watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)  (Read 96042 times)

johann25

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #520 on: July 31, 2012, 05:56:05 pm »
re. eyes na pasok ganyan yung sa first baby ko, pero now ok naman na yung eyes nya, dati sabi sakin pacheck ko, sabi naman sakin , baby pa daw kasi, nothings wrong sa mata, pag nagexpand na at lumaki ang baby magpapalit parin sila ng ichura hehe.. now yung daughter ko is 4 y.o na, normal naman na ang eyes nya, mejo chinita din kasi kaya pag mejo pasok ang eyes ng babies dont worry,,pacheck mo lang din if tingin mo may mali..

medyo singit nga din baby ko eh.
anyway, update lang sabi observe ko pa daw hanggang mga 4 months. sana maging ok naman, minsan parang duling, minsan banlag. sa mga pics nya madalas ganun. salamat sa inyong lahat! =)

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #521 on: July 31, 2012, 07:54:20 pm »
Sis Micci nako kapag big boy medyo mahirap nga kasi mabigat syang ibalanse. Yung water mga hanggang balakang nya. binubuhusan ko lang sya gamit yung kamay kapag magbabanlaw na lalo na sa leeg kasi yung mga himulmol ng damit nasisiksik sa leeg nya. Ay wala pala syang leeg, puro chin :) Hindi nga sya naligo for two days. malamig daw kasi sabi ng lola nya.
pareho tayo sis,wala syang leeg kaya laging maasim dun!haha..bukas ita-try namin sa plastic na palanggana sya paliguan tapos sa sink kami,sabi kasi ng mama ko malamig pa daw sa banyo para kay baby :)

si potpot hindi rin masyadong nasanay sa karga pero may times na gusto nya yun pero pag binaba mo naman usually hindi sya nagrereklamo unless gutom or wet diaper or inaantok :)

sis m.o.i,dumadapa na baby mo or dinadapa mo syang matulog?si potpot kasi di pa dumadapa or nagsa-side ma-isa,most of the time on his back sya matulog tapos nakataas ang kamay..pag masarap na tulog nya,sina-side namin sya pero maya-maya tihaya na ulit..hayy :D

naduduling din sya minsan esp pag nag-focus sya sa isang bagay na malapit sa face nya,pinipikit ko lang sya nun para bumalik sa normal..

need your suggestions pala mga sis,ano bang ok na hindi expensive na pwedeng giveaways sa binyag?small gathering lang kasi plan namin due to limited funds :P mga godparents lang & parents namin siguro..ano kayang pwedeng ibigay sa mga ninong/ninang?tia :)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #522 on: July 31, 2012, 11:19:03 pm »
baby ko di pa dumadapa, pero parang paumpisa ma sha dun, nakita ko din tinatry nya itayo yung sarili nya ahhhaa,,sabi ko hep hep wag ka excited anak, di pa pwede malambot pa mga buto hehe...mas masarap sleep nya pag nakadapa, pero minsan ginigilid ko sha , iba iba tulog nya actually, di pa din sha naglalagas ng buhok sa katawan, or baka diko lang napansin pag pinapaliguan ko..

ang dilemma ko lang now kasi nga breastfeeding, kulang na ata ako sa calcium, kaya mas dapat more intake ko, ang sakit din kasi ng mata ko and silaw ako paglumalabas, pati tuhod ko nafifeel ko sumasakit, lahat inaabsorb ni baby...sabi nga sa office ang payat ko na daw, parang di ako nanganak.. mas payat pako now sabe,.laki ng binaba ng timbang ko.. kayo ba mga sis? how much weight did you lose? ako kasi from 145 lbs. naging 122 lbs. before ako magbuntis 130 ako i remember,,

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #523 on: August 01, 2012, 06:25:12 am »
Sis MOI sige try ko yung padapa. Kaninang madaling araw naiwan ko sya sa bed kasi wiwing wiwi na ako. ayun nakita ko nakadapa. Sinusubukang humanap ng pwest ata or dede?haha Kapag madaling araw gumigising sya pra magpacuddle. Minsan tuloy nalelate ako ng bangon. Gusto nya talaga kasi na nakasiksik sya sa amin. Parang daga :) Kaya minsan tawag ko sa kanya Doding daga hihi

Sis micci si baby nagpapalanggana din. Gusto naman nya kasi naipapatong nya yung paa nya doon. Anong oras ka nagpapaligo? Si baby kasi mga 8 or 9 para hindi gaano malamig.


