Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73931 times)

Coffee_lover

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #300 on: October 10, 2012, 05:25:07 am »
I am married for almost 1 month now... Parang nagbabahay bahayan lang.. kasi sa apartment nya kami nakatira ngayon. Di na namin kelangan sabihin sino ang maghuhugas or sino ang magluluto. Ewan ko parang naka toka na kahit di namin pinag usapan.. sya lagi naglilinis ng banyo, ako nagluluto ng ulam sya sa kanin. ako hugas ng pinggan sya linis ng table... Ansaya!

Di ko kinukuha yung sweldo nya, basta [textspeak!] sweldo ko di nya papakealaman. Yung lahat ng expenses sya gumagastos tas binibigyan nya pa ko ng baon everyday para daw [textspeak!] lahat ng sweldo ko masave ko or magamit ko kung san ko gusto :D

To summarize pabor talaga sakin ang pagkakaroon ng asawa LOL!

nageinna

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #301 on: October 10, 2012, 09:36:00 am »
sis xhien and coffeelover, how i envy you sissies! sana ma experience ko rin yan kahit sa future. kahit yung pagbukod lang masaya na ko :)

jenie0519

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #302 on: October 10, 2012, 09:39:07 am »
^ako din, makabukod lang masaya na...

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #303 on: October 10, 2012, 10:47:55 am »
sis coffee_lover, ang saya naman nyan.. sarili mo pa rin yung sahod mo, hehe!

naku same here, pangarap ko ring bumukod kami. "pangarap" talaga eh no. ;D

xhien

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #304 on: October 10, 2012, 10:48:26 am »
sis xhien and coffeelover, how i envy you sissies! sana ma experience ko rin yan kahit sa future. kahit yung pagbukod lang masaya na ko :)

@sis nageinna.. pero may asawa ka na ba now? masaya talaga pag nakabukod eh..walang makikisawsaw sa inyo ng asawa mo..magagawa niyo lahat ng gusto niyo unlike kapag kasama mo inlaws mo or sarili mong family need mo makisama pa.. basta mas masaya talaga life kapag nkabukod..hehe  ;)

pampam2

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #305 on: October 10, 2012, 11:16:24 am »
We've been married for 12 years but since day one nakabukod na kami, the first 5 years rent lang muna then nag loan na kami ng sariling namin H & L. So far nothing change we're still doing good as couple, I must say I'm happily married with a lovely daughter. Always thankful to God for having a wonderful husband :)

nageinna

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #306 on: October 10, 2012, 01:29:27 pm »
@sis xhien yes sis two months married na hehe. before plan talaga ni father in law to give us a house as a gift, then madami naging complications kaya hindi natuloy kaya eto, one big family kami. big talaga as in kasi kasama pa his cousins  ::)

xhien

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #307 on: October 10, 2012, 01:31:47 pm »
@sis nageinna.. a big family nga..but big happy family naman siguro kayo..kaso mahirap padin db? mas ok talaga yung kayo lang hubby mo sa iisang houz..tiis ka na lang muna and ipon for your own house ;)

patchi2012

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #308 on: October 10, 2012, 02:31:55 pm »
goin' 3mos palang kaming married, balik ldr kami, i thought na easy lang din, kase nga we started out as ldr din, but, iba na pala pag married na kayo, counting days na magkasama ulit kami. minsan we just laugh bout it, kase nasabi ko na parang di pa nag sink in na married na pala ko, balik kase kami sa dating gawi e, skype-ing. we're still blessed kase nga kahit ganito e still we have time for each other, continues yung communication. if nakaya namin dati how much more ngayon na married na kami.

vain_kixie

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #309 on: October 16, 2012, 03:15:37 am »
2 months married and yeah parang bahay bahay lang. Our household help makes the adjustment stage easier. Feeling ko kung wala kaming yaya nag away na kami sa kalat sa bahay or sino mag wash the plates etc. Though minsan nakaka irita ang yaya namin kasi puro chismis sa labas and sa cellphone, it's still better having her around. Iba talaga ang naka bukod turo sakin ng parents ko to NEVER EVER live with them nor my inlaws when I get married.



