watch now

Author Topic: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad  (Read 28073 times)

miksha

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #20 on: April 16, 2012, 04:13:17 pm »
naku sis twelvth_goddess natakot naman ako sa experience mo... naku mabait pa naman ang asawa ko at mapagbigay sa pamilya niya huwag naman sana mangyari sa amin ang ganyan

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #21 on: April 16, 2012, 04:21:40 pm »
FayeP and Miksha - Nakakainis talaga kase kame nga ni hubby we have our savings plus 4 credit cards pero hinay-hinay kame gumastos. Honestly, kung papairalin ko ang pride, pwede naman na hinde ko bayaran yung credit card bills eh kaso but, it's not their names at stake, it's OURS. Maayos lahat ng credit cards standing namin, we always pay in full, I never expected na SILA na naman ang makakasira. As usual, sila naman panira palage sa lahat. Iniisip ko na lang na this is for my hubby. Kase sya namomroblema eh, kesa naman hayaan ko na husband ko ma-depress, ehdi tapusin na diba? Mahirap talaga pag ang pangbayad sayo eh words and drama.

Buti na lang my husband has put his foot down. Sabe nga nya, ilan years naman na sya ang taga-sagot ng mga hinde mabayaran, taga-fill ng kulang. Hinde sila natuto magtipid kase alam nila na anjan lang sya, lageng may makukuhang pera. Ayos diba, kame ang nag-iipon, sila ang umaani. Kapal! Pero sa kanila na yon. I'd say na that's the last money we'll ever spend on them. At least my husband knows better now and he knows na pagdating ng oras ng kagipitan, wala naman syang ibang kakampi and karamay kungdi ako. Yung mga mabubulaklak ang salita pag kausap sya, nasan na ngayon? Ayun ehdi masarap ang buhay. Goodluck sa kanila.

FayeP

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #22 on: April 16, 2012, 04:45:39 pm »
sana nga sis, na wag na maulit kasi ipon nyo un so unfair talaga....


twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #23 on: April 16, 2012, 09:39:34 pm »
^Oh yeah. Hinde na talaga mauulit yan dahil pag naulit pa, they will hear it from me.

maryday

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #24 on: April 23, 2012, 01:47:40 am »
hay naku mahirap na issue [textspeak!] yang "magpahiram ng pera" lalo na sa relatives. first, di mo nman magawang documented ang utang kasi nga kamag-anak, so [textspeak!] terms of payment malabo din..
minsan khit sa friends problema din yang paniningil, and pag sinabihan ka na na wala pang pambayad eh wala ka na magawa kundi sumama loob mo. :-(

hairt mini

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #25 on: April 25, 2012, 08:59:34 pm »
Kami naman ni hubby nagpa hiram sa super close friend namin.
Super gipit sya that time and talagang dis oras ng gabi eh kumakatok sa pinto
kasi nga super need nya ng money that very moment - his life is at stake daw

Sabi nya he'll pay after a week (payday) so kami naman dahil super friends kami and alam namin
na maganda naman ang salary nya, pinahiram namin...

Ayun, so far mahigit isang taon na ang utang- utang pa rin  :P

And we found out na baon na pala sya sa utang noon pa  :( so parang
no chance na na mabayaran kami.. Though nakakasama pa rin naman namin sya and nakikipag usap pa rin naman sya sa amin, yun nga lang mukhang malabo na talaga magka bayaran  :(

neonprincess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #26 on: April 25, 2012, 10:36:43 pm »
hubby is also mabait when it comes to his family, sobra nga eh na nakakainis na! father in law ko nanghiram ng pera $2000 since 2006 pa, until now di na kami binayaran. although okay na yung business nya ngayon sa pinas, wala pa din as in kinalimutan na. di naman masingil ni hubby kasi tatay nya yun. my sister in law, every year nangungutang. tinataon pa na tax season kung mangutang, halos lahat naman ng tao sa states, pag-tax season may natatanggap na tax refund pero di ko sure why kelangan pa manghiram samen ng money ng sister in law ko. then i've discovered na malaki pala ang utang nya sa cellphone, every year inaabuso nya paggamit ng cellphone then pag walang pambayad, tatakbo sa hubby ko para mangutang. if you sum it all up, nasa $1500 na ang napahiram namin sa sister in law ko. kaya i was never closed to my inlaws sa side ng hubby ko. nasira na sila saken dahil manghihiram kunwari, then di naman magbabayad. feeling ko talaga nautakan kami! so i told my hubby, NEVER na kami magpapahiram ng pera kahit kanino, or else, gera talaga mangyayari.  ;D

