I watched the video, and super duper ganda talaga. One of the best wedding videos I've watched. Gusto ko yung parang, instead na maging lamat sa kanila ang previous marriage ni Chiz, parang relax lang sila sa bagay na yun. Nagiging humor pa nga. Gaya nung moment na:
Chiz: You are the first, only, one true love.. (parang nag react si Heart sa FIRST) hahaha then..
Chiz: You are, and you will be my last.
Tapos yung reaction ni Heart dun, parang, weh. haha di ko ma explain. Tapos nag tawanan din ang mga tao sa statement na yun. then..
Chiz: Many things I don't get right the first time.
Something like that lang ang mga lines

Then super ganda nung pumasok si Heart, then naka yuko sya, then nag look up sya just before she walked down the aisle. Oh my G sobrang LOVE. Sobrang ganda ng moment, ng effects, with the hangin and all.
Sobrang na touch din ako nung sinabi ni Chiz sa mga kapatid (?) nya na, sila ang kumumpleto ng gabi nilang dalawa kahit kulang. Tapos ni-hug nilang tatlo si Heart. Nakaka iyak.
Bagay na bagay kay Heart ang wedding gown nya, at wedding itself. Very classy and elegant. Sobrang magarbo pero thing is, it didn't feel circus-y at all. Bongga pero ramdam mo ang solemnity at sincerity. Makikita mo talaga na in love na in love sila sa isa't isa. I didn't expect this from Chiz considering 2nd wife nya na si Heart.
I am not a big fan of Heart, pero like ko naman sya ever since. Sabi kasi ng pinsan ko na nakakita sa kanya somewhere, matagal na yun, mabait daw si Heart, hindi masungit sa fans nya.
And yes, hindi naman kasalanan ni Heart na talagang mayaman sya kahit pera nya lang ang aasahan nya. Eh sa mahilig sya sa designer things eh. And kahit hindi ganun kadami exposure nya ngayon, sobrang tagal nya na sa showbiz.
At bilang napag uusapan dito, I don't think I've watched Dongyan's video. If I did, I've already forgotten it. Hindi kasi ako naging interested sa wedding nila. sorry talaga fans, nagbibigay lang ng opinion. May tag pa na "royalty" aba feel na feel ang pagiging "reyna". And nung nakita ko ang giant cake na yun an umiilaw, naisip ko, nasobrahan naman yata ito.