watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123849 times)

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #420 on: April 21, 2012, 11:29:44 am »
Hi sis slovy. Im okay. Pareho pala tayo missed sobra sons natin numg nanganak sa daughters natin. Lam mo kahit less than 2 yo pa lang si marcus ko nakakaintindi na sya magselos. Ayaw lumapit sa akin nung una kasi palagi ko kasama si new baby mikaela yesha. It broke my heart kasi ang hinahanap na nya si yaya. Tapos ayun dinala ko sya sa room kaming 2 lang and talked to him. Told him kahit nandyan na si yesh, sya pa din no. 1 baby ni mommy at palagi ko syang love. Umiiyak talaga ko nun and he seemed to listen. He even called me mama for the first time! Grabe iyak ko and higpit ng yakap ko sa kanya. From then on, lumalapit lapit na sya kay baby girl. Pero nagseselos pa din minsan kaya same attention ang binibigay ko. Kahit 2 na yaya ngayon, i make sure na ako prepare ng anything na for them. Ako din paligo sa kanila. Sabi nila wag daw muna ako mgkikilos kasi one week post partum pa lang but i cant help it. It makes me feel good pag nagagawa ko yun for my kids.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #421 on: April 21, 2012, 12:51:43 pm »
Sis sether tama si sis slovy ok lang na inumin sya kahit di pa nanganganak. 9 pesos bili ko sa clinic ng OB ko or baka mas mura sa mercury  :)

Try ko nga din yang fenugreek na yan after kong manganak. Sobrang decided kasi ako na mag breasteed kaso sabi ng OB ko masakit nga daw talaga. Medyo parang discouraging ata yun? Pero sa tingin ko nga medyo masakit. Tiis tiis lang para kay baby.

Nga pala bakit nung nag google ako about fenugreek eh may nakita akong thread na breast enhancer din yung fenugreek? Oh ibang fenugreek yun?
« Last Edit: April 21, 2012, 01:02:24 pm by theathoinkxzs »

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #422 on: April 21, 2012, 01:35:58 pm »
Hi sis nabasa ko din yan, madami pa effect yung plant e.. Pero di ko pa mashado na resesarch mabuti :)

May sample pala ako nakuha sa baby fair ng pro-lacta (malunggay capsules din). Nabasa ko mag mataas content nya ng malunggay kesa sa natalac, at pwede din sha inumin 2 weeks before manganak (2-3 caps 3x a day). Tapos 1-2 caps naman during breastfeeding na.. May nakatry n ba sa inyo ng brand na to?

Balak ko, malunggay caps muna before manganak start ko next week (35 weeks) tapos fenugreek after na...

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #423 on: April 21, 2012, 02:27:16 pm »
^ sis, tama naman sabi ni ob. Ako naman hindi rin ako nag supplement kaagad. The more you give time to feed your baby the more na dadami din ang milk mo. Maliit lang naman ang tummy ng baby and yung required amount ng milk needed nya yun din ang kinukuha nya sa pag nurse sayo. This applies for direct feeding. Also, maynadvantage if u will be givem the chance to bf your baby earlier. Pero madami pa rin naman naging successful sa breastfeeding sa baby kahit few days after nila nakuha ang baby nila.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #424 on: April 21, 2012, 05:43:47 pm »
hi mga sis, di pako makabackread, ang haba na heheeh..thank you so much sa support mga sis, all the way sa hospital while on labor!
Sis cass, congrats!! At last lumabas na din si baby. Enjoy!

