Author Topic: Guys who initiate the break up  (Read 48460 times)

babyboo.0326

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #80 on: September 19, 2013, 09:38:27 pm »
Is it true ba na if guys daw ang nakipag-break it's final na at wala nang mangyayaring balikan? what does it mean po ba if guy yung nakipag break sa girlfriends nila? talaga bang ayaw na nila at wala ng pag-asa magkabalikan pa?
this happened to me twice, different BFs. but they came back. kaso hindi na pala tulad ng dati yung feelings ko, ending, ako na rin ang nakipag-break sa kanila.

weird lang about guys, pag ang girl ang nakikipag-break, some can't handle it. biglang sasabihin nila may third party ka na kaya ka nakikipag-break na. not even realizing na nasa kanila ang problema at ilang beses mo na naman yon sinabi sa kanila kaso wala nang nangyayari kaya ka napagod na.

i guess bottom line, kahit sino pa ang nakipaghiwalay kanino, dead-end na if pagod na either of you.

redhead69

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #81 on: September 22, 2013, 02:57:09 am »
Is it true ba na if guys daw ang nakipag-break it's final na at wala nang mangyayaring balikan? what does it mean po ba if guy yung nakipag break sa girlfriends nila? talaga bang ayaw na nila at wala ng pag-asa magkabalikan pa?

Nope. Just now di lahat ng guys ganon. Iba 'mad' lang daw sila kaya nila nasasabi mag break pero nakikipagbalikan rin. Pero for me once na nakipagbreak na ang guy. No turning back na.

quiet_angel18

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #82 on: October 04, 2013, 05:56:25 pm »
Just want to share & ask your opinions...

My bf asked for space- may mga dapat lang daw sya ayusin problems, he got bored with our relationship daw( his showy with his emotions, touchy. Ako tahimik lang & mostly sya yung nauuna mgshow ng sweetness)
Pagod na daw siya na siya ang ngdadala ng relasyon namin. Pero mahal pa din daw nya ako.
Pumayag ako kaht ayaw ko ng space(break up), pumayag ako kasi nakita ko na nahihirapan na siya, na effort na lang sa part nya kung itutuloy pa din namin.
Napansin ko din na his cold na din sa akin, sa relasyon namin. Hindi ko nasabi mga gusto ko sabihin kasi naging emotional na ako that day...

After namin magusap akala ko separate ways na kami pero he even hold my hands,we kissed, we hugged for the last time na ba yun?? sabi nya ayaw nya na isipin ko na yun na ang huling gudbye namin, pwede kami magkape, lumabas gaya ng dati kapag namimiss namin isa't isa, he even said i love you before he drove away
at pagdating niya sa bahay niya nagpatext pa sa akin na parang wala lang, our usual way of texting except wala ng pet names. Since wala nga ako nasabi nung humingi siya ng space, nag send na lang ako ng mesaage sa kanya,
.... na sana pagnatapos na yung aayusin nya na pwede pa maging kami uli, na sana mahal pa niya ako, na di ko kaya wala siya... his reply was magpray lang daw ako na makapag move on ako

Final na ba yung space na hiningi nya? mahal pa ba nya ako? or wala na akong dapat asahan pa?
Confuse na ako, hindi ko na alam iisipin. Everyday lalong masakit, miss ko siya



sacred cow

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #83 on: October 04, 2013, 06:03:51 pm »
consider it final, at least he had the decency and respect to break up with you kesa naman sa magcheat siya sa'yo para lang ikaw yung makipagbreak sakanya.
If you’re not happy together, you shouldn’t be together.

ilovejdy

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #84 on: October 05, 2013, 07:37:01 am »
^harsh but true. I agree with you.

just go find your happiness
and just maybe, things would turn out to be better than what you expected.

