what should i do? make up or break up? IMO.. NEITHER... you need to THINK

I told him na hindi ako sanay sa long distance relationship and i dont believe na LDR works (maybe for others nagwowork pero not for me) so ang sabi nya, sya ang gagawa ng paraan para hindi ako mahirapan.
ok ha.. siya talaga gagawa ng way.. ikaw? ano ginawa/ginagawa mo? para ka palang prinsesa.. take lang ng take
kaya lang ngayon parang may nagbago.. napag usapan kasi namin na uuwi sya this year para makapagpaconvert na sya (INC po ako na natiwalag) para maayos na yung situation namin, pwede na kami pakasal at mapahandog (parang binyag) na si baby. kaya lang, habang tumatagal, hindi kami nagiging okay kasi i'm not getting straight answers from him kapag serious matters na pinag uusapan like update sa pag uwi nya. kesyo wala pang date, titingnan tingnan pa etc... parang wala akong nakikitang willingness sa kanya. walang initiative. kailangan di-pukpok pa. samin kasing dalawa ako yung may strong personality. gusto ko kasi nakaplano na lahat para pag uwi nya dito. plantsado na.
maybe he has his reasons.. siya ba nag-initiate na gusto niya paconvert? baka naman nakulitan lang sa iyo at napa-oo mo at the spur of the moment. mukhang kasing ikaw yung tipong makulit. as in makulit.
sa pag-uwi naman.. ilang months to go pa ba? ito tingin ko na iniisip ng asawa mo.
1. kapag umuwi siya, automatic pamasahe iyon. PERA
2. wala siya sweldo habang vacay so ang gagastahin niya yung saving .. PERA
3. habang andito siya sa pinas, impossible na hindi ka mag-expect ng pasyal .. PERA
4. nanganak ka na ba? kung manganganak ka pa lang.. hospital expenses yun.. PERA
5. kung nanganak ka na.. pabinyag/pahandog.. ano kailangan?.. PERA
6. need niya bumalik sa abroad ulit need niya paghandaan pamasahe niya pabalik.. PERA
7. pagbalik niya sa abroad, need niya at least may 1-2 months worth ng savings doon kasi pagdating niya doon, hindi naman sweldo agad ang bubungad sa kanya.. PERA
ito pa.
8. anong klaseng management ba ang meron sa company niya doon? pwede bang tipong magleave ka kung kelan mo gusto? or need na tiyempuhan kung kelan konti trabaho?
9. kapag nagsabi siya ng date at hindi nasunod kasi hindi siya pinayagan mag-leave. edi lalo sasama loob mo? kasi HE"S TAKING YOU FOR GRANTED ang sinisintir mo
eh sa iyo na nanggaling diba?
>>>>
hindi naman sya nag abroad para magbakasyonayun, dumalang ng dumalang communication namin.aba, kung hindi ako magparamdam, hindi magpaparamdam. buti sana kung hindi ko sya nakikitang online sa tetris. inuuna pa yung laro.
alam mo.. pasalamat ka tetris.. hindi babae. hindi inom. hindi drugs.
dumalang ng dumalang communication... hmmm hulaan ko ha..
paulit- ulit topic na binabanggit mo no?
- kelan siya uwi. asikasuhin na niya.. need mo date etc.. pahandog ng baby.. pagod ka na sa LDR
ako man yun mag tetris na lang ako

tinry ko intindihin so hindi ko sya inaway. kahit na kating kati na ko na awayin sya kasi hindi sya nagpaparamdam. pero nakakapagod din pala. nakakapagod yung taken for granted ka.
inoopen ko naman yung fb nya and email, wala namang kaduda duda.. tetris lang talaga. mukhang mababaw pero sobrang nahuhurt ako.
sinabi ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya thru private message at ang isinagot lang sa akin ay wall post na "hon i love you, miss na kita" - na hindi ko ikinatuwa kasi ang hinihintay ko explanation kung bakit sya naging ganun..
IMO.. his words sums it up already.
siguro naman hindi yung PM mo na yun first time niya marinig/mabasa yung hinanakitmo.. (which is, like i said.. malamang paulit-ulit na) he says he love you and misses you.. baka naman nakalimutan mo na ibig sabihin ng mga linyang yan? i implore you.. RETHINK about it's meaning

i stopped communicating with him, siguro mag ttwo weeks na. gusto ko na kasi makipag hiwalay. sabi ko sa kanya, kapag nag stay pa sya dun tapos walang magbabago (hindi pa rin sya magpaparamdam) siguro maghiwalay na lang kami kesa naman everyday ako naloloka sa kakaisip. iniisip ko lang baby ko eh.. kawawa naman. medyo selfish ba kung hiwalayan ko? hindi ko naman itatago sa kanya ang baby eh.. im just choosing to love myself a little bit more kasi sa totoo lang, sobrang baba na ng self esteem ko at sobrang down na down ako kasi i dont deserve to be treated this way. 
well, its really up to you kung ayaw mo na and kung hinid mo na kaya. who are we to judge you?
ang hindi ko maintindihan eh yuing nakahighlight.. anong connect?