Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73970 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #220 on: April 16, 2012, 10:48:43 pm »
sis paperless, POV lang po.. sana ni-back up-an ka ni hubby. naranasan ko rin yan noon. yung youngest sister ni hubby humiram sa akin ng pera. dumating ang 14th month at lahat pero hindi ako nabayaran, inuna pang mag shopping.  >:( nakakainis yung ang dali dali nilang mangutang pero pag bayaran na, hindi mo alam kung nagkukunwaring nakalimutan o tinatamad na magbayad. awa ng diyos nabayaran naman ako pero pautay-utay.  ::) mag bf/gf palang kami noon ni hubby saka ayaw ipasabi ng kapatid nya na umuutang siya hindi lang sa akin kundi pati sa mama ko. ang tindi diba. if i were you sis, hingi ka ng back-up kay hubby. ang hirap hirap kumita ng pera eh..

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #221 on: April 17, 2012, 08:24:15 am »
Ang hirap :( sobra. Nahirapan ako. 1st, after getting married 1 week pa lang he left na to work sa Dubai. Eh ayaw ko talaga ng long distance relationships pero wala naman na kong nagawa and he knows in the first place kahit nung bf ko pa lang sya na disagree ako sa plan nya. then after 2 years nagresign sya tas dito na sya nagwork. Now he will be dealing with Luzon Sales which requires him to travel na naman around Luzon :( Okay sana if he's finding ways to have my trust with him back, eh hinde. Nagsisinungaling pa, ayaw umamin. I don't know kung normal pa nga ko magalit ngayon that I always tend to hurt him physically :,( dati di naman ako ganyan, nag umpisa lang yan nung iniwan ako dito sa pinas then he came back ganyan na ko.

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #222 on: April 17, 2012, 11:07:43 am »
Sis Dhee-Dhee, badtrip narin ako kay hubby eh. Sana nga pwedeng magpakatotoo na lang eh kasi feeling ko pinaglololoko na lang ako ng husband ko. In fact, how many times ko na ba nasabi sa kaniya na I need my money na pero halata naman kapag may pera sila, si hubby pa mismo nagdadahilan. Wala na akong tiwala sa husband ko. Lagi na lang iniintindi niya sarili niya and original family niya. Alam mo yung feeling ng ginugulangan ka lang? Iyan exactly ang nararamdaman ko. The other day, iniopen niya about sa youngest brother ko kasi special child siya. Para bang gusto niya matiyak na hindi sa amin mapupunta ang brother ko in case mawala ang parents ko. Nawawalan na talaga ako ng amor sa kaniya. Napaka-unfair talaga.

sis sk8rboyswife, ako sis super haba ng pasensiya ko as in tahimik ako, pero kapag napuno talaga ako walang sali-salita, nambabato talaga ako ng tabo  ;D kaya iniiwasan ko talaga kapag sobrang inis na ako walkout na talaga. ganun na lang sis gawin mo para may time ka pa makapag-isip. mahirap kasi yung pisikalan na. baka mamaya niyan sa sobrang galit mo masaktan mo talaga siya ng hindi biro. control mo parin sarili mo sis.

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #223 on: April 17, 2012, 11:21:02 am »
sis sk8rboyswife, ako sis super haba ng pasensiya ko as in tahimik ako, pero kapag napuno talaga ako walang sali-salita, nambabato talaga ako ng tabo  ;D kaya iniiwasan ko talaga kapag sobrang inis na ako walkout na talaga. ganun na lang sis gawin mo para may time ka pa makapag-isip. mahirap kasi yung pisikalan na. baka mamaya niyan sa sobrang galit mo masaktan mo talaga siya ng hindi biro. control mo parin sarili mo sis.

thanks sis. as much as possible, control talaga ko sa burst of emotions. like kagabi nabato ko phone nya sa kanya. I decided na nga lang to sleep sa room ng sister ko para palipasin temper ko. kaso hinahanap naman ako ng anak ko. problema kasi sa kanya wala syang ginagawa or inaaksyunan kapag nagagalit ako. iba na talaga pag nagsasama na mag asawa. nung mag bf kami, wala namang ganito.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #224 on: April 17, 2012, 12:29:02 pm »
@sis paperless: si MIL ko din may utang samen na 40k, maya't maya ko kulit si hubby na babayadan ba yun? kaloka, lagi naman ako natatahimik pag sinasabi ni hubby kelangan mo na ba? e di pa naman, gusto ko lang ma assure na mabayadan. :P hahaha! ang hirap pag may pautang sa pamilya. di talaga biro. pero sana man lang unti unti bayadan, example bayadan ng 1k man lang. sa kakaganun, mauubos din ang utang.

