Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73994 times)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #60 on: March 13, 2012, 02:44:26 pm »
@paperless: hello sis! tama may point naman si ale. pero tingin ko point of view rin ng isang MIL, tama ba? tama!

 ;D tama sis, naisip ko nga din iyan kanina... actually, siya talaga tinanong ko kasi gusto ko makita at maliwanagan if ano ang nararamdaman ng MIL ko ngayon, or baka nga naman mali talaga ako... tama ka din sis, ang understanding ko din, kapag nag-asawa ka, parang mahirap na sabihin na hindi kayo magkaano-ano ng inlaws mo. Ang hirap talaga sis, di ko alam if kailan ako magkakalakas ng loob na kausapin si MIL. Gusto ko gawin kasi ang bigat talaga sa dibdib pero parang di ko pa kaya now...

whitelady17

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #61 on: March 13, 2012, 02:54:42 pm »
sis, si hubby mo lang ang makakatulong sa iyo eh, kaya huwag mo itago sa kaniya ang mga sama ng loob / tampo mo sa inlaws mo. Lahat ng nakaksakit sa iyo, i open-up mo sa kaniya. Parents niya iyun eh for sure alam niya paano sasabihin sa kanila. Kung ako, I will not settle for pasensya, nauubos iyan.Sorry kung matanda nga, paano kung walang pinagkatandaan? Pumapatol nga ako sa mga batang wala pang 10 years old eh, kapag mali talaga ginagawa nila, at kaya kong panindigan ang mga pagpatol ko sa mga oldies pa ba? (ako lang iyan, ganyan ang personality ko eh) Kung hindi mo kayang sabihin ng harap-harapan, try mo idaan sa letter sis?

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #62 on: March 13, 2012, 03:05:17 pm »
@whitelady17 nagawa ko na sis, i emailed my father in law and explained to him, pero siempre in a nice way, like hindi ko naman sinabi na pinariringgan ako ng SIL ko and nasaktan ako, basta ang sabi ko, sobrang nanibago ako sa schedule and nahirapan mag adjust. And I was hoping na my husband would be there to support me... pero since hirap din siya at the moment, ayoko siya ipressure. So lahat ng problems, sinarili ko lang lahat. Na siguro kaya wala na akong energy pag uwi ko to mingle with them. But sabi ng father in law ko ako parin daw ang sinisisi niya kaya nga ultimo kaning lamig sa akin sinisi...
« Last Edit: April 11, 2012, 10:27:50 am by Paperless »

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #63 on: March 13, 2012, 03:28:00 pm »
@paperless: sis in a way na enlighten ako sa words of wisdom ni ale. :D may point siya. hehe, yan din lagi sinasabi ng mom ko saken regarding sa inlaws ko. mahalin ko daw sila. buti nalang maswerte hubby ko sa mga magulang at kapatid ko.

pero tama sis yung ale, magpakita ka pa din ng mabuti despite their attitude towards you. from there marerealize nila mabaet ka talaga and baka magbago sila ng pakitungo sayo, and your husband will love you more, thus he will protect you from them. unlike if i reresist mo sila, baka si hubby mo mainis na din kasi baliktarin man naten ang mundo, magulang at pamilya nya yun (reminds me of my dad, minsan mas naniniwala pa siya sa pamilya nya kesa sameng anak at asawa nya). kill them with your kindness, it works sis.


Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #64 on: March 13, 2012, 03:45:01 pm »
kill them with your kindness, it works sis.

