watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191964 times)

theshopaholicprincess

  • Guest
^ hehe. Sorry! :)

naku share ko lang parang yung neighbors namin kasi dati sya officemate ng dad ko while my dad is still working in PH. He was asking my dad bakit daw nag wwork pa dad ko eh pareho na kami graduate sa college ng sister ko. Yung neighbor kasi namin after nila mabayaran sa company eh di na ulit nag work tapos inaasahan na lang nya yung 3 anak nya sa abroad na magpadala sa kanila ng money at ipapagawa ng bonggang bahay at ibibili sila ng kotse...

Sagot naman ng dad ko sa neighbor namin, "kaya pa naman ng katawan ko saka ayoko naman i-shoulder lang ako ng mga anak ko pagtanda. Kung bumili man sila ng bahay nila or kotse, achievement nila yun at proud ako dun. Hindi ko sila aasahan na bumuhay samin ng asawa ko kasi kaya ko pa. Sayang work opportunity sa abroad kung titigil ako."

Ayun after few months sakit ng ulo ng neighbor namin kasi dalawa nyang anak sa abroad, nabuntis at nag asawa. Yung monthly allowance nila nabawasan tapos yung bonggang planong upgrade ng bahay nila naudlot pati yung pagbili ng car kasi nga di na kaya sustain nung mga anak nya yung gastos. :P

Purple_Power

  • Guest
^Tsk tsk tsk!!!! yan ang hirap dapat may moral lesson na sa kanya yan. Ang nakakainis pa dyan dahil sa nag-eexpect sila sa anak I am sure bukod sa pinagalitan nila kulang na lang sumpain nila anak nila tapos worst case parang yung anak pa ang sobrang masama sa nangyari. Where in fact it is time for their children na magsarili kaya nangyari yan. Hindi kasi dapat nag eexpect eh! It will just turn into big disappointment. Ngayon na-challenge sila ng matindi. Sometimes ang plano meant to be para maudlot. Kasi naandyan yung challenge on how are you going to realize, analyze, and solve your problem. Sa seminar na inateran ko yan yung sinasabi nila na dapat may emergency fund para kapag nagretire ka hindi ka aasa sa anak. Yan ang example na ginawang investment mga anak. Ano yan wala na silang balak ipagpamilya ng sarili yung mga anak nila?

theshopaholicprincess

  • Guest
^ yun nga eh. as in before todo yabang pa sya sa dad ko na yung mga anak nya sa abroad na nagwwork at nakakapag provide sa kanila. Tapos nung na-disgrasya dun lang nila na-realize yung mistake nila dahil kulang na yung allowance nila.

Dapat talaga kasi matutunan natin mga Pinoy na we have to think of our future. Hindi yung iaasa natin yung fate natin sa mga kamag anak para mabuhay. Minsan di ako in-favor sa traditional family ties dito satin kasi most likely yung mga tamad na family members eh iaasa nila yung buhay nila sa kamag anak para mag survive. In short parang crab mentality din kasi kahit gusto ng masipag na tao na makawala sa kahirapan at umasenso eh hinihila sya pababa dahil sa mga needs ng mga umaasa sa kanya. I noticed kasi pati yung anak ng mga kapatid or pati mga tiyuhin at tiyahin na tamad dun pa sa taong masipag umaasa. Mas masaklap sobrang maluho pero di kaya i-finance yung luho. Usually dinadaan sa utang at loans hanggang lumubog na sa utang. :P
 
Yung uncle at auntie ko sa Canada tinuruan na nila yung anak nila at an early age on how to save and invest his money. Yung cousin ko di bumibili ng latest gadgets at pag binibigyan ng pera eh diretso agad sa bank. Ang point kasi nila, ayaw nila dumating yung time na aasahan nila yung cousin ko for their lives. They want him to learn the hard ways of making money and saving them.

Dito kasi sa Pinas hanggat may biyaya, pasasa at ubos ligaya. Tapos pag wala na pare-pareho nakatunganga.

Purple_Power

  • Guest
^May iba pang term sa ganyan. Meron kasi ubos biyaya bukas kawawa.  ;D Totoo yan.