lyca28

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #225 on: April 17, 2012, 01:09:47 pm »
^sis wag ka nang mag expect na maibabalik pa yun.Kasi baka pagsimulan pa yan ng away..Iba tlg pag ang nangutang eh kamag anak..Sa amin ni hubby walang mga question pag may utang ang pamilya pero limited lang ang pinapautang namin kasi syempre hirap ng buhay ngayon. Wag mo ng lang kulitin ang hubby mo sis kc di sya sasagot at  di nya yun matatanong sa mother nya...
« Last Edit: April 17, 2012, 02:13:09 pm by lyca28 »

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #226 on: April 17, 2012, 01:15:32 pm »
^sis, mag eexpect ako. haha! alam ni hubby ang ugali ko, pag sinabing utang, utang. pag sinabing bigay, bigay. hehe. 40k din yun, mangulit na lang ako ulit after some time. pero sisiguraduhin kong mababayadan ako. pero yun nga possibleng pag simulan ng away pero nangako saken si hubby, kaya ako pumayag sa 40k na yan dahil sinabi nyang babayadan yun. pag hindi, alam nya na!

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #227 on: April 17, 2012, 01:56:02 pm »
parang umiinit ang ulo ko isipin ko pa lang na hindi nila ako babayaran. i really think na dapat nila ibalik ang money ko kasi iyon na nga lang ginamit nila sa pagtravel last year ang sinisingil ko kahit kalimutan na yung iba. and hindi ko sila kamag-anak. ibang tao ako di ba?  ;D

happyfemme

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #228 on: April 17, 2012, 03:24:02 pm »
True! Don't expect na mababayaran ang utang kapag kamag anak ang umuutang... sad... but true... it happened to my hubby. Mabait kasi si hubby, tutulong kung makakatulong. Ang malungkot kasi eh maraming umaabuso sa kabaitan niya. As a wife mahirap kumontra, ayoko naman maging kontrabida.

@sis paperless - kakaiba mga inlaws mo, parang sinusubukan ang pasensya mo sis. Alam mo yung parang "nananadya?", parang ganun ang feeling ko. Tinitignan nila kung hanggang saan ka pwede.

@sis sk8rboyswife - kahit na matagal kayo naging bf/gf ng hubby mo may mga bagay parang na madidiscover mo palang kapag mag-asawa na kayo. Kahit ako na matagal na rin kami ni hubby pero may nadidiscover pa rin ako sa kanya na something new, and i think ganun din ang napapansin niya sa akin.

Ako nga sad din kasi gusto ko na masundan ang bulinggit ko. Ayaw pa ni hubby, dahil gusto daw niya is ready kami ulit financially para sa second baby namin. Kung tutuusin eh may point naman talaga siya.

Kaso on my part eh 36 yrs old na ako, how fit am i going to be to have a second child? Ok pa ba magka baby ng 38-39 years of age? Ayoko naman i-pressure si hubby na sundan ang baby namin dahil baka pag nagkababy naman kami at mahirapan siya mag support sa amin financially eh baka ako ang sisihin. In fairness naman sa kanya, alam ko naman na gusto pa niya kami magkababy. Kaso not that soon. Pero can my body wait that long?

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #229 on: April 17, 2012, 04:49:20 pm »
@happyfemme - tama sis.. and wala na talaga ako kaamor amor. nakikisama na lang. pati sa husband ko nawawalan ako ng gana kasi tingin ko sa kaniya, kalaban. lately, lagi na ako nag-iisip ng strategy if paano ko maavoid na di niya na ulit ako mauutakan. kakainis lang kasi, kung makaasta sila kala mo mga walang utang. kakain sa labas, libo. bibili lang ng bread, 800 na. parang nakakasama ng loob makita na yung may utang sa iyo ganun lang kaluwag gumastos tapos ikaw na pinagkakautangan eh nagtitipid ng sobra.

Okay lang yata sis kahit 36 ka na kasi pangsecond child mo na. Alam kong delikado is kapag first child. Pero di ba si regine v eh nasa 40s na and first child niya iyon?

