watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)  (Read 123932 times)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #200 on: April 14, 2012, 06:46:25 pm »
Kainis talaga camera ko. Ayaw mag-on. Charge ko ng matagal, magkakapower, pagmagpipicture maglolowbatt na kaagad. Importante pa naman ang camera. Feeling ko 'yun lang hinihintay ni Daniel ko kaya ayaw pa niya lumabas.

Complete philhealth at sss ko. Kaya ni worries.

Baptismal-gusto ni hubby isabay sa birthday niya at dito sa Calamba na naman. Paano naman bisita ko diba? Kapag sa province bihira ang magregalo, makikain pwede pa! Kaya ayoko magcacanvass ako near antipolo pagbalik ko kaagad.

Nakakainip. Tagal lumabas ni daniel ko

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #201 on: April 14, 2012, 06:51:20 pm »
mga sis, basta if you need quotations re: insurance natin and mga babies natin, just pm me, maybe i can help you sa agent ko, she can explain and give options na maximize sa budget natin,  anyway,
dun sa mga sis dito na meron na panganay, pwede kaya isama ko ang daughter ko sa hospital? excited din kasi sha alam niya lalabas na baby brother niya, diko nga din alam kung pwede pumasok si hubby while delivering, para andun sha mismo to take the first picture na paglabas..kaya lang baka mahimatay pag nakita niya ako manganak..hahaha... ;D

ako naman plan namin sa tagaytay gawin yung dedication para naman malamig ang setting.. ang init kasi ng setting natin ngayon habang pinagbubuntis ..

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #202 on: April 14, 2012, 07:16:58 pm »
Sis mom.of.inchikoy Aling form yung pede nang pirmahan? Nako kakakasikaso ko palang nun nitong week dahil mali ang middle name ko. Medyo stressful lang talaga kapag may mga hindi pa naaayos sa Philhealth at SSS
Sis ng nag inquire ako sa slmc binigyan ako two forms. Cf 2 &3 yata yun. Pwede ka naman mag tanong sis, meron din na thread about it. Sabi nga daw pwede na ayusin yun two weeks before due date.like other sisses here na ready na, dati kasi inasikaso ni hubby habang nasa hospital ako and natapat pa weekeNd ako nanganak nun, kaya napatagal pag process. Yun pala pwede earlier.

Kids in the hospital - sis cassiopeia dun sa pag give birth ko sa 2nd kid ko napalusot namin yung eldest ko sa hospital. Tumagal kasi kami sa pag stay sa hospital kasi nadala sa nicu yung baby ko nun kaya sobra ko na miss eldest ko, pero nasita kami ng nurses nun pero hindi naman pina alis talaga. The good thing with thatnhospital kasi may elevator from parking na deretso na dun sa maternity wing.

Kwento ko lang lastweek naka transverse si baby and upon checking utz kanina naka breech naman sya. Good thing during the 3d4d malikot si baby and nakuhaan sya video and pic. So kahit na 31.4wks na ako and medyo malaki na sya may nakuha pa din. Mas mura pa. Compared dun sa sm lastweek na nakaka disappoint. Balik ako sa tuesday dun for addtl pics and video....

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #203 on: April 14, 2012, 07:42:45 pm »
ah ok, yung daughter ko kasi gusto ko makita niya agad si baby.. and gusto ko andun din sha pag lumabas na si baby, kahit sa room lang , di naman malikot..hehe..

wow buti sis mas ok yung napag 3d4d mo, nakita pa si baby..hay.. inip na talaga ako,. gusto ko na lumabas si baby, kakabasa ko and sagot dito sa gt parang mas lalo ako naiinip hahah!! mas gusto ko rin na by april lumabas si baby kesa May kasi marami kaming changes na gagawin.. pati nga paglipat ng bahay gagawin namin, kasi tinapos na namin contract namin sa apartment, (di kasi ok yung may ari)
kaya maglilipat pa kami pag lumabas na si baby, tapos maghahanap pa ng school sa area ng lilipatan for my eldest, tapos get pa ng yaya, and after a month balik na ulit sa work.. mga ilang months ba kayo naka leave mga sis? ako kasi i plan to go back ng june, pero ok din sana na july basta may activity ako kahit nasa house lang ako..

ngayon parang ang dami tumatakbo sa utak ko, kaya naiinip narin ako and gusto ko makita na si baby para mawala na stress ko..hahah!!

