Mga sis, same na rin ako situation niyo. Napapadalas away namin ngayon. Madalas, dahil tinotopak ako pero dahil naiinis ako sakanya about petty stuff. Idagdag na rin na may pinagseselosan ako.
Kahapon, muntik na kami magbreak. Sorry, kailangan ko lang talaga ilabas to.
pagod na siya. siya na rin may ayaw e. tinanong ko siya kung mahal pa ba nia ako, sagot nia ewan. tinanong ko rin kung gusto niya pa maayos to, ewan rin sagot nia.
and sinabi nia sakin, honestly daw, problema na lang tingin nia sa relasyon namin.
akala ko ready na ko makipagbreak, pero doon ko narealize na mahal ko pala talaga siya. sa 2 oras na yun, pinilit ko na bigyan nia pa ng 2nd chance yung relationship namin. at habang sinasabi kong try pa namin, sasabihin nia "papatagalin pa ba natin to?"
hindi na lang ako sumuko. narealize na rin naming pagod kami sa mga away. siya, naglalabas ng damdamin nia regarding sa lahat ng mga away namin.
napagusapan namin na magpahinga na lang muna kami. cool off.
nung pauwi na kami, ako pa nagpumilit na maghawak kami ng kamay, kahit ramdam kong wala na talaga.
pero gusto ko pa rin umasa, kasi naiyak rin siya. ayaw nia lang ipakita. siguro masyado ring nastestress sa mga bagay-bagay.
akala ko rin ako mauuna magtext, pero tinext nia ako na nasa bahay na siya. nagtext pa nga uli nung di pa ko nagreply sa kanya. nagkausap kami sa facebook, okay naman. parang masaya pa rin.
ewan ko, naguguluhan na ko. di ko alam san papunta na to. naiiyak na lang ako pag naiisip na ayaw na rin niya, na feeling ko hinihintay na lang niya na ako ang susuko
