watch now

Author Topic: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad  (Read 28086 times)

miksha

  • Guest
we loaned a relative of ours money when they had their house constructed. Ang usapan is babayaran nila kami monthly hanggang sa makabayad na sila. Nitong mga huling buwan hindi sila nakakabayad and when we asked why they said wala silang pamabayad. They are actually asking us to lend them again money para mabayaran nila their other debts dahil lumalaki daw dahil sa interest. Hindi kami pumayag. Ang problema ngayon is hindi din nila kami binabayaran. Naiinis ako kase:
1. Hindi man lang nila kami sinabihan before na hindi sila makakabayad kase nagkakaproblema sila. Nakailang contact pa kami sa kanila bago nila kami sinagot at sinabihan pagkatapos gusto pa nila kaming utangan e hindi pa nga sila tapos dun sa una
2. Kung ikaw ba ay malaki ang utang mo at hindi mo alam kung paano mo mababayaran gagastos ka pa ba nang mga lunchouts at pasyal pasyal? kase nakikita ko mga pics nila sa social networking site madalas pa din silang mamasyal at maglunchout

Ayokong magaway kami pero gusto ko magbayad naman sila. Paano namin sila sisingilin?

rianne_mallows

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #1 on: April 09, 2012, 09:38:09 pm »
that's the problem with lending money to relatives... specially WITHOUT proper documentation.. sad to say there's no way to make SINGIL without ruffling their feathers..

why? because paying you is not in their priority list.. since kamag-anak eh "given" na ikaw huling babayaran.. sad but that's how people see it

may pirmahan ba kayo? kung meron at talagang gusto mo madami paraan, but like i said, hindi malayong umabot sa away o tampuhan

miksha

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #2 on: April 09, 2012, 10:01:20 pm »
sad to say walang pirmahan/documentation. Mabuti buti pa sana if i can see a change in their lifestyle na nagtitipid sila para mabayaran mga utang nila na sabi nila tumataas dahil sa interest puwede ako magparaya kaso parang wala naman pagbabago tuloy lang sa labas labas kain kain

rianne_mallows

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #3 on: April 09, 2012, 10:58:29 pm »
well kung wala pirmahan at least save your exchange messages lalo na yung tipong they acknowledge na may utang sila at yung amount.. para kahit paano, may laban ka..

sad to say sis, mainis ka man, wala ka naman magagawa pa sa ngayon but patiently wait and "remind" them from time to time yung dues nila kasi sabi mo nga ayaw mong mag-away.

pwede din ikaw naman magdrama, sabihin mo pambayad ng insurance at short din kayo.. tapos kung talagang wala sila maibigay, jewelries nalang hehe ;D bad ko ba? hehe sigurista lang..

miksha

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #4 on: April 09, 2012, 11:24:40 pm »
medyo nagiging issue kase sa amin ni hubby kase ako gusto ko remind ko pa rin sila every month sabi ni hubby hayaan muna namin at sinabi na nga na wala pambayad dadagdag lang kami sa problema e sabi ko naman mukhang hindi naman sila namromroblema kahit na sabihin nilang madami sila utang kung ikaw ba madami kang utang at pnroproblema mo sila magagawa mo pa bang mamasyal  at kumain kain sa labas na sosyal

aquacharly

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #5 on: April 10, 2012, 12:44:57 am »
Well, to some people hindi nila dinidibdib ang unpaid utang, medj kapal nga.  I do not think you will be able to collect soon.  Given you have no documentation, baka pa nga you go grrrr 1 day, when you hear from someone else that they said that they already paid you in full. 

If pahihiramin mo pa sila, puedeng in exchange for annotating their TCT.  Before maunahan ka nang ibang pinagkakautangan nila na may  documentation. -- may prior claim ka na.   But if the amount of your loan  isn't significant:  charge your loss to experience, ika nga.  Learn from it. 

