watch now

Author Topic: warfreak na Bilas  (Read 7929 times)

pregnantgirl

  • Guest
warfreak na Bilas
« on: March 27, 2012, 10:12:58 am »
ano bang pwede kong gawin? nag post kasi ako facebook..may isang taong tinamaan..accidentally tinamaan sa post..ngayon after 2 days nag post na sa wall niya ng kung ano-ano..kahit di naman niya sabihin na ako,alam kong nagalit siya..minsan naman sa facebook kahit anong post mo,hanggang di mo binabanggit kung sino,di ba dapat hindi naman ganun kung mag react yung makaka basa?unless sabihin mo yung bagay na siya lang ang meron..ang problema kasi, yung kapatid ko in-add ako gamit account ng asawa niya..ngayon after 4 months na facebook friend kami,nalaman ko na naartehan siya sa baby ko..naisip ko kaya pala kahit isa picture wala ni-like sa anak ko,ayaw makipag usap sakin at di nagpunta sa bnyag..kasi bitter hanggang ngayon sa akin..dahil di talaga kami magkasundo ng ate ko simula bata kami..

ang post ko is about bitterness..aba hindi ko naman akalain na ang tatamaan yung asawa ng kuya ni hubby..ngayon ko lang napansin na kahit pala isa sa pic ng anak ko wala rin siya ni-like..pero yung post ko naka customize naman,nagkataon hindi ko sa kanila mga ibang relative tinago kasi di ko naisip tatamaan siya..grabe!! ang daming sinasabi,( plastik,para kang kuto,sarap mong tirisin,DUWAG) at kung ano-ano pa..parang naghahanap ng away..

so ngayon nag post na naman siya..nagpaparinig..wagas daw sa pagka duwag..nag segway daw ako ng usapan kasi nag re-post ako about assuming..kasi totoo naman..para siyang naghahamon,hindi naman siya sigurado..syempre kahit ba sabihin mong tinamaan ka,kahit sana pa-plastik nagtanong ka kung sino yun sinabhan ko di ba?kaysa sasagot ka ng kung ano-ano..eh kaso war freak ala..ang ginawa sinagot yung post ko,thru her facebook wall..

ano bang gagawin ko?after ko mabasa yung pot niya,nanlalamig yung kamay ko..nagalit na ako..kasi assuming masyado..grabe pinagpasesyahan ko yung post niya,kasi inintindi ko na maling akala lang niya yon..pero ngayon itsurang naghahamon..kaya gusto ko na mag message sa kanya..para sabihn kung may problema ba? ano ba dapat kong gawin?gusto ko kasi siya kausapn kasi nakaka pikon na yung ginagawa niya..

yndy

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #1 on: March 27, 2012, 11:16:40 am »
^ wag mo na pansinin sis.. hide mo na lang yung feeds coming from her fb...

pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #2 on: March 27, 2012, 12:15:56 pm »
nag send ako ng PM sa kanya..imbis na sagutin ko yung wall post niya..sinabi ko na wala akong dapat i-explain kasi unang una hindi kami nagkakausap matagal na,1 year na yata..saka wala akong natandaan na nagkainisan kami eh.sabi ko sa kanya usapan yun tungkol sa anak ko kaya nagalit ako,nakapag post ako.

sa dami ng tinawag niya sa akin na duwag,kuto,plastik at nag segway pa raw ako..sinabi ko sa kanya na tawagin niya ako ng kung ano-ano pero di ko papatulan yung post niya.dahil di ko ugali sumabay sa galit ng iba..masakit rin na tawagin ka ng kung ano-ano lalo na hind naman siya nakaka sigurado sa kaaway niya,basta siya magsasalita..ayoko na lang patulan..sa totoo lang d pa kami kasal ng asawa ko,masakit lang na idadamay pa niya yun sa post niya sa akin..sasabihin pa nya na sabit lang ako,sawsawera..sino bang di magagalit?

kahit sila kasal ng kuya ni hubby lagi naman niya inaaway yung asawa niya.saka wala naman siya karapatan sabihan ako ng sawsawera at sabit kasi hndi kami magkadugo..kahit di kami kasal ng asawa ko kahit kailan hindi ko naramdaman sa family ng asawa ko na sabit ako.mahal na mahal nga nila ang anak ko..

masakit lang na dahil sa maling akala niya,nalaman ko pa na ganun ala ang tingin nya sa akin,isa akong sabit at sawsawera..

aquacharly

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #3 on: March 27, 2012, 12:47:06 pm »
So, what's new. Same old story about how members of a an extended family resent a newcoer to the family who they see as a threat or well, better thn them.  90percent of the time, write it own to  envy &/or insecurity.   