Sis cass si baby din excited nang tumayo. Tuwang tuwa nga sya kapag inaalalayan. Big smile talaga sya bigla. Sinasabi ko nga sa kanya na wag syang magmadali. PAcheck ka na regarding dyan sa mga buto buto mo.Ganyan ako nung bumalik ako sa work. Biglang nasabak kasi sa lakaran, pero after 1 or 2 days ok na ulit. Siguro kulang lang sa exercise dahil nga lagi lang akong nasa loob ng bahay.

weight loss- 143 lbs ako noon, sa tanang buhay ko nun lang ako lumaki ng ganon. At ang itim itim pa ng leeg ko kaya halatang boy yung baby ko. Prepregnancy weight ko noon 112 lbs ngayon 110lbs nalang. Hindi nga makapaniwala yung mga tao dahil ang bilis ko daw pumayat eh na CS pa daw ako. SAbi ko naman Breastfeeding lang yan. :)

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #524 on: August 01, 2012, 07:36:51 am »
Sis cass take ka twice a day calcium... Ako taking conzace, cecon, calcium am and pm, tsaka folart paminsan minsan... May history kasi ako ng alopecia areata. Yung nakakalbo post preg. Nagsisimula on the 5th or 6th month... Sana hindi na this time ang hirap kasi eh, para akong may cancer...

Sis thea, yup basta naka dapa baby ko sarap tulog nya. Make sure lang yung mattess yung hindi ganun ka lubog. Samin naman uratex gamit and hindi naman lumulubog kaya safe...

Weight-- 126 ako pre pregnancy. 146lbs ako ng full term. Nung huli ko check up 124lbs na ako ulit. Sana bumaba pa kasi 5'1 lang ako pero big boned naman kasi ako kaya milagro na sakin if maging 100-110lbs ako...

Figure-- feeling ko kahit na nag lose akl weight hindi pa rin masyado nabawas yung size ko. Esp sa tummy area... May belbel pa din hahaha...

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #525 on: August 01, 2012, 08:14:08 am »
MOI yung malambot na bilbil yun ang prublema ko hahaha ang sarap pisilin kasi ang lambot :)

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #526 on: August 01, 2012, 08:28:01 am »
yung sakin sis, pansin ko every panganak ko lalong lumalaki belbel... hehe.. lalong ang hirap paliitin :(

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #527 on: August 01, 2012, 01:04:11 pm »
^yun ata ang wala ako ngayon. pati butt ko umimpis hahaha ano ba yan, super payat ko. di ko alam kung what na timbang ko ngayon pero malamang below 50kg na lang  :(

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #528 on: August 01, 2012, 06:42:27 pm »
wow buti pa kau nagsipayatan na mga sis.. ako mataba pa rin.. nastuck ako sa 140lbs. hehe. panu matakaw kasi ako sa tulog. bumabawi ako tulog sa araw pag tulog baby at malakas pa din ako kumain.. hindi na ako seksi.. pansin ko umimpis din butt ko, laki pa ng bilbil. biro nga ni hubby, lumipat daw yung laman ng pwet ko sa tyan. kaloka!  ;D

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #529 on: August 01, 2012, 10:38:04 pm »
ako din nawala butt, sobra payat na kasi nga breastfeeding, may konti na lang bilbil, pero grabe ayoko naman ng walang pwet hehe... payat ko na rin...

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #530 on: August 01, 2012, 10:44:52 pm »
Nakapag rota virus na si baby... Susunod Naman Yung 5 in 1. Anyway, I asked my pedia Kung puede na ko magpa rebond kasi lapit na bumalik sa work.. Nagbakasakali Lang Kung puede.. Hehe! EBF din kasi kami ni baby.. Di pa daw! Haha! Sabihin daw Nya sakin pag puede na.. Haha! La lang.. Arte ko Lang..

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #531 on: August 02, 2012, 07:03:57 am »
naalala ko nung last na kita namin nung OB ko tinanong ko kung pwede na akong mag gym sabi nya after 6 months pa daw ni baby. Kelangang mawala na tong malambot na bilbil na to para hindi naman dyahe kapag tumatakbo.hahaha minsan iniisip ko umaalog sya kapag tumatakbo ako. :)


Medyo hirap akong mag pump ng milki ngayon sa office kasi yung room na ginagamit ko eh pinaoccupy dun sa assistant ng accountant namin. Nahalata ata ng boss ko na ginagamit ko yung room. Bigla biglaan nalang na pina occupy. Sa restroom tuloy ako nagpapump tapos transfer ko yung milk dito sa station ko.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #532 on: August 02, 2012, 03:41:16 pm »
Sis micci hindi ko pala na sagot yung message mo re dapa... Hindi pa dumadapa baby ko sis. Yung 2kuya nya 4mos exakto nag roll over sya on their own. Ako nag dadapa sa kanya sis para mas mahinbing tulog nya.

