Just got back from Bangkok... Bitiiiin!
Sa dami ng nilista kong pupuntahan, malls/shopping places lang napuntahan ko..
We stayed sa MyHotel in Pratunam @850B/night, Free breakfast na and wifi. Okay naman yung hotel, maliit pero malinis naman yung lobby, cafe, rooms, sheets and restroom. Okay yung aircon and water pagligo. Okay din yung service. May kalayuan nga lang sa BTS kahit pa may free tuktuk service sila. Yung tuktuk kasi, lalabas ka lang sa main road, tapos lakad ka na. Though nung checkout na kame, hinatid kami sa BTS kaya nag-tip na lang kame sa Tuktuk driver

Walang complimentary bottled water yung hotel, pero may free silang cracker.. Hehe.. Maliit na parang cookie. Naaliw ako kasi ang sarap. The wrapper has a label 'Dozo'
Aliw din ang Terminal21 mall. Magaganda yung clothes and organized by floor, sama-sama yung mens, ladies, accesories... Mura din yung food sa food court nila, pwede na ang 50B/meal. Check nyo yung restrooms, haha! Aliw ako sa floor ng Rome ata yun. Ang cute nung sink

atsaka ang toilet bowl nila, ang daming pindutan! (talagang pati bowl sinabi ko pa noh)
Maganda din mag shopping sa Platinum mall. Magaganda items nila.
Nakarating din ako sa MBK.. Dun ako bumili ng durian chips.. 150ea, mahal pala yun noh? May nakita ko sa Asiatique na stall ng pasalubong food mas mura dun, di ko lang natandaan magkano.
Bangkok souvenir shirts, sa Pratunam market ang cheapest na nakita ko @90B each
We also had dinner buffet sa Baiyoke. Mixed reviews nababasa ko dun. Pero okay naman for me, madaming food variety at syempre maganda ang view.
