Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73972 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #260 on: July 23, 2012, 02:11:01 pm »
^aww, talaga sis? keri lang yan, pag mas sanay na, makakahanap din kayo ulit ng mas maraming time. :) galing naman sis, may full time OL job ka. odesk ko pasilip silip nalang ako eh. balak ko ipon muna habang wala pa baby tapos business nalang saka home job pag may baby na. goodluck sis!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #261 on: July 23, 2012, 03:53:40 pm »
^oo sis super blessed talaga ako sa online job kundi baka kating kati na din ako mag hanap ulit work. Btw, in case pala na wala ako online job, mag work ako sa govt, kakapasa ko lang sis sa Civil Service Exam. :) Dininig ni Lord ang panalangin ko sis! :) hehe! kaw din sis, God Bless you sa plans nyo ni Hubby hopefully magka baby na tayo!

nixxie333

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #262 on: July 23, 2012, 05:40:18 pm »
few months married and I can't stand my in laws! hindi ko alam kung masama ba ako, pero before kami ikasal ni hubby inopen ko na sa kanya yung problema na to. Sila in law hindi nagwwork at lahat inaasa sa mga anak. ok lang yun kaya lang hindi din sila nagtitipid. Tipong pag may pera lahat bili diyan at MAGDAMAG PA NAKA AIRCON! literal na wala naman silang pambayad kaya sobrang naiinis ako. nung kinasal kami, dahil madami nag regalo samin na cash, todo kulit na manghiram pambayad ng kuryente, pang tuition ng kapatid etc etc. Mga sis hindi ako madamot kaya lang pano naman kami? uutang sila tas pag binayaran uutangin ulit yung binayad nila. Si hubby hindi pumayag na pautangin na sila kasi nagbibigay din siya ng more than sa share para samin 2.

Ngayon sobrang napipikon ako. Nagpaparenovate kami ng bahay, masama ang loob ko kasi pagkakakitaan pa kami. text ng text na sila na lang daw gagawa. E sa tatay ko nga hindi na ko pinapabayad sa labor materials na lang e. Dito kami nagaaway ngayon ni hubby kasi matagal na daw nagsabi tatay niya na sila gagawa. Sabi ko inuuna pa niya yun importante makatipid kami. Masama lang loob ko kasi pakiramdam ko pinagkakakitaan pa ko imbis na tumulong. samantalang kami noon lagi ako tumutulong sakanila. Nakakasawa din sila tulungan na nakikita mong umaasa lang sila at hindi marunong magtipid.

Nung kasal nga nung nagsalita tatay niya sobrang sama ng loob ko dahil nagsabi pa na wag daw putulin sustento sakanila. Kailangan ba sabihin yun sa harap ng mga guests?? hay lang..

jonielle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #263 on: July 23, 2012, 05:55:35 pm »
I guess my life after we got is full of Happiness and sadness, When we got married last october of 2010 bumukod agad kami ni misis hehe.. After a year nabuntis si misis  ;D we were very happy, excited kami parehas tapos lalaki pa. After 5 months nag pa ultra sound si misis dito nag start nahaluan ng malungkot ang aming masayang buhay. Then nung december lumabas na si junior ko  ;D  ngayun nakatira muna kami sa parents nya kasi kumuha kami ng hulugan na bahay nanghihinayang kasi kami sa rent namin buwan buwan eh. Isa lang masasabi ko nung nakitira ako sa in laws ko, dapat talaga marunong makibagay  ;D

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #264 on: July 23, 2012, 06:17:08 pm »
oh soo good!parang commercial lang,though wala pa kami sa pinapangarap namaning stable na buhay,Struggling at work everyday..I can say contented in a way na kasama ko ang mga pinakamamahal ko and pinapangarap kong lalaki...hopefully maging fully contented na din sa stability sa life...