Sis honey, Re breastfeeding. Sa totoo lang by demand talaga dumadami milk. As per experience ha. Sa simula naman hindi naman kelangan ganun kadami ang milk required ng baby. Esp very nutritious ng bmilk. Eto sis suggestions ko. Meron din mga sites like kellymom and thread duto about breastfeediNg. In my case, eto ginagawa ko...
- make sure to feed your baby before she cries. Eventually you will see signs on her face na gutom na sya. Like if idikit ko yung breast ko sa cheeks nya natural na nganga sya and lalapitan breast ko.
- do not nurse him by giving just your nipple. Kelangan kasama yung areola. Impt kasi ang proper latch and suck ni baby to prevent soreness.
- i do not wash ng todo todo breast ko. Kasi nakakapag dry ng skin na pwede mag crack nipple.ang ginagawa ko, after nursing airdry ko breast  ;D kasi meron din yung antibacterial na kasama sa milk. So self healing yung sugat if meron, and to give proper moisture na din.
- Give both breast. Kasi mahirap ma engorge yung isa.
- kung nag end ako sa kaliwa. Next naman star ako sa right.
-drink lots as in ,ots of liquid. Nakaka uhaw and dehydrate din kasi ang pag nurse.
-supplements you may try natalac or fenugreek. Kaso hindi ako nagtagal sa fenugreek. Sayang nga eh. Hindi ko kaya yung scent.
- the earlier the nursing the better after giving birth.
- breastpads is a must sakin. Kasi may letdown ng milk din ako sa kabilang breast habang nag nunurse sa kabilang side.



right now parang super konti palang ng nakukuha ni baby na milk, diko pa na try mag pump, pano dadami yung milk, effective ba yung natalac ? i will ask my OB kung ano pwede ko inumin kasi nung sa 1st baby ko parang mga 2 months lang ako nagpa breastfeed, ang prob ko now, di pako dumudumi since yesterday pagkacheckout namin, thank God din kasi everything went smoothly, lahat pati sa doctor, nurse and pati financial namin. super thankful that God is with us all the way.

ano ba yung fenugreek?
eto sis share ko pic ni baby..

http://a3.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc7/581497_10151554766655393_699875392_24250166_54897435_n.jpg

 ;)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #425 on: April 21, 2012, 08:27:01 pm »
^ cutie!!!! hayyy can't wait for April 25 na ako naman :D mukhang ilang days ako magiging absent dito hehe. Buti naman at naging ok lahat sis, sana kami din dami problema especially finances pero keri lang dapat :D btw sis ilang blankets ba nagagamit ng baby sa isang araw?

just got home from buying kulang na gamit ni baby at mga gagamitin sa hospital. kainis asawa ko nagmamadali palagi, laging tanong kung ano pa kailangan ni wala pa ata kaming 30 minutes sa robinsons! susme!


slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #426 on: April 21, 2012, 08:34:20 pm »

Hi sis slovy. Im okay. Pareho pala tayo missed sobra sons natin numg nanganak sa daughters natin. Lam mo kahit less than 2 yo pa lang si marcus ko nakakaintindi na sya magselos. Ayaw lumapit sa akin nung una kasi palagi ko kasama si new baby mikaela yesha. It broke my heart kasi ang hinahanap na nya si yaya. Tapos ayun dinala ko sya sa room kaming 2 lang and talked to him. Told him kahit nandyan na si yesh, sya pa din no. 1 baby ni mommy at palagi ko syang love. Umiiyak talaga ko nun and he seemed to listen. He even called me mama for the first time! Grabe iyak ko and higpit ng yakap ko sa kanya. From then on, lumalapit lapit na sya kay baby girl. Pero nagseselos pa din minsan kaya same attention ang binibigay ko. Kahit 2 na yaya ngayon, i make sure na ako prepare ng anything na for them. Ako din paligo sa kanila. Sabi nila wag daw muna ako mgkikilos kasi one week post partum pa lang but i cant help it. It makes me feel good pag nagagawa ko yun for my kids.


virtual hugs sayo sis. masakit nga yun na he opted yaya over you. buti si Redd hindi naman nagtatampo. pero yun nga lang naging pilyo sya ngayon. nanotice ko din na papansin sya. like if I carry baby # 2, he'll call me kahit ala naman reason. tas if may mga bagay na naaabot nya like phone, camera o kahit ano, naglulupasay sya sa sahig as in pag kukunin namin sa kanya. hindi naman sya dating ganito. dati kasi ok lang sa kanya pag kukunin namin. tas demanding na din sya ngayon, kung ano gusto nya, gusto nya nasusunod, hindi talaga titigil sa pag-iyak. siguro ganun talaga sis, kala kasi siguro nila pag hawak natin ang baby, hindi na sila mahal. ang ginagawa ko naman para hindi sya magselos, lagi ko rin sya kasama pag halimbawa kinakarga ko si baby, pinapaliguan, binibihisan at kahit pinapadede, lagi nandun din sya. and I always talk to him. like "kuya Redd, this is baby Shine, your little sister" "kiss baby shine" etc. etc. so far effective naman.


