watch now

Author Topic: Psoriasis-- Part 2  (Read 43626 times)

Evolet027

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #120 on: September 28, 2016, 03:35:10 pm »
Hi sis mrsonthego, ganun din ako, mga 2 liters. Tapos iwas lang talaga ako sa mga juice, iced teas. Kung wala lang choice saka lang ako napapa inom ng ganun eh.

Healthy diet, for me, yung walang fastfood, maalat, mamantika. I make sure na makapag exercise ako araw araw kahit 1 hr lang. Nasanay na din naman ako na ginagawa yung mga bagay na ni list ko. Bonus, mejo nag slim down pa katawan ko.

Good luck sis! Positive lang. Pansin ko din dati, parang lalo akong nangangati pag na i stress ako dun sa isipin na meron ako Psor. So ginawa ko, inalis ko sa isip ko yan, nilagay ko na babalik din sa healthy ang skin ko. So yun nga... after a long time, unti unti sya nawala.

mrsonthego

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #121 on: October 03, 2016, 03:35:08 pm »
^thank you sis :)

nga pala member ba kayo ng psorphil? gusto ko mag join kaya lang need ata ng medical extract, or certificate ba yun? dun sa member reg form sa website nila.

simplykristine08

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #122 on: October 03, 2016, 09:17:32 pm »
Hello mga sis. Napanood ko yung sa MMK. Grabe, relate ako.

Binigyan na ako ng gamot - Cyclosporine - 200 mg per day. Grabe talaga ang scalp ko. Nag sick leave nga ako last week for 2 days kasi talagang parang nag mmoist na yung ulo ko :(

Sino na nagtry ng Cyclosporine sainyo? May effect ba talaga?

Dahil sa lab tests na ginawa sakin - nalaman din na mataas ang cholesterol at sugar ko :(

mrsonthego

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #123 on: October 04, 2016, 08:29:39 am »
^panong nag mo moist sis? hindi dry at flaky?

simplykristine08

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #124 on: October 04, 2016, 02:26:46 pm »
^ sis, dry at flaky sya diba, tapos pag binakbak ko sya, nagiging moist :(

Question po, pag ba yung prang dandruff eh ang dame na, ano ang ginagawa nyo? binabakbak nyo po ba? or kusa ba syang matatanggal?

Thank you po. Natutuwa ako na nakita ko tong thread na to at yung group sa FB.

mrsonthego

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #125 on: October 04, 2016, 02:46:25 pm »
^sakin di naman mag mo moist, mapula lang ng sobra tapos nakaangat yung skin, sa dandruff naman pag kinakamot ko yun puro flakes, sarap kamutin hehe, dyahe di makapag suot ng dark clothes

simplykristine08

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #126 on: October 04, 2016, 06:18:09 pm »
^ pano natanggal yung sayo sis? as in hindi na ba sya naalis? tinatanggal mo ba yung parang dandruff?

simplykristine08

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #127 on: December 28, 2016, 07:56:32 pm »
Tumigil na ko sa oral medication. For a month lang, pahinga muna. Kasi di umuubra sakin ang Cyclosporine. Pahinga muna ng 1 month, then balik kay Doc, baka bigyan naman ako ng Meth. Lumalala na yung scalp ko, kitang kita na at bumababa na sa may noo ko :( Nakakahiya na nga pumasok sa work eh.

Effective ba sainyo ang Neutrogena T Gel?

THanks

mrsonthego

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #128 on: December 29, 2016, 03:34:04 pm »
^sakin hindi effective ang T-Gel sayang pinamigay ko n lang, mahal pa naman. Hiyangan din talaga

simplykristine08

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #129 on: December 29, 2016, 03:47:25 pm »
^ Thanks, sis. gusto ko sana itry. di na kasi umiepekto ang Ionil T sakin :(

justinec

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #130 on: October 18, 2018, 11:04:27 am »
Dear All, any derma recos in Asian Hospital? Thank you.

yellowminion

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #131 on: October 22, 2018, 08:13:53 am »
Sa'kin din hindi effective ang T-gel. Nagpa-member pa naman ako sa Landers para lang dun ;D

Ang ginagamit ko ngayon na napansin medyo nakakatulong sa flakes is yung Human heart Nature Clarifying Shampoo.

I wanted kasi sulfate-free shampoos kaya ang lagi yung ginagamit is yung HHN Vanilla something tapos sinubukan ko yung Clarifying Shampoo nila and it tamed my flakes. meron pa rin pero every time I wash my hair, i feel that it cleanses thoroughly.
------
Napapagod na kong pumunta sa derma sa totoo lang but I guess ito na ang kapalaran ko. Sometimes I dont eant to go out of the house lalo na pag nag-flare up my face. :'(

Ngayon clear skin na ulit ako...siguro mga two weeks lang ito tapos balik na naman...hay the usual cycle :'( :'(

bonnie07

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #132 on: November 02, 2018, 08:13:03 pm »
hi sisses, update lang. since i was diagnosed with psoriatic arthritis last march 2016, hindi totally nawala yung dandruff and rashes ko sa body (specially sa elbow) kahit nag ooral medication ako.  Madami rin akong natry na shampoo and creams from derma. Until my rheumatologist advised me na maginjection na. It will not only help my arthritis but also yung psoriasis ko. I also consulted with my derma and he agreed with my rheuma. I was prescribed with cosentyx, 5 loading dose (once a week) then once a month thereafter. before matapos yung loading dose ko, clear na yung skin and scalp ko  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close