I've been there, and there's no point in over thinking.
 ;)

quiet_angel18

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #85 on: October 05, 2013, 02:05:12 pm »
thank you @sacred cow and  @ilovejdy

paano ba magmove on? lagi ko siya naiisip, simpleng bagay may memories :( hirap

ilovejdy

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #86 on: October 05, 2013, 06:20:20 pm »
I am in no position to advise kasi I am no expert
But sa experience ko, I spent more time with family and friends
and sa pagpapa improve ng sarili ko. I became too busy to think
about the "what if's" ...
then 1 day si ex na gumawa ng paraan and tried to
get back together ...but then I realized he was not the 1 I want to
be with anymore. Thanks sa time I had na helped me to look
at the bigger picture.:-)

This didnt happen overnight huh. Anyways we all have our own
coping mechanism, find what yours is and use it for your benefit.
Baby steps lang sis..and prayer. :)

sixteen16

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #87 on: October 05, 2013, 10:12:43 pm »
i need your advise.. my bf/live-in partner for almost 9 yrs.. wala naman issue sa amin.. happy kami.. walang 3rd party sa amin.. wala sya work dati.. pero ngayon 2 months na sya sa work nya.. hindi naman namin pinag-aawayan ang pera dati pero simula ng nagkawork sya lagi na lang bukambibig ang pera. kanina bago sya umalis sa work, pera na naman ang kinagalit nya. di na nga ako sumasagot para di na lumaki. hindi naman ako humihingi dahil may pera ako. nasabi pa nya na ayaw na daw nya.. pagod na sya sa ganung sitwasyon namin.. (nagtataka ako kasi hindi naman kami nag-aaway. ok kami. simula lang talaga nagkatrabaho sya napapadalas ang away namin.).. graveyard sya kaya bukas pa ulit kami magkikita. i'm waiting for his text and reply pero kahit isa wala. nakikipagbreak na ba sya nyan? ano ba dapat ko gawin?

quiet_angel18

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #88 on: October 06, 2013, 02:31:36 pm »
I am in no position to advise kasi I am no expert
But sa experience ko, I spent more time with family and friends
and sa pagpapa improve ng sarili ko. I became too busy to think
about the "what if's" ...
then 1 day si ex na gumawa ng paraan and tried to
get back together ...but then I realized he was not the 1 I want to
be with anymore. Thanks sa time I had na helped me to look
at the bigger picture.:-)

This didnt happen overnight huh. Anyways we all have our own
coping mechanism, find what yours is and use it for your benefit.
Baby steps lang sis..and prayer. :)


Thank you :)

Beng01

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #89 on: October 07, 2013, 04:28:59 pm »
i need your advise.. my bf/live-in partner for almost 9 yrs.. wala naman issue sa amin.. happy kami.. walang 3rd party sa amin.. wala sya work dati.. pero ngayon 2 months na sya sa work nya.. hindi naman namin pinag-aawayan ang pera dati pero simula ng nagkawork sya lagi na lang bukambibig ang pera. kanina bago sya umalis sa work, pera na naman ang kinagalit nya. di na nga ako sumasagot para di na lumaki. hindi naman ako humihingi dahil may pera ako. nasabi pa nya na ayaw na daw nya.. pagod na sya sa ganung sitwasyon namin.. (nagtataka ako kasi hindi naman kami nag-aaway. ok kami. simula lang talaga nagkatrabaho sya napapadalas ang away namin.).. graveyard sya kaya bukas pa ulit kami magkikita. i'm waiting for his text and reply pero kahit isa wala. nakikipagbreak na ba sya nyan? ano ba dapat ko gawin?

sis ang basa ko dito, bigla bigla nalang nagtaray for no serious reason? Ibig sabihin may iba na yan.
Look for signs, you observe sa mga ways nya na hindi naman ginagawa dati, pero ngayon ginagawa.
Chances are baka may iba na siya...

Beng01

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #90 on: October 07, 2013, 04:37:28 pm »
Just want to share & ask your opinions...

My bf asked for space- may mga dapat lang daw sya ayusin problems, he got bored with our relationship daw( his showy with his emotions, touchy. Ako tahimik lang & mostly sya yung nauuna mgshow ng sweetness)
Pagod na daw siya na siya ang ngdadala ng relasyon namin. Pero mahal pa din daw nya ako.
Pumayag ako kaht ayaw ko ng space(break up), pumayag ako kasi nakita ko na nahihirapan na siya, na effort na lang sa part nya kung itutuloy pa din namin.
Napansin ko din na his cold na din sa akin, sa relasyon namin. Hindi ko nasabi mga gusto ko sabihin kasi naging emotional na ako that day...

