watch now

Author Topic: Coron [Thread 9]  (Read 104772 times)

huit

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #20 on: March 22, 2012, 12:03:43 am »
@chin66ay

Baka sa Siete Pecados, Kayangan Lake at Twin Lagoon siguro sis. Coron Loop yan. Pag yung sa west side kase, like yung Malcapuya, etc. malayo yun so baka mabitin kayo. Pero solve na naman kayo sa Kayangan Lake pa lang at Twin Lagoon eh. Kahit Siete Pecados rin. If kaya pa try niyo rin Twin Peak

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #21 on: March 22, 2012, 09:01:14 am »
sis baka may makasagot sa question ko: kung mga 1pm magstart ng isalnd tour, san kaya kami pwede? bitin ba yun?

sis pang 1:00pm-6:00pm yung pinrepare kong itinerary na island tour for our first day, kaso delayed yung flight namin ng bonggang bongga kaya nung last day nalang namin sya ginawa, morning pero 5 hrs parin 8 destinations din napuntahan namin : siete pecados, kayangan lake, barracuda lake, twin lagoons, sunset lagoon, skeleton wreck, coral garden saka atwayan beach) mejo bitin nga kase kahit gusto nyo pa magstay kelangan nyo na umalis para mapuntahan nyo lahat.. hehe!

chin66ay

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #22 on: March 22, 2012, 09:51:42 pm »
^ and ^^ thanks!

Sis madiday nagDIY ba kayo? Sino contact? Sana makahalf day island tour kami para sulit.

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #23 on: March 23, 2012, 09:24:08 am »
sa corongaleri yung tours namin sis, sa kanila ko lagi kumukuha eh.. same lang kase yung budget compared to diy tapos less hassle pa.. kung 1pm ang dating nyo sis dapat may back up plan incase madelay ang flight. wala na atang flight ngayon na umaalis ng tamang oras.. :-\

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #24 on: March 23, 2012, 09:28:52 am »
 :) Kami rin sis sa Corongaleri rin kami kumuha ng tours dati, cool yung mga tao doon, relax mode lang at no hassle sa corongaleri.

two_zero

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #25 on: March 23, 2012, 04:31:09 pm »
sis huit no im not a tourguide, im offering packages po, but i do have a schedule sa dot in manila to be licensed tourguide nonsense din kasi dito eh hehe...

sis if ur flight of arrival in busuanga is afternoon better make an itinerary option almost flights are delayed here esp afternoon flights lalo na kung airphil, kawawa lang guest kasi super delayed 12pm suppost to be arrival nila nakarating sila 6pm na tapos ang luggage nila nasa manila pa ayun nagtour sila ng walang bihisan kasi kinabukasan pa ang dating ng luggage nila,

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #26 on: March 23, 2012, 05:30:14 pm »
hay naku sis, sinabi mo pa.. yung flight namin 8:30am, naging 11:30am tapos nakaalis kami 1:30pm! grabe ang airphil kasumpa-sumpa!  >:(

huit

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #27 on: March 23, 2012, 05:37:00 pm »
@two_zero ah okay, panong non sense? hehe

Naku bakit ganun ang AirPhil? Yung nakasabay din namin, 4:25PM flight back namin to Manila naunahan pa namin sila eh 12nn yata flight nila. Grabe, parang ayoko na tuloy sumakay sa AirPhil. Nabalitaan niyo ba yung sa Zest Air naman na papunta Busuanga, yung nasira hydraulic ng plane nila, nasa Palawan na sila nun bumalik pa Manila, 2 hrs sila wala aircon sa flight. Grabe katakot. =/

foruiz

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #28 on: March 23, 2012, 06:17:32 pm »
^and for that I will keep in mind to wait for 5J promos na lang. They have early am flights and leave later in the aftie

two_zero

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #29 on: March 23, 2012, 10:50:18 pm »
sis kahit cebupac ganun din mas madalas nga lang ang airphil now kaya nasisisra itinerary ng guest ko pati ako nagugulo hehe, kawawa lang kasi limit ang time nila to stay here. nagoover booking kasi sila eh.

madame_ekis

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #30 on: March 25, 2012, 12:20:11 am »
Grabe super mahal na ng ticket to Coron hayyzzz... Anyway magastos pero go p din. 

BTW ingat kay sa Ralph's Pension House.  Super bad nila according sa frriend ko.  Group kasi sila dunno how many they were.   Initially dapat iba yun Tours nila pero Ralph's insisted na doon na lang sa kanila i avail yung tours, which they did.  They were asked to pay in full daw and dun na nag start ang problems nila.  Dapat mag ttour pa sila sa ibang island for 1 day chinacharge pa daw sila ng 1000K plus/pax additional.  Tapos nung nagbayad sila sabi ay wala tour guide and bankero daw so di daw sila makak island hop the next day. >:( >:( >:(  Super frustrating and kill joy nga daw.  Then nag buy sila ng pasalubong the usual Danggit etc.  Nalaman daw ng owner aba sabi ba naman daw dapat sa kanila daw bumili di daw sa iba.  Aba! :o :o :o  Shocking tong pension house na to ah ibang level sa garapal! 

Well lesson learned daw.  Next time mag ccheck na daw sila ng reviews extensively to avoid going through this kind of mess again.

Kaya mga sis beware na lang.