sis cass, cute ni baby. congrats ulit!  ;)

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #427 on: April 21, 2012, 08:42:35 pm »
sis cass, yung fenugreek pampa boost ng milk supply.

sis sether, si baby isa lang. minsan nga hindi pa nagbablanket e, ang init kasi ngayon lalo sa araw. kaya sa gabi lang namin sya sinaswaddle.  :)

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #428 on: April 21, 2012, 10:24:40 pm »
^^si marcus din biglang kumulit and papansin din. :) ganun pala yun no pag nabunsuhan yung panganay. :)

Re baby's skin - baby ko naman mapula ang skin paglabas. Now at 1 week nag start na sya magbalat. Ganun din yung 1st baby ko mapula pagkapanganak. At 3 mos fully nagpalit skin nya. Maputi pala sya.

Pads - baon ko lahat. I had underpads for the bed, maternity pads, adult diapers , and overnight pads. I like adult diaper than the maternity pads for the first 2 days lang after delivery. Kasi no leaks yung diaper. And yung nabili ko kasing mat pad walang wings so di ganong fixed sa pwesto and makapal sya. Ang bulky ng feeling. After 2 days yung ever reliable na modess overnight pads na for the next 2 days. Then yung anion night pad na gamit ko until now na ika 7th day post delivery.

Galactagogue - ang prescribed sa akin ng pedia and lactation consultant natalac 3x a day.

Sis mom.of.inchikoy, - sa st. Lukes qc ako pero sabi ob ko same lang ang we care package sa global at qc. Anything not stated sa contract, you have to pay at regular rate. 

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #429 on: April 21, 2012, 11:57:28 pm »
hi sis, that's normal. spd yata tawag dun -- Symphysis Pubic Dysfunction. naranasan ko rin yan. basta wag lang magmula sa puson yung pain.

Sis, pano kung mula sa puson yung pain? Past few days nakaka feel ako ng mild menstrual cramps sa bandang puson, medyo din sa pempem. Pero d ko pa natanong OB ko. Nawawala din naman kasi yung pain after a while.. 34 weeks palang ako..
« Last Edit: April 21, 2012, 11:59:30 pm by sweetkitten »

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #430 on: April 22, 2012, 06:40:06 am »
^ sis pag nagmula sa puson yung pain tas consistent, you should call your OB asap. it might be labor na kasi. in your case naman, kamo nawawala din, braxton hicks lang yun malamang sis.

^^ so normal lang pala yung pagbabalat sis? si baby ko sobrang nagbabalat din kasi ngayon.

mbeeyap

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #431 on: April 22, 2012, 07:58:27 am »
^ yes sis nagbabalat talaga mga baby.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #432 on: April 22, 2012, 10:32:26 am »
^^yes sis. Sabi pag mapula daw puputi yun. Sa case nung son ko true. Sana this time kay baby girl pumuti din sya sobrang pula kasi. Sabi ob ko mestisa daw. Sana.

sofala

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #433 on: April 22, 2012, 11:32:54 am »
Congrats sis cass ang cute ng baby mo!

@Sether : goodluck sa CS mo sis! lapit na! Exciting!

Sana lumabas narin si baby ko this week!

