count me in! :-)
I work full-time sa isang trading company, at the same time wife and mom. Sanay ako ng walang katulong since lumaki kami ng ganun, kaya nung nag asawa ako hanggang sa wala pa kaming anak (2 years), kami lang ni hubby sa bahay. Pero syempre, nung nagka-baby na, kailangan na ng yaya. Nahirapan talaga ako sa simula... actually hanggang ngayon striving pa rin ako to be more organized and systematic sa daily activities namin. For now, here is our set-up sa bahay.
My husband leaves the house for work in Makati very early, before 6am... sya na mag iinit ng water para sa breakfast namin (oatmeal plus milk) na hinanda ko na nung gabi pa. So lalagyan na lang nya yun ng water then kakain na sya at titirhan na lang nya ako... tulog pa ako nito katabi ng toddler namin.
Pag gising ng anak ko, kakain na kaming dalawa, oatmeal sa akin, yogurt naman sa kanya while reading books or playing sa playroom nya. Hanggang sa dumating ang yaya nya around 7 to 7:30 am. Pagdating ng yaya nya, mag p-prepare na ako ng tunay na breakfast namin, usually sandwich lang or bread or kakanin. kakainin na nila yun sa playroom nya, sabay sila ni yaya... ako naman breakfast while nagluluto ng lunch, hanggang 8:30am siguro, then prepare na for office.
Sobrang lapit lang ng bahay ko sa office kaya swerte, walking distance lang. 9-12 work ako tapos uuwi ako ng 12-1pm para maglunch, minsan sabay kami ng anak ko minsan naman hindi na depende sa kanya, minsan kasi tulog na or naglalaro. then balik sa work from 1-6pm.
Paguwi ko, pahinga saglit then palit ng pambahay, tapos pag ready na ako makipaglaro sa anak ko, uuwi na si yaya (mas ok sa akin yung uwian kasi may privacy kaming pamilya). Ako na bahala sa anak ko hanggang sa makatulog sya... then pag tulog na sya at kadalasan maaga pa ito, around 8pm, saka ako maglalaba, magpaplantsa or magluluto ng food para kinabukasan habang hinihintay si hubby.
Pagdating nya, kwentuhan kami ng konti, kain, watch TV, basta we spend time together kahit saglit lang then sleep na. Ganyan kami pag weekdays, Pag weekend naman anything goes na... i want to spend my time freely kasi sobrang strict na ng sched ko pag weekdays. Basta saturday is family time namin, we send our son to school (Kindermusik) tapos mall, grocery, out of town basta sama sama kaming tatlo. Pag sunday naman... REST day naming mag asawa... sa bahay lang kami... pati pag simba namin sa TV na lang muna... tapos walang schedule, kung ano lang maisipang gawin: matulog, movie marathon, swimming, basta kung ano ma-isipan namin. So far ok naman kami... at nakakaraos din. :-)