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #31 on: March 25, 2012, 01:03:52 am »
^
aba, grabe naman yan sis! yung samin sa oriental lodge naman, naging problem lang namin talaga is pagdating namin brownout and hindi naka open ang generator nila so mga 2 hours kame madilim sa kwarto kase mahina na rin emergency light nila. buti nalang nag tour na kame at pagbalik namin may ilaw na. pansin lang naman tagal nila iopen generator nila, to think lagi brown out sa coron ha. yung iba kase di ba pagka brownout few seconds naka open agad generator eh sa oriental lodge ang tagal grabe. =/ Tapos wala rin sila house keeping, i don't know why, dahil ba ang image nila is backpacker's hotel at ayaw nila iinvade privacy ng guests nila kaya ayaw nila pasukin ang room pag wala yung guests? pero ibang backpackers naman may house keeping pa rin. Tapos nung nireport ko nung last night namin dun na pundido na ilaw sa CR hindi nila pinalitan, ano ba yun.

cristyles

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #32 on: March 25, 2012, 07:27:29 am »
@Sis madame_ekis - naka-encounter sila ng ganung attitude? Yup, mabuting magbasa muna ng reviews before magdecide to stay on a pension house or hotels  :) .

@Sis ellyse - Sis may times na nagkaka-brownout rin dati sa pinag-stayan namin sa Coron pero hindi nga lang ganun katagal magbrownout. Naku! sana inaayos nila service nila, sila rin kasi masisira ang pangalan or reputation in the end.

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #33 on: March 25, 2012, 09:59:52 am »
mga sis, share ko lang last time kase sa islands view inn kami.. syempre mas mahal compared sa mga pension house pero sobrang sulit! yung binigay nilang room samin good for 8pax malaki saka maganda, magkahiwalay yung toilet and bath, bago mga gamit, may genset din kaya kahit brownout at walang ac pwede naman mag electric fan :) 3k lang yung bigay samin dahil siguro di naman namin magagamit lahat ng beds (6beds:1queen,1double,4single) kita ko kase 4k talaga yung rate ng room na yun. :) di din sila katulad ng iba na mapilit na kunin yung tours nila or kumain sa canteen nila. :)

runbarbierun

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #34 on: March 26, 2012, 07:38:37 pm »
Tinanong ko na rin ito kay sis huit, pero just in case lang: yung mga pinupuntahan ba sa Coron Loop pwedeng hatiin for 2 days? Ayaw kasi puntahan ng Mom ko yung Banana Island, etc., sayang naman yung isa pa naming day. Mas sobra bang mamahal siya kung ganun? Or may iba pa kaming mapupuntahan? Except yung Mt Tapias (?) & yung Hot Spring kasi 1st day namin yun.. 4th day eh souvenir shopping ganun lang gagawin namin.

madame_ekis

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #35 on: March 27, 2012, 06:33:18 am »
^^

Yep ganun ka tindi mga sis.  I checked their website nga din and sa pictures eh maganda yung place nakaka enganyo nga naman, pero sabi ng friend ko eh fake daw yug pics nila sa website.  >:( >:( >:(  Hindi daw ganun ka ganda yung rooms dugyot daw.  Kaya mga sis don't be deceived.  Kahit anong pic pa yan sa site mas maganda pa din na may reviews and feedback sa trusted sources like GT. :) :) :)

madiday

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #36 on: March 27, 2012, 10:16:58 am »
Tinanong ko na rin ito kay sis huit, pero just in case lang: yung mga pinupuntahan ba sa Coron Loop pwedeng hatiin for 2 days? Ayaw kasi puntahan ng Mom ko yung Banana Island, etc., sayang naman yung isa pa naming day. Mas sobra bang mamahal siya kung ganun? Or may iba pa kaming mapupuntahan? Except yung Mt Tapias (?) & yung Hot Spring kasi 1st day namin yun.. 4th day eh souvenir shopping ganun lang gagawin namin.

yes sis, mas maappreciate mo sya kung gagawin mong 2 days.. pang 2 days naman kase talaga to eh. mas naenjoy ng parents ko to kesa sa banana-malcapuya tour, hindi sya mahal 650 and 750 lang per head yung 2 days ng coron loop. yung malcapuya-banana 1200 per head malayo kase 2-hr boat ride. :)

gem_08

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #37 on: March 29, 2012, 12:20:58 pm »
question po sa mga nag CoronGaleri, puro packed lunch lang sila? kung 5 kami in a group pede kaya i-request ng picnic/buffet lunch instead? TIA!

meimei

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #38 on: March 29, 2012, 07:41:40 pm »
went on safari tour by boat, my gulay, tumaas ata bp ko sa takot.  ;D awa ng Dyos, naitawid namin yung tour ng safe. buwis-buhay talaga pero sulit!

sis, sweet_vanilla!!! kinabahan naman ako sa sinabi mo about sa safari, hehe. "BUWIS BUHAY"!!! sis, bakit, wala bang safety measures? i mean, like, open yung tram? sorry, i've never been to a safari (sa April pa lang ako makakapunta, pero sa SG Night Safari, pero I'm also planning to go to Coron).. kaya kinabahan ako bigla, hehe.

sis, pasensya na pero i just really have to ask. paano ba sa Coron safari? As in, yung mga lions and tigers ay pagala-gala tapos open yung sinasakyan ninyo so pwede kayong sakmalin ng lion/tiger anytime? Waaaaahhhh!!! I'm sooooo scared!!!

ellyse

  • Guest
Re: Coron [Thread 9]
« Reply #39 on: March 29, 2012, 09:58:24 pm »
^

i believe yung sinasabi ni sweet vanilla is yung boat ride to calauit hehe. minsan kase talaga malaks alon sa coron/busuanga at nearby isalnd nakakatakot hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close