Personally, for me... Wala nang mas ahas pa or hypocrite than a  female bilas. Yan kasi ang collective experience naming sisters.     Lol

PREGNANTGIRL -- choose your batles well.       Ito ang laban na iwasan mo kahit na she has a knife poking your nose.   Too many  people will be involved na ayaw of course take sides, too many will be forced to take sides for peacewithin their families.   Magiging complicated family events.  So just drop it. Deadmahin mo to death! 

This is what  you do.  Work on creating a better life for yourself everyday.   Living well, according  to YOUR definition, is the best revenge.  It does not pay to   live according to others' definitions; maybe a case of "Misery lives company". -- ngek.  See, your kid will not be any more beauriful if Bilas agrees :  "oo cute nga,"    You will not be less maarte kahit na ba sabayan nya kaartehan mo.  Basta happy ka, wala  kang inaapakan -- go ahead, be maarte or whatever & be happy.

pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #4 on: March 27, 2012, 01:02:42 pm »
ito yung una kong message sa kanya..

Ate ******meron ba tayong problema? napansin ko kasi parang ikaw yung nag react don sa post ko tungkol sa "ampalaya"..hindi ko naman pinatatama sayo yon..sa totoo lang ayoko i-explain dahil wala naman dapat i-explain kasi sa pagkaka alam ko hindi naman tayo nag uusap matagal na..hindi ko rin alam na wala ka naman ni-like na picture.ang pinag uusapan kasi namin tungkol sa anak ko.

ang problema ko kasi ka fb ko yung asawa ng ate ko ang nag add sa akin matagal na at yung accpunt ng ate ko naka block ako.kaya pala hindi ako in-add ng ate ko dahil ang tingin niya maarte yung anak ko..at kaya pala hind cla sumipot sa binyag at birthday ng anak ko..nalaman ko lahat yan last week sa asawa ng kapatid kong lalaki..hindi kami magkasundo ng ate ko simula bata dahil lumaki ako sa lola ko..palaging may comparison kami..

sana di mo masaman yung post ko kasi una sa lahat hndi tayo magkaaway..sa maiksng usap natin noon wala kong natandaan na nagkapkonan tayo..ayoko magalit kasi walang patutunguhan na maganda..tawagin mo akong plastik,duwag o kahit ano pero di ko papatulan yung post mo..kasi yan ang ugaling natutuhan ko kay ******.pag galit ang isa wag mong sabayan kasi walang patutunguhan na maganda..pero aaminin ko nung una naasar ako kasi naisip ko sa akin ka ba galit?naisip ko kaya baka akala mong ikaw yon kasi nga nakita ko last week na wala ka ni-like sa pic ng anak ko..kaya binura ko yon post ko.di nga lahat nakaka view non.kahit c **** ndi niya alam un.ayoko mag explain sayo pero mas okay na rn para walang misunderstanding..sana d mo masamain.usapan kasi yon tungkol sa anak ko kaya nagalit ako nai-post ko.


thank you sa advice..naluluha lang ako naisip ko kung hindi pa siya tinamaan sa post ko,di ko malalaman sabit pala ako sa paningin niya..anyway masaya naman ako sa pamilya ng asawa ko..kahit kami ang di kasal sa magkakapatid ni hubby,kahit kailan hindi ko naramdaman na sabit ang tingin nila sa akin..si MIL kahit na maldita minsan yun at may inis ako,hndi niya pinaramdam sa sabit ako..tapos siya itong bilas na hilaw,,akala mo kung sino makatawag ng kung ano sa akin..na palagi naman galit mundo.pag may family gathering siya itong laging wala,nagpapaiwan sa province,ang uuwi lang yung asawa at anak niya..dedma nga ako doon kasi ayoko makialam..

aquacharly

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #5 on: March 27, 2012, 01:26:13 pm »
In your last paragraph above... Kinahon and label mo your bilas....    As in, sino ba sya? Kung your MIL did not make you feel  bad that way ... Who does she think she is?