@yaskulet buti ka pa sis, may tapang ka maningil  ;D ako asar talo lang lagi, di pa man ako nagstart magsalita, pinapangunahan na ako na walang money na maibabalik sa akin.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #230 on: April 17, 2012, 06:43:13 pm »
^sis, matapang talaga ako maningil kasi si hubby sinisingil ko hindi naman si MIL. Hahaha! Actually, ako mismo nag sabi ke hubby na di palalabasin na samen yung pera. Yun condition ko sa kanya para bayadan kami ni MIL. Sabi ko, papayag ako magpahiram sa isang condition: take it or leave it. Sabi ni hubby ano yun? Di mo sasabihin na saten ang pera, sabihin mo sa mami mo nangutang ako sa bestfriend ko para mapaluwagan sila. O ha, di ba yan ang strategy! :D

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #231 on: April 18, 2012, 09:30:51 am »
ayos yun sis sayang di ko pa naisip yan before basta nagpahiram lang ako and naglabas ng pera pero ngayon hindi na kasi nadala na talaga ako. and ang maganda sa inyo ni hubby mo, napagkakatiwalaan mo siya. samen kasi, kapag kausap ko si hubby okay siya, pero kapag kausap na niya mama niya umaamin na. so useless din. kaya ngayon, kapag umiisip ako ng strategy, una ko target si hubby  ;D ang pangit nga eh kaya lang parang hindi mag asawa kaya lang sobra na kasi.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #232 on: April 18, 2012, 10:49:38 am »
@paperless: sis si hubby bunso nyang kapatid special child din, pero di severe. parang autism or may speech defect lang. sinabi din saken ni hubby dati yan, na sino alaga sa sister nya if the time comes. di naman pabigat yung sister nya, in fact normal naman isip nya di lang siya maintindihan sa words since parang may speech defect nga. pero nag loload nga yun sa tindahan nila, nag tittinda, nag sasaing and all. hehe. so in case dumating yung time na need namen siya kunin, okay lang saken. pero i doubt kasi feeling ko si older brother ni hubby ang kukuha doon.

@dheedhee: sis congrats! sabi ko sayo e! :) wag ka mag alala, if ma stress ka man sa work laging may option na mag resign (haha, resign agad eh!) pero for now, i set mo isip mo sa goal mo na magkabahay. ipon big time and increase your emergency funds! :D go kaya mo yan, ako nga resigning na din pasa ako end of this week! kuha lang ako timing! :D ako naman ang mag SAHW pero business on the side! :)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #233 on: April 18, 2012, 11:05:37 am »
@Dhee-Dhee wow sis congrats! paburger ka naman  ;D am happy for you mas okay talaga iyan kaysa magstay sa bahay and mastress sa inlaws natin.

Sumama talaga loob ko noong inopen niya topic about my brother. Nagulat lang ako kasi brother ko naman is hindi talaga alagain. Naaasikaso niya ang sarili niya and nakakatulong pa nga sa bahay. Tama ka sis, naisip ko nga sana lahat ng ginastos ko for them sana eh dinagdag ko na lang sa savings ng dalawang kapatid ko. Mabuti pa nga yung brother ko kahit ganon siya, kapag binigyan mo ng 100 eh ibabalik pa sa iyo ang 80 kasi 20 lang naman daw ang nagagastos niya sa buong week. And andiyan naman yung isang brother ko na eversince siya talaga ang nakabantay sa bunso namin. Ah, and hubby din pala nag open ng topic na mag open ng account para sa anak niya and na possible daw ba na mailagay ang anak niya sa mga benificiaries ko? Napa-wow na lang ako. Grabe ha kapang kapa kong kakapalan ng mukha niya. Hindi pa ba enough na ako lahat ang gumagastos? Kung mabait sana sila sa akin baka ako pang mag alok pero hindi naman eh. Nek nek nila

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #234 on: April 18, 2012, 11:16:16 am »
@yaskulet ganun din brother ko sis as in normal siya sa lahat, medyo isip bata lang kasi nababy masyado yung tipong kahit 18 na siya eh parang 13 lang pero kung sa pagiging responsible, talagang aral iyon. Nakakabasa and nag-aaral din. And marunong mag appreciate. Kapag binigyan mo ng book, kahit gaano kakapal iyan babasahin niya talaga. Iyon nga lang magprepare ka sa dami ng questions parang tipikal na bata matanong. Pero sa tone kasi ni hubby kala mo naman baldado yung kapatid ko nakakasama ng loob. Saka may sariling savings naman yung dalawa kong kapatid. I don't know, feeling ko baka may kinalaman na naman si MIL baka akala ko eh itutuntong ko sa palasyo nila yung mga kapatid ko.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #235 on: April 18, 2012, 11:45:38 am »
^sis dheedhee: impulsive move ginawa ko! :D lumapit ako sa boss ko and sinabi ko I am resigning!!! :D hahahaha!! pasa ako formal letter on Fri or Monday. Sabi nya kasi pag isipan ko muna mabuti :) pero i think my decision is final. if di ko pa to gawin while wala pa kami baby, baka di na ako maging businesswoman ever kasi mahirap mag take ng risk pag may baby na. tiis mode talaga ang gagawin. hahaha! so exciteddd and scared at the same time!