After namin magusap akala ko separate ways na kami pero he even hold my hands,we kissed, we hugged for the last time na ba yun?? sabi nya ayaw nya na isipin ko na yun na ang huling gudbye namin, pwede kami magkape, lumabas gaya ng dati kapag namimiss namin isa't isa, he even said i love you before he drove away
at pagdating niya sa bahay niya nagpatext pa sa akin na parang wala lang, our usual way of texting except wala ng pet names. Since wala nga ako nasabi nung humingi siya ng space, nag send na lang ako ng mesaage sa kanya,
.... na sana pagnatapos na yung aayusin nya na pwede pa maging kami uli, na sana mahal pa niya ako, na di ko kaya wala siya... his reply was magpray lang daw ako na makapag move on ako

Final na ba yung space na hiningi nya? mahal pa ba nya ako? or wala na akong dapat asahan pa?
Confuse na ako, hindi ko na alam iisipin. Everyday lalong masakit, miss ko siya





hi sis quiet_angel18, when a guy said "he wants space", and his reply was "magpray lang daw ako na makapag move on ako" and you are bf-gf, it means gusto na nya i-end
ang relationship, decent pa nga siya eh kasi he even kissed you good bye,,,for the last time before he walked away from your relationship.

So consider it as a break up na :(

Sad oo, umiyak ka hanggat gusto mo, pero even if gusto mo magbalikan kayo at isiksik sarili mo at
ipagmakaawa, wala paring mangyayari. As aquacharly quoted oh so many times , "Love cannot be forced".

What can you do? Umiyak ka lang hanggat gusto mo, kasi after that gagaan uli ang pakiramdam mo.
Pwede magmukmok pero wag mo pababayaan ang sarili mo, think of your welfare, magpaganda ka, paparlor, go out with friends, and pray.
« Last Edit: October 07, 2013, 04:43:51 pm by Beng01 »

miss_isla

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #91 on: October 08, 2013, 02:19:03 pm »
Lahat naman ng break up, kahit sino na nag initiate, mahirap, pwede sayo lang mahirap or for both of you. it really doesn't depend who wanted it first, it just meant that something was wrong, and the one who brought it up had the courage to get out or fix something that no longer makes him/her happy.

It doesn't always mean that if the guy initiated it, there's another person involved. In every relationship, you either grow together or you grow apart. Maybe we were just so blinded by love that we didn't see there's something wrong na pala.

Paano mag-move on? no special formula or technique, just do the things that makes you happy. You may think that you were happy with that ex, but what if you could be happier? Alone or with someone else. :)

sweetcupcakes

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #92 on: October 08, 2013, 05:28:39 pm »
Nangyari ito sa akin last sunday lang, naging too emotional and [textspeak!] kasi ako. Inaway ko lang sya sa mababaw na dahilan kasi di nya sinagot call ko tapos lumala argument sa text namin sinabi ko naman na naiinis ako sa kanya na wala akong fixed time sa kanya, lagi na lang walang kasiguraduhan sa isang araw kung magkikita kami. Then napunta pa kami sa argument na parang ang dating sa kanya eh pinopoint out ko daw n sex lang habol nya sa relationship namin.

Then sinabi nya sa akin na parang ayaw nya na, bakit daw nagdodoubt ako sa love na parang unfair daw. Di naman ako nagsabi nang kung ayaw nya edi wag. Kasi may part sa akin na parang ayaw ko pa sya mawala. Since nasa 1 month pa lang kami. Though nag usap naman kami kahapon ng personal, hinayaan nya ako mag explain. Pero sinabi nya nga na di nya nagustuhan na pinapalabas ko na ganon lang habol nya sa akin kaya whats the sense daw kung puro doubts. Nag sorry rin naman ako kasi minsan namimisunderstood lang naman talaga natin ang text pero hindi naman ganon ang ibig kong sabihin don. Sinabi nya sa akin na deleted na lahat ng messages namin, iba na rin name ko sa phonebook nya. Though di naman ako nagbeg na bumalik sya sa akin pero sya na din unang nagpalambing.

