watch now

Author Topic: Hong Kong guide (Thread 27)  (Read 98053 times)

cyber_princess

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #80 on: May 26, 2012, 05:54:59 am »
we're going to HK in June 24, so how's the weather there during this month, any ideas? Saka anong pwede pasyalan na malapit sa airport? Thanks mga sis!!

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #81 on: May 26, 2012, 11:55:19 am »
^summer sis. malapit sa airport yong disneyland, giant buddha & city gate outlet mall for shopping. ;)

bratty

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #82 on: May 26, 2012, 12:48:16 pm »
Sis rocky, maraming beses ka na ba nag-hk? Nakakabilib parang kabisado mo ang must see places dun. hehe :)

Anyways, I plan to treat my whole family sa HK on Nov. Bale, my parents, 3 sibs, hubby and 2 sons. Side trip na din kami sa Macau. Yung mga hostels ba na suki dito nagca-cater for big groups? TIA.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #83 on: May 26, 2012, 01:32:18 pm »
^hehe! 3x na ako sis nag-hk & macau. may mga friends din kasi ako don nagwowork kaya nakakaadik bumalik ;)

sa hk ok lang na hostel kayo sis para mas mura. kung plan mo magpunta don ng nov, masarap kasi winter. by june or july pabook ka na sa golden crown kasi lagi yong fully booked. sa macau naman mahirap mag-stay sa hostel, i highly recommend hotel sintra kasi maganda location & mabait mga staff. ;)

bratty

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #84 on: May 26, 2012, 03:00:12 pm »
^i see.

Thanks for the info sis, i'll take note of those. Plane tickets muna ang uunahin ko, then acco. :)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #85 on: May 26, 2012, 03:31:10 pm »
^yes, ticket muna sis. i suggest manila-macau-hk-manila route mo para hindi pabalik-balik & mas makaka-save ka sa time & money. ;)

bratty

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #86 on: May 26, 2012, 03:48:20 pm »
Nice suggestion sis :) pero bakit inuna mo ang macau? Pwede ba na overnight lang kami dun? Na-excite naman ako,1st time namin if ever sa HK and Macau eh. hehe :) magbackread pa ako tapos i-consult ko sa inyo ha.

Thanks a lot. :) :)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #87 on: May 26, 2012, 04:42:49 pm »
^kasi mas madaming mabibili sa hk, yokong magbitbit ng mabigat papuntang macau. hehe! saka usually thursday ako pumupunta, mura pa rate ng hotel non compare pag weekend doble na. yes sis, at least overnight ok na sa macau :)

pretinnes

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #88 on: May 27, 2012, 11:14:55 am »
hi sis. ask ko lang if sa golden crown na superior double pwede 5 tao? wala na kasi silang mas malaking room eh. gusto sana namin magkakasama kaming lahat. thanks.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #89 on: May 27, 2012, 11:49:37 am »
^di ko lang sure sis, kasi quadruple room yong kinuha namin dati. kasya lang talaga apat, dalawang double bed lang kasi. sa hk hindi talaga pwede sneak-in dahil sakto lang talaga yong space. :-\

pretinnes

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #90 on: May 27, 2012, 01:26:21 pm »
^strcit talaga sila sis? two rooms nalang siguro kunin namin.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #91 on: May 27, 2012, 02:09:27 pm »
^yes strict & hindi ka makakapag-sneak in sis sa mga hostel sa hk kasi front desk tapos lakad lang ng konti nandon na yong mga room. sa golden crown, meron din sila sa ibang floor & may CCTV. :-\

cuteeisha

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #92 on: May 28, 2012, 10:05:54 am »
we're going to HK in June 24, so how's the weather there during this month, any ideas? Saka anong pwede pasyalan na malapit sa airport? Thanks mga sis!!

Hi sis ^Cyber Princess! Anung dates ka sa HK? Kami from June 23-26.. Naka book na ako ng hotel sa HK and Macau. Pwede ka pasyal sa Giant Buddha, Ngong Pin 360, Citygate Outlet and Disneyland. Mainit na siguro next month, di ko pa na check weather forecast. Tama si sis ^Rocky, Hotel Sintra (Macau) ang ni book ko. Malapit sa attractions at mura din.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #93 on: May 28, 2012, 01:56:55 pm »
Mahirap talaga mag sneak in sa hostel kaya I still prefer staying in the hotel.

