Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73820 times)

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #280 on: July 29, 2012, 12:07:13 pm »
candy_tone nice pero baka ayaw pa nya sundan talaga hehe. okay lang yan sis, basta i-pafeel mo lagi kay hubby na love mo pa rin sya khit wala pang sex life hehe.

Dhee-Dhee haha ganon ba. maswerte na rin siguro ako kasi lahat ng kapatid nya asa abroad, wala pa naman issues kahit andito ang whole gang :D pero syempre ayaw ko rin naman na dito na lang ako kahit mabait sila maganda parin diba yung may sarili tayong bahay, yung pinaghirapan talaga natin.  Same tayo sis, may edad na rin parents ni hubby tapos lahat pa sila magkakapatid working abroad kaya ako na lang rin ang nag-babantay sa kanila, pero iba pa rin kasi kung meron tayong sarili, nagiging discussion namin ni hubby yung ganyan, and sinsabi nya ayaw nya naman ako magisa rin edi dito na lang muna ako pansamantala. Kung magkakasama na kmi siguro bubukod rin kami. ;D AJA sis.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #281 on: July 29, 2012, 03:09:05 pm »
one more month at first year anniv na namin. no problems with in laws on both sides, thank God. nasa adjustment phase pa kami but things get better day by day.  life after getting married taught me to be more giving, and most importantly, forgiving. :)

potpotpo

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #282 on: July 29, 2012, 03:42:51 pm »

dati p kakain lang ako ng canned foods or pritong whatever or magoorder sa kung saan restaurant para sa breakfast/lunch/dinner ko. Now that im married, nagluluto na kong ng matinong pagkain  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #283 on: July 30, 2012, 09:25:40 am »
princeszheng: ah, lahat pala ng siblings ni hubby mo nasa abroad? ayos yun.. :) sabagay, habang nasa inlaws pa, ipon lang ng ipon. wag nalang masyadong pansinin kasi maiistress lang.

mrsdee: same here sis, mag one year na rin kaming kasal ni hubby. ang swerte ng mga walang problema sa inlaws, hehe.

potpotpo: good for you, sis! :) hehe.. ganyan din ako noon kaya nung kakakasal palang namin, naiinis ako umuwi ng bahay kasi marami pa akong gagawin like magluto ng kakainin namin. ::) pero ngayon, sanay na. mas gusto ko pa magluto kesa magtrabaho, lol!
« Last Edit: July 30, 2012, 02:24:48 pm by Dhee-Dhee »

rowaenatural

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #284 on: July 30, 2012, 10:27:05 am »
hi! just want to share,

6 yrs na kaming kasal, and counting for more years to come.  :D
nung 1st year namin together, parang ngbabahay-bahayan lang kami, enjoy ko naman yung pagiging wife, tagaluto, tagalinis ng house, pero si hubby ang naglalaba. division of labor. :)
the best thing to do is support, respect and love each other more.  Sa mga working wife like me, pinagusapan namin ng hubby na huwag masyadong mag-expect sa akin na gawin ang mga ginagawa ng housewife, kasi syempre pag-uwi sa bahay parehong pagod, so don't expect na maging katulad ako ng mom nya na ipaghahanda sya ng napakasarap na hapunan. And I'm thankful na understanding naman siya at love na love pa rin niya ako.  ;)

jonielle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #285 on: July 30, 2012, 02:06:03 pm »
jonielle - yes familiar din handle mo.. lurker ako sa 2010 wedding dati eh.. 2011 naman ako.. :)


malamang nakapag usap tayo dati pamilyar din name mo eh hehe

@dhee-dhee

ang tibay nun ah pinaglalaba pa ng damit, kung akin yan I dont let my MIL wash my damit kakahiya  >:(

potpotpo

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #286 on: July 30, 2012, 02:20:56 pm »

ako din sis Dhee-Dhee mas gusto ko pang magluto ngaun kesa magtrabaho..kaya sa trabaho nghahanap din ako ng recipe hahaha

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #287 on: July 30, 2012, 02:26:30 pm »
^haha! apir sis! kaaliw kasi talaga magbasa ng recipes. kaya kahit sa office, ito ginagawa ko kapag down ang system namin. masarap din kasi sa feeling kapag nagustuhan yung luto diba, hehe.