WorriedB2B

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #310 on: October 16, 2012, 04:57:57 pm »
6 months married na kami, and til now parang nagba bahay-bahayan pa din.  ;D Lucky ako kasi a month before we got married, nag rent na si hubby ng house for us. Kaya nakabukod na kaagad kami. We have so many plans together including buying our own house. There's no major adjustments for us. I don't know kung bakit, kasi bago kami magpakasal, 3yrs kaming in a long distance relationship (nasa abroad kasi ako nun, sya nandito sa Pinas), so I expected na malaki talaga ang magiging adjustments pag nagpakasal kami. Pero siguro mas madami yung similarities namin kesa sa difference kaya hindi talaga kami need mag-adjust ng sobra. And lucky din siguro ako kasi sobrang bait ni hubby and he knows kung pano ko papasayahin and aalagaan.  ;)

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #311 on: November 28, 2012, 11:37:51 am »
I feel the same way sis patchi haha.. parang mas maarte na pag wife na. Nung gf lang parang kaya nman ang LDR, ngayon parang gusto ko na lang sya kasama palagi. wala naman ako magawa kung hindi maghintay.

abbina

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #312 on: November 28, 2012, 12:32:37 pm »
8 months na kaming married. Nung una sa bahay ng nanay namin kami nakatira kasi buntis ako nun. Actually, padalaw dalaw lang hubby ko nun sa bahay namin kasi nahihiya siya na dun sa amin matulog araw araw.

Then last August, we lost our baby. Naubos lahat ng ipon namin kasi malaki ang inabot ng hospital bill. Tapos wala din ako sweldo because nakamaternity leave ako.

Pero nung may nakita kami na apartment last September, kinuha na namin kasi naaawa ako sa asawa ko, Naisip ko din na di kami makakaipon and matututo if di kami bubukod. Medyo mahirap nung una kasi wala akong own money. Kay hubby ako umaasa ng pera. At first, umiiyak ako kasi naaaawa ako sa sarili ko - I don't have my own money, lagi akong nasa bahay kasi nakaleave pa ko, di ako sanay sa mga gawaing bahay. Nagself-pity ako kasi sabi ko hindi yun ang pinangarap kong buhay. Tapos namimiss ko pa ang nanay and mga kapatid ko. Depression phase lang pala yun!  ;)

2 months after naming bumukod, back to work na ko, may sweldo na uli, ayun medyo sanay na ako sa mga gawaing bahay. Di na rin ako umiiyak pag nagawa ako ng household chores hehe.

Masarap pag nakabukod, medyo mahirap and nakakapagod kasi kelangang gumawa ng gawaing bahay pero okay din na walang nangengelam.  ;D

Bahay bahayan lang ang peg, dami pa namin kulang sa bahay na gamit pero carry lang, unti unti nakakapundar, kahit di sabay sabay.

Life after getting married? So far, so good.  :D


Myealexis21

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #313 on: November 28, 2012, 04:37:27 pm »
Since we are both working abroad, nakabukod na kami agad.  Walang masyadong adjustments kase magkasama na rin kami before.  Mas maasikaso lang sya nung kasal na kami, at ako mas tamad bwahahah! 

In terms of money, di ko pinakikialaman sweldo niya.  Ganon din sya sa akin.  Basta we set aside our savings yun yung mutual money namin.  But he can do whatever with his money - send to his parents, buy stuff, etc.  and ako ganun din I do send money to my parents pa rin.  Kapag uutang ang partidos niya, sya kausap at pera niya lang ang pwede niya ipahiram.  Hindi pwede pakialaman ang ipon namin, or ang pera ko.  So far maganda naman ang set up namin.  Walang away pera.

