Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73761 times)

begoy18

  • Guest
Life - right after getting married...
« on: March 07, 2012, 03:34:22 pm »
Share tayo dito ng mga insights and experiences for newlywed like me... Thanks...

begoy18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #1 on: March 07, 2012, 04:09:51 pm »
Ano ba dapat i-expect sa relationship as husband and wife? Pakiramdam ko kasi di ko alam mga dapat gawin as a wife... Yung role ba natin as girlfriend before is totally different from being a wife?

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #2 on: March 07, 2012, 07:02:10 pm »
Ako same pa din, siguro kasi wala pa kami baby kaya feeling mag BF-GF lang kami. :) Until now ngam surname ko pa din ang gamet ko. Hehe.

cosmochick

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #3 on: March 07, 2012, 10:12:52 pm »
kami din ni hubby, parang bf-gf lang, tapos every weekend lang kami nagkikita because of work, so pag nagkita kami, date date lang.. Ang difference lang is nasa akin na lahat money nya..hehe

fegloria1954

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #4 on: March 08, 2012, 02:41:08 pm »
It is the general "belief" that people are not trained for marriage, since it is not taught in school or even talked about much at home, but this is a mistaken belief.

As children, we learned from what we saw.  And among the things we saw was how our parents related to each other, how they behaved with each other, how they resolved their issues and concerns, how they punished us, how they addressed issues with us, etc.  We also observed the same things in others - relatives, neighbors, friends, etc. - how they managed their relationships, with each other, and with us.  As we grew into adults we also developed into persons with specific wants and needs, expectations, interests, values and ideals.

The family, the household we lived in as we grew up into adults was the first and foremost "training ground" for us.  The neighborhood, our friendships etc. next.  We become adults and develop attitudes and opinions about relationships; we learned and made theories and some "futuristic" decisions e.g. paglaki ko ganyan din ang gagawin ko, pag ako ang may asawa hindi ko tutularan yun, gaya niya ang gusto kong mapangasawa - in fact at around age 5 or 6 we would have by then declared that we (girl) wanted to marry our dads, or we (boy) wanted to marry our moms, etc.

Then when we marry, the proximity of the other person highlights to us how different we are compared to the one we married, in terms of wants, needs, expectations, interests, values and what we value (our priorities) and ideals.  Things like he likes to sleep with all lights off, you want a pilot light.  He wants all windows open, you want the windows closed.  He does not like to eat vegetables that often, you like your vegetables even at breakfast.  He snores in bed, you bundle up with all the blankets and all the pillows.  He likes the bathroom dry and leaves the toilet seat up, you hang your undies on the shower curtain rod and you want the toilet seat up down, always.  He seems to neglect introducing you to friends and associates that he unintentionally sees in the supermarket, you expect that he should introduce you.  He expects sex every night in the early morning, you don't "feel like it" in the morning but you do want to do it just before you go to sleep.  You want him to tell you of how his day went, he thinks it is like he is reporting to you all that he did while he was not within your line of sight.  And more.

Those differences could even be greater if you come from another region or country, speak another language, are used to specific types of food.  THAT is when we will need to make small decisions each and every day:
- do I adjust or do I stand firm
- do I insist on what I want or do I consider what he/she needs
- is it really practical for me to have that expectation
- can I include my spouse in the pursuit of my interests and how can I do that
- am I willing to reconsider my values such that my spouse is always first in my list - as I promised in my wedding vows
- is it possible that what I think I value is actually just an ideal
etc. etc

No, it is not true that you have not been trained for marriage.  You were.  Since childhood.

All the best,
Mommy Fe
« Last Edit: March 08, 2012, 03:05:16 pm by fegloria1954 »

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #5 on: March 08, 2012, 03:29:45 pm »
Nung nagwowork pa ako, ang hirap nung pag uwi mo mag aasikaso ka pa. As in umiiyak ako nung mga first two weeks kasi narealize ko na ang sarap pala nung uuwi ka from work tapos may ready ng food, kakain at matutulog ka nalang. Hindi naman kasi pwedeng everyday kumain kami ni hubby sa labas. Nung tumagal tagal, nasanay na rin pero lagi akong kulang sa tulog. Sabi ko nga sa SIL ko, mula nag asawa ako, hindi na ako naka kumpleto ng tulog. I resigned from work last January, mas may time mag asikaso ng chores pero nakakainip din sa bahay. Hinahanap ng katawan ko yung pagtatrabaho siguro dahil 19 pa lang ako, nagwowork na ako.

