Author Topic: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?  (Read 23554 times)

guilleanne

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #20 on: March 23, 2012, 01:08:09 pm »
baligtad sis, bigamy ang pareho kulong, unless mapatunayan ng isa na hindi nya alam na previously married yung isa.

concubinage para sa asawang lalaki na ibinahay yung kabitch, yung mister lang ang kulong, minimum to medium penalty. yung concubine, destierro, or banishment.

pag adultery sa asawang babae, kulong pareho sila ng boyfriend nya. medium to maximum penalty. DOUBLE STANDARD diba!


maiandra

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #21 on: March 24, 2012, 04:49:39 am »
wow i just can't fathom how a guy can be so obnoxious to actually live two different lives and two different wives. Haba ng hair!

pinkbubbles17

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #22 on: March 24, 2012, 09:41:03 pm »
tama sis justin3..hindi mistress..VICTIM..kasi ang mistress she's aware na may wife yung papakasalan niya..

brandi

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #23 on: March 25, 2012, 01:54:50 pm »
".  nakalagay dun lahat SINGLE sya?   authentic kaya pinakitang docs? 

BUT your title says:  NAGPAKASAL SA YO PERO MARRIED.....   hindi natunugan sa friends and family  nya na na meet ni girl?  Or, wala halos na meet na friends & family si girl??

"MARRIED PALA SIYA, MISTRESS.. ".... ba yon, you ask. 
Sa kaalaman kong konti, kasi hindi naman ako nakaranas ng ganiro:     puede, malamang.  Huh?! 

Kasi puedeng hindi mistress si girl if he is a Muslim; or his earlier marriage is null and void fom the start.

OT lang, i heard form my ofw friends na andami nagpapa convert na mga lalake to islam para lang maibahay ang mga kabit nila esp in middle east. bawal kasi magsama doon ang hindi kasal. kahit na mamamasyal lang, hinahanapan ng marriage cert. bawal magkasama ang babae at lalake na hindi kasal, kaya ang ginagawa ng iba, nagpapa convert. nakakahiya lang, ginamit pa ang religion makapambabae lang. ayon kasi sa islam, basta kaya sustentuhan at buhayain, kehit ilan pwede.  ::)

tashasabs

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #24 on: April 20, 2012, 04:09:16 pm »
Basta married na siya, considered null and void ang kasal. But I agree with other GTs na kung pinakita naman ang documents na single ang nakalagay and naniwala si girl, victim yun, kasi ang paniniwala ko din mistress kang matatawag kung alam mo naman ang sitwasyon pero pinasok mo pa rin.

Ang alam ko, yung ibang nakakalusot dito kasi walang lumalabas sa CENOMAR eh kasi yung iba sa isang province nagpakasal. So hindi lumalabas sa records. At dati hindi hinihingi ang CENOMAR. Kinasal ako 2009, walang CENOMAR na hiningi. Ngayon yata nag-a-update sila ng records kaya required na ang CENOMAR at medyo matagal kasi susuyurin buong Pilipinas. So kung nagpakasal kayo sa 2 magkaibang province, lalabas yun sa record.

kiz_me1109

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #25 on: May 26, 2012, 02:25:25 am »
Meron din akong officemate na naloko ng husband niya. What's worst is parang napahiya pa siya sa NSO nung kukunin na dapat niya yung NSO copy ng marriage contract nila. And may isa na silang anak nun.

Sa Civil sila kinasal. Sa Pasay daw. Dahil bata pa nung time na yun yung girl e walang kaalam alam na fake pala yung kasal nila. Ang bilis daw e. Hindi naman daw Judge or Mayor yung nagkasal sa kanila. Parang staff lang daw dun sa City Hall.

The time na kukunin na niya yung Marriage Certificate niya kasi kailangan niya sa SSS yata e walang naka register. Hanggang sa nalaman niya na fake pala yung kasal nila.

design21

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #26 on: June 04, 2012, 11:08:06 am »
grabeh may ganito pala noh? get CENOMAR from NSO nalang to be sure

megansmomma

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #27 on: July 09, 2012, 05:43:12 pm »
ang cousin ko set to marry na sa dubai last year sana buti naisip namin kumuha ng cenomar! ayun huli si bf na kasal pala sa ibang girlash.

i have this b*tchy neighbourhood na ganyan din situation worst thing lang hindi nia alam hahah!

Girltalker2

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #28 on: May 27, 2016, 08:10:38 pm »

^ Hindi ba walang bisa narin ang kasal nyo kasi wala narin kayong communication for over 20 years?