Now LDR na kami, kaya ang hirap kase sanay akong kasama sya.  Tama Sis princeszheng parang ang hirap ng LDR kapag kasal na (well LDR is mahirap naman talaga for me regardless).  ;)

mslcgrey

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #314 on: November 28, 2012, 08:44:14 pm »
almost 7 months married na kami. for the first 5 months, we live with my mom and siblings. since before we got married, nakatira na rin siya sa bahay namin so no adjustment on that part. then just last october, ready na yung house that we bought for occupancy so lumipat na kami agad. dito nagkaroon ng adjustments. sanay naman kami sa gawain bahay. kahit paano bigayan sa pag-gawa ng household chores. usually ako taga-luto, taga-linis ng house. while siya naman ang taga-laba and usually taga-sampay lang ako. this is easy since may washing machine naman.
nowadays, ang iniisip namin eh kung paano namin mapapaganda yung house namin. pareho kami medyo may ka-artehan sa design and decor ng house. nagiging bonding talaga namin ang house namin like when we painted our door a bright red.
minsan may tampuhan pa rin but di naman nagtatagal.

Beng01

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #315 on: December 04, 2012, 11:24:59 am »
18 days palang kaming married. We got married last November 16, 2012  ;D

Pero naka bukod na kami, after kasal, nag stay pa kami sa hotel since doon din ang reception namin at preps ko. Then, tumira kami ng 1 day sa bahay ng ate nya, then lipad kami ng HK para sa honeymoon, after ng honeymoon tumira kami uli ng ilang araw sa bahay ng ate nya, may isang room kasi kami na pwedeng pag-stayan.

Then Nov. 24, 2012, lumipat na kami sa apartment, studio type lang sya pero basic necessity lang ang nandoon, masaya naman kami dahil solo namin yung place at walang magulong kapitbahay :-)
« Last Edit: December 04, 2012, 11:27:33 am by Beng01 »

babyphat

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #316 on: December 04, 2012, 11:55:05 am »
live-in na kami for 2yrs until i got pregnant few months after i graduated. nung live-in palang kami, gastos dito gastos doon kasi wala pa naman kaming anak.  then nung magkakababy na, nagchurch wed na tas priority na yung baby, nalessen mga wants ko, si hubby naman madalang lang bumili ng gusto nia. after 2yrs of being married, ngdecide kami bumili ng h&l kasi rent lang kami noon pero ok naman kasi nakabukod kami. pareho rin pala kaming only child.
nung live-in palang kami shempre may mga problems na kahit until now pero carry lang naman basta napapag-usapan. so far tipid mode kami ngayon kasi maraming obligations.
« Last Edit: December 04, 2012, 12:01:19 pm by babyphat »

