watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)  (Read 96324 times)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #380 on: July 03, 2012, 11:00:17 am »
on the fourth day nawala ng tuluyan lagnat ni baby. mukhang na absorb nya ang stress ng katawan ko. buti ngayon at pareho na kaming magaling at di na din sya kinakabag :D

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #381 on: July 03, 2012, 12:21:53 pm »
6in1-nagkafever si baby a day after his vaccine. Sobrang naging iritable siya after ng vaccine niya. Kaya may nakastandby kaming tempra.
pwede na tempra sa babies?sige magre-ready na din ako pag na-vaccine sya..ilang months si baby nung na-vaccine sya sis?

grabe til now may konting red discharge pa din ako,gave birth may18..di pa tuloy ako makabalik sa ob for pap smear :-\

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #382 on: July 04, 2012, 09:41:47 am »
May tempra for babies. May computation pang ginawa si pedia, depends sa weight ni baby.

My baby is getting better na. Pero may basa pa sa nose. And madami siyang nilulungad ngayon, malapot na milk na. So galing na 'yun sa tiyan niya.

Sa morning hirap ako paliguan siya kasi inaantok pa tapos magwawala kapag ginising. Eh ayoko naman paliguan sa yaya niya habang wala kami sa bahay

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #383 on: July 04, 2012, 10:05:50 am »
galing kami sa center now. 5in1 shot ni baby, penta yung term nila eh. May DPT din kaya lalagnatin si baby. Pina inom ko na ng tempra, cold compress din daw pwede.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #384 on: July 04, 2012, 01:54:18 pm »
galing din kami ni baby sa center, for hepa b and dpt opv , naku ngayon iritable si baby, mainit ang ulo nya, galit ang iyak nya. wala pa naman lagnat.. pero biili nako ng tempra para standby lang..

lakas ng milk ko nagleleak yung sa bra ka lalo na sa morning habang tutulog pa kami ni baby.. napupuno yung pads ko.. sana mas dumami pa supply para tumagal tagal pa breastfeeding namin ni baby..

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #385 on: July 04, 2012, 01:57:39 pm »
mga sis does it get easier when it comes sa pag-aalaga habang lumalaki si baby?ngayon kasi baby is almost 2mos old pa lang & tutok talaga ako sa pag-alaga sa kanya,as in halos lahat ng oras ko nasa kanya,pag tulog lang sya ako nakakagawa ng ibang bagay..mas hindi na ba binabantayan masyado when baby grows older?im asking kasi im thinking kung kukuha ba kami dapat ng helper or hindi na necessary :-\ tia :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #386 on: July 04, 2012, 04:53:50 pm »
Sis sabi nila mas okey na habang bata palang kumuha ka na ng helper. Kasi habang lumalaki nangingilala na ang bata at siyempre mas kumukulit na sila. Atleast may makakatulong ka sa paglilinis ng bahay

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #387 on: July 04, 2012, 05:13:47 pm »
yup kung may pangkuha lang ako ng helper ginawa ko na kaso para makatipid iwas muna sa ganun :D keri pa naman yun nga lang nagiging losyang na ata ako hahaha pero para kay baby ok lang kahit di makapag ayos since nasa bahay lang naman. as of now puro tulog ginagawa. mukhang nagpapalaki nanaman buti nga di bumaba yung timbang nya kahit nagkasakit kaming dalawa :)

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #388 on: July 05, 2012, 02:04:46 am »
Hi mga sis! Ask Lang.. Pag nag pump kyo.. Once a day Lang ba? Gano ka dami napa pump nyo? Curious Lang.. Tsaka Ano nga kyang ok na milk bag? Thanks!

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #389 on: July 05, 2012, 02:35:10 pm »
^ ngayon sis every 3hrs na ako pump. back to work na kasi. nakaka 4-5oz ako per session. wag mo muna ipressure sarili mo mag pump, sabi nga nila sa kabilang thread, start lang on your 7th week after delivery. mas mag direct feed ka :) ainon ang binili kong milk bags, pero parang mas sulit mag via cups or bottles.... ewan ko pa hehe

johann25

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #390 on: July 05, 2012, 03:18:17 pm »
kamusta mga sisses?

padaan lang.. =)

2 months mahigit na din ang baby ko, nakaaliw kasi madalas na nakangiti/nakatawa. kasi dati grabe pagkaiyakin eh. sakto nga nickname nyang iya--- iyakin haha.

hindi na talaga ko halos nakapagbreastfeed.. =( naka nan pro sha.

may sched na uli kami ng bakuna sa weekend. last month yung 5 in 1.
magpaparotavirus ba kayo?


ang inaabangan ko naman ngayong yung pag gapang haha. excited lang =D


micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #391 on: July 05, 2012, 10:07:32 pm »
thanks mga sis,actually medyo hesitant din kaming kumuha ng helper kasi magiging 4 na lang kami sa bahay soon(mama ko,papa ko,hubby & me) plus si baby pala..hehe..wala naman masyadong work kasi tumutulong naman mama ko kay baby & sya din nagluluto madalas..kaya lang medyo matanda na sila (60+ yrs old) kaya hindi na din maasahan ng bongga :-\ minsan lang kasi i feel helpless pag wala si hubby :(

sis johann25,kelan ba yung paggapang?medyo matagal pa yun di ba? :)

ako naman inaabangan ko yung pagtawa/giggle nya pag kinikiliti,ngayon kasi pag kinikiliti ko parang umiire lang ;D

