Author Topic: Deciding to move on from a failing marriage  (Read 83778 times)

kvandenhaak

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #320 on: August 12, 2016, 02:24:43 am »
^Yun naman pala masakit eh bakit tumitingin ka pa sa Facebook accounts nila? Block mo na sila...NOW NA!

kim28

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #321 on: August 12, 2016, 09:39:09 am »
^yung bagong hiwalay pa lang kami sis.  Natural lang na pagdaanan mo yung curiosity stage na ano ginagawa nila bakit sila masaya yung ganon na stage ng separation.  Kahit masakit ayun sige tingin stalker mode hahaha.


patriciaheart

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #322 on: August 12, 2016, 11:41:49 am »
Sis kim28 kasal ba kayo? If kasal kayo pwede mo sirain buhay nya alam mo yan kahit church nag eencourage na isiwalat at I punish mga ganyang gawa.. Kung hinde naman edi ok lang hanap ka ng iba parusa mo na yung sa kanila na mag sama sila, kung ano mag yung pinapakita nila sa social media wala kana pake dun kasi pwede I fake yun  or ikaw gusto mo have somebody else handle it and collect it as evidence. Anyway, ako naman trying to keep positive, ngayon ko lang na rrealize na naapektuhan na trabaho ko, yung efficiency ko dahil sa ngawing problem namin. Iniisip ko nga, pera ba talaga problema or yung tao na? Hinde ba talaga kami compatible as partners? etc.. Malaking issue kasi samin yung neglect, negligent partner na sya noon pa kahit BF/GF kami, I was always being thrown under the bus when s*** hits the fan. Ewan ko feeling ko nga nag ka Stokholm Syndrome lang ako. Kagabi nag rresearch nako about Divorce Bill hinde rin ganun kadali pero mas madali kaysa annulment. I am praying about it and talked to a priest about it too, mananagot sya sa negligence nya samin but focus on working it out for the sake of ourselves kahit hinde yung kids, baka nga naman daw hirap lang talaga humanap ng trabaho or nahihiya sakin kasi ako tumataguyod samin ngayon kaya nag kaka ganyan yung ugali.

kim28

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #323 on: August 12, 2016, 01:35:12 pm »
^sis kasal kami sa church at gustong gusto ko silang ipahiya.  Gusto ko gumawa ng dummy account post ko lahat na kabitch lang yun at ipakita sa lahat ang ka imoral-an nila friends, groups etc.  Pero naiisip ko hindi ko alam ang future na pwedeng masira hindi lang naman asawa ko masissira pati anak ko.  Kaya now dedma na muna sa kanila lagi ko na lang iniisip you reap what you sow "karma". 

Kasi kung ano ang gagawin for sure may effect sa akin at sa pamilya ko in the future kaya kailangan talaga pag-isipan na mabuti. Kung ako lang maapektuhan why not di ba.  Iba talaga pag may bata na involved.  Dumating din ako sa point nung galit ako at naghanap na ako lawyer para mag file ng case pero pinayuhan ako na palipasin ko muna ng 1 year kasi minsan daw ang lalaki hindi nakakapag isip ng tama (high pa daw sa ginagawa nilang kasalanan) at pagisipan ko daw ng 100x ang situation ko.  Well may point naman sya kaya ngayon wait and see muna ako. 

Civil naman ako sa husband ko at aminado ako na hoping pa rin ako na maayos pa rin marriage ko in the future. 


rarity

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #324 on: August 12, 2016, 09:28:05 pm »
IMO sana matuloy na ng divorce bill sa pinas soon ewan ko ba bat tayo na lang sa mundo ang bansa na walang divorce sa mundo (before there was Malta   but now madali na din ang divorce sakanila. Kawawa naman ang wives or husbands in rare occasions  aside from the emotional pain minsan mas masakit [textspeak!] financial responsibilities na iniwan. I think we have a long way to go in terms of maturity sa relationships in our country. Relationships fail that is the truth nobody wants it but it is the truth what is important is we prepare for it if ever sh*t hits the fan I hope our government acknowledges this finally and will make divorce and moving on easier and more acceptable in our country. Ancient times pa lang may divorce na hello 2016 na kaya.     

mysterioza_me

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #325 on: August 13, 2016, 02:06:03 am »
Dumating din ako sa point nung galit ako at naghanap na ako lawyer para mag file ng case pero pinayuhan ako na palipasin ko muna ng 1 year kasi minsan daw ang lalaki hindi nakakapag isip ng tama (high pa daw sa ginagawa nilang asalanan) at pagisipan ko daw ng 100x ang situation ko.  Well may point naman sya kaya ngayon wait and see muna ako. 
Tama ang lawyer sis, do not make harsh decisions when you are mad, it might only complicate things. Sana magising na sa kahibangan ang hubby mo.

