watch now

Author Topic: Facebook and Twitter posts  (Read 6220 times)

pregnantgirl

  • Guest
Facebook and Twitter posts
« on: March 23, 2012, 01:49:06 pm »
Hi Sisses tanong ko lang mahilig ba kayo mag post ng galit niyo sa facebook wall niyo?ako kasi nag post ng inis ko kay Facebook Friend A, ngayon bigla naman nag react itong so Facebook Friend B.nag post sa wall niya ng kung ano-ano..di ko naman siya pinaparinggan..nakalimutan ko na magkatulad pala ng attitude si Facebook A and B kahit di sila magkakilala..

di ko alam kung mag re-react ako kay facebook friend B kasi galit na galit siya..Okay fine,di dapat ako nag post ng ganon..pero di naman naka tag name ni facebook friend b,di naman kami magka away..pero siya itong galit na galit..kaya ko lang nalaman na sa akin siya galit dahil sa posts niya ngayon..siguro akala niya siya yung pinaringgan ko...di ko lang matanong na kung sino yon pinaringgan niya kasi baka lalong mag isip na siya yung kinakainisan ko..

alam ko maiinis yung iba sisses natin kasi nga nag post ako ng ganon..ang sa akin kasi..mag post man ako sa wall ko,hanggang di ko sinasabing ikaw,hanggang di tayo magka away,wag kang tamaan..kung di naman nakaka istorbo sa buhay mo yung ginagawa ko wag mo na pakialaman..kaka asar lang mauuwi pa sa away..gusto ko tanungin kung sino kaaway niya sa facebook kaso parang tigre naghimutok sa galit..

FOURever

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #1 on: April 11, 2012, 10:38:29 am »
^sis, humihingi ka ba ng advice? Hehe. Parang hindi eh. Wala pang kumokontra, may katwiran ka na. Hahaha! Peace, sis :p

Tungkol sa tanong mo, yata? Pero quotation na vague kaya walang nakakapansin.

Hmm. Pwede magreact sa shinare mo? Tutal shinare mo yun, so i assume, you want to ask opinions..

Mali ka. Alam mo kung bakit? Nagpost ka eh. At ano pinost mo? As in direct feelings mo pero walang tag? Kahit na walang name, alam mo facebook and twitter, nakakaapekto yan sa bawat tao.. Kung parehas ng ugali yung A at B friends mo, siguro magkakaparehas din kayo ng ugali. Wag ka magagalit ha? Kasi nung nagreact si B friend mo sa post mo, nagpost din sya sa fb nya. Eh di kagaya ka na rin nya. Eh tapos may naka-tag ba na ikaw nasa posts nya? Kung wala, bakit ka nagreact? Kasi natamaan ka. Eh di kagaya mo si B friend mo kasi nagreact ka din tulad nya. Cycle lang yan sis. What goes around, comes around. Ikaw nag umpisa, so siguro dapat alam mo paano ihandle at tapusin yan.. Yun lang naman.. Sana di mo ko awayin ha? :p

edited to add: sabi mo wag ka pakielaman, bakit gusto mo sya pakielaman? Sabi mo di dapat mauwi sa away, bakit ka nagpost? At bakit nagkaganun feelings mo kahit di naman sya yung intention mong paringgan.. Pang aaway na rin kasi matuturing yung pagpost mo ng kung ano anong patama or whatsoever..
« Last Edit: April 11, 2012, 10:41:48 am by FOURever »

showermist

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #2 on: April 11, 2012, 02:38:50 pm »
i agree with FOURever. pareho lang kayo ni Friend B.

may reflection ka na literally and figuratively.

pregnantgirl

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #3 on: April 11, 2012, 02:50:38 pm »
tapos na to eh..yan yung si facebook friend A yung wife ng bayaw ko..at so facebook friend b yung ate ko..accidentally tinamaan sa post ko para sa ate ko yung wife ng bayaw ko na si fb friend a..kami naman ng ate ko bati na eh,ganun lang kam magkapatid..at nag message ako kay fb frend A tinanong ko kung siya yung tnamaan sa posko..nag explain ako,,di sumagot..ang balita mag trabaho na sa palawan,iniwan yung 2 anak sa bayaw ko..