Btw, nakapag ayos na rin ako ng IDs - passport, SSS, etc. kasi may time na. nakapag pa name change na rin sa banks para wala ng problema since yung IDs ko nung dalaga pa ko sinurrender na. Saka para na rin ready ako sakaling maisipan kong bumalik sa corporate world. :)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #6 on: March 08, 2012, 04:16:29 pm »
^ same tayo sis, madalas din ako naiiyak kasi ang hirap talaga ng working tapos ang layo pa ng office ko sa inuuwian 3 hours pauwi pa lang, buti na lang lately naiihatid at sundo ako. But still, pagdating ng bahay wala na akong energy. Mahirap ang life but kaya naman. Nagiging mabigat lang lahat kasi we live with my inlaws. Minsan, instead na matulungan ako ni hubby, they would call him to do this and that. Na-experience ko na halos itaob ko ang batya habang naglalaba ako. pinagbabato ko din sa pader ang empty bottles ng zonrox para marelease ang galit ko. what happened kasi whole day na ako naglalaba, I was calling hubby to help me with something pero nakailang tawag na ako walang lumalapit. Naging masamang tao din ako after ko ikasal like what my father in law said. Akala daw nila mabait ako and nagsisisi daw siya na pinakasal kami. And ayaw daw niya na nag-aaway ang pamilya niya dahil sa ibang tao... at ibang tao daw ako. Hurt talaga ako. Yes, totoo, I was mabait talaga. Pero may reason why I act this way na. I got irritated na kada pupunta ako doon may mga parinig. pagod na nga may ganon pa so mas mabuti na huwag na lang magpakita. Konting consideration lang ang hiningi ko dahil hindi madali ang situation ko. Wala narin ako pahinga kahit weekends. Ang hirap pa, hindi ka basta basta makamove sa house kasi ibang tao ka.
« Last Edit: April 11, 2012, 10:40:35 am by Paperless »

bleucharmz22

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #7 on: March 08, 2012, 04:21:38 pm »
@ mommy fe, thank you for sharing.

@ dhee-dhee, same tayo sis mula nung ikasal kami never pa akong nakakumpleto ng tulog, nakikitira pa rin kasi kami sa parents ni hubby. at first akala ko mga 1-2 months lang kami mag stay dun hanggang sa tumagal tagal na at eto mag-anniversary na kami dun. mabait naman sila at wala akong masabi kasi tinuturing nila akong parang anak na rin. ni hindi nga nila ako pinapahawak ng plato run para hugasan,,,ang ginagawa ko lang pag weekends ay maglinis ng kwarto namin at magwalis walis ng konti. masarap nga ang buhay ko dun pero naisip ko parang may mali. hindi dapat ganoon di ba? dapat nakabukod na kami by this time. dapat bumubuo na kami ng sarili naming pamilya, na dapat ganito dapat ganyan...pakiramdam ko kasi palaboy kami...kapag weekdays sa kanila kami at pag weekends uwi kami sa amin. may plan naman si hubby na bumukod kami kapag nakabawas na siya sa mga utang niya kaya lang medyo naiinip ako. gusto ko na kasing magka-baby kami, medyo di naman na kasi bata at gusto ko na talagang gampanan yung totoong role ng pagiging asawa at soon ay pagiging nanay. 

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #8 on: March 08, 2012, 04:52:01 pm »
^hi sis! 2011 bride ka? if i'm not mistaken, FB friends tayo, hehe! naalala ko kasi astig nung SDE nyo eh. :) anyways, mahirap talaga pag kasama mo sa house ang in-laws, same tayo diyan sis. kami naman, dito lang talaga, as in usapan na before pa kami ikasal na dito kami titira which is malayong malayo sa inimagine kong buhay noon pag nag asawa na ako. ang gusto ko kasi talaga nakabukod kasi iba yung may kasama kayong iba. oo hindi sila iba dahil family sila ng asawa mo pero alam mo yung feeling na minsan parang walang privacy? na parang lahat ng kilos mo makikita, not to mention pag nagkaron ng tampuhan or away, mahahalata nila tapos minsan makikialam pa. yun yung iniiwasan kong mangyari pero minsan nangyari na rin. yun nga lang, wala akong magawa kasi only boy hubby ko tapos last siyang nag asawa sa magkakapatid plus may edad na mom nya kaya no choice, sa kanila kami talaga titira. pero ako, mag iipon ako, bibili ako ng bahay, kahit sa mom ko ipapapangalan tutal mukhang forever na kami dito.  ??? kausapin mo sis si hubby, para alam mo rin yung side nya.. or atleast mabigyan ka rin nya ng particular time kung kelan kayo makakabukod.