mslcgrey

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #265 on: July 23, 2012, 09:59:58 pm »
generally happy but minsan naiinis sa mga di mapipigilang changes sa life. my husband is still as sweet and thoughtful as ever, mas nadagdagan pa nga. may mga sort of responsibilities na minsan nakakatamad gawin but you have to do for your husband like pagtimpla ng kape or pag-aayos ng baon niya for work. night shift kasi si husband while day job naman ako. so pagkauwi ko di ba minsan ang sarap ng wala ng gagawin but hindi pwede kasi he expects that i prepare his meals... also since hindi pa kami nakakalipat sa house na kinuha namin, nakakainis yung bigla na lang siya may babaguhin sa ayos ng room ko like yung arrangement ng books ko sa shelves nila... but im still thankful na i have made a very good decision kasi i know he loves me very much and he is responsible... one really have to have the patience, determination, and love to make  a marriage work! :)

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #266 on: July 24, 2012, 08:10:25 am »
Dhee-Dhee wala sis haha, nagwowork rin kasi ako eh haha, pag uwi ko may naluto na sya kasi mas maaga naman uwi nila sakin, pag sat-sun andun sila eh haha, kaya walang chance. Thanks sis sa support :D

nixxie333 naku sis, marami na ko nabasang ganyan ang issue mga in laws na parang gusto pasanin parin sila ng anak nila or our/their parents it self, bakit kaya ganon no? indi maka move on ang parents na once nag-asawa ang anak iba na ang priority. Indi ko rin alam what will be the advise for that pero mganda pa rin sis kung magusap kayo ni hubby mo and list all your priorities. We have no problem in helping other family members para lang wala masabi diba? pero yung super na parang aasa na lang na you are always for them to help, that's a different issue. Siguro maganda rin si hubby mo gumawa ng move sa family nya na makikita na they are not the priorities anymore. It will just be you (his own family)

jonielle hi bro :) tama at eto natutunan ko sa asawa ng kuya ng hubby ko, gawin mo lang kung ano ang gusto mo gawin yun indi ka nag papakaplastik kasi kahit ano naman kilos mo may masasabi sila sayo, so kung ipapakita mo kung sino ka talaga at least kung let say "ichismis ka man nila" alam mo na tama yung pinakita mo diba? hehe. Mahirap yung machismis ka pero di naman totoo, better yet magpakatotoo na lang tayo :)

honey-ecclaire i'm happy you are with your hubby :)

mslcgrey haha korek sis. Super patience lang at never forget to fall in love with him everyday :)

mrskodaker

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #267 on: July 25, 2012, 12:49:26 am »
very happy! although syempre minsan namimiss ko parents ko and mga kapatid ko. so sometimes i asked my husband na we visit our family :D

at onti onti kung inaalam ang mga gawaing bahay. syempre kasi kahit ok lang sa asawa ko na wala akong alam. its my responsibility as a wife. :D we are very excited to have a baby, pero for now business muna. para pagdating ni baby ready na kami financially, di kasi pwedeng puro excited lang.

mamichula

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #268 on: July 25, 2012, 11:58:02 pm »
No more clubbing! sniff sniff but I think I've had enough of that when I was single. I'm too old for it now anyway.

Dacian

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #269 on: July 26, 2012, 12:50:51 am »
ang saya kasi lagi na kaming magkasama ni hubby.  tapos mas masaya kasi may baby na kami.

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #270 on: July 26, 2012, 08:07:51 am »
mamichula haha same here yun na lang rin ang lagi ko iniisip, pinagsawaan ko na sya so I know that's good enough to add on my memory list. di na bagay sa age ko na makipagslamman at sumayaw sa dance floor, but it was such a good experience talaga. kakamiss nga naman pero di na bagay sa atin haha. Pang buffet na lang ata ako lols!  ;D

Dacian mrskodaker nice and congrats sa inyo :)

mrskodaker haha ako rin nga walang alam pero i know matututunan rin natin ang lahat ng bagay. sabi ng mom ko sya rin daw noon hindi sya marunong magluto, natuto na lang sya sa tatay ko. It feels good na i have my supportive parents, whenever I tell them "nahihiya na ko sa parents ni hubby kasi wala kong alam lutuin" they always laughed at me but will tell me matutunan ko rin un. AJA sis!

