Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 74061 times)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #160 on: April 02, 2012, 09:11:33 am »
@Dhee-Dhee same here sis, sobrang sisi ko kasi noong single pa ako and mas okay ang salary hindi ako bumili ng sarili kong house, nagrent lang ako for over 6 years. ngayon i so want na talaga ng sariling bahay.
« Last Edit: April 11, 2012, 09:38:46 am by Paperless »

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #161 on: April 03, 2012, 10:16:40 am »
pwedeng sa weather din sis kasi pansin ko ang dami na naman sinisipon dito sa office...

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #162 on: April 03, 2012, 11:06:07 am »
ako din sinispon, may ubo pa  :'(

naiinis nga ako sa mga kaofficemate ko eh! kesyo bawal daw ako magkasakit kasi buntis? eh mas sakitin nga ang buntis diba? kainis!!!

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #163 on: April 03, 2012, 11:18:09 am »
wow buntis ka sis... kainggit naman... ilang months na? oo sis kasi nga di ba hindi ka makakainom ng gamot kapag nagkasakit ka. nagworry lang sila for you. minsan nga mas excited pa.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #164 on: April 03, 2012, 11:50:23 am »
15weeks sis! 3months going on 4 months.. kaso si hubby nasa dagat na at nagwwork, nag-iwan lang sya ng pabaon bago hehe..
puro ko tubig at orange.. haayyy..

lagi ko nandito, nagbabasa lang ako minsan kasi hinde ako makapost pag panget ang location ng station ko dito sa office, baka mahuli ako.. hehe..

alam nyo ba, dati sabi ko pag nag-asawa ako eh magreresign na ko sa work, eh kaso naku, kahit OFW si hubby eh parang hinde kakayanin na sya lang ang may work..

life after getting married.. naku minsan naiisip ko, ready na ba ako maging mommy? kaya ko ba maging mommy, wife at the same time nagwwork ako?! so many questions..


Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #165 on: April 03, 2012, 12:03:38 pm »
baby boy or girl sis? malayo pala si hubby mo, you still live with your parents? kasi paano kapag manganganak ka na hehe na excite naman ako. if you still want to continue na magwork, siguro kuha ka na lang sis ng yaya/maid para hindi sobrang hirap. of course mahirap pero kaya iyan sis. do it with love para hindi ganon kabigat. ano nga ba yung quote from mother teresa -- Wash the plate not because it's dirty nor because you're told to wash it, but because you love the person who'll use it next.   ;D

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #166 on: April 03, 2012, 12:56:11 pm »
nagbukod kami ni hubby after wedding pero yung bahay ng parents ko, inlaws at bahay namin, nasa iisang village lang hehe.. actually, apartment ng parents ko yung tinitirahan namin ni hubby, under renovation nga lang for finishing pagalis ni hubby..kaya ayun bumalik ako sa parents ko.. pero everyweekend nandun ako sa bahay namin para maglinis at magayos, dami pa kalat from the wedding eh.. hinde pa naayos yung mga hinde magagamit na gifts..

hinde ko pa alam gender sis eh.. dont know yet kung kelan pwede malaman..

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #167 on: April 03, 2012, 01:20:17 pm »
between 18 and 26 months daw pwede na malaman pero meron daw newer ultrasound technology as early as 12 or 13 weeks pwede na madetermine ang gender ni baby  :) ... after 3 weeks sis inform mo kami if boy or girl ha.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #168 on: April 03, 2012, 01:24:01 pm »
sure  ;D

AltaVida

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #169 on: April 03, 2012, 01:41:09 pm »
hello ladies!

namiss ko na magpost.. muted kasi yung unang account ko for 3 weeks now, kaya last week I decided na gumawa na lang ng bago...

backread muna ako.. para makasabay sa kwento...

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #170 on: April 03, 2012, 01:48:42 pm »
Hi Sisses! Feeling ko ang tagal ko nawala. :) Hehe! Nakaleave kasi ako yesterday and busy ako kaya di na ako nakapag visit sa GT. Btw, gustong gusto ko na din mag resign, nakakainggit talaga yung mga sisses dito na stay at home wife na. Minsan ang gulo gulo ko na din mag isip, like gusto ko mag housewife na lang and mamuhay ng simple. Tas minsan, umaandar insecurities ko, cousin ko was just promoted since she stayed with her current company for 6 years na. Kwento ko kagabi ke hubby nag kamali ba ako na umalis ako sa company ko before and nagpunta Qatar para makasama siya? Kasi before okay na okay position ko doon eh, for promotion na din ako. Pero sabi ni hubby, I should be thankful kasi di ako nag iisa at kasama ko naman siya, and kung ano mang tagumpay nya tagumpay ko din. And madami din ako accomplishments di ko lang daw siguro nakikita or na rerealize. And then yesterday din, nagfile ako application for civil service exam for May. Pag uwi ko si MIL ko turn over na samen ni hubby yung bakery nila and mini grocery kami na daw mag manage kasi di na nya kayang i manage since 2 ang tindahan nila. So si hubby kinukulit ako mag resign na daw ako kasi i manage nalang daw tindahan nila, mag business daw ako on the side since okay naman income nya online. Tapos sa office di ko na talaga nagugustuhan ang changes na nangyayari na iinis na talaga ako sa office plus yung shift ko pa di pang may asawa (12nn-9pm).