Pwes, act on it.
Follow through.
Do not waste time understanding her,  do not waste emotions  on her. 
Walang cuentang tao  you say....   pwes why even give her 10min?
You ought to have more confidence in your choices and actions.  Pag you let her give you a bad day, pwes darling, you just gave her power over you.  Hopia.

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #6 on: March 27, 2012, 02:22:49 pm »
teka sis, pinangalanan bang ikaw yung sabit?

Bakit ka nagpost ng about dun? May gusto ka bang patamaan or whatever? Kahit i-keep mo na lang sa sarili mo yang sagot.

Based on my experience kasi, nagawa ko na rin yung ganyan. Pero di ganyan kagrabe. Like for example, i had this friend. I always tried to understand her pero bitchesa sya. So what i did, i looked for a quote na patungkol sa setup ng friendship namin. Then when someone asked me sino yun, i DENIED na may certain person pero DEEP DOWN INSIDE ME, meron :p then feel kong feel na rin nya yung tension dahil nalaman ko na rin na di nya rin na ako ganun ka-like. So sa bawat post nya, chinecheck ko yun then nafifeel kong ako yun. Got it sis? Naging paranoid ako. Minsan exaggerated pa nafifeel ko LIKE YOURS. Pero dahil walang pinangalanan, if I were you, i dont have to message her FIRST. Kumbaga, KUNG sya talaga tinamaan, sya unang kumausap. Kung tama pagkakaintindi ko na puro kayo parinigan, tapos nagmessage ka, hindi ba parang it's somehow a sign na alam mo yung rift between you at aware ka. Sana di ka na lang nag message. Kahit ipaliwanag mo  kanila yun, it just shows that you started it (the fire). Advice ko sayo, stop posting quotes like that and post something positive na lang. if di sya magstop, prob na nya yun. Kasi kayong dalawa pa gagawa ng problema ng family ng mga asawa nyo. Sorry pero, mahiya naman kayo. Kontrol kontrol lang. Alagaan mong mabuti anak mo, mahalin mo asawa mo patunayan mo na lang na tama sya, ampalaya at inggitera sya and you're way better than her. I think that's the best way you can do para malaman nya pagkakamali nya

pero kung di mo talaga pinapangalanan/pinaringgan, same pa rin. Ignore her. Don't message her. Focus on your family. Stop posting quotes in fb na hindi positive/masaya, show your in laws that you're really good. Yaan mo sya mainggit. Hide her updates sa newsfeed mo.
« Last Edit: March 27, 2012, 02:26:56 pm by FOURever »

pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #7 on: March 27, 2012, 05:04:17 pm »
madami kasi siyang post eto yung una niyang post simula last week hanggang kanina --

1. nabasa ko nakalagay sa wall mo plastik kang babae ka pasabi sabi ka pa saken ng sama ng loob mo pinadadama mo lang pala ako....ikaw!!! alam kung cnu ka kahit kelan hindi mo ako kinampihan at pinagtanggol kaya wag mo ko sisihin kung bakit ganito ako sau ...DUWAG ....

2. para kang kuto babae ka sarap mong tirisin!!!!

3. " IF LOOKS COULD KILL "

4. senegway mo pa conversations mo ha kapal ng muka mo makareact sabit ka lang din naman sawsawera!!! ....at ikaw na duwag ka wala ka talaga wagas na wagas ka sa kaduwagan!!!!!

5. updated kayo sa thread ko sa fb mga kamag anak mo namumutakti sa friends lists ko samantalang ikaw ni isang kamag anak ko sa fb mo wala sa friends lists mo kapal ng face mo!!!!

wala akong pangalan na binanggit..isa pa.may nag reply sa post ko eh,ibang tao na hindi niya kilala.friend ko nung nag trabaho pa ko sa metrobank..binanggit niya yung tungkol sa amin magkapatid.kaya nagtataka ko bakit umeksena siya bigla at siya itong tinamaan.

