Went to Divisoria this morning alone for the first time. I've only been there twice. I braved it thinking nothing can go wrong since sa 168 and 999 lang naman ako pupunta. Everything went smoothly and I didn't notice 3 hours have passed na pala and I finally got everything I planned on buying. Until....
I wasn't sure kung saan ako sasakay ng pabalik ng LRT - Recto kasi sa 999 kami ibinaba nung papunta pa lang. Nagtanong ako sa akala ko na barker. Sabi nya, hatid na lang nya ako sa padyak (na de-motor) nya, "BENTE" lang. And I repeated it just to make sure I heard it right and oo daw.
Aba, ang g**o*g driver, sinisingil ako ng 280 sa kalagitnaan ng kung saan na hindi ko alam. Eh nakita ko ang dami nya tatoo sa likod and nag-iba yung mukha nya nung sinabi ko na bente lang sabi nya. Siningil sakin yung sa mga bakante na spots sa padyak nya. Since I'm not familiar with the place at halos walang tao sa spot na yun, I gave him 300 and waited sa sukli.
Nung malapit na sa kanto ng LRT, kulang pa daw bayad ko ng 100 para daw sa pila. Dun na ako nagtaray na wala syang sinabi at hindi ko dadagdagan yun. Sabi ko dumirecho na kami sa pulis. Ang yabang pa na oo ba pa ang sinagot. Nung sinabi ko na tara na sa presinto, hindi na daw kahit kulang bayad ko. Baka kung saan pa lumiko kaya nagpababa ako. Hiningi ko talaga sukli ko, una 10 binigay. Nung pinilit ko na itama yung sukli, nanlilisik mata nya and kulang pa nga daw. Sabi ko hindi kulang yan, bigay mo sukli ko. Hinamon pa ako na bumalik daw kami para sa sukli, dun ako medyo natakot kasi iba na talaga mukha nya. Buti may nakita akong tindera sa tabi, dun ko sinabi na magpapalit sya dun.
Finally, nasuklian din ako ang tumawid na lang ako going to LRT. When I got there, tinanong ko sa aleng nagbebenta ng yosi kung magkano bayad sa ganun from divi to lrt. Ako tinanong nya kung magkano singil. When I told her na 280, nagtawag sya ng mga padyak drivers sa pila and from them, I found out na modus operandi pala mga yun. I was asked kung bente and sinabi sakin and when I said yes, yun nga daw yung mga manloloko dun na nakakabiktima. Sana daw pinapulis ko. Eh wala ako makita pulis kaya nun sa kalsada while nakasakay ako. Ang advice nila, kung natatandaan ko yung mukha, balik ako after a while then pag nakita ko, pasimple ako magpasama sa pulis kasi on weekdays, madami daw nag-iikot sa area ng malls sa divi.
Of course, I remember his face and the tattoos on his back as well as the names on the tattoo. And I also found out na most of those bad padyak drivers are ex-convicts, so I guess tama lang na di ako sumama dun sa balik hamon nya, and hindi ako sobrang nakipagtigasan.
Lesson learned and I am 280 pesos wiser. Never will I go there alone again, and never na ako sasakay sa padyak.
And sorry sa rant post, napahaba na din.