watch now

Author Topic: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?  (Read 5434 times)

young_maiden

  • Guest
There is this guy who recently confessed that he likes me. Kahit di pa niya sabihin, halata ko naman na sa kanya eh. Sa tuwing online ako, lagi siya nakikipagchat sa akin. Kahit magkaiba kami ng networks, Globe ako, Talk and Text siya, araw-araw niya ako tinetext. Lagi din siya nagkukwento tungkol sa life niya at lagi din siya nagtatanong sa akin tungkol sa life ko. He said he wanted to know me more.

Sa tuwing sad ako, lagi siya nandyan to give me advice or to comfort me. Sa tuwing happy naman ako, happy din siya for me.

Ang problema lang HINDI KO SIYA GUSTO. Friend lang tingin ko sa kanya. Saka kaibigan niya ang ex-boyfriend kong two-timer at unfaithful. Parang di ko kaya makipagrelasyon sa kanya. I respect their friendship. Saka I do not want to have a bad reputation na magkaibigan tinutuhog ko.

Kaso I have this feeling na lumalalim na feelings niya sa akin. He always demands more time from me. Pag di ako nagrereply, kukulitin ako. He would assume na busy lang ako Eh bakit pag di ako nagrereply busy na agad, di ba pwedeng ayaw ko [textspeak!] siya katext? Hay...

Madalas din siya magyaya na magkita kami. Sobrang awkward lang. Ako lang daw nagpapasaya sa kanya.

Kahit faithful at matinong bf ang lalaking ito, di ko pa rin kaya. I made subtle moves para ipaalam sa kanya na di ako interested. He asked me dati kung lalaki daw ba ako, kaya ko ba manligaw ng ex ng friend ko. I answered no dahil for me masagwa tignan. Before his confession, he had given me clues about the girl he likes and those clues are obviously referring to me. I told him pa nga kung sino man ang babaeng yan, wag mo na ligawan, respetuhin mo kaibigan mo, minahal din niya yan.

He also dedicated to me songs about unrequited love like "Why Can't It Be?" and "Pangarap Lang Kita."

I just hope he would come to accept the fact that I don't see him as more than a friend. Di kaya ng powers ko pumatol sa friend ng ex ko. Di dahil sa bitter pa rin ako kay ex. Ayaw ko lang talaga.

Kung may similar stories din kayo, feel free to share. ;-)

nicoletta

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #1 on: May 10, 2012, 04:20:17 am »
I didn't really finish reading anymore.  You know what you have to do, it's just my personal opinion, but it's not right to even have that slightest possibility of having a relationship with that guy. 

He is not the only guy around. 

angeleigh

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #2 on: May 10, 2012, 01:08:21 pm »
No. Too complicated.

young_maiden

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #3 on: May 10, 2012, 01:18:35 pm »
I barely reply to his text messages anymore. Sana mawala din feelings niya sa akin eventually. :-)

JHAZbewithyou

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #4 on: May 29, 2012, 11:56:41 am »
Madaming iba jan girl.. :)

dumpee.o13

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #5 on: June 13, 2012, 03:14:32 am »
~ I think you already know what to do, sis. kung di mo sya gusto, wag mo na patagalin. sabihin mo na sakanya agad. prangkahin mo na kung talagang sure kang ikaw nga yung tinutukoy nyang girl, bago pa sya umasa sayo ng super bonggang-bongga. :D

mishyewarians

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #6 on: June 16, 2012, 12:43:55 am »
 8) no sis, sorry. :-[

jemster

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #7 on: June 16, 2012, 09:43:40 pm »
no. I know someone na ganito and ayun, turned out pinagpustahan lang pala sya ni ex at ng friend ni ex.

