watch now

Author Topic: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?  (Read 5472 times)

superbubly

  • Guest
Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« on: March 16, 2012, 10:56:41 am »
I don't know the feeling of having a sister, brother or younger sister/brother eh solo lang ako, kaya curious lang ako kung gaano katimbang ang mga kapatid niyo kumpara sa ibang tao like cousin friend or kakilala.


Naexperience ko kasi sa mga pinsan ko kung paano nila ako pinagtulungan eh kahit wala akong kasalanan kaya minsan naiisip kong magkablood naman kami sa father side namin. Pero pagdating sa iba nilang kaibigan pag medyo nagkaroon ng clash hindi ako yung kinakampihan nila, tapos pinagtutulungan pa ako, hurt na hurt ako kasi I thought "Blood is thicker than water" eh. Understood naman na pag kapatid na ang makaclash ko eh sila ang kampihan pero hindi ko maget yung point na kahit wala akong fault sa kaibigan ng cousin ko eh mas kinampihan niya pa yun kesa sa akin :'( kaya tuloy pag magkakasama kami, hindi na lang ako masyado kumikibo tapos tuloy lang....
« Last Edit: March 16, 2012, 11:00:48 am by superbubly »

ldrwifey

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #1 on: March 17, 2012, 07:46:38 am »
i have 2 sisters, wala n yung bunso naman so right now dalawa n lang kami, and i can tell you 1 thing, makikipagpatayan ako para sa kanya. yan ang magkapatid, minsan nga kahit p may feud p kayong magkapatid pag nagkagipitan tingnan mo kung saan sila kakapit kundi sa isa't isa din lang.

cousins and friends? totally different story. may mga pinsan n super close, parang mga magkakapatid n, but may mga pinsan n parang wala lang, oo magkadugo lang kayo pero dun n natapos ang connection niyo. pag s friends especially yung talagang mga best friends m, talagang paglalaban m din sila, tratong kapatid n kung baga, masaya, malungkot, tumatawa, umiiyak, may topak or wala o kung ano p man ang trip mo s buhay andyan s tabi m ang mga kaibigan mo eh yung pinsan mo nakakasama mo ng ganun?

now about your situation? depende yan s pinagsamahan niyo ng cousins mo? san k ba lulugar sa buhay nila, regular n pinsan? close? or super close? then dun mo malalaman kung sino ang kakampihan nila.

saka ano bang klaseng "clash' yang sinasabi mo between you and your cousins or your cousin's friend


superbubly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #2 on: March 18, 2012, 09:00:57 am »
siguro dun kami sa part ng super close sabay kaming lumaki, actually itong isa lang naman yung medyo noon pa ako nilalaglag pag friend na niya yung nakakabangga ko(actually din hindi naman ganun ka grabe).

here is my sentiment:
yung friend niya kasi madalas akong pinipintasan na ang panget ko nga daw, eh ako syempre pinagtatanggol ko lang naman po yung sarili ko. Sinasabi ko lang naman na kung panget ako hindi na niya kailangan pang ipamukha yun sa akin at sa harap ng iba, tulungan na lang niya ako pagandahin kung meron pang igaganda (sinabi ko po yan sa malumanay na pananalita lang). So itong friend ng cousin ko sinigawan pa ako na panget ko daw talaga, syempre hurt naman po ako sis, kasi tao lang din ako, and again she can say those words privately sa akin wag naman yung punto na halos i-announce mo sa mga nakapaligid at nanonood sa amin kasi I felt humiliated na. So yung cousin ko ginatungan na lang na wala ng igaganda yan, so imbes na ipagtanggol ako kahit katiting lang siguro, ganun. Kaya naisip ko kung gaano ba talaga katotoo yung Blood is Thicker than water. - di lang po ito yung mga nangyari madami pa po, at ayoko na po ielaborate yung iba...

