watch now

Author Topic: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.  (Read 18592 times)

solepurplelife

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #40 on: July 13, 2013, 09:25:10 pm »
Ang hirap noh sis? Tapos ikaw pa partner mo pa yun, I can only imagine yung pinagdaanan mo. Im proud of you sis kasi nakaya mo.  :) Ako sobrang proud ako sa mom kasi if ako yung nasa kalagayan nya I dont know gagawin ko. Siguro if my dad's married sa ibang girl baka separated na sya. I really love my dad pero alam mo yun since maliit pa ko my hidden anger na talaga ko sakanya. My dad has a great career and his colleagues were always commending him for being good at what he does sa work but since nung nalaman ko na user sya parang nahihiya na ko na dad ko sya. :( Pero ngayon onti onti bumabalik na yung respect ko for my dad. Kasi nakikita ko na his eager talaga na magbago na. :) We visisted him kanina, and unlike nung last visit namin he seems happier now. Sabi nya kasi nakita nya na kami and alam nya na hindi namin sya iiwan. Masaya lang ako na there's hope na. :) Sana tuloy tuloy na noh sis? Sana talagang maayos na yung respective families natin na sinira ng drugs.  >:( I also wish the best for you and your partner.  ;)

Regarding counselling and seminars, yes sis. Actually dun sa pagpapaliwanag ng psychiatrist dun ko somewhat naintindihan yung dad ko. They say nga na kahit anong bad things na nagawa ng loved ones natin we should not treat them ng masama. Kasi like us biktima din sila. Most of them hindi naman gusto na maging ganon. Kaya lang yung problems kasama sa buhay and for some na mahihina and mayroong bad friends madalas sa drugs nga sila nagreresort. Naalala ko yung dad ko nun kasi hindi naman sya masama, I think he's the kindest dad (kindest person) pa nga kung hindi lang talaga sya nag drugs. I remember before his more close to us (me and my siblings) than sa mom ko. After work he used to play with us, ask us if we have a boyfriend ;D tsaka talk to us if we have problems.

Kanina when we visit sa rehab center, sabi ng dad ko kahit anong mangyari wag daw kami susuko sa buhay. Parang he somewhat told us na wag sya gayahin.  Kasi ganon sya ee sumuko sya sa problema kaya nagkaganun sya. My dad has several counselling pa dun sa rehab tapos ocassionally meron daw silang sharing of stories with fellow patients. Kami yung counselling naman namin sa susunod is kasama na dad namin.  Siguro mga ilang weeks bago matapos rehab nya. Eevaluate daw if my dad is ready na to go home by then.

Naku ang haba nanaman ng post ko.  ;D Kasi naman apart from my family dito lang ako nakakapagshare. There are several people kasi na hindi makakintindi and magjujudge.  :-[

nessy

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #41 on: July 13, 2013, 10:26:38 pm »
^ I agree. Hindi nga several eh, maraming mga tao na pagdating sa ganitong usapan, talaga naman kung makapanghusga akala mo ubod ng lilinis. Hindi nila alam na ang ganito at sakit hindi lang basta basta ddiction. And sa counselling ko rin nalaman na hindi lang pala ang drugs ang may addictions. Even sa simpleng pagkakape pwedeng maadik ang tao.

 Anyhow, we're okay na. I can't say na okay na okay pero malaki talaga ang naitulong ng rehab center sa amin specially sa partner ko. Maling mali kasi ang past niya. From his family down to his ex-wife. Pero ngayon pag naguusap kami, may pagsisisi sa part niya dahil sinayang niya daw ang buhay niya. He used to run his own business kasi before magloko ang ex-wife niya. Madalas pag  siguro naiisip niya nanghihinayang siya sa mga bagay na nawala sa kanya pero sinasabi niya rin na blessing iyong mga trials na dinaanan niya/namin. Kasi ngayon mas malapit na kami kay God. He's starting to build his/our life now and pag pinalad makapag-abroad siya. Tiis tiis lang talaga. Ako nga, imagine, 1 year ako nagtiis dumalaw every Sunday yan walang palya. Napapgod ako noon pero at least ngayon, nagpe-pay off naman na lahat ng pinaghirapan ko/ namin.