Pampaganda -- onga mahirap mag mukhang losyang... Ako naman gusto ko mag pa body scrub and massage. Mag papa alam muna ako kung pwede na... After 8mos siguro dahan dahanin ko na balik exercise. Start ako sa cardio muna then tennis ng mabawasan bilbilbhahaha

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #533 on: August 02, 2012, 03:53:18 pm »
^dinadapa mo sya sis pag tulog na or pag pinapatulog pa lang?sinasanay ko na nga din sya ng naka-side e,pag tuloy nilalagyan namin ng unan para naka-side kaya lang nababalik din nya agad..hehe

ako naman sabi ni ob dati pa pwede nako magpa-rebond,maybe kasi im not breastfeeding?tapos tinanong ko din yang exercise,kasi may dance class dito sa mall malapit samin tapos cheap lang per session,di pa daw pwede..walking lang muna :)

nakapagpa-pap smear na ba kayo after manganak?ako kasi till now may konti pang discharge(gave birth may18th),side effect pa daw ng pills sabi ni doc,kaya di pa ko nakapag-pap smear :-\

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #534 on: August 02, 2012, 03:59:25 pm »
^ both sis... minsan tulog na sya ng dinadapa ko. minsan naman nakaktulog na din sya habang naka dapa. it helps din kasi sa kanya to release the air inside his tummy kapag naka dapa. either diglow or dighay :P

sa rebond sis, ang isang reason din ayaw naman ng pedia ko (though i dont do rebond, sinabi pa rin nya sakin kasi may case sya sa isang baby patient nya) kasi pwede mag trigger ng asthma. yung 8mos old baby patient nya na confine sa hospital sa asthma attack...

papsmear - wala pa ako nito. alam ko yearly eto pero hindi ko pa alam when sched. so far wala naman ako discharge (gave birth may 25), no pills and no other contraceptive.

sis micci, pati daw dance bawal? hmmm... so malamang ang exercise na pwede lang talaga yung pag alaga sa baby natin hehe...

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #535 on: August 02, 2012, 04:11:48 pm »
^oo sis,ooops,baka kasi CS ako kaya bawal :)

sis thea,napaliguan ko na si potpot ng nakaupo,yay! yung palanggan kasi medyo malalim tapos sakto yung laki sa kanya,nakakaupo pero di na pwede stretch yung paa..hehe..in fairness nakaya ko mag-isa,kahit big boy si potpot,titig na titig nga sakin habang sinasabon ko sya e..yun nga lang na-wee wee sya habang binubuhusan ko sya sa katawan,hehe..

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #536 on: August 02, 2012, 06:16:54 pm »
Oo sis Bawal pa rebond dahil sa chemical, tsaka if ever ready na saw akong I tapon Yung 24hrs kong milk pagka rebond.. Sayang Naman kya wag na Lang sabi ko sa pedia.. Puede Naman daw mga hair spa... Magpagupit na nga Lang ako bago pumasok.. Payat ko na Lalo dahil BF kami ni baby..

blue_angel

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #537 on: August 02, 2012, 07:39:30 pm »
buti pa kayo mga sis, pumayat.. ako hindi  :(  puro kasi kain eh hehe. si baby naman laging umiiyak pag pinapaliguan ko, parang hindi sya nag eenjoy kaya dapat mabilisan ang pagpapaligo sa kanya..


sis micci, anong pills tinetake mo?

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #538 on: August 02, 2012, 10:05:39 pm »
^amber yung pills ko sis,recommended by my OB :)

ako din pumayat daw sabi ni hubby,probably because kinareer ko ng bongga ang pagiging mommy..hehe..first time kasi e :D minsan hindi nako nakakakain ng maayos,gusto ko nasa tabi lagi ni baby..kaya ngayon dagdag ang rice ko :P

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #539 on: August 03, 2012, 05:55:03 am »

ako din pumayat daw sabi ni hubby,probably because kinareer ko ng bongga ang pagiging mommy..hehe..first time kasi e :D minsan hindi nako nakakakain ng maayos,gusto ko nasa tabi lagi ni baby..kaya ngayon dagdag ang rice ko :P
Pahirapan nga kumain ngayon kaya nakakdagdag sa pagkapayat. Kaya kapag may oras akong kumain extra rice kung extra rice :)

Congrats sis at napaliguan mo na sya. NAko parehas tayo ng experience kapag pinapaliguan sya. Nakatitig din at iniihian pa ako. Nung sunday inihian nya ako kaya pala nagtataka ako bakit parang may mainit! hahaha


pap-smear- sabi ni OB kapag 6 months na daw si baby. So sa October pa yun.


MAy brown discharge din ako last week akala ko nga mens na naman. Lochia pa din ba yung ganun? Nagkaron na kasi ako nung June at early nitong July

 

Latest Stories

Load More Stories
Close