Recently lang meron na akong naiisip na example na baka lang umasa rin o nasanay silang umasa sa ibang tao. Someone asked me if I know someone who is health conscious yun nga kasi nagbebenta ng product pala. Then it turned out she is asking money from me so that mabayaran ang puhunan niya. Tapos I asked her something  if why she can't borrow from her parents and siblings. Only to find out wala nang work and parents niya eh samantalang sila itong nakapag Brunei before na ang work pa is Engineering. Kailan na lang ata sila nagsettle here sa Pinas. I am wondering now if what happened to them if how come they weren't able to save especially for emergency funds and so on. Wondering as well if their parents has the same mentality that later on their children should work to provide the needs of the family? Then ito nga after explaining to the daughter na I can't make it kasi enough rin ang sahod ko. Sounds like nagiging desperate na nga siya to the extent of not considering my situation as well na hindi nga ako makakapagpahiram sa iba. I asked her why she availed the product in the first place? Tapos ni wala siyang target customer man lang? I told her already na hindi kasi dapat nagpapadala agad sa mga easy money rich schemes. Kung mag ganyan siya dapat magaling siyang magbenta ni hindi nga niya inintroduce man lang yung product to me eh!

Now parang nagrereflect tuloy na there is something wrong sa naging decision nila. Wondering how come their parents stop working eh alam ko pa mas matanda pa magulang ko saka hindi pa sila Senior Citizen.

theshopaholicprincess

  • Guest
^ i dunno sis siguro culture na talaga dito yan sa Pinas na kahit wala pa sa retiring age of work basta may work yung mga anak iaasa nila yung buhay nila. Wala ba sila balak pabukurin yung mga anak nila sa kanila? I noticed when I was in SG, kahit kasing edad ng lolo ko nag wwork pa as taxi driver. Sa abroad kasi hanggat kaya pa kumayod, go lang. Dito sa pinas malakas pa at walang sakit tambay at aasa lang sa kamag anak.

Minsan pakiramdam ko majority tamad yung iba kaya inaasa nalang nila yung buhay nila sa ibang tao. Pano naman kayo aasenso kung pare-pareho sila naghihilahan ng grasya? hayyy buhay!

harlet

  • Guest
diyan din ako nagtataka, bakit ba pag nagkakasakit sila, ang takbo agad sa kamag-anak....parang lumalabas na ang kamag-anak na me pera ang insurance nila.....pag di napagbigyan, madamot ka.....ako, ang ginagawa ko ako na nagbabayad ng philhealt ng kapatid ko, kasi alam ko pag nagkasakit yun, sa akin ang takbo.....so mas praktikal na ikuha na lang siya ng ganyan at pag na hospital, I can say, ayan ang tulong ko sa 'yo.....

Purple_Power

  • Guest
Sige tatanggapin ko pa yung fact na mahirap talaga humanap ng work. Ganun talaga eh! pero siempre magtyatyaga ka talaga.

Buti na lang yung kultura hindi naging batas or else sardinas na ang loob ng kulungan. Saka sa iba parang naging set up talaga na pag nakatapos yung anak nila dapat sila na aasahan.  Masaklap kapag nagpamilya yung anak galit na galit pa magulang nila?  ??? Gusto nila magtandang dalaga at binata?

4 days ako sa Singapore nun and I've seen as well na yung iba sobrang tanda na pero they are still working. No wonder kung bakit ang bansa nila umaasenso.

In terms of sakit naman, it reminds me of our relatives na yung Tita ko na-ospital na. My parents are willing to help them talaga. In fact yung mom ko pa nakiusap sa relatives namin yung sa father side to help our relatives. Tapos my parents are already giving advises on what to do para makatipid sila sa hospital bills. Aba! only to find out nagtext yung mga anak sa parents ko saying na they refuse the ward pa? Gusto nila private para sama sama silang mag-anak. Sabi nga ng mama ko sana naghotel na lang sila. Obvious naman na sa amin rin iaasa yung hospital bills nun. Tapos nireject sila ng PCSO paano nakaprivate sila at hindi umastang indigent. Ayun my parents decide na limitahan yung offer sa kanila because of that wrong decision.

Yung Dad ko naman ang lakas niya mangutya nang husto sa akin nung wala pa akong trabaho. Imbis na minomotivate niya ako he is putting me down. But now of course I am working though hindi enough. Naisip ko lang minsan eh! What if mangailangan yung Dad ko bigla? Tapos napansin niya wala siya maasahan sa akin kasi nga hindi enough salary ko saka yun nga of course may family na ako nun pag nataon. Parang tuloy naisip ko gusto ko sabihin sa kanya. Eh ikaw eh! nung hirap na hirap akong humanap ng trabaho hinihila mo ako ng pababa, kung sana hindi mo nagawang panghinaan ang loob ko eh di natulungan ko na siya.