hindi kasi siya yung tipo ng tao na makikpag bati.sa tingin ko pala away talaga siya.kasi kahit nga asawa niya kahit madaling araw tatawagan niya sa phone,maaway lang niya pag may nakitang mali.o kaya kahit di ko alam,madalas naman may nababanggit asawa ko na yung babae na yon lagi inaaway yung asawa niya,, na kuya ng asawa ko..kaya hindi ko natiis yung post niya,ang dami kasing nag co-comment sa wall niya,na hind nakakatuwa.ang lagay pala eh pag nag post ako ng isang quote eh siya agad ang pinatamaan kahit wala kang gustong patamaan..yung isang message na yon feeling ko kasi maigi yon para magkaalaman kami.kaysa naman hindi siya titigil,hindi naman niya alam kung yung taong hinahamon niya,siya ang kaaway..

yun sa akin kasi wala na yon eh,binura ko na nga yung post ko na napikon siya.ang problema kasi ang dami niyang binitawan na salita na hind niya dapat sabhin sa akin.kaya ako na nagtanong.

wala siyang pinangalanan pero feel na feel kong ako yan,ikaw ba ang i-add ng isa sa nag comment sa post niya na tungkol sa pagkaka galit niya..nagsabi ako sa kanya ng problema madalas dati mga 2 years ago madalas nag chat kami niyan,sinasabi nyang sawsawera ako ngayon?kasi siguro dahil minsan ni-like ko yung picture na in-upload niya?ewan ko..sabit?kasi kami lang ang hindi kasal ng asawa ko na kapatid ng asawa niya.





pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #8 on: March 27, 2012, 05:16:48 pm »
kaya ko nalaman na ako yung pinatamaan niya kasi after na i-post ito--


1. nabasa ko nakalagay sa wall mo plastik kang babae ka pasabi sabi ka pa saken ng sama ng loob mo pinadadama mo lang pala ako....ikaw!!! alam kung cnu ka kahit kelan hindi mo ako kinampihan at pinagtanggol kaya wag mo ko sisihin kung bakit ganito ako sau ...DUWAG ....

after niya i-post ito,dun ko tinignan isa-isa yung sa picture ng anak ko.nag check ako ng mga albums..nakita ko na kahit isa pala sa picture ng anak ko wala pala siyang comment..hindi ko naman yun napapansin dati..pero sa magka kamag anak,talagang siya lang yung walang ni-like..dun ko naisip na kaya pala siya nagalit kasi wala rin siyang ni-like na picture..

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #9 on: March 27, 2012, 06:22:13 pm »
^saan mo sya dapat pagtanggol sis? Hehe. Nalito ako sa mga posts nya. Laki ng away nyo  ah

Iblock mo na sya sa fb mo sis. Ikaw na rin nagsabi palaaway yan. Lalo kang masisira kung mababadtrip ka dyan. Parehas siguro kayong may mali. Saka fb yan. Away pamilya, pinopost pa.. Kung di sya matahimik, iblock mo na. Kasi mga asawa nyo nasisira. Feel ko inggit sinimulan nyan eh. Ikaw na lumayo tutal sa tingin mo ikaw ang mas nakakaunawa sa sitwasyon. Wag mo na sya imessage. Lalo kasing lumalabas na MERON TALAGANG something not good between the two of you. Pwedeng ikaw pa lumabas na masama kasi FEELING mo ikaw yung nasa posts nya. Di ako kampi sa kanya, pero pwede nya kasi baliktarin lahat. Yun lang mapapayo ko.. =)

At sis, i want you to feel na hindi ka sabit unless kabit ka. Hayaan mo na sya. Inggit lang yun. Patunayan mo sa mga nagmamahal at nagpapahalaga sayo na wala kang ginagawang mali.
« Last Edit: March 27, 2012, 06:25:40 pm by FOURever »

girl24

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #10 on: March 29, 2012, 03:52:01 pm »
sorry sis ha hindi kasi ako active sa fb pero sukatan na ba ngayon kung feel ka ng kamaganak / other people sa pag like sa pictures or comments, or pag add ng kamaganak niya??? parang ambabaw...

