watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)  (Read 96257 times)

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #420 on: July 08, 2012, 08:56:08 pm »
Sis micci how old na si baby? Nakakatuwa naman baby mo. Baby ko ayaw sa bouncer.
oo sis,feeling namin isa sa pinaka-ok na purchase namin ang bouncer although may times din na ayaw nya dun(kapag gutom or naiinitan :P ) 7weeks si baby last friday,hindi na sya mukhang newborn! ;D nakakatuwa na nga e,nabawasan na yung pagiging cranky..

si baby always nakagala. lalo na weekends laging laman ng malls. week old palamg sha nun lagi na nasa mall.. hahaha..

si baby derecho narin magsleep sa gabi.. di nya ako pinupuyat , unlike sa eldest ko nun mejo puyatan, siguro malaki talaga ang effect kapag breastfeed, mas mahimbing sila magsleep kasi di sila kinakabag.
sis cass,batang mall pala si baby..hehe..nung last kaming nag-mall ok lang naman pero parang pag-uwi ang hirap nyang patulugin,naisip ko baka nausog ???
si baby din ngayon kapag natulog ng mga 8pm or 9pm,usually derecho na,manggigising na lang kapag gutom or wet nappy..pero pagdating ng 6or7am nagwawala na,nagpapalabas na..sabi nga namin tindero yata sya ng pandesal e ;D

johann25

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #421 on: July 09, 2012, 10:22:37 am »
nilagnat si baby ko, the night after ng bakuna... pero bumaba na ulit.. winarningan naman kami na possible mangyari yun, kaya lang sympre nakakaworry pa din.

buti pa kayo nasasama na si baby, ang prinsesa namin, 1 time pa lang sa trinoma at sa simbahan. ayun, mejo madalas ang iyak nung nasa trinoma, sa simbahan, inaantok sha nun kaya umiiyak pero nakatulog din naman hehe. sa binyag naman nya, hindi sha umiyak. kaya hindi na lang muna namin sinasama ulit

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #422 on: July 09, 2012, 04:23:25 pm »
Ok na milk ko.. Tsaka pinalitan ko breast pump ko.. Dami na! Yet! Niwey, regarding binyag.. Ako sa Sunday na... 1 month old din cya nun... 80 persons piña book ko.. Alanganin sa 50 kAsi... Para Habang naka leave ako...

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #423 on: July 09, 2012, 11:02:19 pm »
ang init ng panahon , tapos uulan, kaya uneasy si baby.. nako tawag nila mr. muscle panu ang laki daw
ni baby, pag umaga gigising in sha minsan, sumasabay pag gising ko ate nya for school, hay sabi ko, sleep
pa sha, kala ata na sha papasok sa school hehe...

nag susuck pa ng kamay, halos buong kamao nya gusto nya kainin, naririnig ko pa yung tsup tsup nya ...hahaha...pero ayaw nya ng pacifier, ok na din para di masanay..

eto katabi ko gising pa...busy sa kamay nya...

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #424 on: July 10, 2012, 09:35:32 am »
Nakakatuwa. Halos pareparehas mga ginagawa ng baby natin. Yesterday after his checkup nagikot kami sa mall, 1st time ni baby magmall.bassinet lang dala namin, kaya ang nangyari,napabili kami ng stroller. Sale din kasi 6k lang chicco liteway.

Uneasy si baby. Hindi pa sanay at siguro nilalamig. Hindi kasi sanay si baby sa aircon.

According sa breastfeeding thread, kapag may formula milk. Mas lalo hihina ang supply. Thank God kasi hindi pa nauubos stash ni baby kahit na 2x lang ako nakakapagpump sa office, wala pa kasing cooler kaya hindi ako makapagpump before 12noon, sayang kasi baka mapanis.

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #425 on: July 10, 2012, 12:48:43 pm »
^kami din hindi namin sinanay sa aircon,actually walang aircon sa room namin,magulo pa kasi ang arrangement sa house ngayon e..sabi din kasi ni doc wag sanayin..

si baby din hindi masyadong sanay sa pacifier,pag pinatulog ko sya with pacifier,the moment na niluwa nya,nagigising na..

pinag-aaralan na din nyang mag-suck ng finger kaya lang hindi nya ma-suck kasi nakasara..hehe..kaya minsan nafu-frustrate sya :D

sa gabi ba mga sis gumigising sya on time for feeding?sa gabi kasi ang sarap na ng tulog nya kaya minsan sumosobra sa 3hrs yung interval..hindi namin ginigising kasi sarap ng tulog e,hinihintay ko na lang na humingi sya

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #426 on: July 10, 2012, 01:27:17 pm »
Naku si baby D ko, sanay na sanay na sa fist sucking. Puro laway na nga siya palagi eh. @2months

Pinsan niya 3months na. Hindi maabot kaya lagi din naasar.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #427 on: July 10, 2012, 06:40:08 pm »
^Kung makakabuild ka ng stash sis gawin mo para di ka mag mixed feeding. Ako kasi hindi e haha! I am hoping na soon e makabuild ako ng stash rin para zero formula talaga.

