watch now

Author Topic: Infant Formula  (Read 397899 times)

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #340 on: April 20, 2013, 09:32:45 am »
^di kita ikokorek sis kase sabi lang to ng pedia ko, hindi talagang ako ang may alam. hehe
sabi nya LF para dun sa hirap makapagdigest ng lactose. yung HA naman raw para sa mga babies na prone sa allergy o yung may mga skin asthma.

daveigh

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #341 on: April 20, 2013, 09:59:55 am »
^ oh, thanks for the info sis. all the while, yun kasi ang alam ko. :)

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #342 on: April 20, 2013, 10:49:18 am »
^no prob sis. lahat kasi tinatanong ko sa pedia, premie baby ko kaya takot ako basta basta magbigay ng formula sa kanya.

m_lim

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #343 on: April 20, 2013, 11:23:11 pm »
naku ha hirap hanapin ng S26 HA. green pala yun. tsaka HA Gold siya. sa Mercury pa ako nakabili.

so far ininom naman ng baby ko. sana mahiyang siya.

daveigh

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #344 on: April 20, 2013, 11:41:15 pm »
^ mahal pa naman sa mercury sis. layo ka ba landmark? mas mura dun.

m_lim

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #345 on: April 21, 2013, 12:08:58 am »
^thanks sis. next time sa Landmark nako bibili. once a day formula palang naman baby ko for now

marssie

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #346 on: April 21, 2013, 01:37:17 am »
HA din ang ibibigay ko sa baby ko pag nagformula ulit siya,  s26 HA din unang hanap ko kaso hirap din hanapin sa mall dito kaya NAN HA binigay ko dati, so far humiyang naman si baby, sabi din ng pedia NAN daw yung medyo malapit sa breastmilk ang lasa. :)

nikki

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #347 on: April 23, 2013, 01:36:09 am »
I tried to mix feed 3 months ago before I went back to work. We bought 2 cans of enfalac lactose free as prescribed by pedia kasi may history kami ng allergies ni hubby. My baby refused to drink it so ebf Kami since then. I plan to introduce him to formula again after may 27 when my baby turns 6mos.

I have enough breast milk but I think because I work from 2x a week last feb and this month. I think when I go back full time reporting to office, unti unti mauubos ang stash Ko. I am open na to mix feed but I'm hoping my baby takes it. Nag-iiba ba ang lasa ng milk pag next stage na 6-12mos? Or should I ask for a different brand instead?


viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #348 on: April 23, 2013, 09:39:05 am »
my baby is refusing to formula  AGAIN :( nung naka s26 sya she refused 2 months after giving birth so i switched to enfa a+, now she's refusing again. inom lang sya pag gutom na gutom na sya. hindi na enough bm supply ko. most of the time left and right na sya nagfefeed pero umiiyak pa rin kasi sobrang konti na ng flow :(

daveigh

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #349 on: April 23, 2013, 09:43:35 am »
Malapit ako sa 3 malls so I was able to check their pricing of S26. Mas mura pala sa Waltermart supermarket (1649) kesa sa Landmark (1681.70) at SM (1689). May mga sis ba tayo dito who buys from cash and carry at hi top?

lenjei

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #350 on: April 23, 2013, 09:53:20 am »
my baby is refusing to formula  AGAIN :( nung naka s26 sya she refused 2 months after giving birth so i switched to enfa a+, now she's refusing again. inom lang sya pag gutom na gutom na sya. hindi na enough bm supply ko. most of the time left and right na sya nagfefeed pero umiiyak pa rin kasi sobrang konti na ng flow :(
sis,parehas tayo,yaw nya magfeed sa bote. Kaya yung 900g na s26 lf, aabutin ata ng 1m0nth. Nagsimula yun nung binanggit ko na malapit na ko bumalik ng work,parang naglambing ata si baby. Hanggang ngayon pahirapan talaga pag bote. Kailangan pa sya kargahin,ihele,dapat naglalakad lakad pa kami. Takot ako baka pag balik ko ng work,pumayat sya.tamad pa naman byanan ko magpadede.haay
« Last Edit: April 26, 2013, 02:06:13 pm by lenjei »

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #351 on: April 23, 2013, 10:09:02 am »
oo ganun rin si baby. ayaw nga magpababa. and if she's sleeping na dapat katabi ako kasi pagnagising sya na wala ako iyak na agad unlike pagnakita nya na katabi ako pipikit na ulit sya. sayang lang tuloy yung crib kasi hindi magamit.