Okay naman na kami ngayon pero parang may nag iba. May nafefeel akong coldness sa part nya, at sa part ko din. Masakit din oo, pero til now iniisip ko bakit kayang kaya nya ako bitawan ng ganon2 na lang. Nag start naman kaming friends. Kilalang kilala namin isat isa, more than 10 years na kaming magkakilala pero ngayon lang nagkaron ng chance na maging kami talaga. Nakakapraning lang kasi parang ang bilis nya ako kayang bitawan. :(


ilovejdy

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #93 on: October 08, 2013, 09:57:40 pm »
Awww sad to hear that sis.
I hate to hear that he has the upperhand sa relationship
ninyo, it has to be equal.

I might say, I had that gut feeling with my ex.
He was like that, parang ang bilis niya ako bitawan
and it seemed too easy for him to let go.
Grabe naparaning ako nun..pero hindi ko
pinahalata sa kanya. But then that was when I knew what he
FELT for me was not deep.
And I was right.

I hope you two can talk this out..
But please dont over do it. ONCE would be enough to
discuss this with your BF..but make sure to lay down everything
that bothers you once & for all.

anon

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #94 on: October 09, 2013, 05:33:49 pm »
Is it true ba na if guys daw ang nakipag-break it's final na at wala nang mangyayaring balikan? what does it mean po ba if guy yung nakipag break sa girlfriends nila? talaga bang ayaw na nila at wala ng pag-asa magkabalikan pa?

depende sa reason for the breakup, but generally this is true. although there are rare cases wherein the reason for breakup is external (beyond control ni guy and girl), and in the future magkabalikan pa when the right condition already is there.

IMHO.

simang

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #95 on: October 09, 2013, 06:29:54 pm »
I have an ex before you usually initiates the break up but because he's a generally very nice person he'd try to console me. Tatawagan ako everyday to check if im good, he would assure me that the love is still there it's just that mali yung timing, and that i was the only one who really loved and knew him, etc. 7 years kaming ganyan. Pag may major away gigive up sya. Then makikipagbalikan. I was young, i love him, so i usually take him back. Pero nung mas nagmature na ako, the moment he told me it's over, i happily obliged. Tinatak ko sa isip ko na it's over, kahit na bumalik pa sya.

My point is, whether you're a guy or a girl, you shouldn't play games. Panindigan mo ang mga decisions mo on your own. Stick to your guns. Babae ka man o lalake, kung magdecide kang makipaghiwalay, then makipaghiwalay ka 100%. if you really are aware of the person's worth and your worth as well, hindi mo kelangan itest ang relationship nyo. Yes nag-aaway kayo and all, pero kaya nga dapat pinaguusapan diba. Para maayos, para di kelangan maghiwalay. I know some people kase na every away na lang, makkipaghiwalay tas after ialng araw balik na naman.

What im saying is, know what you really want bago ka magdesisyon. Lalake ka man or babae.

so_bloo

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #96 on: November 22, 2013, 02:26:06 pm »
Sometimes when the fight is just too much, nakikipagbreak ako. Yun reklamo nya. Nakikipagbreak ako lagi. Para kasing gusto ko tumakas at sumuko. I will regret it naman after 1-2 days.

Last break up namin, he accused me of chatting with another guy, proved him wrong, but i was so hurt i broke up qith him. Texted him after 2 days. Apologized. Nung una mejo okay. But mejo cold. I asked him kung gusto pa nya, bigla na lang nya sinabi na ayaw na nya. I begged for 3 days. Wala. Magmove on na daw ako at makipagusap sa iba dahil yun na din gagawin nya. Di na daw nya ko mahal.

This guy was really head over heels inlove with me. I have learned from my mistake. If only he'll give me another chance. Wala naman cheating na ngyari. This is just a small problem.

Im in no contact for 10days. I dont know what to do. It hurts so much. I cant eat and sleep well.

redcivil

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #97 on: December 14, 2013, 12:06:07 pm »
Hi, first post ko po ito sa FN. Ask ko lang po mga opinions nyo about sa situation ko. I have a GF now and I'm thinking of breaking up with her. I can assure you na wala ako na other girl na pinopormahan at ipapalit sa kanya.

In college kasi, nakafocused kasi ako talaga sa studies ko and ayaw ko na madivide ang attention ko. Especially may board exam kami. Engineer nga pala ako. Ewan ko lang kung bakit pero may ilang akong girl classmates at girl from different college na nagkagusto sakin at sinabi din nila sakin un personally. Pero tumanggi ako kasi nga gusto ko makapasa muna ako sa board exam ko. Hindi rin maintindihan ng mga kabarkada ko kung bakit ayaw ko mag-GF, tuloy may ilan nagsasabi na baka daw lalaki gusto ko LOL. Syempre hindi totoo yon haha.

