soo heartbreaking to read stories like this

and u cant blame clients for not trusting PPs sa mga ganitong incidents.. nakakaawa yung mga parents na naghirap pagipunan yung money tas ganun lang mawawala.. ive read sis zoemnl blog last year and was able to talk dun sa ibang moms before sa suppliers who broke your heart thread sa mga ginawa sa kanila ni emie. nangyari na before but still, emie didnt manage to take that opportunity para ayusin at linisin ang name nya..
nasa kainitan yung thread ng "suppliers who broke your heart" nun but I still got her to help us our client (Im a PP) for sponsorship in Magnolia Residences last year (Nov). coz I believe lahat nagbabago and being on the same industry as her I thought she wouldnt make my heart broken naman

condition: she'll help on sponsorship but they will be the caterer. kahit me partner caterer ako sige lang, dun ang gusto ni client... client paid the 50% DP. she's asking for 60% pero sabi ko 50% lang policy ko> Sabi ko sa kanya trust me hindi kita tatakbuhan. Sinadya pa sha ni client para personally iabot ang DP kasi last day na daw magbabayad sa venue at me gusto rin kumuha and that was Sat alang bank so c client pinuntahan talaga sha sa event nya sa QC.
day after she texted na bumped off daw sa magnolia etc etc..sa congressional clubhouse na lang daw. sabi ko we can book that venue without your help. pero dahil sa naumpisahan na nga nya yung pag assist eh di sige na ibibigay ko na sa knya yung catering service basta sabi ko make sure booked na ang venue at 2nd week ng dec ang event. so almost one month na lang
after a week nakati katihan kong tumawag sa congressional walang sumsgot at hirap kumontak. iba yung kaba ko kaya kahit nasa work ako nun nag half day ako to check out the venue only to find out na hindi naman pala kami nakabooked dahil me corporate event na nakabooked na for that date at january that year pa yun nakareserved. @%$%^%^&&*
i called her and bluntly told her na ano yan lokohan, kinuha mo ang DP nila then wala pa pala sila venue. dami discussions shempre nagdadahilan sha but dont worry daw sha daw maghahanap ng venue etc etc..
sabi ko make sure of that and its almost 3 weeks na lang. clock is ticking my goodness and super haggard talaga ang transaction ko na to. then me nabook naman yung sa cubao, na mejo inayawan pa ng client nung una pero napapayag ko din naman.
so ok na sa isip ko.. builang ulit ng one week..only to find out na hindi pa pala sha bayad. na ang press release nya sken nag full payment sha dun at pinpilit nya na kumpletuhin ko yun 60% kasi iba daw policy nya sa policy ko etc etc.. so fine para wala kaming diskusyon kinumpleto ko ang 60% nya
sobrang haggard talaga ako sa deal na to sa kanya .. on the day of the event she delivered naman yung catering at maayos naman ang food pero yung pagkahaggard ko sa preparations juice ko po.. anjan pa yung eksena na kinukulit nya ko to settle yung balance at least 2 days before kasi mamimili pa etc etc.. naku pinatigasan ko na talaga na sa event ako magsesettle ng balance ko and thats final..
nakakalungkot lang kasi ang hirap gumawa ng name sa ganitong industry.. u will really exert effort to the nth power to earn respect n trust of clients. me time pa nga na kahit wala ka na kitain basta maayos ang service kasi sa party na yan ka din makakakuha ng bagong clients.
im sure emie u are reading this thread. magagalit sayu ang mga taong nagawan mo ng kasalanan but that's the consequence. i didint post para mangagatong but i believe if nasa puso mo ang pagbabago, paghihirapan mo lahat para ibalik yung tiwala nila sayo.