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #288 on: July 31, 2012, 08:18:30 am »
mrsdee good to know that sis. :)

potpotpo wow buti ka pa! haha how i wish makapaglutu-lutuan narin ako minsan sa isang buwan. haha

Dhee-Dhee korek sis, kaya dapat habaan ang pasensya at maging maganda ang ipakitang ugali habang kasama sila para maiwasan ang mga issues :D

rowaenatural ambait naman pala ni hubby kung ganon, saka di na tayo ang mga traditional wife no, dati lang yun uso haha. ngayon tulungan na ang couple :D Dati kasi talagang karamihan sa wife e asa bahay lang kaya mas my time sila magasikaso kahit maliliit na details.


rowaenatural

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #289 on: July 31, 2012, 10:11:12 am »
correct sis! syempre paminsan-minsan gusto ko rin namang magpaka-housewife, pinagluluto ko sila ng bagong recipe courtesy of internet, cookbook or even yung mga nakaattach sa supermarket products..  ;D
pero most of the time, provider ako katulad ni hubby, kailangan kasi naming mgtulungan para sa 2 kiddos, a house and a car.   ;)


potpotpo

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #290 on: July 31, 2012, 01:59:39 pm »

^^ sis wala akong choice kasi 2 lang kami dito sa abroad..hahaha sis try ng try ng recipe kung kelan ka free  ;D

purplesassy

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #291 on: August 03, 2012, 07:59:33 pm »
Very happy ako :) Ako lang yata dito yung pinagsisislbihan ng mister ko heheh, siya naghahanda ng food ko and food ni baby. Kumuha din siya ng yaya ng babay para mas maka trabaho ako (work from home kase ako), lagi pa rin niya ako dine-date and pag may gusto ako ulam siya nagaayos lagi :)

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #292 on: August 03, 2012, 08:37:48 pm »
Nung nakatira pa ako sa house namin, buhay prinsesa ang drama ko hehe. Kain, tulog, aral, lakwatsa lang.

Nung bumukod na kami ng bahay ng partner ko, need kong magluto ng matatawag na "pagkain" hehe. Ako na din naglalaba, minsan naglilinis ng bahay. Pero ang pinaka gusto ko eh, tumutulong si hubby sa mga gawaing bahay. Let's say pag ako ang nag luto, siya ang maghuhugas, pati mga baby bottles ni bunso siya ang naglilinis. Pag nag lalaba naman ako, tumutulong din siya sa pagbabanlaw. Sa morning naman, hinahayaan niya akong matulog pa ng matagal, 10:30am na niya ako gigisingin, siya 6am palang gising na, siya nagpe-prepare ng almusal at siya din nag aasikaso sa eldest namin bago pumasok sa school. Pagka gising ko, naka ligo at nakapag almusal na din si bunso.

So, kung dati he treated me like a Princess, now his Queen :D
« Last Edit: October 09, 2012, 12:53:26 pm by Mommy•Shey »

shinta

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #293 on: August 03, 2012, 08:41:05 pm »
2 years and 7 months na kami and we've been through a lot...

cheating on hubby's part
our baby died
MIL died

pero eto pa din kami, still together and more often than not, still happy in spite of. I'd like to think we're resilient. tsaka buti na lang I have my parents' full support, kung wala siguro sila baka nabaliw na ako. sa kanila pa din kami nakatira, pero hopefully by next year masimulan na namin ipatayo yung bahay namin.

kahit ok kami dito sa bahay ng parents ko, gusto ko pa din bumukod kami kasi dun lang namin mararanasan yung totoong buhay mag-asawa. feeling ko kasi parang bf/gf pa din kami eh.

ok naman ako sa in laws ko, ok din si hubby sa family and relatives ko. sa isa lang hindi, sa asawa ng brother ko, praning kasi yun eh.

overall, life's good for us. sana lang magkababy kami ulit para kumpleto na.

izabelle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #294 on: August 04, 2012, 04:41:26 am »
ika nga there's no such thing as a perfect marriage :) but im very happy with my marriage after 2 years and 7 months since nun wedding namin.. Ngayon we have a 6 month old baby and walang nagbabago sa amin ni hubby. well except sa mas busy kami ngayon at mas focus sa goals for our baby pero bukod dun.. wala na. :) in fact, we love each other more ng dumating baby namin.