ms_ldr

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #94 on: May 28, 2012, 02:56:50 pm »
went to HK last may 7-9
5pax kami with1 child age 8 and 1 baby age 7mos.
stayed at yiufai guesthouse, same building sya ng golden crown. malinis, at mura.500 per night thats a room for 3 pax. we booked for 2 room.
paid the rooms upon check in. hinde sila marunong mag english pero helpful sila. may free water rin.
were were able to buy disconted tickets for disney 370 hkd lang each at yung the peak wth madam tussaud at yung mall dun. 160 hkd something. since wala sya pang bata sa the peak dun na lang kami bumili mismo.

nahirapan kami ma locate yung building kasi sabi 13th stop from A21 bus from airport. sa upper deck kami sumakay t enjoy the view of hk. pero wala namang sign pang ilang stop na. so nanghula hula lang kami at yung driver di marunong mag english, sya na lang nagsabi bumaba na raw kami. yung pinagtanungnan namin indian tumawag sya sa guesthouse di rin marinong mag english so google nya yung location at sabi nya mag lakad lang kami ng diretso. ayun mga2 meteres lang. nakita ko yung building naalala ko yung pic nila sa website yung entrance ng building. kaya nakita namin. heheh. so nagtataka ako baket sinasabing pang ilang stop eh wala naman notice sa bus pang ilang stop na????
yung dad ko naman na sumunod na lang samin sa HK ang bilin ko ay A21 bus  13th stop, lumagpas naman sya. hinanap namin sya at sabi nya wala ring notice, nagbilang lang sya. pero lagpas sya.

anyway, super ok ang location ng guesthouse. nung gabi naglakad lakad lang kami sa baba. yung kinakainan namin mga local resto. pero meron kaming napuntahan inalok kami ng english menu na super mahal. wala kaming choice kasi yung menu sa table walang drawing.
[textspeak!] una namin kinainan may mga drawing sa menu sa table kaya nakapili kami worth 45hkd lang.
panay goose order namin. at super sarap ng rice.

may pinay na tagalinis sa guesthouse sya yung nagsabi sa sis ko san san kami kakain at papasyal dun. sa likod kami ng building dumaan. may mga barbekyuhan sa likod pag gabi. nag enjoy hubby ko. sa agahan naman may nadadaanan kami nagtitinda ng mga tinapay 6hkd isa.

we brought dollars kaya sa airport pa lang nag palit na kami ng pera. then nung naubusan dun lang malapit sa guesthouse kami nagpalit almost same rate sa labas at di rin malayo ang diperesya ng palitan basta dollars ang dala.

na sun burn kami sa disneylang ang init. bring payong, a lot of clothes pang palit at water.
nagustuhan namin yung 3d show ni donald duck. at yung boat ride sa jungle.
we ate lunch dun sa malapit sa boat ride.

bring comfy shoes sa HK dahil puro lakad talaga.
nagtry si hubby ng bbq dun sa likuran ng guesthouse nung gabi. ang sarap. 

everybody wants to go back to HK.

em_cee

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #95 on: May 28, 2012, 03:07:25 pm »
^Around same date tayo nasa HK. Kami May 8-11.  Sobrang init nga.  Sun burned din kami and nakakapagod maglakad sa ilalim ng init ng araw.  hehe  Uminit din ulo ng mom ko kasi nagkaligaw ligaw din kami.  Proven na nakakainit ng ulo ang init ng araw. hehe... We also all want to go back to HK.  Kasi bitin kami.  Kulang shopping time and madami pa kami hindi napuntahan.  Next time would be during winter or spring.  Basta definitely not summer. :)

snowyice

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #96 on: May 28, 2012, 03:46:28 pm »
init talaga kapag may sa hk we went there before na sunburn ako hehe! But masarap pa din mag hk can't wait for my next trip

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #97 on: May 28, 2012, 03:47:08 pm »
^^enjoy ako sa hk kahit summer pag sale season, july-august. pero kung gusto nyong marelax winter talaga kasi masarap maglakad-lakad. palatandaan ko lang pag malapit na sa golden crown, yong mosque tapos standard chartered bank yong nasa baba :)

adikako

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #98 on: May 28, 2012, 04:17:17 pm »
thank you ms_ldr sa post mo!

June 2 - 5 nasa HK-Macau kami ng 4yr old kid ko. Same guesthouse tayo.
Mabuti ok naman yung feedback mo dito. nagbook kasi ako sa crown at hk taisan parehong fully booked.

Halos same rates naman sila kaya I go for Yiufai na rin.

anika08

  • Guest
Re: Hong Kong guide (Thread 27)
« Reply #99 on: May 28, 2012, 05:32:25 pm »
Mainit pala kung may. April kami nagpunta at inulan lang kami ng bongga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close