So dapat pala sis, napatay ko na sila noon pa??? ;D joke lang... I really intend naman na unti unti lumapit kay MIL. Pero siguro, I need time pa. Kahit a week or two. Ang iniiwasan ko kasi is kapag inapproach ko mataas ang boses agad. Baka masaling ang mitsa ko, at sumabog. Palipasin ko muna. Kasi from what I noticed this weekend, sa tono ng voice ni MIL while talking to his husband via messenger, galit siya talaga.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #65 on: March 13, 2012, 05:42:32 pm »
^take your time sis, and yun nga try harder. :)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #66 on: March 14, 2012, 09:26:57 am »
thank you sa lahat mga sisses... i appreciate lahat ng mga comments and inputs ninyo...  :) sobrang big help ninyo talaga sa akin...

thank you so much!!!

carmichael18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #67 on: March 14, 2012, 10:40:26 am »
hello mga wifeys!

grabe ang haba ng backread ko ha, wala naman ako naintindihan.. haha! so sorry...

about doing the laundry - may tita ako na naglalaba para sa amin, libre lang kasi dito sila nakatira sa amin ng libre din, kaya paglalaba na lang daw niya kami kasi hindi naman sila nagbabayad ng renta.. pero yung undies ni hubby ako naglalaba! ang sakit sa kamay ng garter ng brief!!! nagsusugat din yung kamay ko.. :( eh goodluck naman sa size ng hubby ko hindi ko nasasabihin kayo na bahala magcompute haha!! basta 220 lbs ang asawa ko at 5'11 ang height.. haha! so parang yung undies niya, damit ko na.. hahaha!! ang salbahe ko...

about naman sa katamaran - naku pag sinumpong kami ni hubby lalo na pag dami ko gagwin, hindi man lang ako mkapag walis.. hehe.. pero pag sinipag naman ako, ayun na! si hubby tamad na talaga, kahit yung tipong malapit lang sa kanya, iuutos niya pa... goodluck naman yung kwarto namin nasa 2nd floor ng bahay... tapos may may nakalimutan siya, ako ang akyat baba! kapagod.. hehe mga 15-17 steps pa naman yung hagdan namin..

hindi talaga mawawala ang challenges sa married life, eto meron na namang bago.. nasasaktan ako kasi kahapon umiiyak si hubby kasi sobra na yung ginagawang pulitika sa kanya sa opisina... hindi siya makapag resign dahil gusto daw niya may maipakain sa akin... kahit sobrang naapakan na yung pride niya sa office ayaw niya magresign.. it was about a promotion na matagal na niyang hinihintay.. ilang beses ng post sa office ng open position, nageexam at interview siya, pero hindi siya nakukuha.. nakakainis lang ang nppromote yung mga close sa manager na wala naman kwenta at puro absent pa!!! recently, nag pa-mohawk na gupit si hubby - ang astig! tapos sabi nung isa niyang officemate, may opening na naman daw for promotion. Na kung gusto niya maging lead, look like one daw. Napamura ako kasi sa call center napakaraming may tattoo pero nappromote naman, kaya sabi ko wag silang magbigay ng bu77sh!t excuses nila para hindi ka ipromote.. siya na lang ang pioneer na hindi pa nappromote...

ang palagay ko kasi ayaw nila kay hubby - kasi opinionadong tao.. hindi siya yung tipong OO lang ng OO sa management. Napunta na rin ako sa management ng call center dati i know ayaw nila ng kontrabida sa mga plano nila... hindi ako manager but an acting sup ng isang department who are working closely with the operations managers. As in they would tell us na hanapan ng paraan na matanggal tong isang agent na ito kasi epal... para mahanapan nila ng butas at paalisin...

sobrang hurt na siya, nag-stay siya for almost 2 years yung unang inapplyan niyang promotion was a year ago and everytime he tries, nililipat sya sa ibang account.. and ngayon, eto na naman nag-apply siya for lead, hindi sinabi sa kanya yung result, pero nilipat na naman siya sa ibang account. siya lang sa team nila ang nilipat at ittrain na naman daw... hay.. naawa na ako sa asawa ko..  :'(

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #68 on: March 14, 2012, 10:54:59 am »
ang hirap naman ng situation ni hubby mo sis... ang hirap ng ganyan kasi bukod sa pagod ka na sa work, hindi ka pa happy sa mga kasama mo araw araw nakakasama mo ng mahabang oras... buti na lang supportive ka kay hubby sis, make sure na maramdaman niya na lagi ka niyang kakampi all the way. and huwag siya mawalan ng hope. who knows, baka this time, okay ang manager nila. hindi naman siguro sila pare-pareho lahat.

