Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 74032 times)

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #140 on: March 27, 2012, 09:33:14 am »
Haaay, tgal ko na di nakadalaw sa thread na 'to... Dami na nangyari sa inyo mga sis at dami nadin na-share... hehe, nagbackread tuloy ako... [textspeak!] pala yung SAHW? Sensya na po ha, di ako familiar dun weh...

Saka update ko lang po kau, regarding sa paglalaba, may washing machine na kami... YEHEEEEY!!! Cheers mga sister!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #141 on: March 27, 2012, 12:08:20 pm »
^sis congrats sa new washing machine mo! :) nga pala sis, sorry super busy ako these past few days di ako maka online sa YM :D

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #142 on: March 27, 2012, 01:10:15 pm »
hehe... Salamat... Sis yaskulet, ano na balita?

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #143 on: March 27, 2012, 04:13:28 pm »
^congrats sa new washing machine mo sis! ako hesitant parin bumili until now, you know naman  ;D

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #144 on: March 27, 2012, 04:23:04 pm »
^^sis, sorry super busy ko! gusto ko na nga mag resign at mag focus na lang sa future business!

happyfemme

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #145 on: March 28, 2012, 11:38:31 am »
Hugs for you sis!

What if before mag resign si hubby eh may malilipatan na siyang work? Mahirap kasi kapag mag reresign ka tapos wala ka pang malilipatan na work.

Huwag mo muna isipin ang mga sasabihin ng family mo or ng family niya, kasi nakakadagdag sa pressure ng hubby mo. Make sure na nandiyan ka to support whatever his decisions are but at the same time laydown mo ang PROS and CONS kapag nagresign siya sa work.

What do you think sis ang factor kung bakit gusto niya mag resign? Eh mismong senior nga niya eh hindi rin masolve ang issue, dapat nga ang mga seniors niya ang lalo mapressure.

@sis yaskulet - good luck sa future business mo!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #146 on: March 28, 2012, 12:25:33 pm »
^thanks sis nag iipon pa kami ng lakas ng loob ng business partner ko and yung part-time business din namen ni @sisbegoy sana mag push thru na this year! :) yung business ko sa province, unti unti na nameng conceptualize and all, pero di kami maka focus i think need ko na magresign kasi for as long as may work ako, di ako ma oobliga to do the necessary. procrastination lang ang drama ko! :))

@sisdheedhee- sis, madali lang naman maka hanap work lalo sa profession nyo so if like na nya magresign, hayaan mo na muna sis pero make sure na may emergency fund kayo na magagamet while job hunting. If wala, then tiis muna si hubs mo and apply online. Apply lang ng apply. Ang hirap talaga minsan mag work, ako nga like ko na din mag resign pero dahil sa mga payables namen, di ko magawa. Kaya din naman ng income ni hubs pero pag ganun ginawa ko, wala kami savings. Kaya for now, tiis ganda muna ako sa company namen. Wag ka na masad sis, i support mo siya and all kasi feeling ko yan need nya to boost his self esteem. Wag mo isipin ang iisipin ng parents mo, they would understand. :)

Kami nga ni hubs, on our way to work, nag uusap kami ano daw kaya iniisip ng parents ko sa kanya. Stay at home siya and di naman naiintindihan ng parents ko kung ano ginagawa nya online. So baka iniisip daw nila tambay lang siya at maghapon mag damag na siya nag computer. Sabi ko deadma lang ikaw, wala naman sila sinasabi and muka namang di kami nagugutom so kebs lang sila. :)


yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #147 on: March 28, 2012, 04:48:19 pm »
^sis, oo tiis muna. same tayo wala akong ambag sa savings namen kasi yung income ko ang pang gastos namen lahat. tas nag papaaral pa ako and nag bibigay support sa maintenance na meds ng daddy. pero sis, naisip ko walang tigil ang gastos. nonstop for as long as nabubuhay tayo kaya wag ka lang din mag worry sa ngayon kasi in time pag maluwag na kayo makaka save din kayo ng bongga. kami nga recuperating pa sa naging gastos from last year - wedding and bahay - and until now di pa kami adjusted. nakakaloka lang pero tiis lang tayo. after some time maging okay na din situation naten! :) try mo din sis na ipahanap ng online job si hubby mo kasi mas bongga salary doon eh. si hubs almost a year ng freelancer and home based ang work. dami na din nya na generate na income basta spend every peso wisely, kasi di ba di naman standard ang kita in a month so need talaga mag save for the rainy days. :)

m_lim

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #148 on: March 28, 2012, 07:05:21 pm »
before getting married, we were bf/gf for 7years. madaming naging problema. masakit. but i am glad nangyari yan before we got married.

kasi, from that experience, nalaman ko hanggang saan ko lang kaya. same with him, mas nakilala niya ang sarili niya.

from there, nilatag ko na lahat ng baraha ko. kahit hindi pa kami engaged. paunti unti. here are some:

--i will not cook for you everyday. kung kelan ko lang gusto. reason ko kasi, hindi ako sanay sa bahay namin gumawa ng ganyan. so i will not pretend na kaya ko magluto araw araw once may asawa na.