@paperless: grabe sis, ang haba naman ng byahe mo. san ka po umuuwi? ako naman nag resign sa work dahil 2 hours papunta, 2 hours pauwi byahe ko lagi. ayaw na ni hubby ko ako mag work kaya eto nakatutok ako lagi sa laptop, hoping to find a decent online job. saka gusto rin namin mag focus na magkaroon ng baby, medyo tumatanda na rin. hubby turned 30 this month, ako naman turning 29 sa August. may step son ka pala, parang ang hirap nyan. magpa laundry ka nalang sis para kahit paano, mabawasan ang gawain mo pag weekends. ako ganun ang ginagawa ko, mura lang naman. every two weeks ako nagpapa laundry and less than 200 lang naman inaabot ng two weeks worth na damit ko. yung damit kasi ni hubby, mom pa rin nya naglalaba, nasanay na ata. sabi ko nga wag na pero makulit kasi saka konti lang naman daw kung magbihis yung anak nya. eh naaawa kasi ako dahil hirap na nga maglakad yun, makulit lang talaga. with regards to your in-laws, bakit ganun ang sinabi nila sayo? pano yun everyday mo sila makikita sis tapos may gap na kayo? inaalagaan mo na nga yung apo nila eh may nasasabi pa sayo. ang hirap hirap kaya nung nag wowork ka tapos may chores pang nag aabang sayo sa house. na try ko rin sis yang naglalaba pag weekends nung may work pa ako, twice ko lang nagawa dahil sumuko talaga ako.

@mommy fe: thank you for the wonderful insight. may i ask po kung may blogs kayo na pwede ko i-follow? marami na rin kasi akong nabasang post mo dito sa GT and they are indeed very inspiring. gusto ko sana magbasa pa para mas marami akong matutunan. thank you! :)

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #9 on: March 09, 2012, 02:55:15 am »
pa-join sisses! i recently got married last january 17th 2012. it was a beautiful wedding and til now di pa ko maka-getover! tee hee!! currently on honeymoon/baby making stage  ;D

sa min ni hubby parang wala naman pagbabago. we lived together for more or less 3 years before we got married. last name ko lang ang nag-change. but since we are busy with work, wala pa kaming oot trip for our honeymoon. this last week of march pa lang, at sana makabuo na kami kasi gusto na talaga namin.

i resigned from work and i'm just now serving my last 2wks. wala pa akong lilipatan na work but i'm happy kasi i started a WC business with 2 other GT sisses. but i'm planning to get a regular paying job kasi hindi naman lagi may events. good thing hubby is very supportive. though i am having difficulty adjusting na maging submissive wife. though hubby naman is super bait, may mga petty things lang na minsan pinapagalitan nya ako dahil hindi ako sumusunod sa kanya.

i'm seeing some of the names here from engagements & wedding thread. it's nice to see again here sisses! lumilipat na tayo ng tambayan! tee hee!!

fegloria1954 - thanks sis for sharing! one of our ninangs shared some books about marriage, we just started reading some of it. being married is really a continuous learning process.

cheers to the newlyweds!  ;)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #10 on: March 09, 2012, 02:59:41 am »
@mommy fe  iyon nga mismo ang nagiging reason bakit kami nagkakaproblem ngayon kasi very different yung parents namin and paano kami pinalaki. the way they talk-- sa standard na kinalakihan ko is offensive talaga. like they would compare themselves sa parents ko. i mean out of the blue, magtatanong sila if my parents ba are like them daw na this and that. and then one time, namisplace ng father in law ko gamit niya. mga 3-4 times niya ako tinanong if baka nasa room daw namin. after ko sabihin na wala nagcomment pa siya na wala na talaga may nagnakaw na talaga non. At nagnakaw talaga yung term na ginamit ha. Naoffend ako that time. Kasi ako lang ang ibang tao doon tapos magsasalita siya ng ganoon. mega hanap sa lahat ng sulok ng bahay tapos yun pala nasa kabilang bahay naman pala yung hinahanap niya.