raven03

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #27 on: June 01, 2012, 12:20:18 pm »
Naku, nakakasira talaga ng relationships ang utang. Kaya sabi ko kay hubby maintain namin na debt-free kami. I lent money sa kapatid ko pero nuon pa I know, bigay na lang talaga yun. Sometimes even business transactions like if I ask them to sell something for me (naiwan na gamit sa Pinas, let's say) kapag naka-uwi ako nagamit na yung money for this or that. Hay naku, hayaan ko na lang.

Yung other ko naman sister, sobrang galing humawak ng pera to the point of greesiness, nag-offer sa kin na lending business, tempted ako kasi I know how well she handles money, pero on second thought, baka ipag-ka-away pa namin magkapatid, wag na lang.

So glad, I came across this thread, imagine relationships ng magkakapatid end up in cold wars, iwas na lang girls sa pagpapa-utang para peaceful =)

selyado

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #28 on: June 01, 2012, 05:14:02 pm »
yung husband ko is an OFW and maraming beses na kami nag away dahil sa pagpapa utang nya.  dati yung ka flatmate nya eh pinahiram ng pera.  ayun, tinakbuhan na sya.  sige, pinalagpas ko.  tapos nagpa utang na naman.  ayun na deport na't lahat yung pina utang nya kaya gudbay bumbay na naman yung inutang.  walang ka dala dala.  nalaman ko meron na naman pinautang na ka opisina na pinoy din.  galit na galit ako kasi sabi ko di naman matter of life or death yung dahilan sa pangungutang ng mga tao sa kanya.  sabi ko nga mas maluho pa buhay ng mga taong umuutang sa kanya.  aba eh tinalo pa sya nung isang pina utang nya, naka iphone samantalang sya yung celfone nya eh three years ago pa binili yun.  i told him na kaya ka nagtitiis na malayo sa pamilya mo para kumita ng pera for your family, hindi para sa ibang tao na di mo naman ka ano ano  >:(

xenos54

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #29 on: July 12, 2012, 08:08:42 pm »
mga sisses although guilty din ako kasi nahihiya ako mag-singil sa mga may utang..
i think hindi talaga tayo dapat mahiya sa mga nangutang sa atin..
kasi pera naman natin yung sinisingil natin sa kanila.. so baket tayo mahihiya diba?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #30 on: July 13, 2012, 12:01:13 am »
^Correct. Kaso ang hirap din maningil sa puro drama ang pangbayad. Sa totoo lang kung nae-encash ang drama stories, ang yaman na siguro namin.  ::)

mhy_pie03

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #31 on: July 16, 2012, 01:11:19 pm »
This thread perfectly fits me. Hayzzz. Yung mga utang ng mga kaibigan ko nakalista parin. Yung iba medyo nakabayad naman. Yung iba hindi ko na nararamdaman. Yung iba magpaparamdam pero hindi na yata naaalala mga nahiram. Kung susumahin ko lahat lahat mga nasa 500k na rin siguro. Sa ngayon inuunti-unti ko ang paniningil. Problema kasi sa katwiran ng mga Pilipino, panay "wala po akong permanenteng trabaho", "ako po ang breadwinner ng pamilya", "maliit lang po ang kita ko" etc. Kung lahat ba masipag at kahihiyan edi sana hindi nahihirapan yung breadwinner na magtaguyod. Pasensya na karamihan kasi sa mga pinahiram ko mga breadwinner sila. Diyaheng buhay. :-\

kiz_me1109

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #32 on: July 19, 2012, 06:21:27 am »
That's the problem in lending money to relatives. In the end, yan pa ang pagsisimulan ng away niyo. Kaya ako, kahit may extra kami ni hubby, hindi ako nagpapahiram ng extra sa relatives. Kung may problem sila or may kailangan sila, mas better pa na magbibigay ako ng konting money as tulong and not as utang.