Bakit gusto mo pa madamay sa magulong buhay ng asawa mo, mukhang may mapadaan lang na babae sa harapan nya, aanakan nya agad.

stylus

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #29 on: May 27, 2016, 10:40:27 pm »
^^Nye. Sis, para mapawalang bisa yung 2nd and 3rd marriage nya syempre kailangan dumaan sa proseso. Bayad abogado. Para ka na rin magpapaannul not once but twice. Pero sino ang petitioner?

At tama si sis girltalker, wala na rin bisa ang kasal nyo sa tagal nyong walang communication. Di nya nagampanan ang pagiging asawa nya sayo. Alam ko 5 yrs nga lang sapat na para ipaannul eh.

Side question mga sis: may pinsan ako mukhang may asawa na bf nya. Nasa 40s na kasi tapos early 20s lang pinsan ko. Gusto ng nanay niya kuhanan cenomar yung guy pero wala nakakaalam ng middle name at birthday. Kailangan ba talaga complete info?

mei-mei

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #30 on: May 28, 2016, 10:30:05 am »
This happened to my aunt. She married at 39 and her husband 41 that time. Because he was already old, everyone in our family checked the guy’s background (NBI, NSO, etc.) and he came out clear. They got married after, had a baby in her 40s and when my cousin was around 10 years old, a 20+ year-old lady came into their house with a marriage certificate, showing my aunt that her father was already married to her mother. Imagine my aunt’s shock and heartache over this. But she moved fast. She checked with her lawyer and they checked government records. Her husband’s first marriage was in a church in a province which actually didn’t submit the papers correctly, as required. So, legally, it is his marriage with my aunt that was recognized. My aunt’s siblings told her to still separate with the husband for the deception he did, however, my aunt was one of those very conservative old people who can’t handle the shame of being separated so she chose to stay with him and eventually accepted his 2 older kids from his 1st marriage.
« Last Edit: May 30, 2016, 03:37:34 pm by mei-mei »

akosiekaburgos

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #31 on: May 28, 2016, 04:36:07 pm »
same situation sa amin ng husband ko ngayon, alam kong meron siyang naging una at pangalawang kinakasama both girl may anak siya, nung time na mag bf/gf pa lang kami ni hubby nasabi na sa akin nung 2nd na hindi daw ako mapapakasalan kasi nga kasal sa una yung hubby ko, so deadma lang ako kasi sabi ni hubby wag daw ako maniwala basta siya alam niya hindi siya kasal, so tumagal nang ilang taon... minsan napag kuwentuhan namen ng pamangkin ng asawa ko yung tungkol duon, sabi sa akin hindi naman daw natuloy, nagkaron na ko ng idea, ang ginawa ko to prove na totoo nga, kinausap ko yung anak niya sa una ang sabi ko kelangan nang kopya ng marriage certificate ng mama niya at papa niya para sa pag papa-visa namin sa kanya papunta dito sa abroad. then voila! sinend nila sa akin yung kopya, pero hindi siya naka red ribbon yung normal na municipal lang na form pero may tatak na from munisipyo..

please note sis kasal kami ng hubby ko, nakakuha kami ng CENOMAR at lahat ng documents ko ultimo passport ko ay apelyido sa kanya, pati ang residency ko dito sa abroad apelyido niya gamit ko, ang kasal pala namin pinaayos lang namen sa kakilala na taga bulacan no-show kami pareho.

ang tanong, valid kaya ang kasal namin?

Girltalker2

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #32 on: May 29, 2016, 08:47:17 am »

^ no one knows unless you ask your lawyer. Yung marriage cert nakita mo, Baka fake? Do they have pictures of their wedding din?

Nangyari ito sa kakilala ko, she filed for both criminal and civil case against the husband. Grabe talaga sa pinas, naglipana ang mga manloloko and they get away with it because of the stupid laws that country has.

Msfi

  • Guest
Re: nagpakasal sayo pero MARRIED pa pala siya, MISTRESS ka ?
« Reply #33 on: May 31, 2016, 02:28:13 pm »
^talk to a lawyer para malaman mo kung ano ang magiging mas matipid na way pero through court lang talaga yan. Kahit kasi null and void ang kasal dun sa mga sumunod na kasal ang court lang ang pwedeng magsabi na wala nga yung bisa. So kung kayo ang mag-aayos maghanda na kayo ng pera.

Pero sis di ko alam kung hahanga ako sa 'yo o anong ma-feel ko. After ng mga ginawa sa 'yo, natanggap mo pa din.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close