Honestly he is asking luho from my brother like if my bro can buy a car for him. Tsk tsk tsk!!!

FieryAngel027

  • Guest
For me, hindi ko obligasyon pero im happy na nasususportahan ko pa rin sila kahit may sarili na ko pamilya. Pareho kami ng hubby ko. Parts of our sweldo may part ang magulang namin. I guess blessed kami to have parents na iginapang pag aaral namin para makatapos. Wala kami sa ganitong state ng buhay kung hindi dahil sa parents namin.

Pangarap ko yung makita parents ko na relax na lang, nagka kape or tsaa sa harapan sa bahay namin while me and my sister is working. Hindi naman sila naka asa samin ng sister ko kasi may kabuhayan din sila, may taniman ng lansones at rambutan at may mga alagang baboy.

Happy lang talaga ako pag nakakapagbigay ako sa kanila like pang groceries, pambili nila damit. Bilang anak nila, masaya sa part ko na makita sila happy. Never nila ko inobliga na magbigay sa kanila. Talagang kusa ko na yun simula nag work ako. At aalagaan ko sila gang tumanda sila. :)

FieryAngel027

  • Guest
To add: pina stop ko na sa kanila yung babuyan na yun kasi napapagod sila masyado, ayaw nila stop kasi sabi nila kabuhayan nila yun, ayaw nila umasa samin ng sister ko. Yung lansones at rambutan naman seasonal. Since nagwork ako dito sa manila. Never talaga sila humingi sakin kahit nung time na sabi ng sister ko eh todo budget si mama. Nag aaral pa kasi sister ko nun, i was supporting her allowance.

Blessed and thankful kay Papa God na binigyan nya ko ng parents na hindi investment ang tingin sa mga anak. :)

One time, pala. Nahiya pa humingi sakin si Papa pambili ng gamot nya, ayun, naiyak pa ko nun kasi sabi ko, [textspeak!] ba tingin nila sakin selfish at gamot nila di ko kaya bigyan pambili, may asawa na kasi at baby ako that time. :)

Purple_Power

  • Guest
^I am so envy to have that kind of father who is willing to sacrifice for his family especially with kids. You are blessed to have a father who is not asking for kapalit or utang na loob, which indeed hindi naman dapat ginagawa yun, at marunong siyang mahiya. I could say your father is a REAL REAL MAN.

Yun naman talaga ang mangyayari kapag naging magulang ka na eh! kasi it is your choice na maging magulang and it is also your choice as well na gusto mong magkaanak. The problem with other parents. Habang pinamumukha nila sa anak nila yung sacrifice na ginawa nila para buhayin ang anak, kitang kita naman sa kanila na parang napakasakit sa kalooban nila yung ginagawa nila. More so obvious naman na some of them are asking for kapalit.

How I wish ganyan ang tatay ko. He is insisting wala akong utang na loob.  ??? Which indeed it made me think na as if naman he is willing to sacrifice or meron talaga siyang naisakripisyo nga whereas umaasa lang siya parati sa mom ko. Partida pang-inom at pulutan pa sa barkada ang ginagastos niya tapos pinipilit niya mom ko na magkaroon kami ng bagong kotse. Mabuti na lang praktikal mama ko at naisip niya na ipapahiram lang sa barkada yung nabiling magarang kotse pag nataon. Kaya nagtyatyaga na lang kami sa 2 decades na naming sasakyan. If he is only a successful businessman I could imagine the agony na ipapamukha niya sa aming mga anak yung paghihirap niya at hihingi siya ng kapalit, yeah he will be asking utang na loob. Kaunting paghingi lang ng tulong o pakiusap talagang ramdam ko ang laki na agad ng utang na loob ko.

In general honestly kung sino yung parents na may mentality na investment ang anak usually hirap na hirap tumulong yung mga anak sa magulang. Kasi naramdaman na nung anak na may kabayaran yung buhay niya rito sa mundo eh! 

FieryAngel027

  • Guest
Yup sis. Thanful din kasi my grandparents is katulad ng parents ko. Lumaki sila na ganon, lumaki sa bukid kaya masisipag. Knowing mga tao sa bukid, talagang kayod mga yan. Lolo ko, matanda na pero nagbubukid pa rin. Pambili nila ulam ni lola eh may sustento naman sila from my titas na nasa abroad. Hehee

romanticure

  • Guest


Is it what's normal or dito lang talaga sa Pilipinas "required" ang mga ganitong bagay?