Nako sis dapat nakapag start na ako kahapon pa kaso delayed ang delivery ng LBC ng milk bags ko. Nawala ata :( bute nice yung seller. Pinalitan nung seller yung nawalang milk bag.

Nakaabang yung formula sa ref pero nagpepray ako na hindi ako maubusan ng milk. Mas madalas akong nagpapump ngayon para mas madaming macollect.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #428 on: July 10, 2012, 11:48:41 pm »
gano kadami yung iniipon nyo na milk sis? mas ok ba sa milk bags ilagay?

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #429 on: July 11, 2012, 09:18:08 am »
Ako I can bring home 10-18oz. Pero my baby consumes 9-12oz pa lang.

So may stash ako more than 30oz. :)

Nung umpisa nakalagay lang sa bottle. But I put it in milk bags na kasi wala na ko mapaglagyan.

May nabasa ako, avent via cups naman okey din paglagyan ng milk.

Milk bags kasi 20-30pcs: 300-500pesos. Disposable
Avent VIA cup 10pcs: more or less nasa 1500, pwede reusable hanggang wear and tear na ang cup, (after nun pwede na lagyan ng salt, condiments, gawin toy ni baby)

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #430 on: July 11, 2012, 11:27:44 am »
ako personally i find yung VIA cups more hygienic? kasi diretso na from pump. tapos reusable pa. yun lang sa freezer, mas malaki ang space na consume nya compared sa milk bags...

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #431 on: July 12, 2012, 07:34:27 am »
bumisita kami sa pedia kahapon, mag 7 weeks si baby tomorrow 12.1 lbs si baby. colic kasi sya and hirap mag adjust sa burping. dibale almost 2 months nanaman kami and kaunting tiis na lang ok na sya...

milk bags or bottle -- ako i have ready bottle w/ cover para after pumping store pwede, or if gagamitin ni baby yung teat na lang ang ilalagay. for future storage, milk bags pa din ang gamit ko. in my case sa pump ko, kaya diretso na milk from pump to milk bag then seal na lang. sa events kasi, sa car lang ako nag pupump. and yung cooler ko, nakukuha yung space ng pump ko and mas space saver if milk bags gamit ko. then naka seal sila sa another ziploc.

binyag - hopefully maging successful kami on sat. may mga godparents na hindi makakapunta due to health reasons and may pasok sa school. pero yung iba attend din naman. sobrang blessed din yung event na 'to kasi yung mga godparents nag tulong tulongan to sponsor part of the preps... naka less kami ng costing.

pumping - mga sis how do you pump and store if you're directly breastfeeding your baby?

forceful letdown /oversupply of milk -- anyone experienced this? feeling ko eto yung dahilan ng pagka fussy and colicy ni baby ko
http://kellymom.com/bf/got-milk/supply-worries/fast-letdown/

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #432 on: July 12, 2012, 12:10:49 pm »

pumping - mga sis how do you pump and store if you're directly breastfeeding your baby?

forceful letdown /oversupply of milk -- anyone experienced this? feeling ko eto yung dahilan ng pagka fussy and colicy ni baby ko
http://kellymom.com/bf/got-milk/supply-worries/fast-letdown/

ako sis pump and store ako kapag tulog si baby at nafifeel ko na puno na ng mik yung boobs ko.

mas madalas akong nag papump ngayon para dumami ang milk ko.

forceful letdown= nako nagagalit si baby kapag parang hose yung nipples ko sa dami nglumalabas. Parang dinidiligan sya sa lakas ng paglabas ng milk


cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #433 on: July 12, 2012, 06:17:49 pm »
ako sis pump and store ako kapag tulog si baby at nafifeel ko na puno na ng mik yung boobs ko.

mas madalas akong nag papump ngayon para dumami ang milk ko.

forceful letdown= nako nagagalit si baby kapag parang hose yung nipples ko sa dami nglumalabas. Parang dinidiligan sya sa lakas ng paglabas ng milk



ganyan din si baby, minsan kasi busog na sha, gusto nalang nya mag nurse para maantok, tapos biglang ang dami ng milk, gusto ko man store sa lalagyan too late na rin kasi antok na antok nako hahhaa.. kaya nakaabang lang yung napkin ko sa loob ng nursing bra ko para di magleak.

pero im thankful na maraming milk at marami lumalabas kesa maubos at stop agad .. ang mahal pa naman ng formula.