--willing ako kumayod for our family. kaya i expect equal rights. hindi porke babae ako, oo lang ako ng oo sa gusto mo, NO. reason ko eh hindi mo ako pinapalamon kaya dapat equal tayo.

--i want 2kids. max.

--i want a small but well maintained house. kasi gusto ko yung pinaka luho namin is travel. not luxury car or big house. my reason is, yung memories exploring the world together eh priceless yan.


madami pa actually pero so far so good naman.

i guess dapat talaga pag mag bf/gf palang, pinag uusapan niyo na yan paunti unti hindi yung nagpakasal kayo tapos doon niyo palang pag uusapan para both kayo alam niyo ang eexpect niyo both sides.

iba iba kasi tayo ng preference and maximum tolerance. :D


yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #149 on: March 28, 2012, 08:08:37 pm »
^naku sis, yung bahay namen sa tabi ng bahay ng parents ko (medyo malawak kasi lupa nila and ako eldest and daddy's girl ako, 9 years gap ko sa sister ko and by the time na mag work na sila or explore the world, yun yung time na may babies na ako so gusto ko katabi lang nila ako since wala babantay sa kanila). pero yun nga maliit lang yun parang condo type inabot kami ng 300k :( oo sis, gawin mong motivation ang pag iipon para sa bahay iba pa din fulfillment pag may sarili. re: homebased job, sis di siya odesk or elance. May clients siya na ginagawan nya graphic designs. medyo malaki din kinita nya doon sis inggit nya ako eh kasi laki kita nya, tas hawak pa nya oras nya.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #150 on: March 28, 2012, 11:24:34 pm »
sis dhee-dhee : computer courses din kami ni hubby but we both weren't fated to be programmers tulad ninyo ni hubby mo hehe. my hubby quit his job too but it was a mutual decision. Last working day nya kahapon hehe. nung napag-uusapan pa lang like when he always complains about his job, siguro mga 1year din na ganun lagi yung tone ng usapan. Hindi na sya happy alam ko and hindi rin talaga maganda ang patakbo ng company nila (i.e. 6days a week working days, 11 hours a day, unpaid OT's, delayed salaries). in other words, overworked yet underpaid.

Medyo na-sad din ako kasi syempre, takot akong umabot sa point na mabanas ako na ako lang kumakayod for us, although pareho rin naman kami walang luho. But he kept saying "sana suportahan mo ako with my decision" and "Hindi ako magiging pabigat, I'll find work immediately" and I've always known him as very resourceful at madiskarte na tao so I didn't budge. I said "Okay, kung anuman po ang magiging desisyon mo, nandito lang ako to support you."  I trust God and him with all my heart na he will find ways to do his responsibility.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #151 on: March 29, 2012, 06:46:31 pm »
^oo sis sana maka pundar din ako for my children in the future. ay naku sis, malupit talaga si hubby ko sa designing (proud wife lang). dami nya clients sis, and ang laptop na gamet nya, netbook lang! wahahahaha!!!! o diba, ayaw nya pang bumili kasi nagagamet pa daw naman, kaya lang sa sobrang dami nyang clients di na nya ma cater kasi di na keri ng not so powerful nyang netbook, di kasi kaya ng lappy nya mag multi-task and best in hang. kaya eto sis, napa order na ako sa seller ng laptop na dell today (huhu, gastos sis nasa 50k ang presyo ng malupet na laptop). 2 weeks before namen makuha ang laptop nya. sabi ko dapat maibalik nya ROI nya in 1 month!

kuliglig^^

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #152 on: March 29, 2012, 08:20:54 pm »
We were together for almost 5 years before getting married --- bigla kasing nagkababy. Pero we were planning to get married na rin, kaso nag-iipon pa kami when I got pregnant.

Hmmm. All I can say is, sa una lang ang honeymoon stage. There will always be problems about adjusting to different habits, beliefs and practices, finances, in-laws and such --- pero if both partners are willing to work it out, ookay din naman.