yanmae

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #317 on: December 04, 2012, 12:18:55 pm »
6months married na po kame with our son na 2 months Old. Ang dami kong nadiscover sa asawa ko na di ko nakita nung mga bf-gf palang kame, simula pinakaunang araw na nagsama kame bilang mag asawa eh buntis ako nun at talaga namang sobrang sensitive ako nun kaya konting mali lang na gawin nya umiiyak na ako to the point na magsisi ako na nagpakasal pa ako sa kanya kapag sobra namang nakakainis yung ginawa nya, di nya naintindihan na ganun talga ang mga buntis, nurse pa naman sya, pati yung hiling ko na sa probinsya muna ako hanggang sa manganak ako di nya ako pinagbigyan.. kaya eto Kakalungkot dahil nasa inkaws ko kame nakatira ngayon. mabait naman ang mga inlaws saka walang problema sa mga kapatid nya kasi walang pakialam yung pangalawa nyang kapatid and yung bunso naman nila eh down syndrome tapos halos buong araw nasa trabaho yung [textspeak!] and yung MIL nasa tindahan nila lagi na karugtong lang ng bahay nila, Kaso iba parin talaga, kahit ganun mabait ang lahat sayo sobrang iba kung sariling bahay ang tinitirahan. Nung buntis ako tumutulong ako sa tindahan nila, minsan nga yung asawa ko ehh iniiwan nya ako dun para sya naman makapag pahinga, halinhinan kame sa pagtulong sa tindahan namin kaso nung mga 7 mos na nagstastart ng manigas tsan ko nun kaya ang sabi ko kay hubby pasensha na di na ako masyado makatulong sa tindahan kasi naninigas na baka mapaaga pa panganganak ko problema pa. Pero minsan tumutulong Ako, talagang natagtag ako sabay pa jan yung online shop ko na inaasikaso ako namimicture super hirap nun lahat yun riniis ko during my first pregnancy samantalang dito sa amin may kasambhay kame at pag nagsabi ako sa mom ko na di ko kaya si mom na ang gagawa nun at katulong ko pa mga kapatid ko sa chores. Mahirap kasi sa sitwasyon namin dahil parehas kameng jobless, ako sa online shop lang ang income ko sya naman sinasahuran ni MIL sa pagtulong nya sa tindahan nila. Sinabi ko lahat sa mom ko ang mga nangyayari pati personal issues naming mag asawa na ikwento ko ang sagot ni mom bumukod nalang kame kasi si hubby di nya nararamdaman pa ang totoong buhay may pamilya. Kaya yung house ng ate ko na di naman natitirahan at di pa nila plan tirahan kasi sa province nila mas gusto manirahan eh pinahiram muna sa amin, kaya ngayon iniipon ko yung lahat ng income para may emergency fund kame at pangbili ng mga groceries at stocks ni baby pag nakalipat na kame. Plan ko ng lumipat ng bahay sa april hopefully sapat na yung maiipon. Siguro naman kapag nakalipat na kame eh mafeel na nya ang buhay may pamilya, sana lang talaga..

vain_kixie

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #318 on: December 04, 2012, 12:58:00 pm »
4 months married. Best talaga may yaya kami sa house. Sabi ng husband ko pag ng migrate daw kami sa states baka mag away lang kami kasi I hate doing household chores.

Dad told mom to tell my husband not to spoil me, because yes, I'm spoiled =) He gives me everything I want. Husband knows how to have a happy life, and that is to keep his wife always happy.

chiclet_24

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #319 on: December 04, 2012, 05:04:33 pm »
Just recently got married mga 10 days ago, before wedding we started preparing our townhouse na so day after our wedding day di muna kame dumeretso sa honeymoon instead we started pimping our house... [textspeak!] money namin na nakuha sa wedding inipon namin at namili kame ng gamit but before that inopen muna namin [textspeak!] mga gifts and cnlaim ang bridal registry as in ginawa namin yan sa buong araw in a week na leave namin ni hubby inayos namin yung house... Sbrang bahay-bahayan ang peg namin and then hilata galore kame...sobrang free sa lahat ng gagawin though hubby do the laundry via washing machin (as in wala na syang ginagawa pasok lang lahat pag labas almost tuyo na- plus di ako marunong mag laundry tlaga) sa hugas ng pinggan salitan kame kung sino ang free- pag kumakain kame naka formal dining set up pa kame trip lang hahaha nakagoblet pa kame sa baso haha ngayon start na ang work namin sabay kame pumapasok at umuuwi at enjoy na enjoy pako sa paggrocery dami mong mabibili lalo na pag dalawa lang ang budget mo... We seldon eat outside kasi mas bet ko nagluluto sa ngayon hehe nag ssteak kame anytime we want...burger for dinner at kung ano ano pang kabaliwan sarap lang ng feeling na walang pumupilig at nag pprotesta at lahat ng gusto mo pwede mo kainin hahaha... We watch koreanovela marathon din everynight walang kaagaw sa tv... Just started enjoying the married life after our official honeymoon sa march maybe baby making naman ang project namin... We decided na wag muna kumuha house help siguro mga next year na enjoy una namin ang walang ginagawang peg haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close