watch now

Author Topic: should i tell hubby or just wait until it passes  (Read 2989 times)

miksha

  • Guest
should i tell hubby or just wait until it passes
« on: March 21, 2012, 02:35:13 pm »
ganito po kase yun yesterday nagkwento si hubby na nagsabi mama niya na naimibitahan siyang magtravel (within the philippines sa isang resort) nung isang kaibigan niya. pumayag siya. syempre wala naman siyang pera/budget (background: nagpapadala kami nang pera kay mama monthly kumbaga kami sumusustento kanya) so hinihingi niya kay hubby yung pambayad sa ticket. pati na din daw pocket money. ewan ko ba pero biglang tumaas talaga ang kilay ko at nasabi kong "feeling ni mama mayaman siya? tayo nga di pa tayo nakakapunta doon kase sabi natin sayang pera at time" na ibig kong sabihin ay payag payag siyang pumunta wala naman siyang money. parang medyo sligted ata si hubby sa sinabi ko pero sinabi na lang niya na ngayon lang naman ginawa ni mama itong humingi siya nang pangtravel. so sabi ko ano sabi mo and sabi ni hubby sabi niya kay mama  na hingin muna money dun sa isang kapatid niya then saka na niya papadala money. medyo nainis at nalungkot din ako sa part na ito. kase i mean ito palang knknwento niya ay nadecided na niya at fyi na lang ako kumbaga wala na akong say/opinion/desisyon. tumahimik na ako and didnt pursue the subject anymore kase pagod na din kami pareho at parang nalungkot din si hubby sa sinabi ko saka para ba na hindi siya magandang ipursue na subject at that time. i was hoping for my feelings to go away once matulog na kase i do not want me and hubby to fight ( learn to pick your fights daw hindi ba and i am thinking hindi naman ito big deal dapat). pero once nagising ako this morning ganoon pa din pakiramdam ko at hindi siya mawala sa isip ko. dapat ko pa bang ishare kay hubby ito at pagusapan namin or tahimik na lang ako and let the days pass na hopefully mawala siya. ang gusto ko sabihin sana kay hubby ay:
1. nainis naman ako at napakabiglaan naman na pahingi nang money tapos hindi naman yan emergency na kahit naman nagtratrabaho asawa ko as ofw may budget pa din naman kami. kahit na may pera kami para bigyan siya para diyan sa travel niya nainis ako dun sa parang ay wala akong pera hingi ako sa anak ko na thought na hindi naman ito categorized as need alam mo yon
2. nalungkot ako kase sinabi niya sa akin na pumayag na pala siya na kumbaga hindi pala ako kasama sa decision making na iyan. na dahil ba para sa kanya ok lang na amount iyan at kaya niyang ibigay so ok lang ipapaalam na lang niya sa akin pero tapos na. para sa akin sana sinabi na muna niya bago siya pumayag. kahit na lets say tuloy pa din na ibibigay niya (and papayag din naman ako eventually ) yun ba na sinabi niya muna sa akin bago siya nagdesisyon

ayon... is it something worth telling hubby and risk getting into a fight or i will just let it be na hopefully mawala inis at lungkot ko

rianne_mallows

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #1 on: March 21, 2012, 05:39:29 pm »
hi sis... IL's again? ;D

magkano ba yung total na magasta? sobrang laki ba? baka naman sa kwenta ni hubby mo hindi naman makakaapekto sa budget niyo..

"feeling ni mama mayaman siya? tayo nga di pa tayo nakakapunta doon kase sabi natin sayang pera at time"

pwedeng lambing lang na mama niya sa kanya iyan sis.. saka kung kayo pupunta jan sa ngayon, ilan kayo diba? you, your hubby, and your kids... as opposed to mama niya lang.. mas madaling maglabas ng pera kasi kapag ganyan eh..  is it also safe to assume na may "inggit" factor involve? yung tipong "naunahan" ka ng mom niya to experience that? huwag naman sana ganon..
isipin mo na lang.. matanda na yun.. baka mamaya, hindi na niya abutan yung trip na yan next year(knock on wood)

is it something worth telling hubby and risk getting into a fight or i will just let it be na hopefully mawala inis at lungkot ko


well, i think you already know the answer to that.. parang ganito din yung isang thread mo.. same lang din magiging response ko..  it seems, ang dami niya "extra" money at his disposal..

have you tried having your husband pay for your retirement fund/pension? i think you should really consider this option...

for the meantime... IMO, tumambling ka man.. useless effort... why? pagbigyan ka man niya na not to send travel money, sasama loob niya sa iyo. ikaw kontra bida at mom niya ang api..

worse, he might resort into keeping a secret stash na pwede niya isend freely to his biological family.. do you really want this to happen to you guys? taguan ng pera? kasi, kapag inaway mo yan... hindi malabo na iyan gagawin niyan.

