gaya ng sa pagtaya sa lotto, the more bets you make, the higher your chances of winning. so the more kids you have, the odds of having an actor/actress/matinee idol son/daughter is higher rather than only 1 kid na pag hihirapan mo buhayin and yet odds mo of becoming rich is lower.

for some reason, the mentality of being financially independent becomes an impossible goal for most filipinos. and the only chance for them to become one (at least to their minds) is how to become rich quickly and avoid the hardships. unfortunately, only a handful few is that lucky.  not everyone is, and if one just stick to the basics, lead a simple life, do things accordingly rightfully and justly, one can never go wrong. yes you may never be a tycoon, but you can just be happy and contented by working hard and being patient, saving slowly but surely.


« Last Edit: October 30, 2012, 10:08:43 am by Girltalker2 »

Mommy•Shey

  • Guest
^ nakakatuwa talaga magkaroon ng ganyang parents. At least your dad knows na at his age eh capable pa sya mag work and sometimes gives money to his grandchildren.

Yup,nakakatuwa din talaga na ganun ang ginawa ng dad ko. Pero dati, when we were still studying, he promised na hindi na siya mag aabroad pag nakatapos na kami. Pero until now nag wo-work pa din siya. Ayaw niya daw ng natetengga sa bahay, sumasakit daw mga buto niya hehe.

Mommy•Shey

  • Guest

Kaya yung mga tao na swerte sa parents, siblings, relatives..don't take them for granted. Don't forget to make lambing sa kanila and to thank them sa mga ginagawa nila para sa inyo.  ;D

Tama. Kaya pag nauwi sa Pinas dad ko, dumadalaw talaga kami. Kahit simpleng kain lang sa labas, ok na sa kanya..

Sa case ng family mo, hindi naman masamang tumulong, kaso kung naabuso kana, ibang usapan na yun. May mga pagkakataon talaga na nasasabi nating "No" sa kanila. Kaso, nakaka-awa naman yung mga bata. haysss.

Geeglee

  • Guest
Sa case ng family mo, hindi naman masamang tumulong, kaso kung naabuso kana, ibang usapan na yun. May mga pagkakataon talaga na nasasabi nating "No" sa kanila. Kaso, nakaka-awa naman yung mga bata. haysss.

Yung mga bata din yung iniisip ko. kaso I'm preggy now with my first baby. Kelangan ko muna unahin yung akin. :)

prettychestnut

  • Guest
sa paniniwala ko. DAPAT. kasi in the first place, pinalaki nila ako ng maayos, pinagaral nila  ako sa magandang school at nakatapos ako ng college. pag may work, pay-back time naman para sa kanila para sila naman mismo makatikim ng sarap from 'us'. kasi tayo nung mga bata pa, binibigay nila gusto natin eh. saka walang masama kung tumulong, kahit sabihin mo may pera sila or wala, tumulong ka pa rin. ikaw pa rin nakinabang nuon. kahit tapos ka na magcollege, wag na wag mo sila talikuran, hanggat andyan pa sila sa tabi mo, kahit may may asawa ka or wala, walang masama tumulong.

nights

  • Guest
parang ang bigat na mga salita nung "obligasyong buhayin" lalu na kung sa parents natin gagamitin.
ako mas preferred kong sabihing umaalalay o kaya ay nagpapasalamat :)

sa lahat naman ng bagay may choice tayo. pwedeng huwag mong tulungan ang mga magulang mo. kahit obligahin ka nila kung matigas ka... kahit pitpitin ka nila kung talagang ayaw mo o kaya walang wala ka, wala silang magagawa nasa sa iyo yan.

ang tanong ay kung maganda ba sa pakiramdam? un ba ang tingin mong tama?

Purple_Power

  • Guest
^Ito rin ang tanong ko, ano rin mararamdaman ng anak kapag inobligahan siya at lalo na yung fact na hinihingan na siya ng kapalit after all the obligations that the parents had done to their children? First question sino ba nagdesisyon na mag-exist sa mundo?