solepurplelife

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #42 on: July 14, 2013, 04:27:59 pm »
Im happy for you sis.  :) Kami rin hindi namin susukuan dad ko and sana maging okay na talaga in the long run.  :)

aprilrain

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #43 on: March 21, 2014, 11:34:47 pm »
Hi. I'm hoping someone here can help. My brother has substance abuse problems. I've been looking for a rehab facility na private pero affordable, but so far naka-3 inquiries na ako (2 in tagaytay, 1 in batangas) and 25-45k ang price range. Sobrang mahal naman. Ganon ba talaga ang fees kapag private facility? May ma-recommend ba kayo na mas mura pero maayos ang patakbo/mataas ang success rate? We may be forced to bring my brother to a DOH-run rehab. Paano ba ang process from application hanggang admission? I read somewhere we still need to secure a couple of certificates before tanggapin ang patient sa treatment facility sa bicutan. Hindi ba pwedeng walk-in nalang? Ganon din ba pag private facilities? Kasi my brother is willing to undergo treatment naman. Gusto ko sana madala na sya soon habang willing pa. Thanks in advance!

solepurplelife

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #44 on: March 24, 2014, 04:29:10 pm »
^Hi sis, you can inquire to Anti-Drug Abuse Council sa city hall nyo. They'll assist you kung ano mga kailangan and kung eligible ba ang bro mo makapasok sa DOH-run rehab. Meron kasi yung mga may sakit na physically (e.g. lung cancer ..) or mentally (e.g. may problema na sa pag-iisip due to excessive  use of drugs) ee hindi na nila pinapayagan pumasok. Ang huli kong balita 3.5K lang per month ang bayad dun, em not sure kung nagtaas na. With regards sa papers, hindi ako familiar kasi yung brgy. captain na kumpare ni mama yung nag-ayos sa papers ng dad ko.

Sis, kahit san rehab mo naman ilagay ang bro mo malaki pa rin ang percentage of success na nakadepende sa sarili nya mismo. Mahalaga din syempre ang support ng family. With support ee hindi ibig sabihin ee ispoil nyo sya habang nasa loob sya ng rehab. Madami kasi dun na nasa rehab nga ang kamag-anak pero kung magdala naman ng food ee parang fiesta weekly. Syempre ang ending hindi sila gagaling kasi hindi naman sila nahirapan. Syempre sa una maawa ka kasi lahat ng galaw nila dun bantay sarado. Bilang lang ang pagkain pdeng kainin, though pwede ka nga magpadala ng food. Tapos pati pagligo, paggising and all may oras. As in disiplina.

Madami din dun sis mga galing sa mayayamang pamilya. Kadalasan galing na din ng private rehab kaso nagrelapse o hindi gumaling. EE kung ibabalik sa private naku magkano na naman ang gagastusin kaya they opt for cheaper rehab na w/c is the DOH-run rehab na nga sa taguig.

Yung dad ko last year pa nakalabas. And I'm so proud of him kasi nakayanan nya yung temptation. Pinili nya rin bumalik ng abroad para hindi na sya mabalik sa bisyo. Tiwala lang sis, goodluck. :))

aprilrain

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #45 on: March 25, 2014, 11:14:31 pm »
Thanks for replying sis. Nakakagaan ng loob yung kwento mo about your dad. Sana ganyan din mangyari sa kapatid ko. Kaso kanina iba na naman, ayaw na naman nya. :(