Ayoko magsalita ng tapos pero gusto ko kasi pag nagkaanak ako, hindi nila maramdaman na dapat nila akong bayaran sa lahat ng pagdudusa ko habang pinalalaki ko sila.


I don't like it when parents tell their children na dapat silang bumawi sa kanila. I mean, obligasyon ba nila yun? Hindi ba choice nila yun? Hindi ba dun makikita kung napalaki mo ng maayos yung anak mo? Kung kahit di ka humingi eh binibigyan ka pa rin?


Is it just me or are other people like that too?
Ako din, ayoko ng ganun, parang ang dating nun puhunan kita para yumaman ako ngayon.
Swertihan din siguro kung sino magulang natin. dahil ang magulang namin nagagalit kapag may binili kami para sa kanila or pang maintain ng kalusugan nila or pang liwaliw nila. Lagi nilang sinasabi "nak, mag ipon kayo, di namin kayo pinalaki para suklian ang ginawa naming pag buhay sa inyo, ginawa namin kayo dahil gusto naming maging masaya at gusto naming maging masaya kayo sa tinatamasa nyo ngayon."  bilang anak, di ka naman papayag kaya idadaan mo sa paliwanagan dahil humihina na sila, ayaw pa ring tumigil ng kakatrabaho, kaya sabi ko noon pagbigyan naman akong makaramdam ng may bubuhayin at aalagaan, wala pa naman kase akong pamilya nuon sa lahat ng mga kapatid ko and willing akong sila muna asikasuhin ko hanggang sa namahinga na ang erpat.


Purple_Power

  • Guest
^Buti pa yang ganyang klaseng magulang nag-iisip ng matino. Hindi yung sinasabi na utang ng anak ang buhay nila sa magulang. Duhhh!!!! ang dali dali lang gumawa ng buhay. Pero yung bigyang ka ng maayos na buhay, hindi talaga ganun kadali yun. Hindi tulad ng ibang magulang nambabastos na nga humihingi pa ng kapalit. I could totally imagine kapag binigay kasi ng anak yung sukli na hinihingi ng magulang, the parents will never satisfied worst case lahat mali at sasaktan lang niya ng sasaktan verbally yung anak. For sure ibibigay mo na nga lahat kahit yung luho niya pero pipintasan ka pa rin. Unlike sa mga magulang na hindi humihingi ng kapalit kaunting reward lang masaya na siya, in fact sila pa itong mahihiya. Yan kasi ang objective ng ibang magulang eh! magpapakahirap sila sa trabaho pero in the end hihingin nila yung kabayaran sa mga anak.

Additional to that yung iba kasi ang mentality sa pagiging magulang is yung superiority power eh! Yung alam nila na walang ibang matatakbuhan ang mga anak kundi magulang. Kaya there are parents who are being abusive. Yung may mentality na yung anak hindi dapat pumapalag sa magulang. Taga kinig lang at taga sunod lang. Kaya ayun hanggang sa ipaparamdam nila kung ano ang magiging role ng anak in the end na magiging investment dapat sila.
« Last Edit: October 21, 2012, 08:59:22 am by Purple_Power »

Mommy•Shey

  • Guest
Hindi obligasyon ng mga anak na buhayin ang parents nila after nilang makapag tapos. Pero there are circumstances na need mo munang siguraduhin na maayos ang lagay ng mga parents mo before you decide to tie-the-knot. Especially kung ikaw ang eldest, and ang parents mo is very old and no source of income na at ginapang nila ang pag aaral mo sa kahit anong paraan. You know na it's payback time naman.

Hindi naman masama na you'll get a Life Insurance for them. Ipa renovate ang house ng parents mo kung may extra kang income. Go out on a date with your parents - bonding niyo na din `to. Yung tipong maipaparamdam mo sa kanila na you are grateful sa mga nagawa nila for you. Abutan mo sila ng kahit konting amount every payday. Masaya na sila sa ganun, and ang maiisip nila eh hindi na nila need mag alala sayo knowing na you already doing good. Mas mapapanatag na ang loob nila. Isipin nadin natin na kung matatanda na ang parents natin, they need to rest na.