Kaya nga yun ang tanong ng thread starter eh! 

Hindi naman masakit ang tumulong eh! ang masakit yung inobligahan ka or diniktahan ka. Kung iisipin mong mabuti parang sinabi na utang mo buhay mo sa magulang kaya kailangan magbayad ka.

happiemommie

  • Guest
sa paniniwala ko. DAPAT. kasi in the first place, pinalaki nila ako ng maayos, pinagaral nila  ako sa magandang school at nakatapos ako ng college. pag may work, pay-back time naman para sa kanila para sila naman mismo makatikim ng sarap from 'us'. kasi tayo nung mga bata pa, binibigay nila gusto natin eh.

I agree. Mabigat yung term na "obligasyon" pero I think it is really our obligation nga to pay forward. Sure, dapat naisip nila mag-save/mag-invest for their retirement years para hindi maging pabigat sa mga anak. Pero kung nung panahon ng kalakasan nila e sapat-sapat lang ang kita at mas priority nilang ilaan para sa mga anak instead na isave/iinvest, hindi natin sila masisisi. Pag dumating ang time na ang mga anak naman ang nasa posisyon para kumita ng pera at lipas na ang kakayahan ng mga magulang, sino ba ang dapat kumalinga sa kanila? Hindi rin naman makararating ang mga anak sa posisyong yon kung hindi sa tulong nga mga magulang.

Girltalker2

  • Guest

^ I would think na lahat naman ng parents wala naman hinangad kundi ang mabuti lang para sa anak nila.  they tried their best. unfortunately, some may not have known any better.  kung walang wala talaga ang magulang, feeling ko, kelangan mo tulungan. SILA LANG.  Pero yun gawin kang bigasan na magpaaral din sa mga kapatid mo, ibang usapan na iyon.

daisy.battistella

  • Guest
I feel sorry that I have not been providing for my parents now that I am married...and I feel bad kasi nagiging issue na ito sa paglalabo ng relationship namin bilang mag-anak and worse, nakocompromise din ang pagsasama namin ng mister ko (foreigner mister ko) and for this, hindi niya matanggap ang orientation nating mga pinoy...when I was working, nagbibigay din ako...kakaguilty lang na nagsisinungaling ako minsan kasi siyempre gusto ko din i spoil sarili ko...bumibili ako damit, makeup, brush...pa treat sa friends pag birthday...pero may mga instances din na bumibili din ako para sa magulang ko, mga damit, shoes sa mother, may pasagi din sa mga elder siblings...kaso, ngayon, may family na ako...may dalawang anak, so di na ako nakakapagbigay...and besides wala akong work...plus, since di nga sanay sa ganitong orientation ang asawa ko, di ko na din pinipilit since may point din naman siya...may family na kami...so dapat, family namin uunahin...pag nakakaluwag at maraming sobra, bakit di magbigay...sana kung bilyonaryo ako gaya ni pepito manaloto...kahit sa forbes, bilhan ko sila bahay para kahit paano, masasabi ko na nabayaran ko paunti unti yung nagastos nila sa akin...masama ba akong kapatid at anak kasi wala ako nabibigay sa   magulang ko? dahil wala akong trabaho para makapag abot sa kanila?

kvandenhaak

  • Guest
^Sobra ka namang guilty, sis. It's not like you abandoned them. You don't have a source of income. It is unfair to your husband na pati yung family mo sya ang bubuhay. Foreigner din ang husband ko and when I stopped working before to take care of my son, hindi talaga ako nakapagpadala except on two occassions na emergencies. My husband didn't mind dahil emergency naman. Dapat naiintindihan ng family mo ang situation mo. If they can't then too bad. 