My lolo always tells us:  "Neither a Lender nor a Borrower be.".  Lalo na pag kamag-anak!  Haynako.

dolly

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #6 on: April 10, 2012, 02:31:16 am »
Try nyo pa rin sis ang "maboteng usapan"  ;D sila pag set mo ng dates kung kelan sila dapat magbigay at kung need ba nila magbayad ng interes just in case pumalya like in your case. At tulad ng gawa ko sa aming lending company, when you talk to them wear your best smile, be patient, be concerned kahit hindi and when you do this, make sure you will really appear sincere. The last part is important, never fails me really. And pag wala pa rin, charge to experience na lang yan sis  :(

CityHunter

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #7 on: April 10, 2012, 08:29:50 am »
Never been easy to fix this kind of problem more so relatives are involved.  The best way would be to take items from them in payment for their utang but as others have opined things would escalate to serious tampuhan and away.  The best way would be to let our relatives know about this thus get warned of their bad activities.  Maaring ma-force then sila to realize na kailangan na nila magbayad kahit paunti-unti.

Marami na kaming na-meet na ganyan and sila pa ang galit.  Even in companies may mga taong ganyan dahil feeling nila na sila na ang may power dahil ikaw ang nagkakaproblema with them.  Sick people :P

ishko

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #8 on: April 10, 2012, 04:00:58 pm »
kung gusto mo talaga silang singilin, refer mo sa collecting agent/lawyer.. yun lang, ang problema ay baka magkaroon ng issue sa family dahil dun

whitelady17

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #9 on: April 10, 2012, 04:41:18 pm »
sis, why don't you comment on their fb post / pics like sana magbayad muna kayo ng utang bago mag lakwatcha. kidding aside, pero puwede rin kung kaya ng guts mo ;)

I seldom lend money, not even to my siblings ayoko umasa sila sa puro utang eh. I remember someone biglang nag text nanghihiram ng 10k, sabi ko wala akong pera pero kung meron siyang collateral baka matulungan ko siya sa iba iyong mas mataas ang value sa hinihiram niya. Ayun tumigil na.

 Kung hindi ka mabayaran, well charge to experience na nga lang talaga and be wiser next time, sa kahit kaninong relatives ninyo huwag na magpapadala sa mga maamong tupa kapag sila ang may kailangan and madalas nagkaka amnesia sa mga pinagkakautangan

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #10 on: April 12, 2012, 05:52:48 pm »
Uh-oh. That's why I don't lend money to relatives. I only give whatever amount I can afford to dispense (and not expect it to be returned) when I know that they're in dire need. Hinde din ako magaling maningil kase dahil IMO dapat hinde na kelangan maningil ang nagpautang. Dapat naman na may hiya ang nangutang na kusang magbayad diba? Nadala na ko sa ganyan so friends or relatives, hinde kame nagpapahiram ng money.

mrsbrut

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #11 on: April 12, 2012, 06:16:38 pm »
ako rin. i don't like lending money. si husband lang naman ang mahilig e. sa ngayon, kahit maglupasay sya hindi na ako papayag na magpahiram pa kami. sabi nga ni suze orman, ang perang ipapahiram mo e dapat perang hindi mo kailangan. yung bang hindi kabawasan mo kapag nalimutan mo or nawala. take note: ang sobrang pera e iba sa retirement, emergency, medical, education etc. funds nyo ha. kung hindi naman e huwag ng ipahiram.

charge it to experience na lang sis. tapos kapag may bago silang binili or kung ano pa mang ipinagyayabang, e dun mo singilin. pabiro mong sabihin na, "uy, may pambayad na pala kayo". haynakow... mga kapalmoks talaga.

FayeP

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #12 on: April 14, 2012, 10:04:57 pm »
sis miksha, parang pare-parehas kami ng stand ng iba pang sisses natin about lending money to relatives, pag kamag anak talaga, parang in a way ineexpect nila na "bigay" or donation mo na lang un money...lista sa tubig kumbaga...

un mom ko at ate nya (tita ko syempre) ilang years sila di nag usap because of that, or rather, my aunt stopped talking to us...nun nabenta kasi ng mom ko un dati naming house, hindi na hiningi ng dad ko un hati nya sa benta...so madami dami un pera ni madir...nun nalaman un ng mga kapatid nya, nag utangan sila ke madir (1st year college pa lang ako at that time), so my mom told them na para un sa pag aaral naming magkakapatid sana, pero napahiram nya din un mga tita ko...