Nuriko

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #8 on: June 21, 2012, 09:35:28 am »
May kilala akong ganito. Yung girl, naging husband nya yung friend ng ex nya.
Noong magjowa pa sila ni ex, napapag-usapan ng ex nya at ng mga barkada nya (barkada nung guy lang) yung mga naughty moments nila ng mga gf nila . At nung nagbreak sila, naging sila naman nung friend ni ex nya. At ngayon, sa tuwing may mga lakad ang magbabarkada (nung guy), laging hindi sumasama itong si gf at bf na friend ng ex nya kasi ang awkward talaga pag nagkikita kita sila. Imagine, napagkwentuhan ng buong barkada yung pagcheck in nila sa ganitong hotel kasi nag-out of town sila noon...tapos ngayon, yung isang friend naman nila ang gumagawa nun sa ex nya. Para sigurong may evil laugh itong si ex kasi yung gf ng friend nya eh natikman nya na. Gulo ba ng kwento ko? Hirap ipaliwanag eh. Hehe.

bangs29

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #9 on: June 21, 2012, 11:27:02 am »
based on my experience : yun first bf ko (now ex) ayun nagbreak kami. yung mga barkada niya kilala lang ako by name kasi once or twice lang kami nagmeet siguro natandaan din nila ichura ko. after several years (as in years, mga 5-7 years ata din yun) may kumokontak sakin, kaibigan pala ng ex ko. text text, chat sa fb, tapos halatang nagpapahapyaw na siya sa talagang intensyon niya. dahil ayoko ng complications, sinabi ko na habang maaga di uubra yang ginagawa mo sakin magtigil ka dyan. ayun after that wala na. daming lalaki sa mundo bakit barkada pa ng ex ko. lol.

dumpee.o13

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #10 on: June 22, 2012, 06:41:59 am »
Gulo ba ng kwento ko? Hirap ipaliwanag eh. Hehe.

^ na-gets ko naman sis! :)

phoebe1811

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #11 on: June 27, 2012, 10:56:22 pm »
no.ang ke juan ay ke juan lang.
hindi ako nananalo ng bf ng friends ko.
lalo na guy friends..sayang ang friendship. :)

owjhei

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #12 on: June 28, 2012, 12:56:44 am »
better na umiwas na lang.. its too complicated.

simplecathy143

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #13 on: July 03, 2012, 10:11:10 am »
It's a big NO for me.

Naexperience ko na din to before at ang lakas pa ng loob  nitong si guy na magpaalam kay ex na liligawan nia ko sa harap pa ng buong tropa nila. Ayun ang ending ayoko talaga kasi di ko din talaga siya feel parang friends ko na lang din sila  :)




dumpee.o13

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #14 on: July 10, 2012, 06:27:48 am »
I have this guy na friend ng ex ko. I was surprised cos he added me on FB. Nagulat ako kasi he was the least person na alam kong makikipag-reconcile saken after ng nangyare samen ng friend nya. I know na galit sya saken at that time. Inisip ko nalang na since almost 5 years nalang ang lumipas, okay na sya. hehe! So ayun nga, he messaged me, saying "Hi." Nangangamusta. Hanggang sa inask na nya if bat ako single, bat kami nagbreak ng ex ko and all that. Tapos hiningi nya number ko, okay lang naman saken kasi barkada2 naman talaga kami before nung kami pa ng friend nya so okay lang. Nagkatext kami. Hanggang sa mejo confidential na yung tinatanong nya about sa mga nangyari samen ng ex ko w/c is foul for me, and parang nagpaparamdam na sya pero may pagkabastos na kasi e' Mali talaga na binigay ko # ko sakanya. Tsk! Ngayon, deadma ko na sya at di ko na sya nirereplyan. Nakakaloka kung totoo nga yung pagpaparamdam nya. Gosh! Hell NO! Di ko sya papatulan.  >:(

Kriman

  • Guest
Re: would you fall in love with the friend of your ex-boyfriend?
« Reply #15 on: July 19, 2012, 05:12:29 pm »
Pwede, kung mahal mo ba eh :) hahaha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close