Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73799 times)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #40 on: March 12, 2012, 05:31:52 pm »
^sis! oo nga, ikaw yung napag tanungan ko before! ako din until now wala pang albums! :) wala pa ngang video eh nung december pa yung wedding ko, nakakaloka sabi ko sa kanila baka makalimutan ko na ang kasal ko! :)) hahaha! and until now, di pa din ako napili ng pictures aasikasuhin ko na nga yun this month. hehe. may baby na kayo sis?

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #41 on: March 12, 2012, 05:39:11 pm »
Thanks sa mga payo sis... Hehhehe.. Galing kasi kami SM Bicutan last friday, eh ala masyado mapagpilian na washing machine. Baka dis coming wikend makatingin sa megamall para madami choices... hehe... 4 weeks na din ako naglalaba sa kamay... Huhuhhu,,,

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #42 on: March 12, 2012, 05:46:58 pm »
^ay sis, bumili kana ng washing mahirap mag laba sa kamay. hehe, pag laba sa kamay sis si hubby ko nag lalaba taga banlaw lang ako at taga sampay. pero pag washing ako sa laba and banlaw si hubby taga sampay. or kausapin mo si hubby mo sis, patulong ka sa paglalaba.

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #43 on: March 12, 2012, 05:59:40 pm »
Tinutulungan nya naman ako, pero one time pa lang...
Kasi kapag saturday may pasok sya ng half day...
So ako naiiwan sa bahay, sabi ni husband hintayin ko daw sya paguwi para tulong kami maglaba, eh mga 2pm na sya dating. [textspeak!] naman gawin ko sa bahay mula 7am to 2pm db?
Kaya ayun, pagdating nya hauz, eh tapos na ko maglaba... Haaayyayayay...
Ngayon ko na-aapreciate ng sobra ang mga housewife...

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #44 on: March 12, 2012, 06:07:50 pm »
^sabagay sis, kesa mag antay might as well eh labhan na sayang din pati sikat ng araw. tiis tiis lang sis, magkaka washing machine ka na! :)

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #45 on: March 12, 2012, 06:19:35 pm »
Hehheheee... Go washing machine!!! Magiging amin ka din... hehe... Parang adik lang...

super bratinella

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #46 on: March 12, 2012, 09:08:10 pm »
My life after marriage, sobrang ok compared sa single life, kasi pag single ka you tend to be so afraid kung makakahanap ka ng partner mo, madaming doubts at parang may hinahanap ako pero hindi mo alam kung ano. (just for me) feeling of being incomplete.

When I was already married parang I am more at peace mas ok sa akin nasa bahay at with my family..parang nahanap ko na ang hinahanap ko, ito pala yun my own family.

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #47 on: March 13, 2012, 08:20:43 am »
Wow! Congrats sayo sis bratty! Cheers!

sarsingkit

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #48 on: March 13, 2012, 11:24:42 am »
i'm fine with doing the laundry pero my washing machine naman ako na i bought nung single pa ako. si hubby ang taga luto. actually, the chore is easy to manage naman eh. since ive been living by myself nung single pa ako, mahirap yung adjustment sa decision making. since i use to do everything for myself, pati decisions wala naman akong kailangan iconsult. if i want to do something, or buy something or travel somewhere, go agad basta may pera. pero ngayon kailangan magpaalam muna kay hubby lalo na sa pera kasi super mahigpit sa pera si hubby. pero ok na rin at least makakasave kami ng malaki.

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #49 on: March 13, 2012, 11:37:14 am »
Hehheheee... Go washing machine!!! Magiging amin ka din... hehe... Parang adik lang...

i thought of buying one din sis, my father in law said before na if may money daw kami buy kami ng washing machine then he will send us money, hehe press release na naman, kahit hirap maglaba hesitant ako bumili now kasi bukod sa ako na ang bumili, ako pa nagbayad ng kuryente at tubig (pero hindi lang naman ako at si hubby ang gagamit) hehe ang damot ko pala..
« Last Edit: April 11, 2012, 10:24:38 am by Paperless »

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #50 on: March 13, 2012, 12:01:38 pm »
masarap na mahirap na parang nagbahay bahayan lang kami ni hubby, nagbukod kasi kami kaya medyo mahirap kasi wala kami kasambahay, nabuntis ako 1 month after the wedding so si hubby ang lahat ng gumagawa ng chore kasi sya ang naiwan sa bahay, paguwi ko maghahain na sya nakaluto na, minsan nakapaglaba pa, take note, wala kaming washing machine!!
hinde rin kami naglive in before so talagang first time namin magsama sa iisang bubong..
may times pa na pag-off ko, tambak yung hugasan kasi nagddvd marathon kami tapos nagpadeliver lang ng food for lunch/dinner.. hahaha!