sugardrop

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #46 on: March 26, 2014, 01:32:39 am »
I have a cousin who was/is drug-dependent. He disrespected his mother and even spat on her face. Then when my dad died, ginulo nya kami ng mom ko and threatened to do something to me if she doesn't give him whatever we earn from my dad's apartment units. Before that, he strips his clothes off and masturbates whenever I pss by their house. We decided to leave na lang to get away from him. Last I heard, tulala lang lagi and parang zombie na. I haven't seen him for 12 years, not planning to any time soon. Oh, the parents didn't do anything and just let him do his own thing, they were scared for their lives. So malaki din ang part ng family to a person's recovery or non-recovery.
« Last Edit: March 26, 2014, 01:37:06 am by sugardrop »

mrvhince

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #47 on: March 26, 2014, 08:41:35 am »
Sugardrop tama rin ang naging desisyon nyo na umiwas na lang, di natin masasabi kung ano pa pwede nyang gawin sa inyo. To the parents naman dapat talaga they always there to guide their child, marami namang way para mailigtas ang anak sa kapahamakan. Pero sana yang mga ganyang pinagdadaanan ng ilan sa ating mga kamag anak ay malampasan nila. Biktima lang din sila. Bandang huli ay kamag anak pa rin natin sila.

sugardrop

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #48 on: March 26, 2014, 12:49:05 pm »
^
They shouldn't give up that easily on their loved ones na drug dependent, which is what my uncle and aunt did to my cousin. Pinabayaan lang nila eh.

CITIgirl_04

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #49 on: March 26, 2014, 04:48:20 pm »
^ I also have a cousin na lalaki sa mother's side na drug dependent. Sobrang nanghihinayang kami sa kanya kasi he was once healthy, talented, magaling magbigay ng advice, mahal na mahal ang pamilya, nagpapakahirap magtrabaho sa Japan para buhayin yung family.. may wife siya na Japanese pero bihirang magpunta dito sa Pinas kasi dun naman na talaga sila nakatira at ang kuya ko nalang ang umuuwi dito from time to time. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya, one time na umuwi siya para magbakasyon sabi niya ayaw niya na raw bumalik sa Japan kasi ayaw niya na raw umaasa sa asawa niyang haponesa at gusto niya naman daw kumayod ng sariling niyang pera. Kasi sa Japan, though may work siya, eh maliit lang kinikita niya as an entertainer at ayaw talaga siyang pagtrabahuhin full-time ng asawa niya at ito ang nagsu-support sa kanya at sa family nya. Ang nakakalungkot lang eh ubos-ubos biyaya family niya at hindi man lang nag-ipon at naipaayos ang bahay samantalang every month mga 50k+ ang pinapadala niya sa kanila.

Ayun to make the story short siguro napagod na siya na kada uuwi nalang siya dito sa Pinas na ganun nalang lagi tapos puro problema at utang pa malalaman niya sa kabila ng limpak-limpak na salaping pinapadala niya buwan-buwan nagpaka-liwaliw siya nung one time na nagbakasyon dito hanggang sa nalulong na siya sa drugs kakasama sa mga dati niyang friendships. Sobrang naubos gamit nila sa bahay, pumayat na siya ng sobra, nawala na yung kaguwapuhan niya, sinasagot sagot na niya tatay niya na kesyo siya naman daw nagpundar ng lahat sa bahay na yun hanggang sa unti unti naubos na kakabenta niya kasi nga dahil sa drugs.. yung dalawa nilang kotse nabenta na, yung isa niyang motor at tricycle na pang family business sana nila naibenta na rin.. nanay nya ngayon nakaratay dahil na stroke at hindi maka reco recover dahil sa kakulangan ng pera.. nalulungkot ako para sa kanya..

pero lately ang balita ko eh natauhan na ata at gusto ng magbago kasi yung gf nya ngayon eh buntis na.. hindi ko alam kung gano katotoo yun.. hays naaawa talaga ako sa kuya kong yun pero hindi naman kami pwedeng kumilos para sa kanya kundi yung pamilya nya lang mismo....