Ang alam ko sis kahit slight pwede mo sya ipatanggal sa job nya, parang sa HR ng company i report mo ganun tapos since may evidence kanaman
Oo nga sis try to talk to HR, sa amin kasi pwede ireport ang ganyan and mapaparusahan talaga lalo na if may evidence

IMO sana matuloy na ng divorce bill sa pinas soon ewan ko ba bat tayo na lang sa mundo ang bansa na walang divorce sa mundo     
Ipokrito at ipokrita kasi mga pinoy. Feeling banal. Akala by abiding whatever the bible says nagiging mabuti sila sa paningin ni God. But for me, I don't think God would want wife/husband and kids to suffer in marriage.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #326 on: August 13, 2016, 02:50:42 am »
^Even God divorced Israel (Jeremiah 3:8 ). And like I have been saying previously in divorce thread, adultery is a ground for Biblical divorce. We are putting God in a box when we say we can't divorce our spouses. It resulted in a lot of grief and misery for abused spouses even in Christian chuches, it's not even funny! I did a lot of research regarding this subject. That's why it took me years to decide to divorce my husband.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #327 on: August 13, 2016, 04:31:16 am »
Sana talaga our lawmakers will open their eyes and i-pass ang divorce bill. Divorce may still cost a big amount of money but maybe not as much as annulment and atleast sure na granted at mabilis pa.

To those sissies who are currently in a bad situation i'm hoping na matapos na ang paghihirap ninyo. Sana magkasundo kayo ni husband and maging ok kayo. But if not I just wish that you'll move on happily and find second happiness with someone else or maybe find happiness within yourself. Hugs sa inyo sis


arkimommy

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #328 on: August 13, 2016, 11:42:54 pm »
I accidentally bumped into my ex-husband today, I didn't know na pupunta din siya sa birthday celebration ng common friend namin, I was with my 2-month old daughter pa. I know dapat hindi na ako masaktan or maging affected pero ang sakit pa rin talaga. He was very happy, genuinely happy. Matagal-tagal na din since I saw him that happy. And sobrang sakit lang talaga. Parang nag-flashback lahat ng nangyari and lahat ng galit ko sa kanya napalitan ng sakit. Gusto ko na mag-breakdown nun. Tapos when some people asked him kung kamusta kami, he just told them, "Matagal na kaming hiwalay". I almost died inside. I know ako yung umalis sa bahay namin pero ang sakit pala kapag sa kanya mo mismo narinig, lalo na kung wala naman kayong proper closure. But I know that I should move on. I need to move on.

Tapos sa relatives ko, lalo na mom ko, walang ibang sinabi sakin kundi "ikaw kasi pahiwalay-hiwalay ka pa yan tuloy ayaw ka na balikan" or "kasalanan mo kung bakit kayo nagka-ganyan" meron pang "dapat kasi tiniis mo nalang kesa nag-inarte ka pa" Hay, I don't know anymore. 😔

Shadow Angel

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #329 on: August 14, 2016, 12:47:06 am »
^don't mind others, lalo na mga ganyan nilang sinasabi na napaka insensitive. Hindi naman nila alam pinagdaanan mo.  Natural lang mafeel mo yan nasa phase ka pa ng pagmomove on. Nakaya mo iwanan sya mas lalo ka walang hindi kakayanin ngayon. Magiging masaya ka rin. Lahat naman ng bagay may katapusan.

kim28

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #330 on: August 14, 2016, 12:50:08 pm »
Hugs sis arkin

May mga insensitive talaga na tao.  Natural lang ang ma feel mo yan sis matagal din kayo nagsama di ba? 

arkimommy

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #331 on: August 14, 2016, 03:10:50 pm »
^ Yes sis, married kami for 18 years kaya feeling ko I lost everything. Back to zero, ganun. Lahat ng sisi nasa akin. Pati eldest daughter ko hindi na rin kami in good terms.
« Last Edit: August 14, 2016, 03:13:55 pm by arkimommy »

Kensi

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #332 on: August 14, 2016, 05:56:05 pm »
^ you are so strong sis. Paano mo nakakayanan?

Nalaman ko na talking about my problem and seeking advice from people who went through annulment help. I sought advice from my boss and another colleague, both of them annulled. Yung babae kong colleage was insistent na makipaghiwalay na ako kay mister, na hopeless na kasi wala nang love si mister. The annulled guys told me to work on my marriage. Sabi pa nga nila worse things have been said and done by other couples, but theyre still together.

Si female colleague kept saying na kausapin ko na si mister, para matuldukan na namin tong chapter na ito sa buhay namin. The men kept telling me to let my husband be and play it by ear muna.