That's just me though. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #153 on: March 29, 2012, 08:32:28 pm »
^^sis, yung binili namen kasi 6g, 500M RAM ba yun, i5 nga lang sis (kasi 70k pag i7) tas integrated intel hd 3000, etc etc. yan kasi inadvise sa kanya para super bilis ng pc nya. ay sis, nag rerent pa din kami sa manila dito kasi work ko, sana lang makauwi na ako sa laguna para ma maximize ko bahay namen doon. wala lang kasi work opportunities for me doon and di pa push thru business namen kaya nag titiis pa ako dito sa manila. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #154 on: March 30, 2012, 12:21:51 pm »
^haha, sorry naman sis di ako marunong sa mga specs, parang ganun nga basta 6g and may 500 di ko alam para san yun. re: bahay, simulan mo na mag ipon! :) para makabili ka na ng bahay, feasible yan! before akala ko sa panaginip lang lahat - dati kala ko nung nauso yung ipod nano nung college ako, di ako makakabili ever pero nagawa ko naman, dati parang di abot kaya ang pag work abroad nagawa ko din, mag pagawa ng bahay and mag pakasal nagawa din namen. So walang impossible basta gusto mo and decided ka na matupad.

^^sis kausapin mo si hubby mo about sa mga dapat di nya ishare sa magulang nya, pero minsan may mga ganun talaga (like me sa super close ko sa family ko, and upbringing namen is to be vocal, minsan na sheshare ko sa kanila kaya guilty ako). pero i-lelesses ko na para maging fair naman ako kay hubby. as for the money, yung ninang namen sa kasal ang advice samen better if combined ang pera kasi pag combined daw mas may direction kayo sa goals nyo financially. kami combined din, kahit nung mag BF kasi kami savings namen combined na din eh kasi we are planning before for the wedding and bahay.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #155 on: March 31, 2012, 01:02:30 pm »
^^hehe! oo nga sis eh, pag iipunan ko na talaga yung bahay, may inaantay lang akong application. wow, nakapag work ka na rin pala abroad.. nakakainspire ka naman sis. sana nga matupad din lahat ng plans namin. goodluck sa atin sis! aja! :)

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #156 on: March 31, 2012, 10:04:59 pm »
re: combining incomes, gusto ko yan, we do that too pero parang nasa kanya ang advantage kasi I earn more hehe. although ok lang yun, sabi ko nga sa kanya, I may be well-off in that aspect, but he is waaaay well-off in other aspects, faith, for instance, and I value that more. ;) advantage naman sa akin, he's better at finance management kaya ang non-sense pagwawaldas ko nung dalaga pa, may pinapatunguhan na hehe. 2 months from now, we will buy our FIRST conjugal property - lupa. eto talaga ang gusto nyang investment, ako naman, gold.  ang babae talaga, ano? :)


mommy_lani

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #157 on: March 31, 2012, 11:41:38 pm »
hi just joining...
i am married fot 2 years, pero until now hindi parin kami nagsasama ni hubby sa 1 bahay...
hes work is in clark and dito naman ako sa manila...hindi naman nya ko inobligate na magresign
kaya tuloy ang work. So weekend lang kami nagkakasama or kapag may mga holidays.
We have 9 months baby boy, so mas lalong naging mahirap para samin yung situation kasi
syempre as daddy,namimiss nya lagi yung baby namin...i know it is hard for him kasi nga magkahiwalay kami.

Well plano namin ngayon at the the end of this year magreresign ako para uuwi na kami dun. Medyo mahirap para sakin na igive-up yung career ko pero di ko rin naman pwede pabayaan ganun situation namin na magkahiwalay kami.
Dun kami titira sa bahay nila since wala naman kami sariling bahay, malaki naman yung bahay nila at yung parents sya nasa states so walang Parents in Law. The only thing is kasama namin sa compound yung mga kapatid nya. Bunso si hubby so sanay syang meron lahat,alaga ng MIL ko.
Problema kasi sa mga kapatid nya at yung mga asawa nila, mahilig silang mag siraan...minsan nga kapag nandun ako kinukwentuhan ako nung 1 tungkol sa asawa nung 1 pero kapag magkakaharap na kami super close sila. Plastic kung baga... Tuloy takot ako tumira sa kanila kasi ako yung tipo na hindi nanahimik basta,hmmmppp kung may problema ako sa family nya sinasabi ko agad sa hubby ko.
Baka kasi sa sobrang plastic nila baka pati ako pag-usapan na nila kapag nakatalikod ako tapos kapag kaharap nila ko close closan din sakin..kakaasar yung ganun diba?