creative_carla

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #50 on: March 26, 2014, 10:53:04 pm »
^sis aprilrain mahal talaga ang mga private na rehab pero isipin mo na lang imbes na malulong sila sa bisyo nila to the point na nanakawan kayo ng money, mabuti na to spend it para sa ikakabuti nila. And prayers will help to, na bulungan sila ni Lord to change...

aprilrain

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #51 on: March 27, 2014, 01:01:06 pm »
Actually, dalawa sila ng pinsan ko user. Yung pinsan ko ang unang lumapit and sabi nga gusto na daw nya tumigil. Nahihirapan sya kasi yung mga nag-aalok sa kanya mga kapitbahay lang nila. When I suggested he check himself into a rehab, payag naman sya agad.

Tapos kinausap naming yung kapatid ko, nung una sabi nya sige daw. Pero ngayon ayaw na. Sinasabi nya bakit daw sya ipaparehab wala naman daw sya problema, kesyo kaya daw nya tumigil mag-isa. Paranoid na rin sya. Akala nya lahat ng police na nakatabi nya binabantayan sya. Or pag umuuwi sya ng medaling araw (probably galing sa session), sinasabi nya may nakasunod daw sa kanya na sasakyan. Nakakalungkot at umabot na sa ganito.

Pero hindi talaga namin kakayanin ang private lalo na at nagpapadialysis pa mom ko. Nagpunta na kami sa doh sa taguig and binigyan kami list ng requirements. Pero ngayon, ang nalalakad lang namin yung sa pinsan ko pa lang kasi sya kahit everyday ko tanungin, sabi nya desidido daw talaga sya. Sana nga marealize na ng kapatid ko na kelangan nya nag tulong and sana soon. :(

jean0415

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #52 on: April 01, 2014, 03:14:49 pm »
sis, meron sa may pampanga I just forgot the name pero govt owned sha na. My brother went here...eto rin yung nirecommend na rehab nung family friend namin from PDEA [textspeak!] medjo hard core yung attack nila. My brother went to 2 rehabs na, isang private na nsa 35k monthly pero [textspeak!] ring nangyari..mas lumala pa. he also went to a christian rehab center and unfortunately, wala din itong naitulong. I guess nasa tao talaga ang pagbabago..kahit ilang beses mo sha irehab, konsenshahin, lahat na...kung talagang hindi pa sha magbabago..wala talaga. Sobrang awang awa nko sa daddy ko dahil althroughout this family ordeal, sobrang positive pa rin sha sa kapatid ko na tuwing lalabas ng rehab eh ibibili ng ganito...ibibili ng ganyan. ano yan galing sa bakasyon?! pero alam nyo [textspeak!] parable of the lost son...my dad is like that..he's that kind of father that you would really be proud and grateful that you are his child....

ngayon ang kapatid kong matigas ang ulo ay nasa condo near his school ( he's studying in LaSalle) dahil ayaw nya mag commute...ayaw din daw mag dorm..and 1st year sha ulit mind you guys...he's turning 22 tomorrow..ayos diba!

ladyisabella

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #53 on: April 02, 2014, 12:15:29 am »
May friend yung Hubby ko na drug dependent. Ilang beses na sya pabalik balik sa rehab pero ganun paren. Titino ng saglit then ayan nanaman. Minsan nga naiinis na ko kase dinadahilan nya kame ni Hubby sa wife nya na nasa bahay lang daw namin sya pero ang totoo nakikipag session na sa kung kanino man. kame tuloy ni hubby lagi una pinupuntahan tapos magugulat na wala naman pala samin.