un ate nila, pinahiram ni nanay ng mga 40K...pandagdag sa pambili nila ng jeep pampasada....ang usapan nila is maghuhulog tita ko ng certain amount kada week....so syempre ang mother expect cya payment di ba...pag nireremind nya tita ko, kun ano ano salita ang natatanggap ng nanay ko, kesyo wala cyang kwentang kapatid, para pera lang, mukang pera si mother etc etc etc...so ang ending kahit singko ala naibayad tita ko...she also stopped talking to my mom and bad mouthed her to our relatives na kesyo un nanay ko daw eh nagbabayad naman cya singil ng singil sa kanya...


ayun, eversince di na nagpautang nanay ko sa kahit kanino sa kanila....

lista na nga lang sa tubig

miksha

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #13 on: April 15, 2012, 12:08:00 pm »
nakakasama lang kase talaga nang loob saka medyo malaki din ang amount na naipautang namin. hindi din naman biro yon naipon namin iyon hindi iyon sobra kumbaga may pupuntahan ang pera na iyon para sa amin

yang

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #14 on: April 15, 2012, 12:24:07 pm »
naku nakaka relate ako dito. im getting married soon. pero yun SIL ko grabe na sa utang yun. ganito din kapag nag paramdam ako wala pa din siya effort. hay! minde you naka  iphone 4s siya ngayon ha pero di na nya ako mabayanran kahit 500 man lang. hay!

FayeP

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #15 on: April 15, 2012, 03:48:28 pm »
mga sis, di kasi nila priority na bayaran tayo dahil "kamag anak" nga naman...and most likely tayo ang lalabas na masama sa mata ng lahat ng relatives pag siningil natin sila kasi nga "gipit na gipit" sila...

cristyles

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #16 on: April 15, 2012, 04:16:22 pm »
that's so true sis  :( hay... Yun yung nakakainis, nagmagandang loob na tayo to help them pero pag kailangan na natin yung pera eh di tayo mabayaran at tayo pa ang masama sa paningin ng ibang tao. Keso madamot sa pera etc.. Pinahiram lang naman natin yun at hindi FREE. Mahirap maningil sa taong walang pambayad.

So lesson learn mga sisses pag nagpa-utang don't ever expect na mababayaran pa yun or kung maibabalik pa yun ng buo hehe!

We don't charity, it's business or usapang matino.

tiggerlily

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #17 on: April 15, 2012, 04:23:43 pm »
E hindi na sya makakaulit sa akin. kahit pera or ano pa mang pabor. mabait ako pero hindi ako t****.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #18 on: April 16, 2012, 03:33:22 pm »
I didnt expect na makaka-relate ako dito bigla. I just found out last week na may patong patong na credit card utang sa hubby ko ang ilang family members nya. He's been wanting to tell me but he knows it will upset me. Eh now, out of control na sa laki, and being that I manage all our online accounts, hinde sya basta-basta makakakuha ng pera without my knowledge. So finally he told me last Friday and to say na he felt bad is such an understatement. Hinde naman ako nagalit kase what's done is done. Also, he was too mad at himself para dagdagan ko pa galit sa kanya. So I told him na lang na wala naman problema, we'll pay it off using our own money. Our own money na pinaghihirapan namin itabi every payday, papakinabangan ng mga irresponsible people who live beyond their means na literal wala palang pangbayad. Now when I think about it, naiinis ako na they abused my hsuband's kindness. Na everytime sasabihin nila na 'pass muna', hubby would shoulder the bills hanggang sa na-realize nya na hinde na pala nya kaya. Kapal ng mukha ng mga gantong tao. Buti na lang may savings kame, kung wala, ehdi pano yon, kame pa nabaon sa utang habang sila ang sarap ng buhay? WTF.

So my husband has learned his lesson the hard way. Yan sinasabe ko sa kanya eh, he's just really open and giving to his family to his own detriment. I'm not saying na dapat magdamot, but they should also learn to be responsible with their finances ng hinde sila nakakaabala. Ngayon, pasensyahan sila nasagad nila talaga hubby ko so lumuha man sila ng dugo, wala silang maasahan.

FayeP

  • Guest
Re: Paano maningil nang utang kapag sinabihan ka na wala silang pambayad
« Reply #19 on: April 16, 2012, 03:52:56 pm »
sis twelvth_goddess, badtrip talaga na ikaw ang mapeperwisyo dahil sa luho ng ibang tao....

para sa daughter mo na lang sana un pera na naipon pero grabe naman relatives, makikiride sa credit card tapos ala pambayad....

kakagigil pag ganyan....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close