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #51 on: March 13, 2012, 12:26:38 pm »
Hahhahaa... Sis paperless d ka naman madamot, masinop lang sa gamit... hehe... Sis taga saan ka?

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #52 on: March 13, 2012, 12:35:27 pm »
^hello sis! 2011 bride ka rin diba? :) ang lucky mo sis, napreggy ka kaagad. kami trying to conceive pa rin. august last year ang wedding ko.

@yaskulet: haha, kami sis november ko na ata naisend yung pics na gusto ko ipalagay sa album. pero kinulit ko kasi sila dun sa raw pics nung wedding/photobooth kaya mga last week ng august nakuha na namin yun kasi gusto na namin makita talaga and maupload sa FB, hehe.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #53 on: March 13, 2012, 12:46:56 pm »
@ sis dhee-dhee -- nov 26 wedding ko last year sis, nung hinde ako nabuntis nung december naiyak ako kasi sobra pressure samin ni hubby nung reunion nila nung pasko.. kainis! Thank God and Padre Pio for giving us this blessing.. nasa overseas na ulit si hubby, ipon naman kami pangbinyag.. after binyag, 1st bday.. 3 important occassions in a row :)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #54 on: March 13, 2012, 01:40:59 pm »
parang masisira ko ang magandang usapan kapag nagpost ako  ;D sorry sisses... gusto ko lang malaman if anong tingin ninyo dito:

I talked to the ale na naglalako ng kung ano ano dito sa office. I was about to reply sa PM ni sis Dhee-Dhee when the lady arrived. I sat beside her and asked her if may mga asawa narin ba ang mga anak niya. Yung isa daw ikakasal pa lang. Ask ko din if iyong anak niya, lalaki or babae and saan sila titira after the wedding. Sabi niya lalaki at doon sa kanila titira. Then I told her my problem. Na until now, my MIL and I ay hindi nagkikibuan.

Mabilis lang ang sagot niya.

She told me na dapat daw talaga, dumadaan ako doon sa house ng inlaws ko pagdating ko galing office (kahit pa pagod ako or may gagawin pa ako or kahit may sama talaga ako ng loob), sakripisyo daw talaga. Huwag ko daw pairalin ang pride kasi for sure hindi daw magsosorry ang inlaws ko sa akin. Ang mangyayari daw, parang sugat daw na lalalim ng lalalim at kapag malala na mahirap ng galawin. May point naman siya doon.

I also told her about what my MIL did and his husband told me. Sabi ng ale, normal daw iyon. Kasi bukod sa sila ang may ari ng bahay, hindi daw talaga ako kaano-kaano. In fact, kami daw ni hubby ay hindi magkaano-ano. Nagpakasal daw kami because of LOVE. So dapat daw ngayon, LOVE daw ang pairalin ko at huwag pride. Huwag ko daw isipin ang masasakit na ginawa at sinabi sa akin kasi iyon ang magtutulak sa akin na lalong palakihin ang gap between us. Dapat daw akong magpakumbaba.

I told her na kapag ganoon ang ginawa ko, how would they know na may mali sila and kailangan nila magbago? Kasi ang lalabas, ako ang mali dahil ako ang nagpakumbaba. Sabi niya, if ipagpapatuloy ko na magpakita ng love sa kanila sa kabila ng hindi magagandang sinabi nila, sila na din ang makakarealize na mali sila sa mga sinabi nila.

I think may point siya pero parang ang hirap naman gawin... ano sa tingin ninyo mga sisses?
« Last Edit: April 11, 2012, 10:25:14 am by Paperless »

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #55 on: March 13, 2012, 01:48:21 pm »
I told her na kapag ganoon ang ginawa ko, how would they know na may mali sila and kailangan nila magbago?

Sa age ng mga in laws mo I think incapable of changing their ways na ang mga yan. Kasi sa age nila, ang mga people around them na ang nagaadapt sa kanila, not the other way around. Given that they are older, they will most likely be *wiser.* 

The best way is really, ikaw na lang talaga magpakumbaba. If they still haven't changed their ways, then sila na talaga ang may problema. Ang mahalaga, ikaw, sa sarili mo, alam mong you did good. You can sleep well at night. Malinis ang iyong konsensiya. Ako ayaw ko talagang may hindi kasundo na matanda kasi I feel bad about myself. Kahit ano pa sabihin ko at kahit pa tama ako, I can never really win against older people. Sa kanila kampi ang mundo. That's just the way it is.