daisy.battistella

  • Guest
sis, thanks sa reply mo...yeah, i feel super guilty...i wanted to work pero i have kids way too young to be left home...my eldest is 2 youngest 5 months...hubby told me...i don't think it's right that you work your ass just to provide for your family since you already have your own. then alam mo yung feeling na pinapakonsensiya ka ng mga kapatid mo na help ko si kuya and anak niya...di ka na nga inuubliga kasi wala kang work...apparently, gusto nila maging part sila ng obligation ko...issue pa nila is I don't hold the money..paano [textspeak!], before I got married, pag nabalik si hubby sa italy, nag iiwan siya money...siyempre mapaungos na tulungan si ganito...babalik din daw...siste kasi di na nababalik yung money. since relative ko sila, siyempre di ko sinisingil kakahiya naman kasi...kaso dumaing na yung breaking point na medyo may naipakita na si hubby na di na nagugustuhan ng relatives ko particularly siblings and parents ko. yes, mali ang approach ng asawa ko and di ko siya kinakampihan dun...pero yung paulit ulit sinasabi nila na kawawa daw ako, di ako nahahawak ng pera, wala na akong life to socialize with friends, kinokontrol daw ako asawa ko...wherein yung mga luho ko, pinoprovide din naman....di naman siya nagpapabaya...kasi pag ako nahawak ng money, konting ungos bigay agad...no questions asked. dun sa point na yun parang feeling ko pinamumukha nila sa akin na ang damot ko...naninikip ang dibdib ko to think na maayos naman kami sa umpisa...kundi lang sa mga hiram at nasirang pangako, di sana magkakaganito...nalulungkot ako pag weekends, gusto ko dumalaw sa parents ko para makita nila apo nila, pero dahil sa mga issues na di naayos, nagkakasamaan lang ng loob...and feeling ko, ako nagiging sangkalan sa issues na supposedly hindi ako kasali...pero asawa ako at anak ng magulang ko...kung ano nakakasakit sa bawat isa sa kanila, triple ang balik sa akin....sigh

Priceless

  • Guest
^Sis I think you need to identify first kung sino ba ang main source of issue sa family mo. Parents mo ba, mga kapatid mo? At least alam mo kung sino ang kakausapin mo nang masinsinan at tigilan ang pagsulsol sa iba mong relatives.

You also need to, as much as possible, keep your hubby and children out of the discussion muna. I explain mo about your personal situation, na you are in a happy marriage, you have no source of income at the moment but your husband (who is currently not employed din) still provides enough for you and the kids to get by. It would help if you show them na hindi naman marangya ang lifestyle nyo, just enough to be comfortable. And you have to explain na even though hindi ikaw ang nagbbudget ng pera nyo (to begin with, wala kang work to be able to demand this), hindi ibig sabihin nito kinakawawa ka ni hubby. What's the difference kung sya or ikaw ang maghahawak ng pera - kung ang pera is just enough to support a family of four (you, hubby and the kids)? Technicality lang na si hubby ang naghahawak, sabihin mo nalang kasi na he's better with money. If you say kasi na yun ang gusto ni hubby, automatic ang tingin nila na masyadong controlling si hubby.

You can explain na may pangangailangan din naman kayo financially that's why in hubby's mind, utang is utang na dapat singilin in times like these. Although mali siguro ang approach niya in getting the money back, kahit bangko naman basta utang sinisingil. Buti nga kamo hindi kayo naniningil ng interest. Siguro naman in the past may experience na sila na if you have something that you are able to share, generous ka naman sa kanila...Eto lang na wala kang maitutulong financially dapat siguro maging reasonable sila sa expectation nila sayo.