Myealexis21

  • Guest
For me its not an obligation. Pero its up to you if you want to help them.  Wala namang masama di ba, especially if you can afford to help them. And depende na rin sa sitwasyon ng parents mo.  If they are strong pa rin naman para makapagwork, bakit ikaw ang oobligahin di ba?  I mean you can give them some assistance, pero hindi naman na ikaw na talaga ang tagabayad ng lahat.

Though, I heard and know a lot of parents sa Pinas na ganito ang way of thinking.  Nakakalungkot lang esp those OFW na padala ng padala ng pera sa bahay tapos at the end of the day nalulustay lang sa kapritso ng magulang at mga kapatid.  Tapos hingi pa ng hingi, di nila alam nagpapakahirap ang anak nila sa abroad, halos di na makakain ng maayos, puro sardinas na lang ulam para lang di mabawasan padala...HAYZT!

I'm just fortunate my parents were OFW din dati so they know the life here, at hindi sila abusado.  Never pa akong nakareceive ng tawag o text sa kanila na nagpapabili ng kung ano ano, or nanghihingi ng dagdag padala (except if kelangan talaga and emergency).  And for that I think I'm Blessed with super understanding and loving parents.

mishca

  • Guest
Hi mga sis, bago lang ako sa thread na to. Gusto ko lang share experience ko. Dalawa lang kami na anak ng mom and dad ko. Yung kapatid ko nagaaral pa. Ako naman nakagraduate na and nakapagtrabaho nadin. Pero nagresign na ako sa work ko. Meron kami family business and kahit hindi ako magwork, ok lang naman sa parents ko. Recently lang nalaman ng parents ko na hindi ako nakipag break sa bf ko. Ayaw na ayaw nila kay bf. kaya ngayon pinipilit nila ako magwork at makipaghiwalay kay bf. gusto nila magfocus ako sa magiging work ko at sa family ko. Hirap na hirap na ako dahil mahal ko bf ko. Minsan naiisip ko na sumunod na sakanya sa australia. 23 years old na ako at napapagalitan pa ako ng parents ko. Nakikita ko nga ang sarili ko kay sarah geronimo na sobrang strict ng parents. Kung pwede nga daw ilagay na ako sa bulsa ng dad ko para hindi na daw ako makawala sakanila. Nahihirapan na ako. (Naiiyak tuloy ako) hindi ko alam ano gagawin ko, dahil eto pinagaawayan namin ng bf ko. Sa edad ko daw na to pero sa parents ko sunod sunuran padin ako. Help mga sis. I need advice. Ayoko maghiwalay kami ng bf ko dahil dito. Sobrang mahal ko siya. Pakiramdam ko nagiging selfish parents ko sa ginagawa nila sakin.. Hayyyy.  :'(

ReservoirDogs

  • Guest
My dad (+) and mom never obliged us to support them after we were through with our studies.  I'm glad they taught us financial independence at an early age.  I'm married now, and nakakahiya nga na my mom still gives me monthly allowance (from our family business), despite the fact na I have work naman. That's why I'm trying my best to help out my mom sa family business namin.  If there comes a time na my mom needs to ask money from me (emergencies or what have you), i'm more than happy to lend her, after all that she's done for us.

If and when my husband and I have a kid na, I would definitely NOT oblige him / her to financially support us when we're old and gray.  Pag-iipunan namin mag-asawa ang retirement fund.  Hindi naman "investment" ang pagkakaroon ng anak.

Purple_Power

  • Guest
Hi mga sis, bago lang ako sa thread na to. Gusto ko lang share experience ko. Dalawa lang kami na anak ng mom and dad ko. Yung kapatid ko nagaaral pa. Ako naman nakagraduate na and nakapagtrabaho nadin. Pero nagresign na ako sa work ko. Meron kami family business and kahit hindi ako magwork, ok lang naman sa parents ko. Recently lang nalaman ng parents ko na hindi ako nakipag break sa bf ko. Ayaw na ayaw nila kay bf. kaya ngayon pinipilit nila ako magwork at makipaghiwalay kay bf. gusto nila magfocus ako sa magiging work ko at sa family ko. Hirap na hirap na ako dahil mahal ko bf ko. Minsan naiisip ko na sumunod na sakanya sa australia. 23 years old na ako at napapagalitan pa ako ng parents ko. Nakikita ko nga ang sarili ko kay sarah geronimo na sobrang strict ng parents. Kung pwede nga daw ilagay na ako sa bulsa ng dad ko para hindi na daw ako makawala sakanila. Nahihirapan na ako. (Naiiyak tuloy ako) hindi ko alam ano gagawin ko, dahil eto pinagaawayan namin ng bf ko. Sa edad ko daw na to pero sa parents ko sunod sunuran padin ako. Help mga sis. I need advice. Ayoko maghiwalay kami ng bf ko dahil dito. Sobrang mahal ko siya. Pakiramdam ko nagiging selfish parents ko sa ginagawa nila sakin.. Hayyyy.  :'(

Here are my questions,

Ayaw nila kay bf talaga? Or ayaw nilang magkaboyfriend ka para magfocus ka lang sa family business niyo?

