bubuhayin ko tong thread to give hope lol
narinig ko na din to from a friend way back in college which I always remember hanggang sa nagstart ako makipagbf. kapag nga daw guy ang nag-initiate then Final na and walang balikan.
But then, ang masasabi ko, if there's something that provoked his anger or jealousy, most likely babalik yan. kahit pa sabihin nilang never na magiging kayo, "I hate your attitude", "we'll never be together", "this is the last", etc etc

hindi totoo yan, & wag niyong damdamin

nangyari na to sa ex ko and sa friend ko. ganyan ang sinabi samin ng boyfriends namin, pero well, yung ex ko nagreach out sakin after more than a year which was really surprising kasi talagang ayaw niya na ko kausapin non - yung feeling na masisira araw niya pag kinausap ko. sa friend ko naman, hindi ko alam kung sino unang nagreach out pero nung time na kinakausap ng friend ko boyfriend niya pinapaalis siya, pero ayun, sila ulit.
sadly, nagbreak kami ulit ng boyfriend ko & siya ang nakipagbreak. I know kung ano cause pero nung nagusap kami dahil daw yun hindi kami magkasundo, blah blah blah in fairness, this time, may closure and mahinahon paguusap namin. yung dating break up kasi wala kaming closure dahil parang galit na galit siya sakin kahit na siya yung nakipagbreak. there's a reason for me to conclude na wala na talaga to and mukhang decided na siya na final na, pero I won't be surprised if he comes back.
but bottomline, kung may nagprovoke lang ng change of emotions niya, there's a big possibility that hindi pa final. if nagchange siya ng hindi biglaan, then most likely ilang days niya na nga napagisipan. kung out of nowhere naman eh baka nga may third party.but Im not sure about that since it has never happened to me.
parehas tahimik yung boyfriends namin by the way, and siguro nga, madali ding magulo isip nila once jealousy and anger take over their minds.