So there is this girl na talagang gusto ako. Mga 4 years sya nagpaparamdam thru text and sometimes personally. Talagang kahit hindi ako mag-reply sa mga text nya ok lang sa kanya. She even chats my sisters in facebook. So after ko pumasa sa board exam, nag start kami magtext. Parang naapreciate ko ang attraction nya sakin at after a few months tinanong ko sya kung pwede ko ba sya maging GF. Pumayag naman sya.

The first few months OK naman yung relation namin. Pero after that parang feeling ko na hindi na katulad ng dati ang affection na ibinibigay nya sakin. Sa tingin ko gusto nya na mas e-exceed ko pa ang ibinibigay ko para sa kanya. Ginawa ko naman un. Pero ngayong mga last few months parang kulang na talaga ang effort nya. And feeling ko nga baka may iba na syang gusto. Every date namin ako lahat ang nagbabayad. Ako lagi nag-aaya na  magdate kami. Ako din kasi ang laging nagbabayad ng lahat ng gastos namin. Pero ngayong last few months pag nag-aaya ako na magdate kami kina-cancel nya sa last minute ang date namin. Siguro 5 times na nangyari to.

Pagod na talaga ako. Pero ayoko na masaktan ko sya. Ilang beses ko na naisip na makipag-break pero napigil ko lang. Last sunday nag-GM sya about sakin na swerte daw siya at nakahanap siya ng lalaki na kahit hindi siya kagandahan, kahit maliit ang bahay, kahit hindi maputi saka kung ano ano pa, masarap daw ako mahalin. Monday nag-aya uli ako na mag-date uli kami sa sabado. Ngayon naman kinancel uli nga kasi daw pagod sya sa lakad nya kahapon. Hindi ko siya maintindihan. Ayoko naman na sa text kami mag-usap.

Ano sa tingin nyo ang ginagawa ng GF ko? Pero nakapag-decide na naman ako. Makikipagbreak na ako before matapos ang 2013. Kung hindi talaga kami makapagmemeet, thru text na lang ako makipagbre-break.

miss_isla

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #98 on: December 18, 2013, 03:03:23 am »
^there's no other way to find out but to ask her.
Baka naman sobra na yung ginagawa mo for her. May mga girls na nagpupull back pag wala ng challenge. Kung dati, she was so into kase hindi pa nya nakikita how much you like her. Pero nung naging expressive ka na, it may not be that challenging for her anymore. Maybe she liked you the way you were before. If you are wondering what's up with her, maybe you can back off a bit, she'll probably wonder what you're up to too. :)
You seem like a decent guy, you'll find someone who'll appreciate what you can give. Good luck.

rheinfall18

  • Guest
Re: Guys who initiate the break up
« Reply #99 on: December 18, 2013, 11:06:51 am »
Is it true ba na if guys daw ang nakipag-break it's final na at wala nang mangyayaring balikan? what does it mean po ba if guy yung nakipag break sa girlfriends nila? talaga bang ayaw na nila at wala ng pag-asa magkabalikan pa?

in general lang i think totoo to kasi ang bf ko madalas ang mag-initiate kapag meron kami argument, ang nakakainis lang namimihasa na. lagi ko pinapatulan yung alok nya e dahil ready naman ako kung sakali magkatotoo na maghiwalay kami. tapos in the end babawiin din nya kaya pinagalitan ko sya, dun ko lang napatunayan na hindi rin totoo na walang bawian kapag lalaki ang nag-initiate. depende siguro kung paano nyo tinapos yung deal.

tip ko lang sa girls, kilala nyo naman ang attitude ng bf nyo kaya dapat tantyahin kung kelan dapat patulan kapag nag-offer sila ng ganyan. well it's a different case naman if hindi nag-offer, kung finalized ang decision ni guy dapat pakipot effect ng konti, wag agad agad maghabol bigyan time si guy na mag-isip isip kasi kapag pinatulan lalo sila maiinis kaya hindi nila maiisipan bawiin yung breakup. pag naliwanagan ang isip nila magugulat na lang kayo makikipag-balikan din sila in time :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close