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #158 on: April 01, 2012, 09:09:27 am »
hello mga sis! present ulit ako dahil cancelled ang honeymoon due to bad weather this past few days. pero look at it now... umaaraw na. hay! kaloka ang panahon! di mo maintindihan kung summer or tag-ulan. we'll move it to sometime april. sana matuloy na kami by then.

makikihabol ako sa mga kwento. mukhang dami kong na-miss dito. hehe!

Dhee-Dhee- how are you na sis? hindi naman ako dventurous sis, minsan kasi kelangan din tayo maka-experience ng mga nakaka-lurkey na stunts sa buhay. basta ayoko ng may tubig kasi di ako marunong lumangoy. speaking of bungee, si hubby prepared ng tumalon sa macau tower before, naka-gear na sya and all. nasa deck na rin sya so tatalon na lang talaga sya. kaso lumakas ang hangin, di sya natuloy. laging weather ang kalaban namin sa mga trips namin. wala naman magawa abt it. about work sis, wala pa akong lilipatan. di muna ko mag-full time job ng april, okay naman kay hubby. may part-time ako for now, i just started a WC business with other former brides. sa may pa wedding namin so medyo petiks pa rin. as much as i want to become a SAHW, hindi pa namin kakayanin ni hubby, kelangan mag-ipon lalo na ngayon na wala pang baby. pinaghahandaan talaga namin. sis, can you tell me more about your online job? may odesk ako kaso di ko na nabibisita. got an interview for a job pero di ko rin na-entertain pa kasi may work ako nun. yun time ng interview ko is may shift ako. nag-msg na ko ulit sa employer hoping na open pa yung post. re husband resignation - hay naku sis! ako hindi ko sinabi sa amin na nagresign na si hubby. actually kaming 2 lang ang nakaka-alam. hindi ko alam kung matutuwa ako what kasi gusto nya ng more time for us, pero naman kasi! ang hirap i-explain! but that's what he wants eh. i can see that he's driven so confident ako sa gagawin nyang diskarte.

mrsdee - late man ang pagbati pero welcome sa thread sis! lapit na rin ang 2 months sis. you will get to enjoy the bitter-sweet role of a wife. TTC here too! goodluck sa baby making nyo pag magkasama na kayo ni hubby! re IL's baligtad ang sa amin sis, sila ang overseas and i never met them personally. puro skype at over the phone lang ang conversations. okay naman sila so far, spoiled ako sa mga padala nila kasi laging may something for me.  ;D

yaskulet - galing naman ni hubby mo sis! si hubby din gusto maging SAHH so he resigned from he's work too! ganda di ba?! so pareho kaming jobless ngayon. goodluck! he's more into sales eh. hopefully maging okay naman ang pagkuha nya ng clients. he wanted me to train sa company nila pero hindi talaga type. congrats sa business mo sis!

begoy18 - huwaw! congratulations sa bagong washing machine sis! less pasakit na yan sa household chores!

m_lim - i super agree with you sis! travel ang isa sa mga hiningi ko kay hubby. as much as possible we'll travel at least thrice a year to different places. he's the type of person na stay at home lang pag weekend. i have no problem with that but staying at home is nakakainip na minsan.

paramore11 - hi sis! same here! we've been living together for almost 3 years before we got married last january. we had our joint account when we started planning our wedding. but i eventually closed my own savings account since di na gumagalaw pera ko dun at napupunta sa joint namin lahat ng ipon ko. hubby encourages me to open my own SA so i did. di naman nya ako nirequire na maglagay sa joint namin. pag may extra lang daw ako since his earnings go to our joint immediately. i suggest sis you and hubby sit down and talk about finances as early as now. kasi mahirap at pangit pagsimulan ng away ang pera. pwede nyong gawing percentage ng kita nyo ang ilagay sa savings like 20% sa savings nyo, 10% sa individual savings nyo, the rest panggastos nyo na. kahit paunti-unti, at least masimulan nyo habang maaga. IMO kasi mas fair if you will set percentage kesa sa fixed amount for you and hubby might have different income range.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #159 on: April 02, 2012, 02:06:47 am »
@blueflame: thanks for the welcome, sis! ewan ko ba bakit ngayon lang ako napadpad sa GT, parang I missed half of my life tuloy. welcome back din pala! hehe. two months from now, kakaririn ko na rin ang pagiging TTC. jobless na rin si hubby, I'm also happy-somewhat-sad (meron bang ganun?) pero I guess for now, I have to be the supportive wife that he expects me to be.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close