i was there kahapon at pasay CID, at first, hindi ko makayanan pumasok, kasi never in my life na makakapunta ako sa magulong place na yun, napakabaho, napakainit, and yung stress na labas pasok ang mga criminals while you are there, complaining, waiting for the certification ng cid na andoon si emie para i-file sa NPD, hindi ko kinaya. i never thought na iiwan ko ang car ko banda doon na pagbalik ko baka nacarnap na pala, or maholdap ako pagbalik ko kasi i went there by myself. really scary.. and makita ko yung ichura ni emie na nakikipagsiksikan sa mga preso..tulala ako when i was driving home. i kept thinking, tuloy ko pa ba to, or not, dahil nakakulong na sya.. but, at the end of the day, sabi ko umpisa palang to kay emie, at hindi pa lahat nabibigyan ng justice, and kaya ko nga ginawa tong thread and the blog, is to fight also for myself.
i met 3 complainants of emie, all with different stories, different lies, different amount of transaction with the same reason, maibalik saamin ang dapat saamin. hindi man namin makuha agad, pero definitely, hindi namin to palalampasin. mkapag bail man sya, hindi sya makakapag tago, dahil kahit ilan beses pa sya magtago, hahanapin at hahanapin sya ng mga pinagkakautangan nya.
sa mga moms na hindi pa ngyayari ang event, maghanap parin tayo ng way para matuloy ang event ng baby natin, ipagkakatiwala pa ba natin ulit kay emie ang event kahit sabihin nyang bigyan sya ng second chance? or kahit sabihin pa nyang aayusin nya? para saakin po wag nalang.. sa dami ng naloko nya, at nasirang party, hindi malayong ganito ulit ang gawin nya.. sana wala ng magtiwala pa sa kanya sa ganitong bagay, dahil hindi nya alam kung gaano ngpapakahirap ang mga magulang para lang mabigyan ng magandang party ang anak nila.. e kung mangyari kaya sa anak nya ito.. ano kayang gagawin nya..