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #204 on: April 14, 2012, 08:55:08 pm »
^ako din inip na, para bang di tayo makapag decide ng gagawin natin kasi di pa sila nakakalabas sa mga tyan natin hahaha! kung bakit ba kasi daming event next week, pwede na sana ilabas tong si baby Ichi ko! Still preparing pa din yung gamit, dami pa din kailangan bilhin. Kanina nagwalking kami ni eldest ayun kasama na konting shopping para di naman ma-bore habang namamasyal.

@sis sweet: kung may budget ka sis bili ka nalang ng new camera. precious moment nga naman yun lalo na first baby nyo. Baka hiramin ko nalang yung camera ni brother in law hehe, di naman kasi kami mahilig sa picture taking at usually fone gamit namin kaya never kami bumili :D

@sis thea: oo nga nakakaparanoid pero iniiwasan ko nalang mag isip ng mga ganun. Mas mahirap maging stress kakaisip nun, much better if ipagpray nalang na safe natin sila ma deliver dito sa mundo at healthy sila.


wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #205 on: April 14, 2012, 09:40:38 pm »
Hindi ba yung sss claim pwede naman sagutin ng company then saka reimburse? Di na kailangan maghintay 10 days before edd? Or mga hindi kayo employed? Haha sorry naman :) ako kasi nakuha ko na yung akin nung end march pa lol. 39k ang nakuha ko kasi cs.

37wks na ko tomorrow yay!

Mga sis na non first timers, i have a question. Ang toddler ko ngayon super selosa. Iniisip ko paano pag lumabas na si baby#2? Baka bugla suntukin or hambalusin haha! She's 2.5yo di ko alam if she understands na the concept of a sibling. Though since we knew i was pregnant, every night sinasabi ko sa kanya na magiging ate na sya. Di ko alam if enough na ba yun. Anong experience nyo dito mga sis? May tips ba?

Btw i also made her big sister shirts she can wear when she visits me sa hospital :) wala lang haha

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #206 on: April 14, 2012, 09:54:36 pm »
^wow inggit naman ako sis hahaha kasi ni singko wala ako makukuha sa sss. never ko pa na avail ang maternity benefits nila  :( re: being an ate, i think maiintindihan nya rin yan later on. Basta wag lang sasabihan yung bata na di na sila love kasi may bagong baby na kasi I think matatanim sa isip nila yung ganun. My daughter is 7 years old na, nung una talaga may times na sasabihin nya hindi na namin sya love kasi may bago ng baby tapos todo drama na :D pero ngayon mas excited pa sya sa lahat. Gusto na ngang manganak na ako hehe

