We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
hayyy, mga sister, ano ba dapat gawin ko? maraming salamat sa mga mag-rereply.
~~, on my perspective, obvious naman na may gusto sya sa asawa mo. i mean kung ako sinabihan ng ganun, i would've think na baket gusto nya ko makasama? baket nya ako ininvite? mga ganung thinking. kaselos-selos nga naman po, ask ko lang if nakausap mo na asawa mo about this? anong sabe nya? inentertain ba nya? mahirap yan kase di pala alam sa work nya na married na sya, so may mga ganyang consequences talaga. di mo ren masisisi ang doktor kung pormahan nya asawa mo lalo't di naman alam na married sya. saka baket po di pwedeng ipaalam na married na kayo? curious lang. pero ang advice ko, kausapin mo asawa mo pero for sure, alam naman nya limitations nya. chill ka lang muna, godbless po..
hi mga sister, need ko lang advice niyo.. eto yung sitwasyon:yung asawa ko nagtatrabaho sa ibang bansa as a nurse. ngayon, may nakilala siyang pinoy na doktor. matangkad at may itsura daw kasi marami nagkakagusto.one time, may program sa ospital nila may mga banda at kung ano pa. ngayon nagparining yung doktor sa mga nurse na "sasama lang daw siya basta andun yung nurse na matangkad at maganda"eh sa area nila, yung asawa ko lang ang matangkad at may itsura compare sa ibang lahi. one time, nagchat ang doktor sa FB ng asawa ko. sa kalagitnaan ng chat nila, sumeg-way ang doktor, sabe, "pagnakapasa ako sa exam treat kita dinner" at sabe pa "next week showing na yung hunger games ha, baka gusto mo manuon ng sine, nuod naman tayo" sabe naman ng asawa ko "sige basta libre mo, kaso may lakad ako this week" sabe naman ng doktor " edi next week i-sked mo naman pleeasseee" tapos na-iba na ng usapan. usapang kung ano ano lang. mga sister, sa tingin niyo, may gusto ba yung doktor sa asawa ko? kasi ako, bilang lalake, mag-aaya ba kame ng sine at dinner treat sa babae kung hindi namin gusto. buti sana kung "sine naman tayo next week, sama mo naman mga friends mo" una hindi ko pinapansin kasi nga ka-work niya. bigla na lang ako siyempre nagreact nung may ayaan na ng dinner at sine. nagseselos na ako siyempre, tao lang naman at may damdamin. tama bang magselos ako or hindi? eto pa, hindi alam nung doktor na may asawa na yung esmi ko. kasi hindi pinaalam ng asawa ko na kinasal na siya sa mga ka-work niya. hayyy, mga sister, ano ba dapat gawin ko? maraming salamat sa mga mag-rereply.
oo nga eh. nagtaka din ako kasi ang dami-dami ng babae dun na nurse bakit yung asawa ko pa yung gusto niya i-treat. okey lang yung ayain mag-sine basta marami sila. eh base sa aya niya mukhang sila lang dalawa. hehe. tama ba ako? open naman kame mag-asawa. kinukwento niya naman lahat. hindi pa naman siya pumapayag or what. nung nagbakasyon siya sa pinas, nagpakasal kame (civil wedding) ng biglaan, eh ang paalam niya is birthday ng nanay niya, iba daw kasi ugali ng mga ibang lahi buti sana kung pinoy yung pagpapa-alaman niya. chekwa kasi kaya iba ugali. oo sis tama ka may mga ganung consequences din talaga knowing na hindi alam ni dok na may asawa na pinopormahan niya, obvious naman siguro sa Fb ng asawa ko na may "in a relationship with..." makapal lang talaga mukha nung dok na mag-aya kasi wala ako dun. at hindi naman nila pinag-uusapan about kung may bf na asawa ko at kung may gf na yung dok. ang hirap lang din kasi magkalayo kame. july pa punta ko sa kanya. sabe naman ng asawa ko, ako naman mahal niya. sabe ko naman siya naman kasama mo. hahaha. ganun din. salamat sis ha.
salamat sa mga reply mga sister. kaya hindi niya nai-declare na marriage siya sa work kasi ang paalam niya ng paguwi niya ng pinas is birthday ng nanay niya. kasi biglaan lang din kasal namin. ayaw niya ipaalam sa work niya na kasal siya dahil baka daw magalit yung pinaka-head nila, chekwa kasi iba daw ugali, kahit ako hindi ko rin magets kung bakit hindi niya masasabi na may asawa siya. ayoko na lang din siya kulitin baka magalit or what. eto pa pala may hirit pa yung doktor sa esmi ko na, sana pala nagsbay na lang [textspeak!] last march ng paguwi ng pinas. desperado talaga si dok na makasama esmi ko. hehe.one time, hindi ako nakatawag sa kanya, ang end-up, nagalit siya sa akin kasi pinag-anatay ko kasi. fault ko naman talaga at humingi na ako ng sorry. kaso nalaman ko na may ka-chat yung esmi ko na ka-work niya. ang sabe ng esmi ko, "[textspeak!] kung ganyan siya ang dame kong reserba" at tinukoy din nung frien niya si dok. tapos bigla na lang sila nagtawanan.
grabe naman,kung mahal ka niya hndi niya masasabi yun..alam m dpt wg na niya ientertain yung doctor baka isipin interested sya..
kaya nga eh. tingin ko interesado din ata esmi ko kay dok kasi siguro gwapo at matangkad. nagdadalawang isip na ako ngayon. hindi naman sa pag-aano pero parang nagsisi ako dapat hindi muna kame nag-civil. hayy...
naloka ako sa sinabi nya sa chat na maraming reserba. Masyadong bilib si teh. Well, sana biruan lang yun pero nakakasakit yung biruan na ganun.. Kelan daw balak ipaalam na married na sya, bro? Tsk. Kausapin mo ng mahinahon. Di nya dapat ientertain yan.
~~, nakooo, bro @ibarra.. i hate to say this pero mukhang interested din ang esmi mo kay dok. tsktsk' pero naisip ko lang yan based sa mga kwento mo. of course, the best pa din na kausapin mo wifey mo para sure ka sa nangyayari sakanila, but again don't nag her. kausapin mo sya in a way na she wouldn't feel na wala kang tiwala sakanya. pero naloka din ako dun sa chat nila ng friend nya, i'm just wondering why would she say that? tingin ko masyadong kampante ang wife mo sayo, parang head-over-heels ka ata sa esmi mo e' kaya nya nasabe mga ganon. not good to hear though, if i were you, i'd be hurt pero sabi nga wala namang ibang makaka-resolve nya kundi kayong dalawa lang din. i'm praying for you bro, sana maliwanagan na wifey mo. and she has to be enlightened na may asawa na sya kaya di na sya dapat gumaganyan. tsktsk' sorry if i'm being harsh, bro pero medyo keep an eye on her. goodluck sainyo and godbless.. =)