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #69 on: March 14, 2012, 12:33:04 pm »
Mga sis, idagdag ko lang... Hindi lang naman sa mga call centers yang palakasan at pulitika na yan... Kahit sa ibang private company ganyan din... At sa plagay ko, almost lahat ng company ganyan... Haaay, nakakasad dito sa pilipinas...  :(

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #70 on: March 14, 2012, 12:44:46 pm »
^true. sa lahat ganyan. nakakaiinggit naman sisses na nag resign. ano ang naging motivation nyo to resign? and ano ginagawa nyo sa bahay?

carmichael18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #71 on: March 14, 2012, 03:38:08 pm »
oo kahit yata saan may pulitika.. nakakainis lang kasi nababale wala ang efforts ng iba dahil sa mga sipsip!

dhee-dhee - yes mukhang yun na nga.. dun din ako galing BPO din ako dun.. pero nagresign ako feb 2011. nakakainis nga, nung pagkatender ko ng resignation, saka lumabas yung ratings ko.. so hindi ko na nakuha yung bonus ko.. SAPG pa naman yung rating ko...

sabi ko sa kanya, I admire him for not resorting to kissing his boss' ass... kaya kahit mahirap magsimula ulit, mas okay na yun kesa naman everyday parang pinipilit mo na lang sarili mo pumasok...

ako sis, 10 days before my wedding, I resigned from work - actually end of contract ako... hindi na ako nagpa-regular.. pano ba naman nagfile ako ng leave ng 1 day before ng wedding siyempre at 1 day pa after ng weekend para sa honeymoon.. sabi ng boss kong koreano na hindi raw pwedeng dalawa... mamili lang daw ako ng isa.. pag hindi ako pumasok sa parehong araw - I will be deducted 2x dun sa isang araw - abnoy lang di ba!

buti na lang yung business namin ng ibang GT sisses na events/ wedding planning eh nagboom.. kaya since then hindi pa ulit ako nagwork.. and thank God hindi nauubusan ng nagpapakasal... we got more blessings than what we expected... ngayon halos di na ako magkanda-ugaga sa inquiries at client meetings.. para din akong may work.. madalas late pa nakakauwi sa bahay... hindi ko na napapagluto ng hapunan asawa ko... pero okay lang sabi nga niya naiintindihan niya dahil business ito... saka isa pa, si hubby ang nag-encourage sa akin na karirin ang events.. kasi dati lage lang ako libre sa mga kasal ng friends at friends ng friends.. hehe.. natutuwa rin siya sa outcome ng business and he's very proud of me.. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #72 on: March 14, 2012, 04:15:53 pm »
@sis carmichael: sis! ako kaya yung nag PM sayo dati na bet ko mag join sanyo diba! good to hear okay ang business. :)

@dhee-dhee: sis naku ako din working sa eastwood now, sa callcenter/bpo din ako pero recruitment. so kamusta naman, gabi na din ako umuuwi. di nga normal set-up ng buhay namen, si hubby stay at home, siya asikaso saken pag uwi. hehe! kaloka. sana matulad na ako sanyo, or kung wala lang sana maintenance sa gamot si daddy ko, schooling ng kapatid ko and cc bills to pay, naku SAHW din ako. so inggit sanyo!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #73 on: March 14, 2012, 05:30:27 pm »
^sis if mag SAHW magkasama na kami ni hubby. SAHH siya eh! Work from home siya, buti pa siya nasa bahay lang pero malaki kita. Walang tax and very convenient ng set-up nya, yun lang di mapredict ang pasok ng pera. Kaya worried din ako, if mag SAHW ako, ma stress lang din ako kasi yung income nya maging pang gastos namen, unlike now na yung income ko ang daily expenses namen, and income nya automatic savings. So need namen ng business or mag hanap din ako dapat ng online job. I'm thinking of that option as well, pero di pa namen keri kasi ang payables namen gang dec 2012 pa. Gusto ko kasi magampanan din ang wifey duties and tumira sa bahay namen for good. Renting kasi kami dito sa Manila ng apartment and may kasama kami other housemates.