jonielle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #271 on: July 26, 2012, 01:26:27 pm »
@princesszheng

 :) nagpapakatotoo naman po ako maam, di lang talaga maiwasan minsan may mga bagay bagay na gusto kong gawin nadi ko magawa bale 14 months na lanag naman na tapos na yung bayad ko sa house (Dp), para makasibat na   :) :)

@dhee-dhe

wala naman maam  ;D medyo may pagka emo lang nung nag post ako nun  ;D ;D

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #272 on: July 26, 2012, 01:58:42 pm »
jonielle hi bro, i feel you  ;D ganyan rin ako noon kila hubby, ni magbukas ng tv at ref di ko magawa. kahit magtimpla ng kape at kung ano2 pa, feeling ko kasi lagi nakatingin sakin magulang nya khit hindi naman :D ayun nasanay na lang din akong di nanonood ng tv at di nagbubukas ng ref kaya ang tubig na iniinom ko hindi malamig. pero ngayon okay na, nakakagalaw na ko ng hindi natatakot  :D Good luck konti na lang  ;)

jonielle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #273 on: July 26, 2012, 03:52:32 pm »
jonielle hi bro, i feel you  ;D ganyan rin ako noon kila hubby, ni magbukas ng tv at ref di ko magawa. kahit magtimpla ng kape at kung ano2 pa, feeling ko kasi lagi nakatingin sakin magulang nya khit hindi naman :D ayun nasanay na lang din akong di nanonood ng tv at di nagbubukas ng ref kaya ang tubig na iniinom ko hindi malamig. pero ngayon okay na, nakakagalaw na ko ng hindi natatakot  :D Good luck konti na lang  ;)

till now ba maam anjan ka pa din sa inlaw mo?

kung malapit lang sana ang alabang dun ko na lang ititira mag ina ko sa parents ko para ako pa hari hehe.. kaso di pwede unang una malayo sa ospital and yung work sched ni misis pabago bago

carmichael18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #274 on: July 26, 2012, 08:31:35 pm »
hello sisses... and bro! wow may guytalker na rin dito :)

familiar handles ang nakikita ko ah, some 2011 and 2012 brides from the other thread :).. tagal ko na di nagpost dito.. last time I did, kakastart pa lang ng thread and I wasn't so happy then..

ngayon, on our 11th month, i'd say dami na rin namin napagdaanan, masaya, malungkot.. pero it was all worth it.. wala pa kaming baby, sabi ko nga kay hubby, pag 1 year na tapos wala pa rin magpapa-work up na kami sa fertility experts...

dati kasi sobrang insistent ko na magbaby na, to the point na nappressure ko na siya, o naiinis na siya sa kkadrama ko.. eventually I learned I need to understand him din.. gusto rin niya magka-anak but hindi naman daw kami nagmamadali..

hubby is an only child, and now may sakit si father-in-law.. hopefully hindi naman terminal.. pero only 22% na lang ng kidneys niya ang functioning and he's up for lifetime dialysis. :( mas nakakapressure, kasi i'm sure my husband would want na mabigyan na asap ng apo ang mga parents niya.. sana nga magka-baby na kami soon..

peenitokss

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #275 on: July 27, 2012, 07:19:56 am »
sis nixxie mag bilas ba tayo?  ;D

almost a month pa lang kaming married ni hubby ko. pinuputakte din kami ng problema sa in-laws dahil sa walang katapusang pagkakautang ng MIL ko.

same tayo sis nixxie, wala din work pareho mga in-laws ko at nakaasa lang sa mga anak. pero kung kumuha ng mga hulugang gamit akala mo may inaasahang source ng income.

sa [textspeak!] ko wala problema, yong MIL ko lang talaga. uutang para ipambayad sa existing utang. tapos icocollateral yong sweldo ng anak. hayz!

princeszheng

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #276 on: July 27, 2012, 09:26:12 am »
jonielle yes still living with them.