Kami ng cousin ko, super close naman kami nun pero pagdating sa kaibigan niya ayun dun lang talaga. Siguro nga nasa akin din yung mali, hindi ko alam sis eh... kaya nga din naitanong ko po yan kasi close talaga kami nun at sa mga puntong ganyan dun niya ako hindi kinakampihan, I was hurt....

naiitindihan ko yung point na pag magkapatid talagang mas kakampihan niya yun siyempre, alam ko po iyon, hindi ko po yun tinatanggi.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #3 on: March 18, 2012, 11:12:19 am »
IMO, totoo ito sa immediate family lang.. parents and siblings..

pero sa iba, tito/tita, cousins etc.. wala lang yun..

superbubly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #4 on: March 18, 2012, 01:10:15 pm »
oo nga sis, narealized ko nga yan, kung hindi ka kapatid mismo, talagang kung minsan hindi na totoo.... :(

girl24

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #5 on: March 19, 2012, 03:59:47 pm »
i guess, so true pag kapatid mo nga talaga. ako for my sibling or kahit sa parents ko --- walang pwedeng bumastos o umaway at kakarerin ko talaga guluhin sila. hehe! kahit naman kapatid ko, hindi kami super close na chikahan to the max pero pag me umaway sa akin whether or not tama ako o mali, ipagtatangol ako... i know and feel that...

honey_iya

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #6 on: March 20, 2012, 12:22:35 pm »
Sa part ko not true, hindi kasi ako lumaki sa parents ko so di ko nakasama mga siblings ko. Sa totoo lang mas matimbang pa for me yung family ni hubby keysa sa sarili ko family. Kasi naman kung siraan at awayin ako ng sarili kong kapatid eh parang ibang tao ako kaya ganun nalang din ang trato ko sa kanila ::)

ldrwifey

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #7 on: March 20, 2012, 03:21:05 pm »
IMO, totoo ito sa immediate family lang.. parents and siblings..

pero sa iba, tito/tita, cousins etc.. wala lang yun..
hindi din sis, kaming magpipinsan sa mother side, kampihan talaga kami kasi nga close kami, pero good thing din n wala pang nangyayari n nakakabangaan namin ang mga friends namin kasi kadalasan feeling close naman lahat ng mga kaibigan namin, lalo n yung older cousins ko mga barkada nila nakikita namin lagi so kahit hindi talaga kami ang friends nila, ok naman relationship naming lahat.

and lalo n sa mga tita ko, second mother lahat turing namin sa kanila... wag lang may bumastos or umaway dahil lahat talaga kalaban mo.

so i guess depende pa rin talaga kung pano kayo lumaki  ;)

simplecathy143

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #8 on: March 26, 2012, 05:25:13 pm »
For me totoo ito, lalo na't lumaki ako na super close kameng lahat.. yung talagang laging bonding.. minsan nga kahit na may tampuhan kameng magkakapatid hindi tatagal yun ng isang araw.. then minsan mapalayo lang kame sa isat isa super miss na miss agad.. haha..

ganon din sa mga cousins at tita ko, pag nagbabakasyon kame sakanila or sila naman ang nagbabakasyon samen parang feel at home lang.. walang halong ilang, parang kapatid na din at pangalawang mother ang turingan sa isat isa.. pero sa mother side lang.. kasi yung sa father side lahat nasa probinsya eh.. so walang time para makapagbonding at makilala..

mamapeew

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #9 on: March 27, 2012, 11:34:01 am »
Siguro this will apply if you grew up together and marami na kayong pinagsamahan kasi nga I have 5 brothers, pero yung isa dun talagang indifferent na sa amin. When my mom died recently, nagkagulo kami... hay long story. Akala ko di mangyayari sa amin ito kasi pinalaki kami ng maayos and we're all professionals. Pero kung [textspeak!]-ano sinabi ng panganay tungkol sa magulang namin (who are both gone na). Fresh pa sa akin pagkawala ng mommy ko kaya nasaktan ako sa mga sinabi nya sa email. Ever since din kasi lagi na syang nakahiwalay sa amin. Nag board sya nung college, nung nag start mag work humiwalay na sa family kagad. Hay long story and most probably pang ibang thread na ang kwento nya. hehe...

lisse

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #10 on: March 27, 2012, 11:57:51 am »
Sis superbubly, if u don't mind, ilang taon na kayo? Parang ang babaw naman kasi nila, porke ba Hindi maganda sa paningin nila big deal na? Anyway, may mga Tao talaga na minsan mas nagsa side sa friends. Why? Kasi u can choose who to be friends with, while u can't choose who your relatives are.

aquacharly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #11 on: March 27, 2012, 12:28:11 pm »
IMO, this works nowadays only within an immediate family.  Like before we were married, fine it worked among us -- me &  my siblings. But now that   we are all married with our own families ... All bets are off!   

