watch now

Author Topic: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)  (Read 59574 times)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #120 on: May 30, 2012, 09:03:50 am »
hello mga sis!!

binabasa ko lang mga posts nyo, hehe.. observer lang ako..

re savings: yung sweldo ko lang ang pinapaikot ko, yung allotment ni hubby ang automatic savings..sana malaki ang maipon para wag na mag-abroad ng pangmatagalan si hubby..



AltaVida

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #121 on: May 30, 2012, 11:35:17 am »
good morning!

riobels - naku sis wag ka na malungkot.. :)

kaice - buti ka pa debt free na! ganyan din ako 2 months ago, until bumili na naman ng bagong gadget si rj.. pero good thing naman sa sweldo niya kinukuha.. pero ang point dun ke ako nagbabayad or siya, sayang sana kasi matitipid din yun.. ayun ginagawa lang niyang TV yung tablet niya para makapanuod ng naruto! o diba!!!

seren - good job! ayos yun para talagang sigurado ang savings..

kami rin lumaki ang kuryente, nasira kasi yung ref namin, hindi na masyado kumakagat yung magnet sa door kaya ayun parang laging nakabukas ref namin kahit hindi.. gusto ko sana bumili kaso nga hindi ako makahirit sa credit card dahil sa tablet na yan... buti na lang wala namang aircon...


gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #122 on: May 30, 2012, 11:51:24 am »
@rio naku sis don't worry, teka seaman ba si papa j? kasi yung friend ko naghahanap ng di ko alam ang tawag e. yung sa kanila 3months 3 months lang hihi parang norway yata ang byahe?  :)

@kaice & karmi naku mga sis, kami man tumaas ng konti ng kuryente, kasi nung naoperahan ako 2 weeks akong nakastay lang sa bahay. so bukas lahat kasi nakakabore e..nood tv, fan, pc, etc..buti na lang at wala pa kaming aircon (gusto kasi namin inverter, ala pa lang fund). sa credit card naman, yung inverter ref pa lang ang nakuha namin at binabayaran, medyo matagal pa yun.

@seren ayos yan sis! sigurado ang savings mo :)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #123 on: May 30, 2012, 05:13:16 pm »
naks naman usapang kaperahan. naku kami eh mejo mahaba pa ang listahan sa credit card. lalo na ngayon kasi laging minimum amount lang ang nababayaran namin. tapos sumabay pa ang project na hindi nagdown, ayun, abunado nang bongga. though okay lang, buti na lang magaling magbudgey si hubby.  ;D

savings, may save up ako sa payroll account ko, so may derecho na kaagad dun. tapos meron din kami sa opis na coop so SD na rin yun. balak namin bumalik sa stocks, hindi pa final sabi ni hubby kasi wala pang panginvest. hindi kasi kami pwedeng magpatulog ng matagal, kaya 2nd option lang ang mutual funds

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #124 on: May 30, 2012, 10:17:31 pm »
at shempre pa, krumayola ako ng bonggang bongga. as in kahit habang nagtatype ako ngayon, umiiyak pa rin ako. panibagong adjustment na naman. nasanay na ako na katulong ko sya kay baby g.

4g - nope. land-based si papa j. fitness instructor sya sa oman.

we're looking forward to something naman. as mentioned ko sa isang post ko, aapply sya ng family accommodation. if approved, then gora kami ni baby g sa oman. sabay nya kami next year. if not, apply lang kami ng US visa next year (tourist) pag-uwi nya saka tapusin lang namin first bday ni baby g, then babalik sya don para magresign. so before september of next year, kung dito kami permanently, magkakasama na kami. yun kasi ang focus namin ngayon.. kung pano kami magiging magkakasama. ayaw namin lumaki si baby g na ganito ang situation namin.

ayun! hello tears!!!!  :'(

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #125 on: May 30, 2012, 11:07:25 pm »
@rio ganun ba sis..don't worry sis, magiging ok rin yan :) pray lang lagi

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #126 on: May 30, 2012, 11:14:01 pm »
^yup sis. maswerte kami kasi unli ang YM nya. tapos 4 times a week kami nakakapag-skype. super ok ang communication kaya lang kasi, iba talaga pag magkasama. now we know kung ano ang buhay namin kapag nasa iisang bubong lang kami. nasanay na talaga ako na andito sya.. ngayon, panibagong adjustment.. back to dating life.. papayat ako ng bongga nito!!!

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #127 on: May 31, 2012, 07:29:55 am »
@ sis rio -- kainggit ka naman, my unli YM si hubby mo at nakakapagusap kayo regularly.. kami ni hubby, naku minsan walang text o tawag for 2 weeks, kasi wala sya signal eh.. kung tatawag naman sya using satellite phone sa barko, mahal na choppy pa yung line, so wag na lang, tiis na lang.. kaya ang ginagawa ko, nagssave ako ng text messages sa phone tapos pag nakahagip na ng signal, ayun sinesend ko na.. nasanay na rin kami na ganong set up..

wag ka na sad sis.. *virtual hug*

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #128 on: June 03, 2012, 12:50:48 pm »
Kumusta ang mga pretty wives? Grabe tagal ko na di nakabisita dito. Ang hirap makahiram ng laptop dito sa asawa ko at swear,  ang hirap magtype sa phone hha! Pero ang good news ko e...