buti baby mo 900g yung nauubos in a month, c baby ko yung 350g na enfa a+ hanggang ngayon meron pa, half pa ang laman eh 1st week ng buwan na to ko pa yun binili :( sometimes nasasayang lang yung tinitimpla ko kasi ayaw nya iopen mouth nya o kaya naman tinutulak ng dila nya :(

lenjei

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #352 on: April 23, 2013, 10:32:31 am »
ganyang ganyan si baby, alam nya pag wala ako sa tabi nya. Lalo na pag daytime,nasa crib kasi sya,kaya pagising gising. Pag gabi na,kahit 7 or 8 pm pa lang nasa kwarto na kami para makatulog lang sya ng diretso. Yung milk,natatapon nga lang talaga,sayang.. Minsan nireref ko na lang,para hindi mapanis,eh pag pinafeed ulit kay baby ayaw pa din nya. Medyo nastress na ko kasi ayaw ko sya iwan sa bahay ng ganito.. :(

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #353 on: April 23, 2013, 10:44:26 am »
^hirap iwan pagganyan sis. nadala ako iwan sya. dati nagpunta ako bangko, 9 am ako umalis, 2pm na ko nakauwe kasi malayo yung bank. hala di pa sya natutulog at nagfefeed simula nung umalis ako. tapos nung nakita nya ako iyak sya ng sobra.

tinanong ko pedia nya ano gagawin. shift formula na lang raw. takot naman ako kasi baka magkaallergy sya. tsaka sayang yung nabili ko. may laman pa nga yung 900g ng s26 nya dati. nanghihinayang ako itapon tapos magshishift na naman eh may laman pa yung enfa nya :(

lenjei

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #354 on: April 23, 2013, 11:02:00 am »
^wawa naman si baby.. :( talagang hinahanap hanap nya ikaw.. Sana matutunan nila magmilk sa bote..  sa brand daw ba ng milk yun? Hindi ko pa natry magpalit eh. Sayang naman yung natitira sa can.. Napabili pa nga ko ng avent bottles,baka kako umubra.. Pero bigo ako. Mas type pa din nya mag bf.

kitten01

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #355 on: April 23, 2013, 11:12:17 am »
sissies. s26 ang formula milk ni bagets hiyang naman siya kaso gusro ko siya mag-enfalac a+ kasi I saw na more dha pero tagal pa next visit namin sa pedia. pwede ko na kaya palitan?

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #356 on: April 23, 2013, 11:52:58 am »
^kasi raw baka hindi type ni baby ang lasa. kung di nya type bakit nung una iniinom nya db. i guess mabilis sya magsawa sa lasa.
nagpalit na rin ako ng bottles, from avent to tommee tippee, ayaw pa rin. isip ko baka ayaw ng wide neck so nagfarlin naman ako. ayaw  pa rin.

once a day na lang sya umiinom ng formula tapos 3 oz lang :( ang masaklap pa kahit anong kain ko ng gulay at malunggay,inom rin ako ng malunggay caps, talagang hindi pa rin enough bm ko.

lenjei

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #357 on: April 23, 2013, 12:02:31 pm »
ganun pala yun.ask ko nga din pedia nya kung pwede na kami palit ng milk. Tingin ko sis, ayaw talaga din ni baby ng bote,kasi kahit pala breastmilk na ang ilagay ko,ayaw pa din nya.
Pano na kaya?

Ginagawa ko sis puro masabaw na pagkain, mga nilaga,sinigang,tas tubig ng tubig..

viellemacey

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #358 on: April 23, 2013, 12:16:59 pm »
^mag 4 months na kasi sya, kung magpapalit kami now ng formula eh di pag nag 6 months sya palit na naman.

sis baka natitigasan sya sa nipple. si baby ko ang ayaw nya sa nipple eh yung kahit hindi sya nagsusuck may tumutulo pa rin. nagtry ako ng non-spill nipple kaya lang malakas ang flow pag nansusuck na sya kaya ayaw nya rin

tamarind26

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #359 on: April 23, 2013, 01:06:28 pm »
^Try Dr. Browns nipples, mas mahina ang flow ng milk as compared to my baby's Avent bottles. Kaya we stick with Dr. Browns. Lagi siyang nasasamid sa Avent.

Upon transition from BF to formula, what my friend did to her baby is tinabangan niya muna yung timpla ng formula. Say if it's 4:4 ratio, ginagawa niyang 4:4.5 ratio (more on water). She experimented on different bottle brands din until nakahanap siya ng gusto ni baby, siguro yung preferred ng baby yung almost ka-size and ka-supple ng nipples ng mother. Eventually, nasanay na rin her baby na magfeed sa bottle, be it filled with bfmilk or formula.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close