alam ko yung istorya nito ginawan ko ng bagong title dati,warfreak na bilas...di ko lang ito ma delete eh.

pregnantgirl

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #4 on: April 11, 2012, 02:56:26 pm »
ang balita ko mainit ang ulo niya ng panahon na mag post ako,dahil sa away mag asawa nila.palagi kasi siya naiinis sa family ng asawa ko na brother rin ng asawa niya..ewan ko kung bakit..basta ayaw niya magpakita pag may family gatherings,kahit pasko wala siya..basta ang balita nagpaka layo na siya eh..pero di pa naman sila hiwalay ng bayaw ko,madalas lang sila mag away dati pa..yun naman ayoko na maki alam,problema na nila hehe

FOURever

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #5 on: April 11, 2012, 02:57:10 pm »
^ok sis :p di ko napansin na ikaw din pala yun. i remember you told there na wala ka talagang pinaparinggan nagpost ka lang ng sarili mong quote about bitterness yata.. Kaya di ko napansin na ikaw din pala to ;) ;)

FayeP

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #6 on: April 14, 2012, 10:11:50 pm »
sis pregnant girl, tanong ko lang po, bakit kasi kelangan daanin sa parinig??? or sa patutsada sa fb walls??? di ba mas maganda kun galit tayo sa isang person mas ok kun imessage mo cya??? para walang matamaan na iba at wala ding makakita na may ganun kang posts??

saka kun ate mo pala talaga un pinapatutsadahan mo sa social networking sites, mas hindi maganda un, ate mo pa din un sis...

opinion lang po....peace!  ;D

gil12

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #7 on: September 17, 2012, 08:08:17 pm »
Grr.. Why do some people have to tell or update everything that happens to them in FB or twitter? Artista lang?! LOL sorry if my comment seems off topic pero some people can give you that bad vibe in FB. I have an aunt, 40+ na siya pero wagas magparinig sa mga nakakaaway niya sa fb and twitter. Why can't she just be direct to the person and confront him/her? Kung pwede lang sabihin sa kanya na nagmumukha siya immature pero baka isipin nangingilam pa ko pero ang nega naman kasi lagi ng posts niya. Paminsan na lang nga ako magcheck ng fb pero sa newsfeed ko lagi ko siya nakikita.

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #8 on: October 23, 2012, 01:32:12 pm »
If meron kang hindi nagustuhan sa ugali ng isa mong kaibigan, i-wall to wall mo nalang hahaha! At least yung iba, hindi sila mag assume na sila yung pinapatamaan mo.  ::)


Myealexis21

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #9 on: October 23, 2012, 01:44:38 pm »
^my sentiments exactly.
Minsan ang nagpost din kase ang lumalabas na negative so be careful what you post.  Ako I'd rather talk to the person talaga kung may inis ako o tampo sa kanya. If di ko kaya gawin yun, silent na lang ako and hope na sana lumipas na yung inis or tampo ko sa kanya.  Pagpaparinig kase whether in person or in facebook/twitter would not settle anything, mas makakagulo pa yan.


chicafabulosa

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #10 on: October 23, 2012, 01:46:05 pm »
Honestly may mali ka dun sis. kasi like nga ng sinabi ng ibang brothers and sisses natin here, generic yung pinost mo but of course since generic sya malamang may matatamaan na tao kahit na di sila yun. lalo na sinabi mo magkapareha sila ng ugali. so ang tendency SAPUL NA SAPUL sya. minsan nga kahit na hindi naman talaga para sa atin yun kahit na di natin kakilala sa twitter example yung mga may quotes feeling natin tinatamaan tayo kasi nakakarelate tayo.

Freedom of speech nga ang nilalaban ng iba sa cybercrime law di ba. but of course we have to be responsible rin. regardless wall mo yan or what, dapat maging maingat pa rin tayo sa mga ipopost natin. kagaya nyan, nagalit si B kasi akala nya sya yun. so next time, hinay hinay na lang muna.



Huntress Krystle

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #11 on: October 24, 2012, 02:24:20 pm »
Personally, I don't vent my feelings sa FB (wala din akong twitter account). Mapa galit man yan, love life or rants sa workplace, I don't post them sa FB. Kasi ayoko din ng makakabasa ng ganun from other people. Kumbaga, ayoko din syempre gawin yung ayaw kong ginagawa ng iba sa FB.