We're having a baby boy! ^_^

At dahil effort magtype dito, yan muna ang sasabihin ko hehe... I miss you girls! Hope you are all doing well! Hugs and kisses!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #129 on: June 03, 2012, 11:09:25 pm »
congrats ima!

naku seren.. pag naexperience mo to, ang hirap. kung ikaw lang iiwan, medyo ok pa pero kung may baby na, ibang usapan na.

naku ladies, eto na. papa j has been told by their hr na eligible sya kumuha ng family accommodation. wait na lang ni papa j yung documents namin like mga certificates, etc. narinig ng nanay ko ito at krumayola bigla! ewan ko ba. undecided ako umalis. i know priority ang family pero hirap akong iwan ang extended family. di ako makapagdecide.

Lord help me!

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #130 on: June 04, 2012, 07:07:04 am »
^sis, ask for a sign.. may the Lord God help you..

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #131 on: June 04, 2012, 07:24:01 am »
happy monday!

rio - tama si seren, ask for a sign... this is difficult pero wala namang may gusto na lumaki ang kids na di sama sama ang family, your parents will understand pero it is harder to make baby G understand why papa J is not always with you, in special occasions, etc.

ida- congrats!  may little jp na soon!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #132 on: June 04, 2012, 09:25:01 am »
seren and kaice - dati ginagawa ko ang humingi ng sign pero lagi akong lito sa mga signs. papa j is understanding enough. he's willing na magresign if ever magdecide ako na ayaw ko don. kaya lang, pareho kaming nganga rito pag nagkataon. gusto man naming magbusiness, di namin alam ang papasukin. haist! nakakaloka lang.

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #133 on: June 04, 2012, 09:48:53 am »
^ baket hinde mo try i-ask ang opinion ni baby gean?  ;)  Malay mo sa kanya idaan ni God yung sign diba? i know na magrerespond si baby.. try it sis..

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #134 on: June 04, 2012, 12:26:40 pm »
^ginawa ko na yan. puro taas kilay ang ginagawa ni baby g. hahaha.. eto nga at nagwawala. parang namamaga yung gums. ang aga para magngipin. papacheckup ko na lang sya sa saturday. whiz ko type ang panahon.

ang dami ko kasi kinoconsider in case na aalis kami eh. close family ties and everything. pero naiiisip ko rin na kung hindi pa ako hihiwalay sa kanila ngayon, kelan pa? sabi ko nga, naiintindihan ni papa j nararamdaman ko. siguro, we'll list the pros and cons of both situation na lang.

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #135 on: June 04, 2012, 01:07:17 pm »
rio -business din iniisip namin kaso matatagalan pa talaga bago ko mag-resign. i have been juggling multiple jobs plus i want to enjoy being with baby K while she is small...

just give it a try, tell your parents na if ever things will not work out as expected, you will come back to them naman.

babies - ang daldal na nila no? naloloko na lahat ng tao sa amin kay baby K :) 

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #136 on: June 04, 2012, 01:21:44 pm »
@rio sis isipin mo na lang kung ano ang mas priority mo at mas importante sayo...tingin ko kahit ano man yan e support naman family mo and ni papa j.

gullible

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #137 on: June 04, 2012, 03:55:24 pm »
hello mga sis...

happy but a bit depressed...kung kelan naman kasi nag decide na kami ni hubby na ready na kami magka-baby eh tsaka naman ako nagka-fever at nag-spotting...

@4g & @karmi: naiintindihan ko na yung feeling nyo kapag nega ang PT :(

kasi naman sa june 11 pa expected period ko kaso during ovulation time e nag-spotting ako...last week naman nagka-fever ako..dami suspetsa ng OB kaya ang dami kong test... CBC to rull-out dengue fever, nag-urinalysis din kasi baka UTI...good thing na-rull-out naman...inadvise ako ng ob na mag-PT na...sabi ko nga pwede na ba eh june 11 pa expected period..akala ko kasi dapat after missed period pa pwede mag-PT...ayun negative...

kakalungkot pala kapag nag-eexpect ka na talaga...haay...wala namang nakitang abnormal sa ultrasound ko...yung result na lang ng pap smear ang hinihintay ko...


rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #138 on: June 04, 2012, 04:48:43 pm »
hi sisses! sorry ngayon lang din me nakadalaw.  :P

dami ng happenings pala hehe.

rio - good luck sa plans niyo ni papa j.

kaice - kering-keri mo naman ata ang multi-tasking eh..

ida - congrats sis! musta na pala pagbubuntis mo?

seren - sis alam mo na ba iyong gender ni baby? kakaexcite noh. feeling ko mas excited ako sa pagdating ni baby kesa noong preparation ng wedding.  ;D

update:

may ob visit ako kanina and based sa ultrasound 50/50 na boy ang baby namin ni hubby.  ;D di kasi sure si doc kung daliri ba ni baby iyong nakita namin or penis. hehe. natuwa naman ng bonggang-bongga nanay ko. sabi ko antayin muna namin iyong next ultrasound kasi baka clear na malaman gender ni baby.  ;D

AltaVida

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives (book 2)
« Reply #139 on: June 04, 2012, 11:51:40 pm »
haller mga wifeys!

rio - ako naniniwala rin sa signs.. :) ask ka lang kay God..

rjaye - weee ang saya naman! kelan ang due mo? kinuwento ko kay hubby na buntis ka na, at magkasabay tayo ng kasal.. na-sad lang siya

gullible - hay naku sis.. parang feeling ko nga, baka naman we have to stop trying.. baka lalo lang kasi ako nasstress sa pressure na need ko na magbaby

ida - wow baby boy congrats!!!

walang bago sa akin.. same old same old.. hehe kaya wala akong kwento...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close