As for cousins, perhaps if you are BFFs. 

There are a few clans that remain tight-knit.  But these are not iron-clad;   Money gets in the way, lol.   

superbubly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #12 on: March 28, 2012, 07:24:14 pm »
Sis superbubly, if u don't mind, ilang taon na kayo? Parang ang babaw naman kasi nila, porke ba Hindi maganda sa paningin nila big deal na? Anyway, may mga Tao talaga na minsan mas nagsa side sa friends. Why? Kasi u can choose who to be friends with, while u can't choose who your relatives are.
26 na ako ngayon sis, yung issue na yan medyo matagal na at nagkasanga sanga na lang, ayoko na din magtanim ng galit sa cuz ko at inuunti unti ko na siyang pinapatawad kahit medyo napakahirap at kumbaga may lamat na but I will try to forgive her, siguro lang din kaya niya yun nagawa sa akin para di niya maoffend yung friend niya...yan na lang iniisip ko :)

stormy_princess

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #13 on: March 29, 2012, 02:10:31 pm »
i can relate to this now..nagkagulo ang family ng husband ko because i am overprotective daw akong ina. yung husband ko d ako maintindihan. nagalit kapatid nya sa akin pati gf nito. ginawan ako ng mga istorya ng bilas ko. my husband came from a very close family ties. ako naman hindi kami ganun kaclose ng mga pinsan ko at mga kapatid ko naman lagi kami nag-aaway. from my history, hindi na bago sa akin kung pagtulungan nila ako. sabi ko sa asawa ko kung kakampihan mo yung family mo go ahead but i will stand firm to my principles and beliefs. Nagulat sya kasi alam nya hindi nya ako kayang pasunurin para lumuhod sa pamilya nya.

dolly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #14 on: March 30, 2012, 12:20:27 am »
E yung tanggalin ka sa posisyon ng tatay mo para sa isang empleyado/founder kuno ng isang business namin na inilabas mong lahat ng baho  :'( tsakit, tsakit....

snowflakes

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #15 on: March 31, 2012, 04:03:23 am »
for me totoo to. kahit asawa ka di ka pa rin kadugo kaya sa pamilya pa rin sila makikinig or maniniwala MINSAN. pag may kelangan ka di basta basta bibigay kase madaming reason, pero ang kapatid kamag anak isang sabi lang padala or bigay agad. walang tanong tanong.

iflipcess

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #16 on: April 02, 2012, 10:10:07 pm »
sa akin totoo, basta bros, sis and parents lang ha, tipong kahit asawa ko pagpapalit ko sa kanila  ;D, love ko talaga e

m_lim

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #17 on: April 10, 2012, 11:12:37 pm »
IMO, hindi na applicable ito sa panahon ngayon. pera pera nalang ang usapan ngayon. sad but true.

tanya1109

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #18 on: April 13, 2012, 03:55:14 pm »
Para saken blood is thicker than water talaga. Kahit hindi kami magkakasamang lumaki ng mga sister ko, kapag nagkakaroon kami ng tampuhan or kahit pa awayan sa pera dumadating parin yung  point na kami-kami na mismo ang nagrereach out sa isa't-isa. Siguro kasi pare-pareho kaming matured mag-isip at maaga kasi kami naulila sa ina kaya alam namin na wala ng ibang magtutulungan kundi kami din.

superbubly

  • Guest
Re: Blood is Thicker than Water? gaano katotoo?
« Reply #19 on: April 23, 2012, 07:08:44 pm »
mukhang kay Cristine Reyes at Ara Mina hindi ito effective

 

Latest Stories

Load More Stories
Close