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #392 on: July 05, 2012, 11:10:52 pm »
nakakatuwa na sila.. kakagigil na! kanina nagpacheckup kami, last na check up ni baby sa pedia nung may pa. sa center ko lang kasi sha dinala nung mga huli. at 2 months and 16 days naku 8 kilos na sha..ambigat na hehe..ang haba pa 63 cms. nakakausap na din,, pero di pa masyado tumatawa..lagi parin nagbibilang ng butiki sa kisame.. hahaha...lagi rin nya ako tinatawag... laging may MA...pag umiiyak hehe

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #393 on: July 05, 2012, 11:26:39 pm »
^same tayo sis. korean pa nga eh kasi o-ma! ang tawag pag iiyak hahaha.

sakin 6 kgs, super bigat naman ni baby mo. not sure nga lang ako sa haba nya kasi sa health centers di naman sinusukat ang haba, puro timbang lang :D

ayun natawa ako sa nagbibilang ng butiki sa kisame, sakin naman minsan nakatingin lang sa kawalan, sabay ngingiti tapos yun patulog na pala hahaha!

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #394 on: July 06, 2012, 07:11:21 am »
Hello mga sis! Kamusta?

Medyo busy lately sa events and sa binyag preps ni syoti. Next sat na kasi... Naghahabol nako.

Helper-- kami kasi ni hubby handson sa babies namin. Pero kumukuha ako helper to assist me. Like sa pagpaligo sa baby, preps ng gamit, kapag natutulog patitignan ko sa kanya ng makapag banyo naman ako. If i have to do things personally, naka sling i baby. Kaya naka kapag mall or grocery ng kami lang ni baby.

Gapang -- mga 6mos pa eto mga sis. Roll over 4mos

Sa vaccines, Ang sched namin 6-1 nextweek. Ika 2 1/2 mos na sya ngayon.

Ebf pa din kami ni syoti pero humina supply ko dahil sa plugged ducts ko ng weekend. :-( pero enough pa din sa kanya milk ko. Unlike before na oversupply ang problema ko nun kaya nakakapag pump pa ako.




cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #395 on: July 06, 2012, 08:50:40 am »
oo sis need ko kasi sa office yung length nya kaya nung nagpacheck up kami pinacheck ko na din, ayun nga yung weight nya pang 6 months na daw, kaya pala ambigat! eto panay ang ngiti ngayon ngisi ng ngisi, pero pag gutom naku ang init ng ulo hahaha!

medium na ang diaper ni baby sa EQ, excited nako makita sha na gumapang saka mas parating nakangiti, kasi ngayon sa kawalan parin sis, hahaha di pa mashado ang focus nila..

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #396 on: July 06, 2012, 10:17:18 am »
hindi ba laging chinecheck naman yung length and weight ng baby every checkup? kami kasi parang naging every two weeks nasa pedia haha nagpahikaw na rin kasi kami. nakakatuwa makita progress ng baby ko, kasi di ba if you guys remember at one time naging 5lbs something na lang sya pagkalabas yata yun ng hospital. ngayon tumataginting na 11.5lbs na e haha ;D saka super haba na nya. yung yaya nagsusumbong na na sakto sakto na sya sa bath tub nya!

at pansin ko rin pag mag change kami ng position during nursing, mahirap na ambigat saka tumatama na ang paa sa tyan ko haha!

at!!! stage momma alert lang! kapag binabati ko sya ng "good morning!" ngumingiti sya! ;D

ginamit ko na ang storage bags. di ko masyado type parang masyadong prone to mishandling.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #397 on: July 06, 2012, 10:20:30 am »
Baby ko din medium na EQ na! Sobrang kulit na. Ayaw niya ng binubuhat na ng nakahiga. Hindi siya mahilig tumingin sa kisame, sa kawalan siya. Saka gusto niya mga umiikot at gumagalaw, lalo na kurtina na hinahangin.

Sobrang harot din. Minsan kapag hindi na siya kinakausap, sisigaw magpapapansin pero kapag kinausap na, agoo agoo. Sabi ni baby.

Sa 20 pa sched namin ni baby, rotavirus shot naman niya.

mae.mae

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #398 on: July 06, 2012, 12:42:44 pm »
mga mommies, padalaw lang , may tatanong lang ako .. 7mos. preggy na ko, ask ko lang kung naexperience niyo rin yung parang malapit sa pipay niyo si baby , kumbaga yung galaw niya parang dun malapit .. ang weird kasi eh

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 4)
« Reply #399 on: July 06, 2012, 12:52:34 pm »
sis wengerts ilang months na si baby mo? ang bigat din nya no? sabi nga ng pedia maganda nga daw pag mabigat si baby kasi growing baby.. and talagang nakakasexy ang breastfeeding kasi kinukuha nila lahat..kaya ang tataba na hehe..

mga mommies, padalaw lang , may tatanong lang ako .. 7mos. preggy na ko, ask ko lang kung naexperience niyo rin yung parang malapit sa pipay niyo si baby , kumbaga yung galaw niya parang dun malapit .. ang weird kasi eh

normal yan sis kasi pumupwesto si baby and sumisiksik sha dun sa pempem mo..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close