Para sakin, nasa tao din kase talaga. Kahit ilang beses mo pa ipa-rehab yan kung wala sa loob nya magbago wala talagang epekto. Nakakalungkot lang kase may 2 sya anak, at babae pa :(

lovemeagain30

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #54 on: April 03, 2014, 04:20:21 pm »
ganun pala ka mahal pumasok ng rehab,, 35K to 45K per month??  :o grabe ang laki ng gastos ng family para maiayos/mapatino ang isang drug dependent. pede ng pang-aral yun sa isang magandang eskwelahan or pang start ng business. ginastusan na nga ang drugs na ginamit pati pala pagpapagaling nito ay ganito din kamahal. having to know this info now, actually parang mas naawa ako sa pamilya ng mga users kesa sa user mismo. bukod sa gastos, wala pa dun yung sama ng luob.

may 2nd cousin akong drug dependent nung highschool. mas matanda siya sakin ng 9 years. ang alam ko nung bata pa siya lulong talaga siya sa droga at alcohol. wala naman pera ang pamilya para dalhin siya sa rehab. after a few years, nalaman namin tumino na daw. wala ng droga. nakapaghanap naman na ng work.

fast forward,, 3 years ago nakakulong na siya ngayon sa provincial jail sa dalawang kaso ng homicide. magkaibang incident ng homicide eto ah. yung una natakasan niya, yung pangalawa hindi na. reason niya is hindi niya lam ginagawa niya kasi nakainom daw siya on both incidents. personally I think, he's being drug ad alcoholic dependent before caused this problem in his brain. once a drug user lalo na kung hardcore, there's a part of your brain that's being altered. like your memory, your movements even the way you speak. it also affects your relationship with our people. sa pinsan ko, kahit naawa man kami, we cannot do anything now.




sugardrop

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #55 on: April 03, 2014, 05:51:14 pm »

Para sakin, nasa tao din kase talaga. Kahit ilang beses mo pa ipa-rehab yan kung wala sa loob nya magbago wala talagang epekto. Nakakalungkot lang kase may 2 sya anak, at babae pa :(


This. Sa lahat naman ng bagay, the person should "want" it mismo. Want then do something about it.

jean0415

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #56 on: April 05, 2014, 08:53:45 am »
sis lovemeagain pag sa private ganyan ang price..kahit yung nsa paranaque I just forgot the name...nsa ganyang range din...aircon [textspeak!]. o diba shosyal prin sila  :D mas mahal nga sa basement (TMC)

pero dun sa pampanga sis mura lang [textspeak!] nga parang govt owned sha. nagstart brother ko dun 4k a month pero marami sila sa room...nagpalipat sha dun sa 7500 nsa 7 lang sila s parang "dorm" nila

kristinhart

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #57 on: October 14, 2014, 08:49:36 am »
My father is alcoholic and for my experience i have been a codependent for 26 years. Its hard na ikaw ang mapalaki sa tatay mo na sana siya ang may responsibilidad sa mga anak. Isang struggle talga ang magkaroon ng addict sa family mapadrugs, alcohol o sugal. Nweiz, i brought my father sa rehabilitation, good thing nakahanap ako ng mura which is dito lang sa may fairview 8k a month. hope this helps to lot of us, need din talga nila bg family support and as a codependent we need to recover din beacuse we are the addict of our addicts

cheepee

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #58 on: October 25, 2014, 09:17:21 pm »
hi mga sissies..share ko lang din...my father is a drug addict since his highschool days at hanggang ngayon eh addict pa din. We all lose hope na magbabago pa siya except for my grandmother. Nung medyo kabataan niya sobrang lala..naghiwalay sila ng mom ko dahil dito..we tried everything, pinarehab, pinakulong pero wala pa din. Sabi nila ang pagbabago daw eh nasa tao so we guess ayaw nia talaga magbago. ngayon bagsak na ang katawan niya, mga mga bukol na din sa ilong nia siguro dahil sa sobrang pag addict but he never want to stop.

stp

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #59 on: January 01, 2015, 08:36:06 pm »
ganito din ang sitwasyon ko.. ang hirap sobra.. iba2 kc ang dahilan bakit nila yan ginagawa... in my case, feeling ng partner ko pinabayaan ko siya at di ko sya sinusuportahan... di ko lang din alam san kami magsisimula..

@sis nessy, pashare naman ng details ng institution at rates na pinanggalingan ng partner mo. salamat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close