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #56 on: March 13, 2012, 01:53:27 pm »
naku pag may ganyan ay naalala ko ang sabi ni father sa seminar..
si eba at adan ang masweteng tao sa mundo dahil wala silang inlaws..hehe!
whenever i have some feedback to my inlwas and when i tell it to my mom, sabi ng mom ko saken, mahalin mo ang inlaws mo dahil kung wala sila, wala si hubby sayo..

sis paperless, yaan mo na humility is now the best policy :)
« Last Edit: March 13, 2012, 01:57:36 pm by serendipity02 »

sarsingkit

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #57 on: March 13, 2012, 02:05:02 pm »
^natawa ako sa eba at adan. hehe

my hubby is just abroad now with his family. as soon as i got my visa approve, ill be flying na to be with him and to be with them. i always tell my husband na what ill be doing is a great sacrifice on my part kasi i have a stable job here, i have my own apartment na ako lang mag-isa (walang nangingialam), if ever i need help my dad and sister and the relatives eh mga taga bulacan lang. my long time friends are all here in manila. pagdating ko na canada, lahat start from scratch, wala akong family, wala akong friends. syempre hubby would always pacify me saying na he is my family and family ko na daw sina mama ganyan, etc. although boto naman sakin yung parents nya and relatives pero mahirap pa rin na may kasama na akong hindi ko naman kaano-ano sa iisang bahay at everyday kaming magkikita. so i just psych my self na ill treat this na parang college na lang. since i was 17 kasi i move from one place to another, i've dealt with different housemates, dealt with my shoes being used without my permission, nawawala yung toothpaste ko, nababawasan yung pringles ko ganyan.

so what im saying is that, siguro lunok na lang lagi ng pride and iwasan makipag away, as im not really confrontational. pag may ginawa kang masama sakin, i wont say a thing pero i wont be close to you anymore. civil na lang ganyan. and yes correct ang isang sis natin an they are older so irespect mo na lang sila kagaya ng sa parents no matter how annoying they are.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #58 on: March 13, 2012, 02:16:00 pm »
@serendipity: I See. gusto ko nga rin sis pumunta sa chapel ni padre pio sa libis. May last year andun na nalipat ang project namin, hanggang sa mag resign ako nung january, hindi man lang ako nakapunta doon. gusto ko rin kasi maging devotee nya. wow, 3 occassions in a row. :D

@paperless: hello sis! tama may point naman si ale. pero tingin ko point of view rin ng isang MIL, tama ba? tama! ;D for me, ang OA nung kailangan mong dumaan sa kanila pagdating mo from work. sabihin mo ng sulsulera at maldita ako. ;D oo ok lang sigurong mag-effort kung ok din ang pinapakita nila sayo. eh pano ka gaganahan dumaan dun kung ang pangit naman ng treatment sayo. pagod ka na sa office, mastress ka pa sa mga dadatnan mo. and i think na-try mo na magpakumbaba sa lahat ng ginawa at ni-sacrifice mo for them. I just hope na makita nila yung efforts mo. And sa tingin ko wala ka naman ginagawang mali, kasi nakatahimik ka nga diba. Hindi mo naman sila sinasagot. Pag kinausap ka nila, civil ka naman. Tama siya (yung ale) nung sinabi nyang hindi kayo magkaano-ano ng hubby mo pero nagpakasal kayo. ang point of view ng parents ko naman dito is nadagdagan ng isa ang anak nila, diba mas magandang pakinggan yung ganun? na dapat i-treat ka rin nila na parang anak din nila, kasi asawa ka ng anak nila and you deserve to be treated and respected the same way. kahit magkaron kayo ng misunderstandings, dapat hindi sila nakikisali, dapat sila ang nagli-lead sa inyo. kung ako tatanungin mo sis, hindi pa rin naman huli ang lahat, you can always try to work things out. but you have to know your limits kasi ako rin naniniwala na ang mga gurang, matitigas na ang ulo, feeling nila lagi silang tama kaya wala tayong choice.. andito lang naman kami sis, kaya mo yan! :)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #59 on: March 13, 2012, 02:27:53 pm »
@ishopnowfeelguiltylater

Napansin ko nga din, while I was talking to the lady, yung consideration na akala ko deserving ako, ni anino di ko nakita. No choice pala talaga ako, pero I think kailangan ko ng matinding lakas ng loob to do that. Kasi medyo hurt talaga ako, hindi lang naman issue ng pride ito. Nasaktan talaga ako.

@serendipity02

I really hope na sana nakakausap ko din mother ko about this... I also want to know if anong sasabihin niya kaya lang I also do not want to hurt her especially my father. Thanks sis..

@sarsingkit

Hindi naman talaga ako nakipag away sis, wala namang ganoon na nangyari. Ang nangyari is nasaktan ako and I decided na dumistansiya muna at manahimik. Magpalipas ba ng sama ng loob.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close