one more thing... how do you handle your finances ba? kasi mukang bahala siya sa pera niya, at bahala ka din sa pera mo, ang sistema niyo eh... i think you should also address this issue the soonest time possible

miksha

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #2 on: March 21, 2012, 06:16:46 pm »
yes sis ILs again =) nice talaga na may forum na ganito kahit papaano e nakakakuha nang magandang suggestions and insights from fellow sisses like you... sa pension/retirement i'm working on that.. siya na din nagbrought up na kailangan kaya namin and i said YES and am thinking of getting one sabi niya ok kuha kami for each one of us. handle of finances.. siya po ang breadwinner/nagtratrabaho... i became a sahm when we moved here. open kami sa expenses and all finance aspects. he's actually good at budgeting and accounting.
around 8k ang ticket. hindi ko pa alam magkano balak niya bigay for pocket money. oh and since fiesta time sa lugar nila is nearing at gusto magpakain ni mama hingi din daw nang budget for that. that one is actually fine with me kase parang its tradition na.
same kayo nang opinion ni hubby na baka ngayon lang maexperience ito ni mama later on baka wala na siya.. i don't know kung inggit pero kase sabi niya before ayaw niya magbakasyon nang kukuhanin namin from his salary or on credit gusto niya extra na yun pero kapag sa mama niya kahit kukunin niya sa salary ok lang kase baka ngayon lang maranasan then wala na... well kahit bata pa kami hindi mo din naman masabi madaming bata pa e pumapanaw na din
i'm starting to look like that nga ..kontrabida.. i'm trying hard not to.. i mean lahat naman nang gusto niyang ibigay sa biological family niya pumapayag naman ako.. may times siyempre na may nabubulalas akong na hindi kanaisnais like yung kahapon.. pero naman kase... it never ends... siguro hindi din naman niya ako masisisi doon.. wala pa naman siyang gustong ibigay sa kanila na hindi ako pumayag.. nagkaroon man nang discussion before tuloy pa din naman
siyempre ayoko yung magkaroon siya nang secret stash or yung hindi na niya sinasabi sa akin ano... pero paano na kapag may gusto nanaman sila na ikaiinis ko nanaman.. hinga na lang ba ako nang malalim at huwag ko na iexpress ang sarili ko...
« Last Edit: March 21, 2012, 06:21:29 pm by miksha »

miksha

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #3 on: March 21, 2012, 06:17:33 pm »
OT:btw sis kung may alam kang magandang pension/retirement plan pm mo ako. thanks =)

rianne_mallows

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #4 on: March 21, 2012, 06:39:18 pm »
it's nice na sa kanya na din nanggaling yung tungkol sa pension... sana makakuha kayo ng tama sa inyo... better get it asap because pataas ng ptaas price niyan yearly.. as for the plan, philam kami and sunlife eh...

8k plus pocket money is not that bad.. kaya kunin from his salary .. why? kasi nagwowork siya sis... hindi hihinto dating ng sweldo.. kung kayo as a family magvacay, nakaleave siya.. walang papasok na pera so need na sa savings/extra kunin ;)

as for the fiesta... ganito na lang..  sabihin mo sa hubby mo, papiliin mom niya.. kung money for fiesta, or money for travel... at least, that way, may "choice" si mama niya... at napagbigyan mo hubby mo at hindi ka mukhang kontrabida..

pwede din, sagot niyo airfare, sagot ng kapatid ng hubby mo pocket money, tapos only then pwede umubra yung sa fiesta... para in a way, malimit yung expense pero napagbigyan pa din sila

miksha

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #5 on: March 21, 2012, 06:51:39 pm »
thanks sis.. tried that before na may choice mom niya..well hindi umubra... hayy... also walang gustong makishare wala din daw sila money..wwaahhh...

ako din kaya magvacay iwan ko sila para pahinga naman ako sa 2kids ...harharhar

rianne_mallows

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #6 on: March 21, 2012, 07:09:36 pm »
^pwede  ;)  pero take your two kids with you.. unahan mo ng request... however.. it could backfire sis..

1. pwede you used up the money for your vacay = your hubby will control himself not to give in to his mom's requests that easily..

or

2. you used up the money for the vacay, = your IL's found out about it... and mas lalo ang requests for things na hindi naman "needed" .. kasi nga, nakikita may pera kayo.. eh your hubby is too "generous" nga diba? ending, talo ka pa din

if i we're you, i'd ask for jewelry.. gold ha, yung walang bato..  ;)
pwedeng itago at hindi na nila mabalitaan, pwedeng investment, at siyempre.. iyong iyo siya maghiwalay man kayo(huwag naman sana) hindi ito kasama sa division of assets..  ;)

miksha

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #7 on: March 21, 2012, 07:21:57 pm »
if i we're you, i'd ask for jewelry.. gold ha, yung walang bato.. 
pwedeng itago at hindi na nila mabalitaan, pwedeng investment, at siyempre.. iyong iyo siya maghiwalay man kayo(huwag naman sana) hindi ito kasama sa division of assets..  --> nice one! madala nga si hubby sa jewelry shop kapag sale. thanks sis!

aquacharly

  • Guest
Re: should i tell hubby or just wait until it passes
« Reply #8 on: March 23, 2012, 12:54:33 am »
All I can say is -- let it slide.   May comparative analysis ka na nga --   Basta mom nya ask,  he will break his rule na "kahit kukunin sa salary nya ok lang".   


 

Latest Stories

Load More Stories
Close