Talk to them. And if at the end of the day hindi pa rin sila makaintindi, then it's time to walk away and give them time and space to understand your predicament. And stand your ground when you say something...Say what you mean and mean what you say! Pag sinabing wala, wala talaga... Hindi yung pasikreto kang magbibigay di bale nang ikaw mismo mangutang para lang makapagbigay. Dapat i-discipline mo sarili mo the same time you are disciplining them.

daisy.battistella

  • Guest
actually, sis...i'm guilty dun sa point na pag meron, give without questions ask....and yun ang pinakamaking mali na ginawa ko...thinking na wala yung issue kay hubby...and dun umabot yung breaking point niya. nung wala si hubby, generous din ako sa knila.

littlekinselle

  • Guest
in my opinion hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang nila after mag tapos ng pag aaral dahil obligasyon ng magulang na pag aralin nila ang anak nila. Kung may kaya kayo sa buhay hindi naman na aasa ang magulang mo sayo na ikaw naman ang mag work sa kanila at buhayin mo sila. Pinagtapos ka ng pag aaral dahil yon ay para sayo future mo at hndi para sa kanila. ang success ng anak, success na din na magulang on the other hand... Pero kung hirap kayo sa buhay at ikaw lang nakapag tapos as anak yon ang mahirap kasi ikaw ang inaasahan diba ang sama mo naman kung magiging makasarili ka, pero naman sa culture ng Filipino di mawawala na balang araw yung anak na bubuhay sa magulang nila lalo na kung matanda na sila at chempre pag mahal mo di mo hahayaan mabuhay sila ng nasa situation na hirap while ikaw kumikita.

kvandenhaak

  • Guest
@daisy: At ano namang pakialam nila kung hindi ikaw ang naghahawak ng pera? So masama ang ugali ng hubby mo kasi hindi sila naambunan?

dhuday

  • Guest
In my own opinion..usually yung mga educated at working parents ang modern na mag isip pagdating sa ganitong issue. My mother same with my  MIL have the same ideas about pay back time. Before i was kinda pressured. From the time I got my first job, my mom expected for a financial return. Maliit lang kita ko nun pero I tried to support my brother sa skul allowances while my kuya paid for his tuition. My overtime and a significant amount went to my brother's allowances. I could not save money for myself. I was scared in Manila living alone without saving for emergencies. But my mama could not understand. There was a time she just sent me a message like "magpapadala ka ba o hindi? kasi sabihin mo na agad kung hindi". Nadelay kasi padala ko ng 1 day kasi sobrang busy sa office at di ko pa nahahawakan sweldo ko..wala namang time lumabas during lunch break kasi it means malelate ako ng balik sa office. Most of the time pakisuyo ko lang sa messenger namin ang pagpapadala sa amin. I was hurt kasi hindi man lang nya ako kinumusta muna. There were many hurtful words from her at ang totoo  I said words din na di maganda just to defend myself. I got married and stopped working. My husband is the sole provider. There were times she pressured me to send money home..pero kulang pa sa amin sweldo ng asawa ko. Nahihiya naman ako sa asawa ko na hingan sya ng pera para sa ina ko to think di man sya makaabot sa sarili nyang nanay na nangangailangan din.  Once again she said those hurting ..bad words to me. I cried and at the same time nagkasala na rin kasi sinagot ko sya sa text.  She could not think what good things I did for her..and that I helped my brother for his college education. Pag may kita ako kahit sideline, lagi syang may share sa akin.  I got a 3 mos temporary job in Dubai, pinadalhan ko pa rin sya kahit konti  kahit na after 4 years eto may kinita na akong pera kahit 3 buwan lang.

Our relationship was not good because of her demands but these past few months I though about her..my old dream for her..to support her and give all her needs. Kaya gusto ko ng makakuha ng permanent job. Tumatanda na rin kasi sya, in a way nagpapasalamat naman ako sa kanya kasi pinagtapos nya ako..habang tumatagal umiikli ang buhay nya ..kaya gusto kong bumawi. Nasaktan ko rin naman kasi sya.

