Author Topic: Hubby staying out LATE with FRIENDS  (Read 20857 times)

bubblepop

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #60 on: July 21, 2012, 04:59:45 am »
.,this is what happened to us.

bago palang kame ni hubby nun so kararating nya lang galing abroad yung mga nasa side nya eh panay yaya sa kanyang lumabas umuuwi siya ng 12am,eto pinakamatindi one time umuwi siya ng 3am in the morning.
hindi ko siya pinapasok sa house katok siya ng katok sa may window ng room namin,wala siyang tigil sa kakakatok pinabayaan ko siya galit na galit siya sabi niya pag di mo ko pinapasok sisirain ko itong pinto, sabi ko edi sirain mo buong bahay so ngayon uuwi uwi ka ng ganyang oras manigas ka kahit anong gawin mo di kita papasukin.
mga 5am na yun sabi niya maawa ka naman makikita ako ng mga kapit-bahay nasa labas ng bahay,edi medyo naawa naman ako pinapasok ko siya pero hanggang sa may sala lang di siya makapasok sa kwarto kase nakipag unahan ako sa kanya.,(hahaha bad ko) pag gising ng lola niya siya lang kase kasama namin sa bahay eh medyo b**gi na yung matanda sabi ng lola niya sa kanya o ang aga mo naman nagising,hahaha mula nun di na niya inulit yun kase alam niya di ko siya bibiruin gagawin ko talaga sinabi ko hehe  ;D
« Last Edit: July 21, 2012, 05:02:03 am by bubblepop »

palamig

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #61 on: July 21, 2012, 12:28:43 pm »
naku sis eksakto lahat ng sinabi mo hehe.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #62 on: July 21, 2012, 12:38:15 pm »
^haha! minsan nga sabi ko sa kanya, magpapagabi rin ako ng uwi.. aalis din ako kasama ang friends ko. aba, sabi ba naman "ikaw, gusto mo laging pantay!" haha! ibig sabihin, ayaw.. pero pag sya ang gumagawa, ok lang. very good no? :) pero dapat talaga relax lang tayo sis, kasi sabi ng nakararami: babae raw ang nagdadala sa relationship. im not an expert when it comes to relationships kasi mag one year palang naman kaming kasal. basta walang "iba", walang away..

aipaguio

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #63 on: July 21, 2012, 10:31:25 pm »
Naku mga sis, relate na relate ako dito sa thread na to ngayon. I will tel my story then tell me kung mali ba yung ginawa ko?

Pag weekdays may work si hubby and pinaka maaga na nyang uwi is 11pm. Madalas paguwi nya tulog na kami. Weekdays lang namin sya nakakasama ng 4yr old ko na anak. Last weekend super hectic yung sked namin. 2 birthday parties inattendan namin. Yung isa dun e sa anak ng kabarkada nya na galing abroad. tapos nung gabi nagpaalam pa na aalis dahil magkikita kita daw sila ulit..inuman syempre. Ok [textspeak!], pumayag na ko. Ang sabi nya before 10pm nasa bahay na daw sya. Aba 12mn na wala pa. Walang tawag walang text. E di ako na tumawag. Ayun napasarap daw ang kwentuhan pero uuwi na daw sya. Ang ginawa ko, pinag lockan ko ng pinto then pinatay ko ang cellphone ko at umakyat na ko sa taas. At ayun nakatulog ako ng halos 1 1/2 oras. Hehe! E kasi naman madaling araw na. Binuksan ko ang cell ko at ayun nga nandun na sya sa labas namin naghihintay ng matagal. Ayoko talaga sana papasukin kasi sya pa ang galit at nilockan ko daw sya ng pinto. Nagagalit din sya kasi minsan lang naman daw.

My point here is tumupad ka sa sinabi mo. Be sensitive na may asawang naghihintay sayo, naghihintay ng tawag or text mo. 2 days na nga lang yung weekend babawasan pa nya ng isa. May right naman ako mga sis di ba para paglockan ko sya ng pinto?