family ko kasi mga tahimik lang, pag may tampuhan tahimik lang hanggang lumipas tapos okay na ulit. never ko nakita nag away parents ko and never din nagsalita ang father ko ng hindi maganda sa ibang tao lalo na sa amin. ang sakit talaga sa dibdib each time may mga ganoong eksena dito sa bahay. ramdam mo talaga na ibang tao ka.
« Last Edit: April 11, 2012, 10:54:27 am by Paperless »

Periwinkle25

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #11 on: March 09, 2012, 03:19:22 am »
ako naman mga sis, parang walang nagbago kasi ofw ako..so after a month of being together, umalis ako ulit.. yearly naman ang uwi ko pero syempre, iba yung magkasama talaga kami eh.. need ko pa kasing umalis kasi ako ang nagpapaaral sa aking brother.. everyday call or chat session namin.. he wants me to resign na.. pero parang ang hirap i-give up ng career ko.. may ipon naman na akong pangpatuloy sa studies ni brother..kaso, parang kulang yung pangstart namin ni hubby eh..dunno what to do..

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #12 on: March 09, 2012, 03:34:13 am »
@Dhee-Dhee mahirap talaga sis, although may maid kami pero dedicated lang sa inlaws ko and doon nakastay sa kabilang house. Hindi kami kasama sa paglalaba at linis. Pero sis sa akin okay pa iyong maglaba luto linis at alaga ng bata. ang hirap talaga ako makisama. Parang hindi napapahinga ang isip ko at mas napapagod ako. Yung parang dapat iplease mo sila lagi. I tried my very best talaga before na gawin iyon, pero after nung mga incidents na naoffend at nabastos ako, nawalan talaga ako ng amor. Akala ko nga todo na yung mga narinig ko before, mas malala pala yung kaninang morning. hindi ko pa nasabi sa parents ko yung situation ko and tingin ko huwag na lang. pero gusto ko talaga umuwi kanina at umiyak. nalungkot talaga ako sa naging situation ko. kasi kapag kami andun sa bahay ng parents ko talang pinagsisilbihan pa ng mother ko ang mister ko. Di naman ako nag expect na ganoon sila sa akin, pero sana man lang kahit dahan dahan sa pananalita.

« Last Edit: April 11, 2012, 10:57:31 am by Paperless »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #13 on: March 09, 2012, 04:25:06 am »
My husband and I were already living together almost a year before we got married. So when we tied the knot, we really didn't feel any difference except that we are already legally bound to each other.

For us, we have always been partners in making decisions. BUT, I'm guilty pa din of not fully submitting to my husband. My personality is just too dominant. I've been trying to tone down and  nag-compromise na din naman kame on a lot of things.

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #14 on: March 09, 2012, 05:39:45 am »
 Paperless  - hugs for you sis! ang hirap nga ng situation mo. bakit naman sila ganun sa iyo? ang sasakit ng mga sinasabi nila at pinakamasakit nun, ibang tao ang turing nila sa iyo kahit pamilya mo na sila. anong sabi ni hubby?

Dhee-Dhee - sis, since you mentioned about IDs, pano mo na-update yun BIR mo? yun na lang at philhealth ang di ko pa na-update. ayaw ko ng iasa sa HR dito kasi baka di na rin asikasuhin since magreresign na rin naman ako. yung SSS and philhealth ko ako personally nag-ayos

hmm.. medyo weird ang feeling ko towards my inlaws kasi never ko pa sila na-meet ng personal. puro online chat lang, skype ganun. hindi sila nakauwi nun wedding namin dahil nagka-prob sila sa papers nila. namanhikan sila sa parents ko thru skype din. so medyo matagal ang learning curve ko to call the daddy & mommy. minsan tumawag sila sa bahay tita pa natawag ko kay MIL. based on our conversations, mukhang okay naman sila, makwento, lagi silang nagpapadala ng something sa akin pag may package. so ngayon, kung [textspeak!]-anong scenario naiisip ko paguwi nila, kung same pa rin ba treatment nila sa kin pag magkakasama na kami sa ibang bahay or whatever. si hubby kasi ang bunso din pero sa kanya naka-depende parents nya with taking care of financials pati na mga kapatid nya. parang kuya nya yung bunso dahil napaka-waldas sa pera, late 30s na pero never nagkaron ng stable na trabaho tapos nakadepende pa kila PIL, ultimo pang-print ng thesis nya kasi nagmamasteral daw sya eh hinihingi pa. tapos yun ate naman sya is special and i accepted the fact that in the future, sa amin sya titira. pero kasi ang hirap din pakisamahan kasi sobrang moody, laging nag-tantrums. nananakit tsaka laging nagdadabog pag sinusumpong.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #15 on: March 09, 2012, 05:57:18 am »
Yang in-laws, it's part of the package that we can't opt out on :P

