watch now

Author Topic: Sana  (Read 1633 times)

mscharming

  • Guest
Sana
« on: March 30, 2012, 04:33:49 pm »
Mahal ka daw niya—
Tinatago lang pala niya
Ayaw daw niyang masaktan
Ayaw daw niyang mapahiya
Espesyal ka rin pala sa kanya-
Isang mahalagang tao
Na matagal na niyang gustong ipagmayabang
Pero wala lang siyang paraan
Alam mo bang sinabi niyang ikaw lang?
Ang tanging nasa puso at isipan niya
Ang laging pinagdarasal sa tuwing iidlip o matutulog man ng kaytagal
Wala lang siyang lakas para aminin
Na ikaw lang ang tinatangi ng puso niya…
Ikaw lang at wala ng iba…
Natatakot lang siya, baka mabigo lang ang pangarap niya…
Sana sa mga narinig mo, pansinin mo pa rin siya…

Sana maunawaan mo
Naduduwag lang siya
Kaya ako na ang nagsasabi nito sa’yo...
Sana wag kang magbago.
“Teka, Angela…
sana wag kang magagalit sa kaibigan ko
Sa mga sinabi ko sa’yo,
sana maunawaan mo...”

Maraming luha ang papatak, isang puso ang durog na durog…
“Ah pasensya ka na, pakisabi sa kaibigan mo… mas maganda kung siya mismo
ang magsasabi niyan… Good luck sa kanya at sana makuha na niya
ang pinapangarap niya…

at nga pala, nagkamali ka… ako si Anne…

sana  nga… ako na lang si Angela.  :(
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close