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #207 on: April 14, 2012, 10:33:43 pm »
^ di ka nagpa member sis? Sayang naman.  Laking tulong even sa philhealth e.
Ayun na nga, wala ngang magcocompare dapat sa kids. Buti ka pa may muwang na si ate hehe yun akin baby pa umasta e lol. Sobra selosa nun pag may kumakausap sa kin na iba naglulupasay sa sahig ;D dapat sa kanya lang ang attention ko. Minsan nga, pero baka imagination ko lang to, pag nag iinarte sha sumasabay itong si #2 ng sipa hahaha! Parehong [textspeak!]? Lol.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #208 on: April 14, 2012, 10:47:48 pm »
Ako naman sis eto preps ko sa kids ko sa pag dating ni baby. Ginawa ko to sa eldest ko ng dumating baby#2, and ngayon din for baby #3.
Just to give an idea, all boys sila and same 3yrs age gap.
- si kuya ngayon mas kuya talaga and mas naiintindihan nya.
-we give them parts and responsibilities sa babies.like choosing clothes for them, or changing diapers, get towels, help. Showing how we love to each other. Na kuya na sila and mas madami kami mas madami ang love sa bahay.
- i prepared the crib and other things para masanay sila na nandun na
- manika /baby doll. Meron ako baby doll na play and pretend kami na si baby yun. Pero strict with the idea na how to handle the baby ganun din. Kung baga very fragile ni baby and the baby stays sa crib. Ng una nag seselos yung pangalawa ko sa doll, pero recently ng binili ko sila ng boxers(tag 2pc sila), hindi ko inexpect sabi ng second ko "mama, share baby" and pinapasuot nya yung boxer nya dun sa doll.
- we make sure that we have special time with the kids. Like me or hubby goes ot with one of them lan. Kahit nga window shopping lang or kain lang fastfood or yung fav na gawin ng anak namin. Ang impt kasi dun yung may naipapakita na kahit nandyan si baby may time pa rin for them.
-pero hindi pa din talaga maiiwasan magkakaselosan, iwas comoare lang talaga...
- may mga friends naman kami na nakakatakot yung nagagawa ng ate or kuya. Esp if young pa. Like natatakpan ng unan, dinadaganan, etc... Hindi pa kasi masyado naiintindihan how to handle the baby so kelangan talaga bantay and wag mag babakasakali.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #209 on: April 14, 2012, 11:00:58 pm »
^^member ako sis kaso nga lang last May eh nagresign ako at nagtransfer kami dito sa province. I never thought that magbubuntis din ako agad. I wasn't able to pay the premium for July-Sept kasi nga walang budget since wala pa ako work nun. Same with hubby, di rin kasi sya employed by that time so syempre inuuna namin yung pagkain kesa sa contribution :D Nung nag visit kami ng philhealth, ganun din nangyari. Hindi na pwede hulugan yung past quarter pero ang maaavail ko nalang is yung newborn package ba yun. Ok na din kasi mako cover si baby kahit papano. Yung eldest ko kasi na cover pa ng philhealth gamit yung kay hubby eh. Wala din ako contribution both sss and philhealth at that time. Noob eh hehe

May muwang na nga eldest ko kaso minsan bata pa din mag isip, sinusumpong pa din minsan kaya titignan ko if magiging responsible ate nga sya paglabas nitong kapatid nya. Hirap din kasi ng malayo ang age gap eh.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #210 on: April 14, 2012, 11:18:21 pm »
Update lang ako mga sis.

Yesterday morning check up ko sabi 3cm ako. Then last night i started to feel regular contractions. 4am i woke up my hubby and told him to get ready kasi i was having 10 mins interval of 40 secs contraction.

At 6 am nagpa admit nako sa st. Lukes. 4 cm daw ako. 

8 am my water bag was artificially ruptured.

Ang bilis biglang 8 cm na ko. Ang sakit na sobra ng contractions. Palabas na si baby nilalagyan pa lang ako ng epid. Crowning na talaga. Ang sakit pala nun. Dapat pala earlier pa ko humingi ng epid.

After 30 mins and 3 pushes, baby out by 8:27 am. Sabi ng ob ko bilis ko manganak. Less than 3 hours lang ako sa labor room and dr.

Thank God for a safe and fast delivery. :)

Kaninang 6am ako naadmit, uwi na kami by monday ng 11 am.