Dhee-Dhee parent ni hubby okay lang kahit rumampa ko basta wag lang masyadong late ang uwi and ayaw ko rin naman magpagabi kasi medyo delikado na sakanila madami kasing tambay. Saka basta ang concer lang nila e kung kakain ako dun o hindi hehe, para daw indi na sila magluluto. Kasi nagluluto lang mama nya pag andun ako, pag sila lang daw kasing magasawa kahit veggies lang masaya na sila  :D

carmichael18 oo nga from bride 2012 thread ako hehe. Sana nga maging okay na si father in law mo. And the baby thing, tama wag natin sila ipressure :D pag di mo daw ineexpect saka sya mabubuo, AJA sis. BTW, Uso ngayon sa 2012 bride ang baby after 1 or 2 years, baka gusto mo makisali sis?  ;) Pero lahat naman kami kung dadating na si baby of course happy pa rin syempre.



jonielle

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #277 on: July 27, 2012, 10:45:00 am »
@carmichael

maam sa 2010 groom ako hahaha

@dhee-dhee

bakti maam di kayo bumukod? or dun ka sa side mo?

@princesszheng

kelan nyo maam balak bumukod?

candy_tone

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #278 on: July 27, 2012, 11:37:43 am »
i got married last feb. 2010 madali lang naman ako naka-adjust sa married life kahit na i live with my in-laws super bait talga nila i dont have  any complaints... i feel so blessed to have them as my in-laws

 nagka -baby kami agad i found out im pregnant last March 2010 i gave birth on Nov. 2010. Mas excited pa nga in-laws ko when they found out im pregnant after ko manganak they took care of me for 1 month.At first, di talaga ako marunong magluto  but eventually natuto na rin ako i even go to the market once a week to buy our food. After 1 year ko nagawa yung pagluluto kasi ayaw nila mapagod ako  super alaga kc 1st apo hehe...if i have a craving binibili nila agad  Di naman nila sinabi magluto ako pero i wanted to learn talaga dami ko binili na cookbook & research na recipes i can say  i learned through trial and error so far pasado naman sa panlasa nila. At least wala kami problem kung sakali mag vacation yung cook

Si hubby naman di na siya masyado sweet sa akin he is working and lagi siya pagod i noticed na mainitin lagi ulo niya. Ayaw pa niya sundan si baby lagi niya sinsabi mahirap buhayin anak namin up to now zero sex life namin
« Last Edit: July 27, 2012, 11:49:58 am by candy_tone »

carmichael18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #279 on: July 27, 2012, 11:54:56 am »
jonielle - yes familiar din handle mo.. lurker ako sa 2010 wedding dati eh.. 2011 naman ako.. :)

peenitoks - hala nakakaloka ha! makapag collateral parang kanya lang yung atm? hehe hay naku sis sakit nga yan sa ulo..

sa panahon kasi ngayon nahihirapan tayo bumukod kasi sa mahal ng renta sa bahay, isipin na lang natin na gatas na lang ng anak, or pagkain na lang natin or ipon kesa ibayad sa renta.. hay pero pag ganito ang sitwasyon aabot ka rin talaga sa dulo ng pisi mo..

kami naman andito sa bahay ng family ko.. pero good thing kasi walang tao dito.. kami lang mag-asawa.. aalog-alog nga kami sa bahay na to.. 3 rooms, pero 2 lang kami... kasi may ibang family na papa ko, yung mga kapatid ko may kanya-kanya ng buhay.. ako ang parang caretaker ng bahay ngayon.. kasi ancestral house kaya hindi namin maiwan.. hubby is happy kasi kahit wala siya sa kanila, hindi niya kailangan makisama.. and even if andito mga kapatid ko, hindi pa rin niya need makisama kasi cool silang lahat.. :) even yung bf ng ate ko pag andito samin, ayaw na umuwi, masaya daw kasi.. I think that's the same thing my husband feels.. kahit ngayong may sakit papa niya, pinipilit ko siya na mag stay kami sa kanila kahit 2 weeks kasi naglalambing si dad, pero siya ang ayaw umuwi sa kanila! he likes it here talaga.. hindi kasi siya close sa mom niya kahit only child siya.. pag umuuwi kami dun nagtatalo lang sila lage ni MIL..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close