watch now

Author Topic: Mga GTs na dating taga-middle east na nagsettle na sa Pinas: how did you adjust?  (Read 2195 times)

miksha

  • Guest
Kumusta po ang adjustment ninyo sa pagtira ulit sa pilipinas lalo na kung ang tagal nyo na sa middle east (say 10years or more). kase although mahirap din naman ang buhay sa middle east bilang ofw kahit papaano may perks din siya like:
- walang magnanakaw (snatcher, holdupper, slasher, etc...)
- walang nangunguha nang bata
- maganda ang daloy nang traffic hindi parang edsa. maayos at mabilis kang makararating sa pupuntahan mo at hindi ka mabababad sa trapik
- mababa ang price nang gasolina
- since maganda ang quality nang gasolina mas maganda din ang quality nang air
- since mas mahaba ang summer kahit papaano adjusted nila ang mga lugar na halos lahat naka-aircon na
- kahit papaano kapag nagsale makakabili ka nang kahit munting branded item na can't afford mo sa pinas

so share your experience on how were you able to adjust =)

purple_guess07

  • Guest
hi sis, kakabalik lang namin from qatar for good na dito sa pinas. nagresign na si hubby from his company. ako naman nagresign a few months ago pa kasi walang magbabantay sa baby namin tapos nalaman ko pa preggy ako ulit. at the same time nagdecide mommy ko na umuwi sa pinas. it's been a month, so far medyo ok naman. mega tipid kasi wala pa kaming work pareho ni hubby. nagrerefresh lang muna siya bago mag-apply ulit. siyempre si baby un major adjustment, sa climate kasi db kahit kitchen dun naka AC samantalang dito sa room lang. tagal din niya nagadjust sa tulog pero ngayon ok na. medyo nakaka praning un news, hehe.. puro crimes, negative vibes. pero sa totoo lang iba pa rin un  pinas. lalo na sa case ko, preggy ako ulit. di ganon ka-ok un hospitals and doctors dun compared dito. maganda lang dun, free lahat vaccines ni baby, hehe.. buti na lang next sched niya 4 years old na :)

sa food siyempre mas ok sa pinas. mas madaming variation, compared sa qatar na ginto ang gulay, hehe.. sa traffic nakakapanibago, pero naka mind set na kasi ako na pagbalik ng pinas back to major traffic na naman. bakit mo tinatanong sis?

miksha

  • Guest
^ worry ko din kase [textspeak!] 2anak ko paano magadjust. syempre iba dito kahit papaano feeling safe sila nakakatakbo takbo sa labas (mall/park) kapag nasa pinas kami hindi ko mabitawan talaga. Medyo trusting pa naman siya sa tao like kinakausap niya basta kinausap siya friendly kase. Kapag inexplain ko minsan sa kanya na dapat maingat siya sa gamit niya because it might get lost or someone else might take it hindi niya maintindihan bakit kukuhanin nang iba e bad iyon... hay hirap magexplain

southpaw

  • Guest
This thread is interesting.

Sis miksha, where in Middle East are you based?

There are a lot of times that I think of quitting my job here in Dxb and settling back in Manila, pero dami ko rin apprehensions. I'm single and I feel that this place where I am now is not too ideal to start a family -- sobrang mahal ng cost of living and for our salary bracket (mine & bf's) parang mahihirapan kami. Who will take care of the kids when I plan to have a baby? Ang mahal-mahal ng visa para sa househelp. Mga ganyang concerns.  ::)

Whenever I tell my mom na I'll resign and go home, ang main worry nya is yun safety ko -- kasi lower crime rate nga naman dito. Sa Pinas, since nagcocommute lang ako, kapag na-late ng konti, nakakaworry na. So i can understand your concerns for your chikitings, so true.

Pero in terms of pakikipag-mingle with other kids, mas ok ang environment sa Pinas syempre. Meron silang neighbors/cousins na makakasama sa paglaki. Karamihan kase ng friends ko with small kids here, sa nursery nila iniiwan -- so iba-ibang lahi and ugali rin the kids. Parang magiging mas at ease siguro ako kung mga Pinoy kids and Christians ang makakasama ng growing kids (no offense to any nationality/religion, imho lang). And kakaunti lang ang playmates nila, madalas kulong sa bahay with the parents lang - kaya i feel that for kids, it would be more fun in the Philippines. :)

miksha

  • Guest
^dubai ka ba sis? kuwait kami. so true yan sinabi mo for kids. mas enjoy din ang anak ko sa pinas kapag andun kami kaso mas worried to the max naman ako bilang magulang hehe.
« Last Edit: March 14, 2012, 01:35:49 pm by miksha »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close