I had a rough start with some of my in-laws when my hubby and I were still bf-gf. And I didn't really care back then whether they liked me or not or whether we talked or not cus my only concern was my hubby who was then my bf. But when we talked about getting married, I realized that i needed to fix my relationship with them too. So now, we're all ok. Not super close cus i don't get to see them a lot but we're really ok. I'm closer to the wives of my brothers-in-law, although we don't get to spend a lot of time together too.

When we got married, things just got different lang when I got pregnant cus we had to start taking things more seriously. Good thing lang is that my hubby and I are very in sync in terms of handling money. We've been saving since we started going out as a couple and we're quite wise on where to put our money so we never had to resort to borrowing from others at times of need.

In our 7 years of being together, we've been through a lot. But I always say this, and I strongly believe in this, that you need to fall in love with your partner everyday. It's a choice that I make everyday despite the times that I want to strangle him when we have spats. Respect is very important too. I' one of those couples na I don't like farting or burping in front of each other. I know it's a normal human thing but I strongly believe that you still need to respect each other despite the familiarity.

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #16 on: March 09, 2012, 09:34:41 am »
@blueflame Imagine my reaction sis when I read his father's message yesterday. ang dami ko gusto sabihin sis, mga sama ng loob, pero kasi I don't think na mapakikinggan ako baka lalo lang lumala ang problema para kasing yung side lang inlaws ko lang pinakinggan niya, without asking me or my husband. It's just masyadong below the belt. And diretso sa akin. My husband didn't know about it. Actually, masaya pa kami kahapon. Tapos I told him na nagmessage ang father niya sa akin. Sabi pa niya habaan ko daw ang reply but when I told him what his father told me, natahimik siya. Hindi ko na lang pinaramdam kay hubby na nasaktan ako. Kahapon kunwari na lang walang nangyari kasi naawa naman ako sa kaniya kasi parang naiipit siya. Tapos noong banggitin ko sa kaniya na may kanin at ulam pa sa mesa, pinigilan na niya ako magsalita kasi alam na niyang sasabihin ko. Even kasi iyong natirang kanin, ginawa nilang reason against me. Parang napraning na tuloy ako, sabi ko kay hubby if di na siya kakain ulit, ibibigay ko na sa aso. Kasi isa iyon sa reklamo nila sa akin, na nababahaw daw yung kanin. Pag inisip ko naman, I remember one time na hindi na talaga namin nakain yung food dahil kumain na kami sa labas. Ako naman dahil pwede pa naman iyon bukas, tinabi ko lang. I didn't know naman na sa kanila pala, after kumain, ang tira sa aso na lahat. I told my husband about sa suggestion ng father niya na doon na kami matulog sa kwarto sa kabilang house kasama ang inlaws ko. Pero he just said No. Kapag naiisip ko ang situation, kami ng husband ko wala talaga kaming problema. Pero before lagi niya pa sinasabi sa akin na huwag kang mahiya, feel free bahay mo rin ito, part ka ng family... pero kahapon tahimik talaga siya. Hindi ako nakatulog sis almost 3am gising pa ako. Tapos naiyak din talaga ako habang tulog siya.
« Last Edit: April 11, 2012, 11:03:02 am by Paperless »

carmichael18

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #17 on: March 09, 2012, 01:17:52 pm »
hello sisses!!

so happy to see familiar names here.. hi sis dhee, yaskulet, bluecharmz, periwinkle, blueflame!!

kami naman ni hubby since whirlwind romance nga ang nangyari sa amin, medyo marami pa rin talagang nadidiscover sa isat-isa... nakakexcite din naman.. and so happy na wala pa kaming major away since we got married, tampuhan meron, pero we never sleep na magka-galit..