Ang sinasabi nya kasi e minsan lang daw naman yun. Kahit na minsan yun no! Pag naiisip ko na binawasan pa nya yung araw na para samin at nakuha nyang iwan sakin magisa ang bata habang mamalantsa pa ko ng mga uniform nila naiimyerna talaga ko! Napaka insensitive!

janix athena

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #64 on: July 21, 2012, 10:54:43 pm »
^Para sa akin hindi ko gagawin yung pag-lock-an sya ng pinto for that kind of offense. Kasi 1 araw na nga lang ang natira sa weekend na pwede ko sya makasama tapos mawawala pa ang ilang oras na sinaraduhan ko sya, at ilang oras na hindi kami magkikibuan dahil sa pagganti ko. Kung talagang minsan lang naman iintindihin ko na lang.

Meron akong friend na ni-lock pinto for her bf na may nilalanding babae. Ayun pa siguro maiintindihan ko. :)

Pero I'm glad this strategy (lock ng door) worked for sis bubblepop.

don em

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #65 on: July 23, 2012, 09:17:03 am »
^ I agree with you sis. Hindi ko din gagawin yung paglock-an ng pinto si hubby. Mas mabuti na intindihin na lang. As I said sa earlier post, I let my husband do his thing. Sinasabi ko lang sa kanya yung gusto at ayaw ko. Yun ang effective para sa akin, treating him as an adult, na he should know his boundaries and responsibilities being my husband and father to our kids. This weekend, he was so busy in setting up his toy car (tamiya) for the race he will join. I just let him. I did the household chores. Nung hapon, nagpaalam sya na sasali sa race, so sabi ko goodluck. Madilim na nung nakauwi sya, so kinumusta ko lang how's the race. Nung gabi na, sabi nya sa akin, tinawagan daw sya nung friend nya para uminom. E di sabi ko, iinom ka ba? Sabi nya, hindi na muna, nahihiya ako sayo eh. Halos wala na ko dito sa bahay maghapon, napagod ka,  tapos lalabas pa ko. (natuwa naman ako.. hihi!)

sarsingkit

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #66 on: July 23, 2012, 10:30:37 am »
^and that ladies, is how you kill your husbands with kindness.  :D

nagwowork din kasi sa husband ko yung pag badtrip ako sa kanya eh naglilinis na lang ako or naglalaba tapos magluluto ng masarap hanggang sa maamoy nya at magutom sya. tapos bigla na lang magsosorry tapos ako naman "im sorry. may sinasabi ka?" tapos ayun mapapangiti na lang kami pareho. tapos mag-offer sya na maglilinis din sya or magsasampay or kakain kami sa labas.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #67 on: July 23, 2012, 11:37:08 am »
aipaguio: gets ko yung point mo sis kung bakit sinaraduhan mo sya ng pinto. siguro kung first time nangyari, pwede ko pa palampasin. pero kung paulit-ulit tapos magdadahilan na "minsan" lang, dun na talaga ako magagalit. nakakainis kayang maghintay diba..

aipaguio

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #68 on: July 23, 2012, 03:23:13 pm »
Sis dhee dhee, korek ka jan. ang minsan na sinasabi nya e lagi namang nauulit. Sana kung first time nga, e kaso hindi e. At alam naman nya na number 1 na ayaw ko yung ganun, ilang beses na namin yun napagusapan pero nangyayari pa din. Ok lang sana kung madilim lang nakauwi, e madaling araw na umuwi. Nakatulog na nga ako e ;)

Sis don em, sana may ganyan ding akong pasensya or ugali gaya ng sayo. Thums up ako sayo jan!

Sis janix athena, yung sa friend mo di ba dapat pinapasok na lang nya yung bf nya kasi nga may nilalanding babae. E di lalo silang naglandian dun sa labas. Scary yun but anyway that's another case. Bf-gf and husband and wife. Thanks for sharing.




Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #69 on: July 23, 2012, 03:47:14 pm »
^asawa ko rin ganyan. kahit ilang beses na napagusapan, nauulit pa rin. sana next time hindi na talaga ulitin ni hubby mo, kainis kasi yung hindi tumutupad sa sinasabi. di bale sis, pag lumaki laki na baby nyo, yan na magsesermon sa kanya. :D
« Last Edit: July 23, 2012, 04:01:09 pm by Dhee-Dhee »

sixteen16

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #70 on: July 23, 2012, 03:50:18 pm »
hay mga sissies, nagawa ko na lahat yan. pinag-lock ng pinto at hindi pinapasok.. sa sobrang inis ko. ganyan nga siguro talaga ang mga lalaki. naubos na ang pasensya ko. pinapayagan naman pero sana alam nila ang limitations nila. ngayon, we're not okay. pati small business namen naapektuhan. yan ang gusto nya. sige.. pagbibigyan ko siya..

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #71 on: July 23, 2012, 04:20:36 pm »
^naku sis, wag mo hayaang maapektuhan negosyo nyo, sayang naman yun. relax lang muna, ganyan talaga papel nating mga babae, oo talagang nakakainis minsan pero kailangan isave ang marriage. sabi ko nga dati sa asawa ko "anong gusto mo, hindi ako kumibo? sorry ka, hindi ako shock-proof!" kasi parang gusto nya dedma lang ako kahit anong gawin nya. eh hindi pwede yun kasi magkasama na kami ngayon. ako marunong sumunod sa limitations kaya dapat siya rin.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #72 on: July 23, 2012, 09:06:31 pm »
I don't remember na nalock-an ko ang asawa ko ng pinto. pero may time na nakita ko siya natutulog sa lbas ng bahay namin, sa garahe. Haha. Naka lock daw yung pinto. Hidni ko maaalala kung ako naglock o yung yaya.

So far, hindi na nag iinom ang asawa ko sa labas kasama ang mga BI na officemates. Haha. Uminom siya nug Saturday kasama ang tatay at kapatid ko, pero sa bahay lang at natulog lang after uminom.

Leven

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #73 on: July 25, 2012, 04:44:19 pm »
Naniniwala talaga ako na babae nga ang nagdadala sa relationship. Depende sa babae kung hanggang kelan niya kayang tiisin ang lalaki. Sorry to say pero kung minsan ka martyran na. Just like Lani Mercado abay ilang beses na pinagtaksilan, kung minsan uuwian kung minsan naman hindi pero andyan parin siya smile pa rin at parang wala lang ginawa si hubby so ilang taon na sila ngayon. So Depende talaga sa babae yun. Kaya [textspeak!] hindi lahat parang si Lani may mga Gretchen Barreto din na lumalaban. kumbaga I love my life yung tema daw niya. Mas maganda daw yung mahalin mo muna sarili mo then you'll soon realize na u need to stand up for yourself and for your kids. Di ko siya idol ha, I don't like her pa nga. Gusto ko lang yung fighter personality niya.

Nuriko

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #74 on: July 30, 2012, 10:06:02 am »
Minsan nung inungkat ko sa husband ko ang tungkol sa mga kaibigan nya, bigla nya akong binantaan na hihiwalayan nya ako.

Nangyari na sakin yung tipong monthsary namin (lagi namin to sinecelebrate, yung basta magkasama kami kahit walang handa) at ineexpect kong nasa bahay sya nun kasi wala syang work nun. Pagdating ko ng house, wala sya sa bahay. Nagtext sya na nasa bahay daw sya ng friend nya. So andun lang ako sa loob ng bahay mag-isa. Ang saya saya no? Ano ba naman yung once a month na yun? Urgent, emergency, at rush ba yung tungkol kay friend na tipong di pwedeng wala sya dun?

Yung tipong usapan susunduin nya ako sa office. So mega prepare ako ng maaga at sinabi ko sa mga kaopisina ko na di ako sasabay pag-uwi kasi may sundo ako, tapos bigla nyang ika-cancel kasi may lakad daw sila magbabarkada. Hanggang 11 lang daw sila pero 4AM ata o 5AM na sya dumating.