Ano kaya gagawin ko sisses? Nalilito na ako, ayaw ko naman maging impulsive. Hayyy... Mag 1 year pa lang ako sa July. Hayy.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #171 on: April 03, 2012, 02:32:43 pm »
paperless: oo sis, baka sa weather nga itong sipon ko. pero napansin ko kasi na nagstart sya pag gising ko nung morning. kasi yung MIL ko, nagbida-bidahan nanaman, nilabhan yung blanket, bedsheet and pillow cases namin. eh masyadong maamoy, sensitive kasi ako sa ganun, sinisipon ako kaagad. ayun, pag gising sa umaga, sinisipon na ako. lumala pa dahil ang init kahapon nung pag uwi ko galing sa lakad namin ni hubby.

serendipity: sabagay sis, masama nga raw magkasakit pag preggy kasi may effect daw yung mga gamot na iniinom. ok yan, natural vitamin c ang tini-take mo para walang harmful chemicals. buti malapit lang house nyo sa parents mo. kahit nasa abroad si hubby, may nakakasama ka pa rin. :) same here sis, marami rin akong tanong lalo na nung kinasal ako. hindi ko nga expected na magagawa naming bayaran lahat ng suppliers during our wedding pero we did kaya alam ko na sa mga susunod pang challenges, kaya namin. sabi nga ng isang friend ko, "i'll just cross the bridge when i get there" ;D

yaskulet: hi sis! namiss kita.. hehe! ganyan talaga minsan, maiisip mo pa rin yung opportunities na lumalampas. medyo mahirap ibalance ang pagiging full time wife and employee at the same time. ika nga nila, kanya kanyang swerte yan. stick ka lang sa kung ano talaga magpapasaya sayo. wow, may another opportunity ka  pala sis. why don't you try na imanage yung business ni MIL mo.. that way makakapag stay at home ka na rin. medyo hindi nga maganda ang shift mo sis, i agree na hindi pang may asawa yan. :) it's still up to you kung anong pipiliin mo. or kung kaya naman ng time nyo na pagsabayin, why not? :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #172 on: April 03, 2012, 03:03:19 pm »
^sis amishoo too! feeling ko ang tagal ko nawala sa circulation. :P oo sis, turn over na daw samen kaya si hubby kinukulit ako. pag iisipan ko pa mabuti natatakot kasi ako magrisk. pero sis pag dito kami sa manila, wala din ako maipon sa salary ko kasi nag rerent kami bahay, di kami makaluto ng totoo, inconvenient ang sched ko etc. pag umuwi na ako sa laguna, may business naman na maliit pero walang regular income pero tipid walang rent, pede kami luto and maliit lang consumo namen sa kuryente and tubig (ngayon kasi nag babayad din ako bills sa laguna eh so doble gastos). pero natatakot pa din ako kasi may maintenance gamot si daddy ko and nag babayad ako cc. hayyy ano kayang gagawin ko. pero yun nga, gusto ko sana mamaximize ang bahay namen doon. pero at the same time, parang yung ego ko ang mas may problema bat di ko ma give up corporate world pero wala naman ako balak maging empleyado habang buhay. hayyy so torn.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #173 on: April 03, 2012, 03:05:24 pm »
ako talaga mga sis, pangarap ko maging housewife..
i remember when i signed a slumbook way back high school yata, yun ang nilagay kong ambition.. to be a housewife of my highschool crush which happened to be my husband as well.. funny noh? ang babaw ko!

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #174 on: April 03, 2012, 07:17:52 pm »
^wow! highschool crush mo pala si hubby.. ang cute naman ng story nyo. :)

^^oo nga sis, medyo matagal ka lang siguro hindi nakapag post. o baka lagi lang kasi akong nandito sa bahay at walang ibang ginagawa kundi tumutok sa laptop ko buong araw.  ;D sabagay, mas marami nga ang gastos nyo pag dito kayo sa manila. pero parang pareho lang na may pros and cons. i-weigh mo muna mabuti sis kasi medyo mahirap mag decide lalo na kung involved ang pag give up ng work. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #175 on: April 03, 2012, 09:42:14 pm »
^true sis, ang hirap! pero naisip ko, wala din naman ako balak mag pa promote dito sa office ko now kasi ang gusto ko lang eh stress-free work! hahaha! kanina nga nasabon kami ng teammate ko, pinagalitan kami sa harap ng iba nameng officemates (parang bata lang). naisip ko tuloy ang offer ny MIL ko, itake ko na kaya yun at least kami ang boss ni hubby. hehe! hayy, ang hirap pag iisapan ko to ng bongga bukas gang easter sunday! :D sana di na ako ma torn kasi super litong lito na ako.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #176 on: April 04, 2012, 08:23:54 am »
^agree! ang hirap igive up ng work nowadays.. dati pag OFW asawa, automatic, housewife ang misis, pero sa panahon ngayon hinde uubra..

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #177 on: April 04, 2012, 11:13:37 am »
Mga sis, OT po ito. Pagpasensyahan nyo na at nalulungkot talaga ako. My lola passed aways early this morning. She's battling with cancer for few months now. She was diagnosed a few weeks before our wedding. Now, wala na sya. Please pray for her reposed soul. Thank you mga sis.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #178 on: April 04, 2012, 11:45:47 am »
^condolence sis. *hugs*

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #179 on: April 04, 2012, 12:02:46 pm »
I'll pray for your lola, sis blueflame. :(

yaskulet: oo sis, think it over muna. alam mo naman tayong mga married na, importante rin yung may work-life balance. isa yan sa reason kung bakit ako umalis ng work ko. kaso nga lang, nasobrahan naman ata ako dahil puro life nalang ako ngayon, haha.

serendipity: korek sis! yung dad ko nasa abroad pero minsan kinakapos pa rin sila mama kaya parati pa rin ako nakasuporta. yun nga lang, ang thinking ng ibang tao, pag nasa abroad maraming pera. kaya naman pag umuuwi sya dito, hala ang daming kamag anak na nag aabang maambunan ng grasya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close