Sa case mo, hindi kailangang i-tag or i-mention mo ang isang tao para matamaan sila sis sa post mo eh. And minsan, hindi naman porke't tatamaan ang isang tao eh guilty na sya kagad. May instances kasi na kapag vague yung parinig, syempre, may mga mapapa-isip or magtataka. At may mag-rereact.

While may mali din si Friend B mo na magparinig din sa timeline nya at mag-react, the same goes for you. Agree ako dun sa comment nung isang sis dito na mas maganda na sabihin mo directly dun sa kaaway mo kung may problema ka sa kanya. If her posts bother you, talk to her. Clarify that you weren't referring to her. Kumbaga go straight to the root of the problem at yun ang ayusin para hindi na lumaki.
« Last Edit: October 24, 2012, 02:25:58 pm by Huntress Krystle »

jhandee

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #12 on: November 05, 2012, 10:43:44 am »
Sakin naman mga sis, nag away kami ni Bf actually ako ang nang away kasi may youngest sister sya na closed sakin who lives in the US. Shes 23 yrs old. Lately comment ng comment sa mga pictures ko sa Fb na kesyo ang taba ko daw basta na offend ako sa mga comments nya, si Bf ang inaway ko, sabi ko di mo ba pwede pagsabihan yang kapatid mo na tumigil sa kaka comment sa pics kasi nakikita rin ng mga sisters ko mga comment nya na nakaka asar.Eto namang si Bf imbes na mag sorry in behalf of his sister eh he forwarded my texts sa sister nya. Galit na galit talaga ako sis , sabi ni bf pinagalitan na daw nya kapatid nya at pinag sabihan na i delete mga comments , pero sobrang asar ako kasi di ko narinig kay bf yung gusto kong marinig. Ayoko nga muna makipag kita sa kanya dahil for sure mag aaway kami. hay naku nasira talaga araw ko.

Staying_me

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #13 on: November 14, 2012, 06:23:50 pm »
think before you click sis ts, kasi though vent out lang ginawa mo sa fb, sino ba nagiging katawa tawa, saka parang ang babaw, to think na kamag anak mo pala yung pinaparinggan mo
peace sistah!

tabbru

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #14 on: November 14, 2012, 06:50:26 pm »
Kung gusto mong mag-vent out ng nararamdaman mo, umakyat ka sa bundok at magsisigaw ka. Doon walang ibang magrereact. Pero pag sa social networking site, expect na may babalik na "response" sa negative post mo. Tsk.


littlekinselle

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #15 on: November 18, 2012, 12:42:47 am »
kung may problema ka wag mo idaan sa facebookor twitter mostly karamihan ng mga friends ko kahit ata inaantok and gutom sila  etc etc..may ma update lang sa fb, nag popost and lalo na pag nasa resto or nasa nice place sila, abot post ng picture ng food na kinain nila and so on.. okay lang naman din  kung un ang trip nila sabi nga mind your own bizz. ;D. Malay natin wala sila mabuntunan ng sama ng loob nila sa FB na lang ang way niya para ma burst ng galit niya.. tsskk.. katawa nga iba kasi warlalu na talaga. kulang na lang mag sapokan sa tunay na buhay haha. :D

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Facebook and Twitter posts
« Reply #16 on: November 18, 2012, 04:37:59 pm »
Mahirap yung ganyan sis.kasi parang warfreak naman ang dating.diba.yung mag vent out ka sa facebook wala naman matutulong sayo,makaka kuha ka lang ng kaaway.kasi diba.bago ka mag post ng kung ano-ano,isipin mo muna consequences ng gagawin mo.kung ano effect nun sa makaka basa.pero sabi nga nung ibang sisses sa ibang thread,siguro baka nga wala rin mapag sabihan ng galit,yung iba kaya sa facebook idadaan.basta ingat lang rin.yung ate ko ganun kasi,hilig niya mag vent out.kaya kahit gusto ko siya kausapin ayoko ;D di ko kasi alam sino kaaway niya eh.kaya dedma na lang rin ako sa rants niya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close