Nakabukod kami agad after our wedding. we bought our own house before getting married kaya day 1 palang ng married life namin eh feel na feel talaga namin ang buhay mag asawa hehe!

our marriage is far from perfection and i know sobrang bata pa ng marriage namin kumpara mo sa mga naka 15 to 20 years or more na.. marami pa kami pag dadaanan thats for sure.. pero ready kami sa kahit anong bagay simply because we have GOD in our Life. :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #295 on: October 03, 2012, 05:44:33 pm »
Wala naman nagbago except for some quite few adjustments. Para pa rin kami bf / gf na pag weekends nag date sa malls and near our home. Sweet pa rin sa isat isa at lalong naging sweet yung hubby ko nung kasal na kami. Sya yung super excited na magkaroon ng family.

Periwinkle25

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #296 on: October 08, 2012, 03:08:44 am »
di ko pa masyadong feel kasi LDR kami for more than a year although nagvacay naman ako in between for 60 days..so ayun, parang bahay bahayan ang peg.. Since I was on vacation, nag-ieffort akong magluto and do wifey chores na di ko ginagawa..pero nung nagreview ako ng IELTS, di ko na masyadong nagagawa yun and he was supportive naman..we had more time and freedom..mas sweet and happy naman kami.. Im just so excited for next year kasi exit na ako so Id stay with him everyday..Buti na lang ang work niya is away from home, so rent mode muna kami at uwi sa family at inlaws ko once or twice a month..Id further my studies para di naman ako bored and Im planning to apply for a part time day job kasi 9 hours siyang wala so Id have to keep myself busy..careerwoman kasi ako by heart..but Im trying my best to let him feel that he is my priority..sana magkababy na kami..para mas masaya..

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #297 on: October 08, 2012, 02:05:48 pm »
parang walang nagbago. Para pa rin kami mag bf at gf, kung sweet sya noon, mas sweet sya ngayon. Though may mga adjustments but still parang walang nagbago.

nageinna

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #298 on: October 09, 2012, 02:09:46 pm »
we've been married for almost two months pa lang teehee ;)

ang daming adjustments on my part din, when i was still living with my parents buhay prinsesa din ako. laid back pa back then. i'm the youngest kasi sa family so may pagka spoiled talaga ko sa parents and sisters ko. though hindi naman brat hehe :) when i got married, naranasan ko nang mag linis ng room, mag mop, even mamalantsa, and mag laba ng mga damit ko. i remember sa sobrang kinareer ko pagiging housewife, two weeks after we got married, twice din akong nagkasakit. :D

pinakamajor adjustment ko naman was getting used to all the noise around me. hubby is pure chinese. traditional pa. so im not only living with my inlaws, pati cousins niya and kapatid niya kasama namin. though building naman kami, floor by floor, super nahihirapan parin ako sa pag aadjust. every night ang ingay sa bahay. kung sino sinong pinsan niya pumupunta sa floor namin. then every night yung MIL ko grabe kung puntahan kami sa kwarto, hindi lang once, at least 4x kung pumunta yan! pabalik balik wala namang matinong gagawin. sasabihin matulog lang maaga etc. to the point na naiiyak na ko sa sobrang inis! i've been telling my hubby na hindi ako makakatagal dun sa bahay namin, he promised naman na pag iipunan namin para makabukod kami in the future :(

xhien

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #299 on: October 09, 2012, 02:57:57 pm »
kami naman mag 2 months married palang eh..pero since kinasal kami happy naman and feel na feel namin buhay mag asawa kasi nakabukod kami agad..parang bahay bahayan lang talaga..parang dati padin nung mag bf/gf kami mas naging sweet din kami sa isat isa ngayon. talagang inaasikaso ko siya.kahit nga buntis ako now ako padin talaga naglalaba..ayoko ng siya kumikilos mas gusto ko talaga pinagsisilbihan ko siya eh..masaya ako dun..at ngayon lapit na lumabas si baby hope maging strong pa kami at mahalin pa ng higit ang isat isa..i love him so much  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close