What made you decide to resign? Is that because you want to focus on family business or you don't like the work?

I am just curious if you are half Filipino? Or may ibang lahi ka? Kasi yung ibang nation na  nasa Pinas may ganyan rin na culture lalo na when it comes to family business.  Or hopefully lang hindi dahilan ang pagiging pure pinoy ng bf mo kung kaya ayaw nila ito sa kanya.

I am wondering if you have the typical type of parents na ang gusto lang nila is ikaw ang maging responsable sa family business nila na ikaw ang magtutuloy tuloy nun. Baka naman kasi they don't like you to get married dahil wala na silang aasahan which is indeed it is not your obligation. Dapat ituloy yan ng mga magulang mo if they want at investment nila yan para sa sarili nila hindi para maging obligasyon ng anak na pangalagaan yan.

Ang sa akin naman maganda sana kung hindi ka nagresign sa work mo kasi yun na mismo ang magandang escape root para sumama ka na sa bf mo in Australia. At least yung mga finances mo nanggagaling sayo mismo hindi yung nai-earn mo from family business. Kasi there is possibility talaga na iipitin ka ng magulang mo if your earnings are from the family business.

Kaya bang maging responsible ng bf mo? Like he can work and then if you follow him kaya ka rin niya panagutan sa Australia? Yung he can give you responsibility as his gf then he will support you to find a job there?

Age doesn't matter kung napapagalitan ka pa ng magulang mo o kung choice mo na maging sunud sunuran ka. You are obeying your parents kasi you have no choice.

Hindi naman sa kinakampihan kita but honestly your parents are becoming selfish because of their family business as well. Dyan na naman pumapasok tuloy na you are also becoming their investment.


Myealexis21

  • Guest
Hi mga sis, bago lang ako sa thread na to. Gusto ko lang share experience ko. Dalawa lang kami na anak ng mom and dad ko. Yung kapatid ko nagaaral pa. Ako naman nakagraduate na and nakapagtrabaho nadin. Pero nagresign na ako sa work ko. Meron kami family business and kahit hindi ako magwork, ok lang naman sa parents ko. Recently lang nalaman ng parents ko na hindi ako nakipag break sa bf ko. Ayaw na ayaw nila kay bf. kaya ngayon pinipilit nila ako magwork at makipaghiwalay kay bf. gusto nila magfocus ako sa magiging work ko at sa family ko. Hirap na hirap na ako dahil mahal ko bf ko. Minsan naiisip ko na sumunod na sakanya sa australia. 23 years old na ako at napapagalitan pa ako ng parents ko. Nakikita ko nga ang sarili ko kay sarah geronimo na sobrang strict ng parents. Kung pwede nga daw ilagay na ako sa bulsa ng dad ko para hindi na daw ako makawala sakanila. Nahihirapan na ako. (Naiiyak tuloy ako) hindi ko alam ano gagawin ko, dahil eto pinagaawayan namin ng bf ko. Sa edad ko daw na to pero sa parents ko sunod sunuran padin ako. Help mga sis. I need advice. Ayoko maghiwalay kami ng bf ko dahil dito. Sobrang mahal ko siya. Pakiramdam ko nagiging selfish parents ko sa ginagawa nila sakin.. Hayyyy.  :'(

Sis ano ang dahilan at ayaw ng parents mo sa BF mo? Valid ba yung reasons nila?

mishca

  • Guest
^sa tingin ko mga sis na ayaw nila ako magka bf. simula noon kasi baby ang treatment sakin. Hindi ko alam bakit ganto sila to think na 23 years old na ako. Nagresign ako dahil sa bf ko. Sa sobrang dami ng absent ko noon para makasama bf ko, napilitan ako magresign na. Hindi ko alam gagawin ko now. Gusto ko makasama bf ko pero ayoko sumama loob ng parents ko sakin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close