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #11 on: March 29, 2012, 05:30:09 pm »
^same sentiments here.. Yun din iniisip ko, kaya i doubt kung 100% innocent si TS at wala talagang pasaring. Di ko naman ijudge si TS. Then kung tama intindi ko, matagal na sila magkakilala/friends.. Parang bata pa lang ba? Feel ko may rift na tong dalawang to. Well, i hope they settle it down dahil nakakahiya sa family ng mga asawa nila.. Kung masaya si TS, keep it coming sis. No need to worry about her.

pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #12 on: March 29, 2012, 06:44:57 pm »
kasi yung sa pag like na yan,,kasali kasi sa contest yung baby ko eh..so nakikisuyo ako sa kapatid ko na paki like..bale pang second contest na yung hiningan ko ng favor na i-like,,wala talaga kahit isa..tapos hndi na ako kinakausap..hanggang na ayon nga kaya pala walang ni-like,,eh ang tngin niya maarte yung bata..yung anak ko 1 taon pa lang sasabihan kasi ng ganun..kung magulang ka sigurado mabubuwoset ka naman eh..

anyway di na sumagot yung bilas ko pero nag facebook siya..ang sabi ng isa kong bilas baka nahiya daw siguro sa akin after mabasa yung message ko na hindi pala siya yon

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #13 on: March 29, 2012, 08:29:26 pm »
^ayan. Napahiya na sya. Wag mo na sya ulit papansinin. Yang mga ganyan kasi, inggit lang. Samin mo na lang ipa-like mas matutulungan ka namin haha! Goodluck sis! And take good care of your child!

pregnantgirl

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #14 on: March 30, 2012, 11:51:05 am »
Thank You mga sis! sa mga advice..di na rin ako magsasabi ng ganon sa facebook next time.. :( ..lesson learned  ;)

orange069

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #15 on: April 30, 2012, 05:49:44 am »
Keri lang mag post ng mga ganon sa FB, dahil account mo naman yun. Pag may nag react kebs lang. Yung mga umeeksena na ganun they have too much time on their hands.  Kung naartehan ang sister mo sa anak mo eh hayaan mo na, kanya kanyang opinion naman yun kaso prang kamote lang kapatid mo kasi bata pinapatulan buti sana kung tipong 15 or 16 yrs old na yung pinag-bibitteran niya. Sa SIL mo naman baka bet niya maging baby face kaya bitter din sa anak mo :)

Wag ka naman mag pa affect sis. Hayaan mo ang mga monsters di ka talaga lalayuan ng mga ganyan part nang life na natin yan ang may sarili tayong drama :)

piatos

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #16 on: May 02, 2012, 10:26:49 pm »
Ganyan talaga may nagrereact sa post mo pero wag naman madalas na puro ganun.  Ako naman ang napost ko sa wall ko kasi ba naman denelete ako ng cousin ko sa FL nya.  Sumama loob ko talaga kasi feeling ko close ko sya yun pala ako lang ang feeling hahaha

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #17 on: May 03, 2012, 01:36:31 pm »
^sis, may magrereact talaga sa post ni TS kasi may pinaparinggan talaga sya :) i found another thread kasi, kinwento nya yung ibang part na di kinwento dito ;) but this issue is over na daw accdg to her. Let's just hope her a more peaceful life with her family. God bless!

ldrwifey

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #18 on: May 03, 2012, 01:55:51 pm »
teka naguguluhan ako sayo sister, sino ba talaga kaaway mo? yung asawa ng kapatid mo or asawa ng kapatid ng husband m  ???

saka sinong matinong tao ang sasabihan ang isang baby n MAARTE? di ko magets... pano silang naaartehan s isang walang kaalam alam n bata?

FOURever

  • Guest
Re: warfreak na Bilas
« Reply #19 on: May 03, 2012, 02:51:32 pm »
^magulo talaga sis yung kwento. Pero from what i know, yung kapatid niya kaaway niya. Tapos nagparinig post sya sa fb tapos ang nagreact yung asawa ng brother in law niya na matagal na niyang 'kaibigan' na in a way, naging kakumpitensya nya or something mula pagkabata. Tapos ang haka haka yata ni TS ay naiinggit kay TS yung asawa ng brother in law niya kasi wala daw nila-like sa pictures ng baby niya na inuupload niya sa fb. Kaya nung nagreact post yung asawa ng BIL niya, she assumed na siya naman ang pinaparinggan. Nagagalit si TS na pinaparinggan daw siya kaya minessage niya sa fb.. Bale dalawa kaaway niya. Sister niya at asawa ng BIL niya.. Pero ok na daw :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close