pare-pareho lang tayo - sleepless nights talaga.. kahit wala pang baby.. kahit wala akong work, kasi madalas p rin akong nasa labas dahil sa client meetings.. minsan gabi uuwi, tapos start ulit ako ng work ko, tapos si hubby 6am ang pasok so i have to be up by 4am... nagpapabaon pa ako ng food sa kanya everyday.. minsan sa gabi ko na niluluto kasi nahihirapan din ako sa morning... pag-alis niya, yung pamangkin ko anman na highschool na super tigas ng ulo ang inaasikaso ko, tapos yung kuya ko na kasama ko rin sa bahay.. pag naka-alis na silang lahat saka palang ako nakakatulog... :( but of course, nakakapagod pero masaya ako pag may baon silang nadadala sa office or school.. naguiguilty ako kasi may time na, super busy sa business, halos everyday ang meetings, after office usually ng client.. hindi ko na nalulutuan ng dinner o baon yung asawa ko, hindi ko na inaabutang gising (kasi mga 9pm tulog na siya, ako nasa labas pa..) feeling ko i'm not being a good wife to him... syempre sabi niya naiintindihan niya, pero i know na deep inside, hinahanap niya pa rin yung pag-aasikaso ko sa kanya.. lalo pa, only child ang asawa ko lumaking may katulong... at least ngayon natututo siya...

sunday ang busiest day ko, ligpit ng labahin, prepare ng gamit, grocery, madalas pa ang family affairs namin pag sunday, so mag-asikaso pa ako.. tapos mga 11pm na, nagpplansta pa ako ng pang office ni hubby..

hay.. nakakapagod pala talaga.. pero siyempre masaya din.. lalo na pag medyo free naman kami, na-eenjoy namin yung time namin together..

change status pa lang sa SSS ang nagawa ko.. yung mga bank accounts ko wala pa rin napallitan kasi wala pa akong bagng ID...


Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #18 on: March 09, 2012, 02:22:22 pm »
@Dhee-Dhee: thank you so much sis pero you know what if anong nasa isip ko? to buy something na pwede pagsaluhan mamaya sa house. to break the gap. naawa kasi ako kay hubby, alam ko naiipit siya sa situation kahit di siya magsalita.. ang worry ko lang, what if deadmahin lang nila ako mamaya? Until now medyo shocked parin ako, na yung pananahimik ko eh nauwi pa sa ganito.

Buti sa iyo sis, okay ang inlaws mo na sa room ka lang at di nakikimingle sa kanila... inlaws ko kasi gusto dadaan pa kami sa kanila kada dadating kami. Nagalit din sila na pag dumating daw ako parang wala daw ako nakikita. I think iyon yung time na super badtrip na talaga ako, na ganon na nga lang ginagawa ko diretso kwarto parang walang nakita kasi ayoko na pagod na ako sa trabaho at biyahe, tapos may maririnig pa akong di maganda. ok, i admit na baka nga hindi maganda yung ginawa ko. pero i think iyon ang best way para lumamig ang situation eh. kaysa magsalita ako and makapagbitaw ng words na di ko na mababawi after. kung mali nga ako, di naman sana ganoon ang words na binitiwan ng father in law ko. he should have asked if may problema ba.. pero to the point na magsalita siya na ibang tao ako at nagsisisi siya na pinakasal niya kami parang sobra naman. in fact, he said na ako ang sinisisi niya sa situation, dapat daw nagsasalita ako. iyon ngang manahimik ako ganito na ang nangyari, what more pa kaya kung nagsalita ako.
« Last Edit: April 11, 2012, 11:09:32 am by Paperless »

itsmemia

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #19 on: March 09, 2012, 03:53:52 pm »
Hi mga sisses! Im just new here in female network.. ako naman I'm getting married next month. I'm just thinking lang what our life would be after being married. yun FMIL ko naman mabait naman sya. every weekend sa kanila ako natuloy. Pero hnd rin ako lumalabas ng room except kung mag ccr lang kasi ayoko dun makipag mingle sa kanila masyado baka ano pang masabi sakin. Pansin ko lang kasi sa kanya these past few weeks na nagaayos kami ng invitation, mejo maarte talaga sya gusto nya yun mga kinuha nyang ninongs e lahat sa unahan. puro mayor ba naman at congressman. ok lang nman sakin e ang iniisip ko lang kawawa naman yun mga ninong at ninang ko talaga na panghuli. ok [textspeak!] un mga mayor mejo huli, may title na [textspeak!] sila. [textspeak!] ko ky bf i suggest sa mami nya na ishuffle nalang. sabi ni bf ako daw masusunod kung ano gusto ko..hehe. buti nalang nakikinig bf ko sakin.. :) Overall, mabait naman talaga future in laws ko. Tuwing uuwi sya dito from US dami nya lagi uwi sakin. heheh

 

Latest Stories

Load More Stories
Close