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #434 on: April 22, 2012, 01:49:21 pm »
hi mga sis. napagalitan ako ni hubby dahil sa post ko about lying in. bakit daw kailangan magpost pa ako ng ganun.. sabi ko buti nga hindi sa mga kakilala natin ko kinukwento.

nakakainis siya.. pero okey na kami.. then na-approve ang plan ko sa Globe, edi kinuha ko, galit na naman ako.. iniisip ko lang daw sarili ko.. hmpf!

kaya hindi ako agad nakapost dito.. patago lang tuloy ako makapagpost kainis kasi siya.. imbestigador!

anyway, 39 weeks na kami ni Daniel. may nafefeel akong parang mahapdi sa pempem, minsan parang may nafefeel akong movement down there, pero sobrang baba na ni baby. haba ng nilakad ko kahapon. pero wala pa din. natatakot naman akong umabot kami ng 40 weeks, baka maCS pa ko pagna-overdue.

sana talaga before Monday manganak na ko! sayang maternity leave ko.

sa breastfeed naman, magsoup daw palagi. then may nabasa ako, sabaw ng buko. :)

sana makita ko na baby ko soon... nakakainip kasi..

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #435 on: April 22, 2012, 04:00:22 pm »
hala!! pano nya nalaman yung dito sa gt? oo buti samin mo nga kwento kasi di mo kami kilala talaga.. dito lang..so private parin..
sis sweet malapit na yan!! ikaw na susunod sigurado.. nagpacheck up ka naba ulit?

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #436 on: April 22, 2012, 08:19:49 pm »
@sis sweetsorrow: imbestigador ba :D sakin buti di pinapakialaman ni hubby pero eh ano naman kung mabasa nya hahaha buti nga di sa mga kakilala namin ko kinukwento saka atleast di ba may napagsasabihan ka ng sama ng loob mo kasi ang hirap ng kinikimkim mo lang, aba baka kung ano mangyari sayo di ba :)

hayy eto kami ngayon, pinagsabihan pa ako ng asawa ko kanina. kasi naman to si MIL tanong ng tanong kung magkano na daw ba na provide namin pampaanak ko. Nakakahiya man sabihin pero sabi ko 10k since public hospital naman yun. Tapos tatanungin ako o ano sabi ng asawa mo. Sabi ko alam nya naman po yung pera na nasa akin, pang charity lang so syempre di ko alam kung may pera pa si hubby (since di nya naman sinasabi sa akin kung meron pa syang makukuha mula sa networking business nya) Eh ako naman di ako matanong, mas gusto ko kasi yung kusa sya magsasabi sa akin, at magkusa syang magbigay. Yung sagot ko daw sa MIL ko na pang charity lang yung hawak kung pera eh parang dini detached ko daw yung sarili ko sa kanya, eh syempre di ko naman iniisip na ganun yung magiging interpretation nya di ba? So yun nagka idea daw si MIL na pwede naman daw palang e charity bat pa epa private. Eh yun nga medyo inaasahan din namin si MIL na kahit papano nga may mabibigay sya, nasa 20k kasi ang payward dun at 26k ang single room. Alam nyo yung feeling na sila tong may mga kakilala dito, tapos may mga pinsan pa na nurse sila pa yung di makapag assure sa inyo kung tutulungan ba kayo o hindi. Haist! Sa totoo lang yung 10k pa na yun eh galing pa sa family ko sa province. Kaya sabi ko sa asawa ko eh kung sa charity eh di sa charity, magtiis nalang kung mainit. Ewan ko nalang kung ano masasabi nila kung pagdalaw nila eh walang aircon :D Medyo nakakaawa lang pag yung bata na room in na kaya still praying pa din na sana ma payward kami atleast aircon :( Sa sobrang init ngayon, hindi ko kaya magcharity huhuhu  :'(

Rant lang :D Wala naman ako ibang mapagsabihan since malayo ako sa family ko. Syempre di ko naman masasabi sa mga inlaws ko yan kasi in the end ako pa din sisisihin lalo na yung topic na walang regular job yung asawa ko (which is di ko naman kasalanan dahil choice nya yun, di ko naman mapilit na mag apply sa mga day jobs dahil nga overage na at 2 years grad pa). Isa pa magwa 1 year palang kami dito, ano ini expect nila may naipon na kami agad eh ako puro sideline lang nagagawa ko. Ngayon palang kami medyo nakakabawi sa mga expenses dahil kahit papano nakakatulong din sa gastusin yung pago odesk ko. Haist! Parang gusto ko na manganak kamo bukas para matapos na tong issue na to hehe :D