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #236 on: April 18, 2012, 12:21:31 pm »
@Dhee-Dhee uu nga sis baka maoffend naman si hubby mo kapag sinabi mo iyon although totoo naman hehe. minsan nga sis, kinakabahan ako baka bigla na lang ako sakalin hehe ewan ko ba parang praning na ata ako bakit kasi ganun pati SSS ko tinatanong.

By the way sis, may nabasa akong housing fair discounted daw plan ko talaga umattend. Kunin ko details later.

@yaskulet bilib na talaga ako sa tapang mo sis. ako din gusto ko na magresign kaya lang worried ako na di ako makahanap ng iba.


yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #237 on: April 18, 2012, 01:15:12 pm »
^paperless: naku sis, forte ko na ata ang mag resign! hahahaha! nasa qatar nga ako dati, umuwi ako eh. nakahanap naman ako agad work dito sa Pinas. :) Ngayon naman, resign mode lang ako kasi alam ko naman dami pa work dyan pero for now mag business muna ako. :) We have to do this, karirin ko din ang pag apply sa virtual assistant! :D hahaha! sabi nga mami ko kanina, wag ka na malungkot sa pag resign dyan sa work mo, wala naman naidadagdag sa savings mo di pa comfortable tumira dyan. umuwi ka na dito pero wag kang tamad, maglaba ka ng damit nyo at tambak daw ang mga damit kong labahin sa bahay (di kasi ako laba kasi this week sunday lang off ko, ipinahinga ko na) yayy excited ako and scared sis! pero i have to do this! :D

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #238 on: April 18, 2012, 01:20:20 pm »
@dheedhee: naku sis, kabado nga ako and excited! yung friend ko 2 years ago, kinasal siya and na pregnant after 4 months. tagal nya sa company nya, naka line up pa siya for promotion. nagresign din te, at nag housewife! nung feb lang siya nag ka work ulit after 1 year and 9 months I think. Nabuhay naman sila, partida may baby pa yun ha! :D hehe! so sabi nya go for it, taga Laguna din kasi siya. Sabi nya yan ang simula, and afterwards hindi na mahirap :) Pag pray ko lagi ang blessings ni hubby na dumami para mabuhay kami while start up kami sa business.

May tindahan na kami - established na tong tindahan na to since turn over to ni MIL samen more than 25years na silang tindahan doon ang may suki na, isang tricyle - for boundary purposes - planning to add 1 more before the year ends, online ni hubby - with his new lappy mas dami clients na pede ma cater, mag tayo ako ihawan sa may tindahan namen sa gabi and merienda sa hapon since tabi to ng school and nasa bayan talaga and mag events coordination kami ni friend. plus mag tayo din ako invitation shop for hubby and so on and so forth. So excited! Hahaha, dami ko pala gagawin! Can't wait to resign!
« Last Edit: April 18, 2012, 01:22:44 pm by yaskulet »

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #239 on: April 18, 2012, 02:14:37 pm »
@yaskulet - dami mong palang plans sis, the other week may hinihirit sa akin si hubby kasi may binebentang tricycle kumpleto na daw pati line etc kaso di ko inintindi kasi ayan na naman, labas ako ng pera pero pagdating sa kita, etchepwera. parang nainspire ako sa iyo sis, dami ko din gusto gawin pero di ko magawa sa ngayon. wish you all the best sis, sana maging smooth lahat ng plans mo. balato kapag naging millionaire ka na ha  ;D

@Dhee-Dhee - April 19-20 yung housing fair sis sa LTO office, East Ave, Q.C. Pero I ask yung kasama ko here, before daw meron na rin tulad nito pero magulo yata kaya parang nagdalawang isip narin ako. Pero if payagan ako ng boss, gusto ko parin pumunta. Tingnan ko lang din tutal iba naman yung organizer.
« Last Edit: April 19, 2012, 10:35:59 am by Paperless »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close