watch now

Author Topic: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na  (Read 7525 times)

candid_girl

  • Guest
Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« on: March 01, 2012, 03:25:15 pm »
i don't know mga mommies kung meron ganitong topic, i just wondering my daughther have a lots of cloths some of them slightly used na, then ala pa syang kasunod eh napupuno na kabinet namin, ano ginagawa nyo? pinamamana nyo ba sa mga nieces,daught/son ng mga friends, charity or tabi na lang para sa susunod na baby?

anneG

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #1 on: March 01, 2012, 04:34:23 pm »
i put them in 1 bag for future use, hindi na pala namin magagamit ulit kasi girl yung eldest namin then si baby#2 na nasa tummy ko is a boy. So inipon ipon ko na lang yung mga damit ni baby girl para ipapamana sa mga SILs ko hindi pa sila married. Almost all of baby girl's stuff came from States kaya di ko basta basta mapamana sa ibang relatives, yung mga pambahay & local items pinapadala ko sa province may niece ako dun.

stormy

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #2 on: March 01, 2012, 04:42:18 pm »
Yung mga halos d nagamit I give to friends, yung iba naman kung may manghingi binibigay na. Hindi ko na pinapanghinayangan kahit mahal yun item kasi matutuwa naman yung pagbibigyan :) d naman na magagamit. Lesson na lang na lagi ko yata nakakalimutan e wag bumili ng sobra2x dahil mabilis talaga makalakihan :)

ella

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #3 on: March 01, 2012, 05:06:25 pm »
mahirap talaga mag ayos ng mga clothes ng mga kids kasi mabilis sila lumaki so madami agad ang naliliitan nila. what i do naman is separate ko na yung mga old clothes nila tapos ilalagay ko sa box then i will label it na for donation. last time naman, yung mga old clothes ng youngest ko dinala ko sa grace to be born, its an institution for unwed mothers.  the same with their shoes, separate box din tapos labeled din.

imeego

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #4 on: March 01, 2012, 05:13:15 pm »
i donated most of my baby's old clothes, shoes, blankets etc  to the typhoon victims in CDO except for the clothes na may sentimental value talaga sa akin like the one he wore when he was roomed in, his baptismal clothes etc...ako din kahit mahal yung ibang clothes ok lang at least nakatulong naman...saka we're hoping na baby girl yung next so ipamigay na,,but if boy pa din bili na lang ng bago ;D

kalaiyaan

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #5 on: March 01, 2012, 05:13:47 pm »
Ipinamigay ko ng lahat, para naman mapakinabangan.
Nakakatuwa palang makita sa picture ng pinagbigyan na suot ang mga damit ni baby.

Ang dami ko nanamang ipamimigay ngayon, ang bilis bilis lumaki ni baby.

and swerte swerte ng makakatanggap ng mga chuck taylor nya. :)

honey_iya

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #6 on: March 01, 2012, 05:16:01 pm »
Yung sa daughter ko yung iba binigay ko sa pamangkin ko pero madami parin natira more on panglakad yung natira. nasa maleta. 8 years old na daughter ko. buntis ulit ako ngayon pero if ever boy ito, plan ko ibenta online para pambili naman ng damit for boy. tipid mode eh :P

lclanzaderas

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #7 on: March 01, 2012, 05:42:51 pm »
binibigay namin sa kapitbahay namin nung nakatira pa kami sa bahay ng MIL ko
ngayon na dito na kami nakatira malapit sa mother ko, binibigay namin sa kanya para ibigay sa relatives namin.  :)

candid_girl

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #8 on: March 02, 2012, 08:32:15 am »
Yung sa daughter ko yung iba binigay ko sa pamangkin ko pero madami parin natira more on panglakad yung natira. nasa maleta. 8 years old na daughter ko. buntis ulit ako ngayon pero if ever boy ito, plan ko ibenta online para pambili naman ng damit for boy. tipid mode eh :P

its a very good and practical idea sis :-)

freelancer_babe

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #9 on: March 02, 2012, 08:42:10 am »
Nice! Dami ko ring naipon na damit ng kid ko na nakalakihan na.

Noon kasi dinadala namin sa probinsya ang mga damit. Ngayon bihira na kaming magpunta. Tatay ko ang mapangahas magdrive sa probinsya na yun - it's high up sa mountains, literally, at mahirap puntahan with the rough roads and landslides.