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #437 on: April 23, 2012, 07:44:18 am »
Nako sis parehas tayo. Hindi ko din tinatanung si hubs tungkol sa pera. Ewan parang awkward. Lalo na ngayon hindi sya nagwowork kasi nag aaral sya. Pero may support naman sya galing sa parents nya. Minsan hindi ko na sya sinisingil kapag may laboratory ako or may bibilhing gamot. Pero sa mga baby stuffs naman hati talaga kasi since magkasama naman kaming bumibili.  Malay mo may naitabi syang pera na pang payward.hihi tanungin mo nalang siguro sya kapag malapit ka nang manganak. Para alam mo na kung anong ieexpect mo. Ang init pa naman ngayon.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #438 on: April 23, 2012, 09:03:53 am »
Good morning mga sisters! meron na ba dyan bagong nangitlog ulit?
Grabe nawala lang ako ng 2days for my events, mahaba-habang backread...  :P

sis sweetsorrow, gt na din kaya si hubby? hehe.. si hubby ko, alam nya gtalker ako for 6yrs na yata. pero hindi sya nag babasa (yata  ;D) kinukuwentuhan ko lang...

sis sether, dibale makakaraos din after manganak. usually, kasama sa excitement talaga ang pag aalala diba...   ;)

sis cass, cutie ni baby! kakatuwa sana ganyan lang ako noon mag ire hindi pa siguro ako na CS.

Sis, pano kung mula sa puson yung pain? Past few days nakaka feel ako ng mild menstrual cramps sa bandang puson, medyo din sa pempem. Pero d ko pa natanong OB ko. Nawawala din naman kasi yung pain after a while.. 34 weeks palang ako..
sis musta ka na? natanong mo na kay OB? alam mo nag ganyan din ako ng Thursday-Friday. bale napagod ako ng Thursday sa driving and meetings ko. tapos init-lamig, naka tutuok aircon at fan. ayun napasukan ng lamig. kaya masakit din puson ko. nawala din naman Friday ng hapon.33.4weeks ako nun.

Sis mom.of.inchikoy, - sa st. Lukes qc ako pero sabi ob ko same lang ang we care package sa global at qc. Anything not stated sa contract, you have to pay at regular rate. 
sis, kailan binibigay ang contract? paano process nito? sa totoo lang, until now undecided pa rin kami. kasi mukhang mas makaka mura pa rin kami dun sa kabilang hospital ng ob ko, kahit na medyo malayo layo.

baby skin - parang hindi ko maalala na nag balat skin ng two boys ko noon. ang naalala ko yung parang white spots sa ilong which is also normal, and slight acne sa face. and nag jaundice sila kasi sa blood type din namin ni hubby and yung naging blood type ng boys namin.

pads - ako naman puro overnight and maternity pads ang binili ko. uncomfy talaga ako w/ adult diaper and naiinitian ako.

disposable panty - naka bili na si hubby sa greenhills. swerte ko sa kanya, kasi tamad ako mag ikot ng weekend, sya na lang nag hanap and bumili. may nakuha sya XL kasi sabi ko mas manas ako pagkapanganak dahil sa meds and IV.

hospital bag- haayz. hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka final dito. nextweek deadline ko dito. i'll be preparing 3-4bags. one for me, toiletries, snacks, and for the baby. hindi na ako mag pprepare ng for hubby kasi he will stay at home for the night para may kasama ang boys namin. yung list halos patapos pa lang. hindi pa rin ako bumibili ng bote.



blue_angel

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #439 on: April 23, 2012, 09:49:31 am »
hi mg sis, musta na kayo? 34 weeks na kami ni baby,. palapit na ng palapit kinakabahan ako sa labor and episiotomy mababa kasi pain tolerance ko, anyway dapat maging brave para sa baby ko. mga sis pahelp naman oh! ano ba pwede ko isuot pag nagswimming?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close