FrogPrincess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #74 on: March 14, 2012, 06:21:04 pm »
ang bilis naman humaba ng thread na to, ngayon ko lang nabasa. :D

Another new wifey here. Married for exactly 2 months today.

May question lang ako mga sis. For those housewives out there, did you ever feel that you lost your pride and self-worth at any point?   

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #75 on: March 15, 2012, 10:44:48 am »
sobra.. and paulit-ulit... i came to a point na feeling ko sobrang abused na ako... and na tama na ito... kaya lang kapag inisip mo naman na two months pa lang kayo, parang it's too early na mag give up... and they say na talagang itong early stage ng relationship, napakahirap talaga... kaya lang naisip ko, kung sa amin lang ni hubby, okay kami eh, may problems pero kayang ayusin, nagiging complicated at mahirap lang kapag sumali ang inlaws.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #76 on: March 15, 2012, 10:56:41 am »
^ in my humble point of view, usually naman kasi ok tayo sa mga hubby naten diba? usually yung mga tao sa paligid like barkada, dota, inlaws, work and other out of the relationship stuff dun nagkakaron ng problema na nakakaapekto sa dalawang mag-asawa..

please correct me if im wrong ;)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #77 on: March 15, 2012, 12:12:09 pm »
@serendipity02

tama ka sis...

@amethyst028

hehe sis... kapag sadyang loko-loko, kahit nasa work pa or nasa house lang, may pera o wala, magloloko at magloloko parin...

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #78 on: March 15, 2012, 12:25:31 pm »
@amethyst028: I think sis, depende sa priorties nyo yan eh. Like some sisses here, nag housewife kasi gusto nila makabuo ng baby, yung iba nag business, etc. Ako reason ko, I have been working here sa Manila, we have a house in the province pinagawa namen before we got married pero here we are, nag titiis sa init ng Maynila. So I am thinking of being a housewife/businesswoman para naman I have more time for my husband and makapag create na kami ng family of our own. Ma experience ko sana ang buhay na misis na - mag silbi sa asawa, magluto, maglaba, mag alaga ng anak etc.

May iba din namang babae na mas gusto nila na mag work para makatulong sa husbands nila pagdating sa expenses, and I respect that kasi mahirap talaga ang buhay ngayon. Pero sis, case to case basis kasi yan, its a choice for every wife. For me, being a housewife is the best luxury. Why? In the first place, pag option mo maging housewife (and not because wala kang makitang work or wala kayong pambayad sa yaya to take care of your child), ibig sabihin capable si hubby mo na buhayin ka and yung mga anak mo. You can do other important things than working sa office for more than 9 hours. Well its just me, for me kasi being a housewife is not equivalent to being losyang or doing all those household chores. Housewife na tipong pag gusto ko mamasyal sa mall, I can do that and shop till I drop, travel with hubby and cook delish dishes (and baking as well), have my own business etc. So medyo higher level ang definition for a housewife that's why I am still working kasi we can't afford that set-up yet. :D Kaya nga I am trying my best now to save and save and invest para my husband and I can afford that soon! :) *positive thinking mode*

 

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #79 on: March 15, 2012, 12:34:34 pm »
same here sis, hoping na dumating ang time na afford ko na magresign sa work ko and makapagfocus sa pagiging housewife and magawa ko din yung other things na gustong gusto ko... sa ngayon kasi ubos ng energy ko sa work pa lang...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close