watch now

Author Topic: Lapitin ng may asawa  (Read 7230 times)

chloebaby

  • Guest
Lapitin ng may asawa
« on: March 29, 2012, 09:47:37 am »
May sumpa ata ako mga sis. Pang limang lalake na ang lumalandi sakin lahat sila may asawa at mga anak. Simula 2006 parang taon taon may dumidiskarte saking ganito. Di ko naman sila pinapatulan kasi ayoko talaga. Pero ang weird lang kasi lahat talaga parang gusto ko maging kabit. E may sarili naman akong boyfriend. I'm just 25yo pero dami ko na na-experience. Maayos naman akong babae. Sabi nila may ganun daw talaga na lapitin ng may asawa.

Jusko po, sana mawala na ko sa ganitong aura haha!

Sis share kayo kung parang ganito din kayo 

renrai23

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #1 on: March 29, 2012, 12:06:42 pm »
sumpa talaga sis eh nuh? hehe. ganyan din yung isa kong friend, pumayag siyang makipagrelasyon dun sa may asawa. wala daw siyang pakialam kahit tawagin siyang kabit o awayin pa daw ng asawa kasi mahal naman niya ang guy. anyway, hindi naman siguro sumpa yan sayo sis. siguro nagkataon lang na may mga qualities ka na nakita ng mga lalaking may asawa na wala sa kanilang mga asawa ngayon. umiwas ka nalang sis kasi mahirap na baka mamaya hindi maganda ang maging result kapag pumatol ka sa kanila. baka awayin ka pa.

oksela d

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #2 on: April 04, 2012, 10:21:48 am »
You must make it clear na may asawa ka na. Maybe raise your hand with your wedding ring. That usually gets their attention.

Serena.

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #3 on: April 29, 2012, 06:32:24 pm »
May ganyan akong friend. Walang takot sa Diyos kung makapag relasyon sa mga may asawa na. Hobby nya talaga ang manira ng pamilya. Hindi rason para sakin yung sinasabi nya na lapitin sya. Nasa sakanya naman yun kung gusto makipagrelasyon o hindi, NAPAKA daming lalaki dyan, why settle for someone not worth your time or efforts.


Kaya if i were you sister, wag ka papatol sa mga ganyan, kasi pag napamahal ka na, patay! Mawawalan ka ng magandang future. Kaya mo yan sis! Labanan mo yang mga tukso o demonyo na yan! ;)


xo
« Last Edit: April 29, 2012, 07:19:31 pm by Serena. »

toypoodledog123

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #4 on: April 29, 2012, 06:41:56 pm »
ganun daw talaga pag mukha kang bata (fresh) at inosente.. hehe so maging matured ka and mag-mukhang matapang. hehe

Razchelle

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #5 on: May 03, 2012, 09:12:02 pm »
I'm 36, very much single. 4 married guys ang nagpaparamdam sa akin. Yung isa nagpahayag na idi-divorce na niya yung wife niya after that he's going to pursue me. Yung isang gusto lang atang tikman ako, kasi naman super gwapo ito minsan naiisip ko ng patulan kaya lang nangingibabaw ang takot ko ke GOD. Yung isang nasa Italy, he's calling me every single day at exchange ng text sa viber. Yung last divorced na siya at nagpropose na sa akin, sabi ko let me think first.  Nalulungkot lang ako kasi bakit married guys ang naa-attract ko. Hinahayaan ko lang sila, kasi I know GOD is preparing the right guy for me. I resist the temptation.

toypoodledog123

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #6 on: May 08, 2012, 10:13:04 pm »
I'm 36, very much single. 4 married guys ang nagpaparamdam sa akin. Yung isa nagpahayag na idi-divorce na niya yung wife niya after that he's going to pursue me. Yung isang gusto lang atang tikman ako, kasi naman super gwapo ito minsan naiisip ko ng patulan kaya lang nangingibabaw ang takot ko ke GOD. Yung isang nasa Italy, he's calling me every single day at exchange ng text sa viber. Yung last divorced na siya at nagpropose na sa akin, sabi ko let me think first.  Nalulungkot lang ako kasi bakit married guys ang naa-attract ko. Hinahayaan ko lang sila, kasi I know GOD is preparing the right guy for me. I resist the temptation.

one obvious reason is most of men at your age are already married. I still believe that love knows no age as long as you understand each other. problema lang, tagal mag mature ng guys. pero bilib ako sayo, you've been so patient and God-fearing. keep it up sis! marami rin namang single guys dyan pero still try not to look for him and be surprised one day :)

tipC_shoegal

  • Guest
Re: Lapitin ng may asawa
« Reply #7 on: May 15, 2012, 12:41:03 am »
Ditto. No further words to say about it!  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close