anna82

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #434 on: July 13, 2012, 10:05:17 pm »
ako binyag ko sa july 18, next week na. gusto ko kasi bago ako pumasok eh tapos na yung binyag. nakapunta na din ako ng divisoria for souvenir. sa st. therese of the jesus child parish para pag tawid lang ang reception sa max sm masinag. out of budget din ako kaya credit card muna ang ginamit ko na pambayad, hehe.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #435 on: July 14, 2012, 02:59:23 pm »
gusto ko man store sa lalagyan too late na rin kasi antok na antok nako hahhaa.. kaya nakaabang lang yung napkin ko sa loob ng nursing bra ko para di magleak.


haha sis ganyan din ako hindi na nakakapag pump sa sobrang antok. Naalala ko nung bago palang akong panganak, kapag inaantay ko na matapos si baby magfeed nakakatulugan ko sya. nauuntog tuloy sya sa bote nya.hihi  Minsan nga nakakalimutan ko na naiihi ako naitutulog ko nalang sa sobrang antok

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #436 on: July 14, 2012, 08:39:22 pm »
ang hirap pa kasi wala naman ako kasama na pwede humalili sakin sa pagaalaga, kaya pag tulog si baby, itututlog ko na din, minsan naman dun ko timing maligo mabilisan lang, or pag maganda ganda ang mood ko di mashado antok nakakapanood pako ng telenovela ko sa hapon,, kaya lang ang nakakapagod kasi may prep ako na anak kaya mas todo aga ang gising ko ,, nanay na nanay talaga ako ngayon., mahirap pero masarap.. ibang klase kasi pag naging nanay na tao hehe.. di ba mga sisses..?

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #437 on: July 15, 2012, 03:11:56 am »
Binyag na ng baby ko later.. Buti na Lang Yung nakuha kong venue included pati cake and souvenirs.. Tapos sis ko nag asikaso ng iba.. Libre pa photo video coverage ko.. May nagpauna ng mag pakimkim na ninong 10k.. Thanks God for all the blessing... Pag pump Naman? Ok Naman.. May stash na din akong milk para Di Naman labas boobsy later.. Haha! 1 month na baby ko today.. :) double celebration.. Poop Naman? Pag breast feed daw madalas mag poop sabi ni pedia kasi Madaling ma digest unlike sa formula milk... Sa araw cloth diaper kami.. Sa gabi Lang cya naka diaper.. Iwas rashes.. Nakikipaghuntahan na rin baby ko.. Kakatuwa.. 1month old pero Bigat na at biglang Haba agad sya.. Sa Monday may check up ulit kami.. May sched vaccine sya..

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #438 on: July 18, 2012, 08:53:50 am »
Mga telenovela nako naging fan ako nyan simula nang naka leave ako. Mamaya excited akong umuwi para kay baby habang nanunuod ng Kung ako'y iiwan mo. hahaha

 Sis Faithfaith  ang laki naman nyan ahaha quota ka na.


Mommies meron na ba sa inyo na angka mens na? EBF ako pero nung june at nito lang nagkaron na ako. Ireg pa din ako. Mens na ba yun?

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #439 on: July 18, 2012, 09:11:02 am »
binyag - - natapos na rin binyag ni syoti ng Sat. grabe yung ulan at traffic. bumaha pa sa mindanao ave. late na kami nakapag start dahil dun sa biglang buhos na ulan at nag traffic. yung 2km drive (from trinoma to our venue), na sandali lang inabot mahigit 1hr ang byahe. dad and bro ko 2hrs byahe from munoz lang to our venue.

pero overall masaya pa rin. double celebration ng binyag ni shoti and 3rd bday ni dihia. enjoy naman lahat kids and adults... may problema lang sa venue (nag trip breaker nawalan sounds and lights) pero maliban dun sa overflowing of rain as blessings perfect na lahat ng preps. very thankful din ako kasi most of the godparents sponsored parts of the party like lechon, photobooth, magician, styro, giveaway bag...

re mens, sis thea hindi ako makasagot dyan eh. kasi ng ebf ako sa 2nd ko, hindi talaga ako nagka mens. hindi ko alam if related sa ebf yun or dahil sa pcos ako. parang 2x lang ako nagka mens during my 2yr ebf sa 2nd ko.

lochia - wala na ako lochia mahigit 2 weeks na. so mga 6weeks lang lochia ko.

full time alaga - very thankful ako sa yayas ng 2 kids ko who goes with them in school kahit papano kampanti ako(ako dati ang nag babantay sa kanila sa school eh). and natutulungan nila ako like preps sa food nila and paligo and all kasi hindi ko pa nga kaya dahil hands on ako kay syoti. para yung time ko na iba kapag tulog si syoti dun sa 2 kids ko. story telling kami sa gabi, or review kami ni ahia and coloring ni dihia. o kaya short trip to the nearest mall and kain kami.

colds - nahawa yata ako sa 2nd kid ko. nagsisimula colds, sorethroat and mabigat katawan ko. sana di naman matuloy sa trangkaso...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close