I have to find new ways para i-"dispose" ang mga damit. Sa ngayon naiipon lang sa cabinet kasi hindi naipapamigay.

Sa ngayon ang idea ko to dispose them would be on the next typhoon season, kung may hihingi. Napansin ko wala na akong makitang tumatanggap ng old clothes tuwing Alay Pasko.

I don't have the patience to sit on a garage sale.

Yung sanang susunod para sa next baby is out of the question. I'm a single mother for more than a decade na. Alanganing masundan.

Some of those clothes and old shoes too, I give to my mechanic. Marami siyang daughters.

robinemz

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #10 on: March 02, 2012, 05:28:24 pm »
yung mga slightly used clothes na nalakihan ng girls ko, i give it to my niece who's just a year younger than my bunso.

yung mga used talga pero ok pa rin i either save for donation or give it to our yaya for her grandchildrens..

pero nung wala pa akong pamangkin, i sell those slightly used clothes on ebay.:)

a_y_e_n

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #11 on: March 02, 2012, 05:58:30 pm »
tinatago ko yung iba. im hoping magagamit ulit pag nasundan na ang baby boy namin. kung girl ang next baby namin, baka ibenta or ipamigay ko nalang yung mga pang boy na gamit ng anak ko.

super bratinella

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #12 on: March 03, 2012, 08:28:11 am »
Mabenta sa garage sale ang mga damit ng baby ko na kinalakihan na niya kasi naman once or twice lang niya nagamit kasi bilis tumaba ng anak ko, tapos there are dresses na hindi talaga na gamit binibigay ko sa inaanak ko..

hmist

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #13 on: March 03, 2012, 10:54:06 am »
Pamana sa siblings, in-laws, cousins na nanganak. :) Actually, style namin ng sister and SIL ko is palitan ng damit, hehe. Firstborn ko kasi boy, firstborn naman sister ko girl. Ngayon naman 2nd baby ko girl, siya naman manganganak ng boy this month. Hehe, kaya masaya, di masyado magastos sa damit. :)

vbhyaknoj

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #14 on: March 03, 2012, 05:22:00 pm »
Charity

mishyla

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #15 on: March 03, 2012, 06:49:12 pm »
some of my baby's clothes were hand me down from her cousin that is 2 years older. SOme were we bought, though i already have this practice of not buying too many clothes kasi super bilis nila lumaki.

What I did, yung mga pambahay na clothes ni baby na okay pa talaga, we donated it sa ABS para sa Mindanao na nabagyo last year.

Yung mga ibang clothes na magaganda pa, panlabas or pambahay and shoes. nakatago lang sa isang container, reasons:

- if magkababy ulit at girl, may magagamit pa siya.
- if magkababy yung ate ko.

puro pamana lang din, pero chosen relatives lang, yung alam na maingat, para mapakinabangan din ng iba pang generations.

SnowBall

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #16 on: March 03, 2012, 07:53:29 pm »
Lahat ng clothes ng panganay ko na pwede sa kapatid niyang bunso, ayun si bunso na gumagamit ngayon, yung hindi na pwede kasi babae si ate, pinamigay na namin sa mga relatives sa province, lahat like new pa, kasi siyempre, mabilis lumaki ang bata.

Si bunso naman, dahil hindi na ako mag aanak pa, ipapamigay na lang din namin. :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #17 on: March 03, 2012, 11:10:08 pm »
All of Zoe's expensive clothes and shoes are stored in one of our closets. Yung mga mura lang, pinamigay ko halos lahat. Everytime kase na may pupunta dito samin na mukhang mas nangangailangan samin, I just cant resist na magbigay. But lahat ng branded, tinago ko.

jorhen

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #18 on: March 04, 2012, 09:53:12 am »
yung mga brabded na once or twice lang nasuot ni baby ko, i sell them online.. :) yung iba pinapamigay ko..yung iba baka dalahin na lang namin sa dswd. wala na kase sasalo ng mga clothes niya..wala na ata balak magka baby pa mga older brother at sisters ko. i'm the youngest and im already 31 years old, my baby is 10 months pa lang..no plans pa na masundan or kung susundan pa talaga..kaya sayang kung matatambak lang.. :)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Ano ginagawa nyo sa mga damit ni baby na nakalakihan na
« Reply #19 on: March 04, 2012, 09:57:20 am »
I give it to my sister or my cousin.. sila tagapag mana ng mas maliliit na damit ng baby ko hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close