Prayers to all of you sis. :)
« Last Edit: April 15, 2012, 01:50:12 am by mikaela325 »

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #211 on: April 14, 2012, 11:35:43 pm »
wow! congrats sis mikaela! ang bilis mo nga maglabor! eh kung ganyan manganak lahat ng NSD eh mas bongga hehe :D sis yung mga pics ng baby nyo, post nyo naman dito :D

btw, pag normal ba ini slash pa yung pempem para makalabas si baby? dun ata ako natatakot hehe.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #212 on: April 14, 2012, 11:47:33 pm »
CONGRATULATIONS sis Mikaela! galing! sobrang sakit nga yun pag crowning na.. hehe. yun ang pinakaayaw ko sa lahat, nakakadala. hahaha  ;D

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #213 on: April 14, 2012, 11:51:52 pm »
Wow congrats sis mikaela! Nakakalakas ng loob yung mga ganyang kwento. Hehe. Sana ganyan nga lahat ng NSD!

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #214 on: April 15, 2012, 12:10:43 am »
wow nakakatuwa naman!! naales ang inip ko pag nalalaman ko may nangitlog na!! congrats sis mikaela325!! im so happy for you and your baby!!! ambilis mo din nanganak!! ako din sa first baby ko nun.. 10pm ako admit, 12:20am  lumabas na si baby..

yehey!!! congrats!!! congrats!!!  ;)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #215 on: April 15, 2012, 06:48:14 am »
Congrats Sis! Ang bilis mo naman manganak. :)

 Nako hindi pa ako nakapag pacheck up  this weekend. Sa monday nalang. Ewan parang kinakabahan ako. Nahuli tuloy ako na kaya ako nagpapalipat lipat ng araw ng checkup kasi nga kabado ako.heheh pramis bukas punta na talaga kami sa doctor.

mom.of.inchikoy thanks sis kuha na ako nyan pag akyat namin ng antipolo today.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #216 on: April 15, 2012, 08:31:28 am »
Sis mikaela! Congrats super inggit...

Ako na kasunod mo eh.. Halong excitement at kaba... 38weeks na! Ayoko ng umabot ng 39 weeks..

Noob question.. Hindi ko kasi alam ang feeling ng contractions.. Malakas tolerance ko sa pain.. Paano magcount?  ;D

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #217 on: April 15, 2012, 09:15:01 am »
Thank you mga sisters.

Contractions - menstrual like cramps na naninigas na continuous and regular. Unlike brixton hicks na nawawala when you change position. Once na tumigas/sumakit count ka lang ilang seconds tumatagal. Then after it stopped, count the time interval to the time na may mafeel kang contraction again. Habang tumatagal, it becomes more intense and more frequent. 

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #218 on: April 15, 2012, 09:39:08 am »
Update lang ako mga sis.

Yesterday morning check up ko sabi 3cm ako. Then last night i started to feel regular contractions. 4am i woke up my hubby and told him to get ready kasi i was having 10 mins interval of 40 secs contraction.

At 6 am nagpa admit nako sa st. Lukes. 4 cm daw ako. 

8 am my water bag was artificially ruptured.

Ang bilis biglang 8 cm na ko. Ang sakit na sobra ng contractions. Palabas na si baby nilalagyan pa lang ako ng epid. Crowning na talaga. Ang sakit pala nun. Dapat pala earlier pa ko humingi ng epid.

After 30 mins and 3 pushes, baby out by 8:27 am. Sabi ng ob ko bilis ko manganak. Less than 3 hours lang ako sa labor room and dr.

Thank God for a safe and fast delivery. :)

Kaninang 6am ako naadmit, uwi na kami by monday ng 11 am.

Prayers to all of you sis. :)
Congrats sis mikaela!

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 3)
« Reply #219 on: April 15, 2012, 09:43:31 am »
Thank you mga sisters.

Contractions - menstrual like cramps na naninigas na continuous and regular. Unlike brixton hicks na nawawala when you change position. Once na tumigas/sumakit count ka lang ilang seconds tumatagal. Then after it stopped, count the time interval to the time na may mafeel kang contraction again. Habang tumatagal, it becomes more intense and more frequent.
Sis super helpful saken to, madalas kasi tumigas ang tiyan ko pero nawawala naman agad. At least pag nangyari saken yung katulad nito alam ko na ang next step.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close