If I were you, I'd talk to them personally. I'll them that I worked hard to ear the money they borrowed from me. May husband ka na ba? Kung meron na, pwede mo naman sabihin na nag aaway na kayo ng husband mo kasi need niyo din yung money. You can make a new agreement na para at least alam niyo na aware na sila sa ano man ang pwedeng mangyari in case hindi parin sila magbayad.

geekybride

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #33 on: July 19, 2012, 06:54:03 am »
^Correct. Kaso ang hirap din maningil sa puro drama ang pangbayad. Sa totoo lang kung nae-encash ang drama stories, ang yaman na siguro namin.  ::)



hahaha...dami kong tawa dito...

ako, ginagawa ko, i follow up every week, naisip ko mauumay din ito sa kakulitan ko hahaha. 

pero itong isa, award talaga! ako ang naumay.  ::) kasi after 7 years, wala pa ding bayad.  wala talaga cing balak.  swindleeeerrrrrr!   :o   ::)   

sonia62

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #34 on: July 19, 2012, 10:22:47 am »
mahirap talaga magpautang kahit kanino kasi sobrang hirap pag singilan na. yung tipong ikaw na nga nagpautang eh ikaw pa nahihiya na maningil. tapos pag siningil mo wala ka naman magagawa pag sinabing walang pera or gipit sila kasi parang ikaw pa walang puso dahil sinabi na nga na gipit sisingilin mo pa. eh kaso naman kung gipit ka din at kailangan mo na yung perang inutang nila di ba?  kaya kami ni hubby usapan namin hindi kami talaga magpapautang kasi in the end eh baka maubos ang relatives and friends namin kung mauwi pa sa tampuhan o away ang utang na di mabayaran. kung may lumapit na kailangan ng tulong, bibigyan na lang namin ng kung magkano man ang kaya namin itulong. nadala na din kasi ako sa pinsan ko though small amount lang naman. ang di ko lang matanggap ang inutang nya sa akin eh pampabeauty so hindi sya necessity. more than 6 months na yun. sabi ko na lang sa sarili ko naku charge to experience na lang yun. kasi nahihiya naman ako na singilin baka maging dahilan pa ng tampuhan. pero first and last na yun. for me kasi di ba pag may utang ako (though hindi naman ako nangungutang) parang di ako mapapalagay kung di ko mabayaran yun kasi responsibility ng umutang na bayaran ang utang kahit pa di singilin ng inutangan or kahit sabihin mo na hindi kailangan ng inutangan ng pera. kasi di ba may iba ang katwiran hindi naman nila kailangan ng pera kaya kahit di mabayaran. kaya para walang problema, wag magpautang :)

luckymommy88

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #35 on: July 20, 2012, 01:17:14 pm »
marami na akong naranasan na ganyan kaya medyo ang drama ko na lang is pag nangutang ng 4k, i give 2k para kahit hindi na bayaran okay lang.ayoko namang isang ungot lang nila solve na agad ang problem nila at hindi ko din sinasabing bigay ko na yan ha para kahit papano mageffort pa din magbayad.pero kahit na ganyan mas madami talagang hindi na nagbabayad kahit pa kamag-anak.

pinkberries

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #36 on: July 20, 2012, 02:16:35 pm »
hindi ako nagpapautang sa mga relatives, ayoko magkawrinkles agad dahil sa kakaisip ng utang nila...  ;D  sinasabi ko na lang na ako ang walang pampautang.   

pero there was one time na nagkaroon ng emergency one of our uncles.  20k lang utang pero the next day, i asked them to sign acknowledgement of debt with witnesses at notarized pa.  next week nun, they paid agad.   mabuti naman at priority nila ang magbayad sa akin.  pero still, hindi ako nagpapautang just because kailangan nila.  lahat naman kasi ng gastos napaghahandaan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close