It was cathartic telling them my problem. Nung simula kasi kinimkim ko lang lahat, at dumating yung time na parang sasabog na ako sa sama ng loob. Admitting the problem to and asking advise from a close friend and  people who'd been annulled somehow jolted me to the reality na my marriage has failed, and the most important thing i can do right now is to protect my child.

arkimommy

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #333 on: August 14, 2016, 09:13:30 pm »
^ I'm just really trying to be strong sis, for my 2-month old daughter. I have no other choice but to be strong. Naging wake up call ko yung nag-pre term birth ako sa daughter ko because of stress na nakukuha ko from my ex-husband. I realized that wala na yung lalaking minahal and pinakasalan ko, he's a different person now that's why I need to protect myself and most of all, my daughter. Mahirap na din mag-stay sa relationship namin na ako nalang nakakapit. :(

kim28

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #334 on: August 15, 2016, 11:13:40 am »
^ alam mo sis yan na yan ang nararamdaman ko now.  :'(

Ako na lang kumakapit at wala na talaga yung taong minahal ko dati ibang tao na talaga sya.  Buti na lang ok na kayong 2 ni baby.  Alam mo yan ang prayer ko na ma full term ko si baby 25 weeks na kami ngayon kasi natatakot ako sa sobrang stress, lungkot, sakit at problema dinaraanan ko ngayon habang pinagbubuntis si baby at nag iisa pa ako.


jenskie

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #335 on: August 15, 2016, 04:23:59 pm »
Same here, ako na lang din ang nakakapit at umaasa na magkakaayos pa kami. He doesnt love me anymore. He's a different person as well, parang walang contentment. Tapos tuwing nagkakausap kami para sa sustento ng mga bata, we always end up arguing, sinusumbat sakin lahat. Na hindi raw ako nagsacrifice for him. Well in fact i did naman. Hindi raw kasi ako sumunod na magresign sa work at magbusiness na lang. Hindi raw ako sumunod na wag munang mag-anak and everything..Lahat sumbat na lang. And he seems ok na ngayon, na 2 months mahigit pa lang kami hiwalay. Eh ako until now, hindi maka-move on. My world revolves in him for 8 years, pero mas mahirap un kay sis arkimommy, 18 yrs.

arkimommy

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #336 on: August 15, 2016, 04:58:57 pm »
Hugs to all of you sis. Everything will fall into place soon. Just keep on praying!

Sis kim28, take care of yourself sis. Nung pregnant ako feeling ko helpless talaga ako pero kinaya ko nalang talaga, para sa baby ko. Nung nanganak pa nga ako friends ko lang kasama ko and wala akong family na kasama. Will pray for you sis.

Sis jenskie, stay strong sis! Ilan kids niyo? Yung husband ko din sobrang masaya na ngayon, after niyang ipamukha sakin na nasa akin lahat ng mali. As in siya naging mundo ko for 18 years, housewife pa naman ako before tapos sobrang under ako. Halos same tayo na more than 2 months na hiwalay pero hirap na hirap din ako mag-move on. Minsan parang niloloko ko nalang sarili ko na okay ako.

jenskie

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #337 on: August 17, 2016, 02:35:38 pm »
Si @arkimommy, 2 ang kids namin. Until now, pinapamukha nya na ako ang may kasalanan bakit kami nagkahiwalay. Totoo sis, minsan nagtatapang-tapangan lang ako, pero ang totoo, may mga gabi na umiiyak pa rin ako, kapag naiisip ko yun magagandang memories namin. Minsan naiinis lang din ako sa mga relatives ko, i do understand na i have to move on na, kasi ayaw na nga ng ex-husband ko e. No person has the right to condemn you on how you repair your heart or how long you choose to grieve because no one knows how much you’re hurting. Recovering takes time, and everyone heals at  her own pace.

i_v_y

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #338 on: February 20, 2017, 04:12:46 pm »
hello mga sis. TS here.  It has been years since i started this thread and I have been separated from my ex for almost 4 years now. Medyo nag uusap na kami. We had to kasi he had to file a petition to impugn the legitimacy of my daughter (from my current partner).  From there, nakaka pag biruan na kami sa fb. Sila pa din ng gf nia, yung girl sa kwento ko dito.

Mahirap lang is when you have common friends then may parties like birthday ng mga inaanak, binyag, family day , etc. Pero parang meron na kaming common courtesy that for NOW, hindi pa kami pwedeng magsabay lalo na isasama nia yung gf nia. So he would ask me kung aattend ako, if not, sila ang aattend.  Maybe in time, magkakasabay din kami.

For those who are in the same predicament as I was, things will get better.  Just make a decision, and make sure when you make a decision, it will be good for you.

kim28

  • Guest
Re: Deciding to move on from a failing marriage
« Reply #339 on: February 21, 2017, 01:00:20 pm »
Hi mga sis 1 year na din after separation namin and I gave birth na din.  Now, masaya na ako na si baby lang ang kasama ko.  Let go na namin si husband till now sila pa din ng OW nya.  Ok kami sa side ng family nya hindi ko pinagkait sa anak ko na makasama relatives ng husband ko.

Sa dami kong pinagdaanan na hirap at sakit darating din ang time na magbabago ka.  Babaguhin ka ng situation at pinagdaanan mo para sa ikakabuti mo.

Kaya nyo yan kung katangahan at sakit lang sobrang quota na ako.  Lahat naman yun natuto na ako at naging better version ako ng sarili ko.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close