Yung sasabihin nyang 11pm ang dating nya pero lagi na lang 2AM o 3AM pa. Binibiro ko na lang sya na napakarami nilang diskusyunan kaya inaabot sila ng ganun katagal.

Hindi ko alam kung OA lang ako.

don em

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #75 on: July 30, 2012, 12:27:30 pm »
^with that sis, sure ka ba na barkada lang talaga kasama nya? To think na wala syang work, nagbabarkada pa?

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #76 on: July 30, 2012, 12:35:11 pm »
Minsan nung inungkat ko sa husband ko ang tungkol sa mga kaibigan nya, bigla nya akong binantaan na hihiwalayan nya ako.

Yung tipong usapan susunduin nya ako sa office. So mega prepare ako ng maaga at sinabi ko sa mga kaopisina ko na di ako sasabay pag-uwi kasi may sundo ako, tapos bigla nyang ika-cancel kasi may lakad daw sila magbabarkada. Hanggang 11 lang daw sila pero 4AM ata o 5AM na sya dumating.

Hindi ko alam kung OA lang ako.

Sis, hindi ka OA. Hindi lang talaga makaiwas asawa mo sa mga kaibigan nya. Hindi ba sya marunong humindi? Ganyan din brother ko sa tropa nya, kaya hiniwalayan nung GF nya.

sixteen16

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #77 on: July 30, 2012, 01:52:52 pm »
Minsan nung inungkat ko sa husband ko ang tungkol sa mga kaibigan nya, bigla nya akong binantaan na hihiwalayan nya ako.

Nangyari na sakin yung tipong monthsary namin (lagi namin to sinecelebrate, yung basta magkasama kami kahit walang handa) at ineexpect kong nasa bahay sya nun kasi wala syang work nun. Pagdating ko ng house, wala sya sa bahay. Nagtext sya na nasa bahay daw sya ng friend nya. So andun lang ako sa loob ng bahay mag-isa. Ang saya saya no? Ano ba naman yung once a month na yun? Urgent, emergency, at rush ba yung tungkol kay friend na tipong di pwedeng wala sya dun?

Yung tipong usapan susunduin nya ako sa office. So mega prepare ako ng maaga at sinabi ko sa mga kaopisina ko na di ako sasabay pag-uwi kasi may sundo ako, tapos bigla nyang ika-cancel kasi may lakad daw sila magbabarkada. Hanggang 11 lang daw sila pero 4AM ata o 5AM na sya dumating.

Yung sasabihin nyang 11pm ang dating nya pero lagi na lang 2AM o 3AM pa. Binibiro ko na lang sya na napakarami nilang diskusyunan kaya inaabot sila ng ganun katagal.

Hindi ko alam kung OA lang ako.

sis, parehas tayo ng sitwasyon.. yun nga lang hubby mo na sya.. ako live-in partner pa lang.. nakakainis na sobrang ewan na.. masasabi ko talagang walang ibang babaeng involve. pero sobra naman ang time nya sa barkada nya. minsan nga ok lang na mag-away kami basta maipagtanggol lang nya ang barkada nya. monthsary / birthday ko wala siya. nandon sa barkada nya. ano ginagawa mo sa sitwasyong ganyan?

hanson15

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #78 on: August 03, 2012, 02:52:41 pm »
sis sa tingin ko yung mga umuuwi ng madaling araw sa inuman yan or sa beerhouse nagpupunta. San pa ba sila pwede pumunta sa mall? hahaha

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Hubby staying out LATE with FRIENDS
« Reply #79 on: August 03, 2012, 03:09:45 pm »
^haha! natawa ko sa mall.. wala namang bukas na mall ng madaling araw. parang yung asawa lang ng SIL ko, panay beerhouse. ewan ko bakit pumapayag SIL ko ng ganun. eh ang kurikuripot ng asawa nun tapos nagtatapon ng pera sa beerhouse. ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close