To my in laws, she also expected from my husband. But ok lang naman sa akin kasi parents nya yun..at sweldo naman ng asawa ko. But my problem is his sister at mga anak nito sa pagkadalaga na talagang pabigat din minsan. SAbi ko nga habang buhay na papasanin nya ang problema nila.  Syempre affected din ako kasi daming bayarin namin at priorities. Pero what can I do? siguro kung ako ang nasa katayuan nya malamang gawin ko rin yung ginagawa nya. Ganun na talaga siguro. May the Lord just provide us all the resources para mapagkasya at makapag ipon din..at makatulong sa kanila.
« Last Edit: November 18, 2012, 01:38:11 am by dhuday »

harlet

  • Guest
^grabe sis ang mga magulang na me mentalidad na payback time....mother ko din ganyan.....20 years old pa lang ako no'n nagwo-work na ko at sinagot ko na lahat ng pangangailangan sa bahay up to now, tama ka, to the point na wala ng natitira...ni hindi makasama sa lakad ng mga kaibigan kasi walang pamasahe....tapos, me maririnig ka pa ring payback time.....???

Priceless

  • Guest
^ Sis natanong mo na ba sya kung ano ano ang mga pangangailangan nya sa bahay? sa buhay? Baka naman nag-assume ka na porket yung asawa nya nasa ibang bansa nabibili nya lahat ng pangangailangan nya sa buhay?

Tanungin mo kaya kung ano ba ang maitutulong mo? Tapos sabihin mo kung ano yung mga financial limitations mo ngayon kaya gagawin mo yung sa abot ng makakaya mo lang naman.

Ganyan din minsan ang dad ko. Hindi dahil ineexpect nyang maglabas o magbigay ng pera ang mga anak nya, pero gusto nya lang yung naririnig na kung may pangangailangan sya, sagot namin sya.

May sariling income ang parents ko, bukod pa sa padala at bigay naming mga anak nila, kaya halos lahat ng bigay namin nakatabi lang para sa emergency needs at savings nila at sa mga travel/holidays nila.

Priceless

  • Guest
^Kaya nga sis, tanungin mo sya ng direcho kung ano ang pangangailangan nya. Kasi baka quiet kasi nag-aassume ka na magaan sila sa buhay ngayon dahil sa mga nakikita mo (may pera, nood nood ng sine, etc). Minsan hindi kasi yung point - minsan gusto lang nilang malaman at MARINIG na concerned ka, na tutulong ka hanggat sa makakaya mo. Ang lola ko din ganyan, malaki ang pension na natatanggap nya, pero pagnagkikita kami hihiritan nya ako something like "bigyan mo naman ako ng pera" kahit na sya mismo maraming pera sa wallet nya. And pag abutan ko sya ng kahit anong amount, it's not the money, it's the fact na may inabot ako sa kanya which really makes her happy (happy in a sense na parang kinikilig at inabutan sya ng apo nya ng something!)

Like what I suggested, ask her what her needs are. When you know specifically kung ano ang needs nya, you can say, "Ma, medyo gipit ako ngayon, pero pagnakaluwag I can give you something para makatulong sayo"... Don't assume nalang kasi when you assume that's when it sort of appears na you don't care about her dahil someone else is looking after her.

Isa pa kasi, napapansin ko with others din in the thread, when they say na "tamang tama lang ang pera" or "gipit", they don't act the part. Syempre yung mga kamag-anak natin may mga mata at tenga na nakakasagip ng balita about the things we buy, the places we go to, where we eat, etc. And sa kanila siguro magarbo or magastos na lifestyle which means may panggastos talaga and nagdadamot lang tayo. For example, may kilala ako sa Canada siya at panay ang post sa FB ng picture sa mga places at restaurants na kinakainan nila, magaganda ang damit, etc. Syempre sumasama yung loob ng family nya sa Pilipinas kasi sila lubog na lubog sa utang at di kumakain ng sapat dahil walang pambili ng food. Hindi lang alam ng family nya na sya din mismo halos walang ipon at umaasa din sa mga kaibigan at amo (caregiver sya kasi) para maka kain sa magagandang restaurant. Pero dahil sa pictures sa FB mali ang akala ng pamilya nya sa Pilipinas at masama ang loob nila dahil daw kesyo di marunong magshare itong nasa Canada.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close